Share

Kabanata 6

Author: Chrispepper
last update Last Updated: 2022-07-31 22:28:31

“KING, IBA ang ngiti natin ngayon, ah,” pang-aasar sa kaniya ni Kobe—isa sa mga kaibigan niya. Inaya kasi siya nito maglaro ng basketball. At ngayon nga ay kasalukuyan silang nagwa-one on one.

“I finally found her, Tanda,” sagot sa kaniya ng kausap.

Hawak ni Ken ang bola. Inaagaw ito sa kaniya ni Kobe habang todo iwas naman sa kaniya iyong isa. Hindi tuloy makapaniwala si Ken kung paanong naging coach ng basketball ang kaibigan niya gayong hindi naman nito maagaw sa kaniya ang bola.

“Sino?” tanong ni Kobe na ngayon ay tagaktak na ang pawis sa noo. Medyo hingal na rin ito.

“Queen.”

Humakbang paatras si Ken saka inihagis ang bola sa ere para mag-shoot. Pasok!

Napahinto sa paglalaro si Kobe at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya “You mean . . . ”

Tinanguan lang siya ng kausap habang nagpupunas ng pawis.

“Wow, kailan mo pa siya nakita?”

“Matagal na. Halos anim na buwan na rin simula noong una. Pero isang linggo mahigit ko pa lang siya ulit nakakasama. Pinauwi ko siya sa unit na dati pa dapat nasa kaniya.”

“Ano’ng sabi niya sa iyo nang magkita ulit kayo? Yumakap ba siya? Umiyak? Bakit daw siya biglang nawala?”

“Wala.”

“Anong wala?”

“Wala siyang reaksyon. Ako iyong natulala.”

“F*ck, sa apat na taong hindi kayo nagkita, wala siyang reaksyon!?”

Naupo silang dalawa sa bench. Halos sabay pang uminom ng tubig.

“Maski na mallit na detalye tungkol sa akin ay wala siyang maalala. Hindi ko lang maintindihan kung bakit itinago siya sa akin ni Karl sa loob ng dalawang taon. Kaya pala hirap na hirap akong mahanap si Cia ay dahil hinaharang niya ang lahat ng plano para lang hindi ko siya matagpuan at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi sa akin ang dahilan."

“Tanungin mo siya. Baka may malalim siyang dahilan kung bakit niya iyon ginawa.”

“Ang sabihin mo, may malalim siyang nararamdaman sa girlfriend ko.”

“G*go, hindi ka naman sigurado riyan. Mas maigi na alamin mo muna mismo kay Karl bago mo unahin ang galit mo sa kaniya.”

 ♡ ✿ ♡ ✿ ♡

“HALA, DITO lang tayo sa office mo? Akala ko pa naman magde-date tayo,” nakasimangot na sabi ko sa kaniya.

Nag-text kasi siya sa akin na gusto niya raw akong makasama kaya akala ko idi-date niya ako sa labas. Mali pala ako ng akala.

“Magkasama naman tayo dito, hindi ba?” sagot naman niya sa akin. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Naupo ako sa upuan na katapat ng table niya.

“Nag-expect kaya ako na pupunta tayo sa park, sa mall, ganoon. Typical na date ba. Kasi hindi ba, ganoon naman ang quality time ng mag-boyfriend at girlfriend? Saka simula nang nag-start tayo hindi man lang tayo nagkaroon ng date kahit isang beses. Magdadalawang buwan na pero lagi ka na lang dito sa office mo tumatambay,” paliwanag ko pa sa kaniya.

Sandali siyang napaisip at panandaliang tumingin sa akin. Siguro ay na-realize niya rin siguro ang sinabi ko.

Pero teka, hindi ba ako nagmukhang demanding sa sinabi ko sa kaniya? Hindi naman talaga kami magkarelasyon pero grabe naman yata ako mag-demand. Saka . . . baka may need akong gawin today na part ng pagpapanggap ko kaya niya ako pinapunta rito.

“Someone wants to meet you today that's why I ask him to come here. Sorry kung nag-expect ka.”

Napasimangot na lang ako.

Busy ngayon si Ken sa pagpirma ng kung ano-anong mga papel. Bukod pala kasi sa coffee shop na ito ay mayroon pa siyang mina-manage na business nila ng mga magulang niya. Kung hindi ako nagkakamali tungkol iyon sa mga games. Hindi ko pa nga lang alam kung anong klaseng mga laro ang gawa nila. Napaka lawak naman kasi ng ari-arian ng mga Alvarez.

“Kaibigan mo ba?”

“Yes.”

“Ah.”

Hinayaan ko na lang muna siyang gawin ang ginagawa niya. Sa sobrang busy niya, parang isinisingit na lang niya ako sa ginagawa niya minsan. Pero sino ba ako para mag-demand ng time at attention sa kaniya? Feeling girlfriend naman ako masyado, fake lang naman lahat ng ito.

Siguro ay hindi lang din ito ang in-expect kong takbo ng mga relasyon. Ano ba ang malay ko, eh NBSB naman ang lola ninyo. At, hello Ciashet, fake lang kayo baka nakakalimutan mo?

“King Babyyyyyyy.”

Boses iyon mula sa labas ng pintuan. Lalaki iyon na tinatawag ang pangalan niya nang pakanta. Parang nang-aasar. Binalingan ni Ken ng tingin ang pinto habang umiiling-iling.

“Come in!” sigaw pa niya—para pa ngang naiinis.

May nagbukas ng pintuan. Halos mapanganga naman ako nang makilala ko kung sino iyong pumasok.

“Coach!?” gulat pang tanong ko. Tumingin siya sa akin. Parang nagulat din siyang malaman na kilala ko siya.

“Ikaw iyong madalas na kasama ni Ms. Navarro sa training, hindi ba?”

Napatango naman ako. OMG, sasabihin ba ni Ken kay Coach iyong tungkol sa pagbabayad niya sa akin para maging girlfriend niya?

“Oo nga, tama. Ang tagal na rin kasi mula nang huli kitang makita kaya hindi na rin kita masyadong namukhaan,” kumakamot pa sa batok na sabi niya.

“Nagkita na pala kayo, eh ’di umalis ka na,” masungit na sambit ni Ken sa kaniya. Akala ko ba magkaibigan sila? Bakit ang gaspang ng ugali ni Ken sa kaniya?

“Hindi pa naman kami pormal na magkakilala. Baka puwede mo naman akong ipakilala sa menor de edad na ito,” may pang-aasar sa tonong sabi ni Coach sa kaniya.

“You’re just old, that’s why she looks younger when compared to you,” sagot ni Ken.

Bakit ganiyan niya kausapin si Coach? Saka, wow ha, noong si Coach na iyong kausap niya ay nagawa niyang ihinto ang pagharap niya sa mga papeles. Dapat ba akong magselos?

“Oo na,” natatawang sabi niya. “Mas gumanda ka ngayon, Ciashet. Long time no see. Kaya pala baliw na baliw pa rin sa iyo itong si King, eh.”

Iniabot niya sa akin ang kamay niya. Nakikipagkamay. Inabot ko rin naman iyon.

“It’s nice to formally meet you, Coach.” Nakangiti ring sabi ko.

“Enough for the handshake, bro,” matalim ang tingin na sabi sa kaniya ni Ken.

“Seloso, amp*ta,” natatawang sabi ulit ni Coach sa kaibigan niya. Pati tuloy ako ay natatawa na rin.

Naupo si Coach sa upuan na nasa tapat ng table ni Ken. Si Ken naman ay tumayo at kinuha ang isang upuan saka inilagay sa tabi ng upuan niya.

“Dito ka sa tabi ko,” utos niya sa akin.

Gaya ng sinabi niya, lumipat ako ng upo sa upuan katabi ng sa kaniya. Balik na naman ang atensyon niya roon sa papel na tinatrabaho niya—panay na naman ang pirma.

“Ang busy naman masyado ng boyfriend mo, Ciashet. Kung ako sa iyo, iiwan ko iyan at maghahanap ako ng iba,” patawa-tawang sabi ni Coach sa akin. Nangiti lang naman ako.

“F*ck you!” malutong na sabi ni Ken. Pasimple ko siyang kinurot sa hita niya. Napalingon naman siya sa akin nang salubong ang kilay.

“Umayos ka nga ng pagsasalita mo,” pananaway ko. Para na kasi siyang walang galang.

“Ganito kami mag-usap, sanay ang isang iyan.”

“Kahit pa! Matuto kang rumespeto,” pagtatama ko pa rin. Obvious naman na mas matanda sa kaniya si coach kaya dapat ay hindi siya ganoon makipag-usap.

“Respect kasi, King. Napaka bastos ng bibig mo, eh,” pang-aasar naman ulit ni coach sa kaniya na ikinasama na naman ng tingin ni Ken.

"By the way, Ciashet, what have you been in the past 4 years?” Biglang tanong sa akin ni coach.

Napaisip tuloy ako. Ano nga ba ang ginagawa ko noong mga panahong iyon?

Naramdaman ko ang pagbaling ni Ken ng tingin niya sa akin, mukhang nag-aabang din siya sa isasagot ko.

“Uhm . . . tumira ako sa Tita Gloria ko—sa Pampanga. Nag-stay ako ng dalawang taon doon bago niya ako pinapunta rito dahil may nag-alok daw ng scholarship sa akin,” pagkukuwento ko.

“Bakit ka tumira roon?” curious pa niya ulit na tanong.

“Ang kuwento sa akin ni Tita Gloria, naaksidente raw kami nila mama at papa habang papunta kami sa kanila. Pagkatapos—”

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang balikan ang panahon na iyon. Hindi ko maalala ang eksaktong nangyari pero ang sabi ni Tita Gloria, iyon daw ang naging dahilan ng pagkamatay nila mama at papa. Nagising na lang ako na naroon na ako sa bahay nila Tita Gloria at siya na nga ang nagbalitang ako lang daw ang nakaligtas sa aksidenteng iyon na hanggang ngayon ay hindi ko talaga maalala.

“It’s okay, Ciashet, okay lang kahit hindi mo na ikuwento,” nakangiting sabi sa akin ni coach. Napansin ko pa ang saglit na pagtitinginan nila ni Ken.

“Sorry, coach, maski rin kasi ako ay hindi ko alam ang eksaktong nangyari kung paano ako napadpad doon sa bahay ng Tita ko. Parang nagising na lang ako isang araw mag-isa na lang ako . . . wala nang mga magulang.”Pinahid ko ang namuong luha sa mata ko. Napansin kong nakatingin na sa akin si Ken kaya iniiwas ko sa kaniya ang mukha ko. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko at pagpisil pa rito.

Tumayo na si Coach at saka pa nag-inat. “Aalis na ako kaagad, bro, may training pa ako kina Santiago, eh.”

“Sige na, umalis ka na. Ingat ka na lang g*go ka.”

“T*ngina mo, ang sweet mo talaga.” Ibinaling sa akin ni Coach ang tingin niya. “Bye, Ciashet. I hope you’ll move on on that kind of pain. Huwag ka mag-alala, King is there to help you with that,” He said with a wink of an eye.

Ngumiti na lang ako saka pa kumaway. Nang makalabas na si Coach sa office ni Ken ay dali-dali akong tumayo at tinungo ang bintana saka ito binuksan para makasagap ng hangin. Huminga pa ako nang malalim para maibuga ang kung anumang naging mabigat sa dibdib ko nang alalahanin ko ang mga magulang ko.

“Are you okay?”

Nagulat ako nang maramdaman ko ang yakap niya sa akin mula sa likod. Nakapulupot ang mga braso niya baywang ko at ang mukha naman niya ay ipinatong niya sa kaliwang side ng balikat ko.

Tumango ako bilang pagtugon sa itinanong niya. “Na-miss ko lang sila Mama at Papa. Pilit ko mang alalahanin ang nangyari noon pero hindi ko talaga matandaan.”

“I’m sorry for your lost, Love. Sana lang ay naroon ako sa tabi mo noong mga panahong iyon pero wala akong magawa. Hindi kita mahanap.”

Mas humigpit pa ang pagyakap niya sa akin. Ngayon naman, isiniksik niya sa leeg ko ang mukha niya. Nakikiliti tuloy ako sa hininga niya.

“I’m sorry,” dugtong pa niya sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Humarap ako sa kaniya saka pa hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

“Sorry saan? Sa hindi mo pagdamay sa akin noon? Hindi pa naman tayo magkakilala noong mga panahon na iyon kaya hindi mo naman responsibilidad na damayan ako.”

Hinigit niya ako palapit sa kaniya at nakasubsob na ngayon ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.

“Sorry for being too busy lately. Tama ka, hindi pa nga kita naide-date nang maayos.”

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Nakakahiya, inisip pala talaga niya iyon.

“Ano ka ba okay lang iyon, ano. Biro lang naman ang sinabi ko kanina. Ikaw kasi, subsob na subsob sa ginagawa mo, ni hindi mo man lang ako nililingon habang kinakausap mo ako kanina. Hindi mo na dapat masyadong inisip ang sinabi ko, alam ko namang kung anumang mayroon tayo ngayon, dahil lang iyon sa nakakontrata ako sa iyo.”

“Nakakontrata man or hindi, I promise that I’ll be a better boyfriend next time. Babawi ako once na mai-settle ko na ang mga dapat kong maiayos sa company ni Dad at iyong dito sa business ko na ito, pangako iyan.” Dumistansya siya nang kaunti pero pinanatili ang malapit na distansya naming dalawa. Nakatingala naman ako ngayon sa kaniya. “We’ll start collecting new and more memories together.”

Hindi ko maitago ang mga ngiti ko dahil sa pagiging sweet ni Ken ngayon. Para kasing totoo.

“And because of that . . . I also promise that I will be a better fake girlfriend next time, Ken,” nakangiting sabi ko sa kaniya bilang pambawi.

Kailangan kong ipaalala palagi sa sarili ko na it’s just a job. Nothing more, nothing less. Baka kasi bigla akong masanay tapos kapag dumating ang time na aalis na siya sa buhay ko ay bigla akong maglupasay.

Naramdaman ko ang pagpitik niya sa noo ko. “It will be better if you will remove the word 'fake'.”

“Ayoko nga,” sagot ko saka pa kinamot ang parteng pinitik niya.

Humarap na ako ulit sa bintana para itago na ang ngiti ko. Hindi ko na mapigilan.

“Anyway, I’ll have an interview today. May mga nag-aapply kasi for a part time job. Sakto at kulang na ako ng isa pang crew.”

“Okay. Ako naman uuwi na muna. Wala naman akong klase ngayon kaya maglilinis muna ako ng unit ko.”

“Puwede mo naman nang ipalinis iyon sa mga tao ko roon sa hotel. Magpahinga ka na lang.”

“Ayoko nang iasa sa kanila iyon, ako na ang gagawa.”

“Okay, kung iyon ang gusto mo. Tara at sabay na tayo sa ibaba. Ipahahatid na lang din kita kay Mang Calix.”

“Kahit huwag na. Okay lang naman sa akin ang mag-commute.”

“Are you sure?” nagsasalubong ang kilay pang tanong niya.

Tumango ako sa kaniya. Ayoko naman nang istorbohin pa si Mang Calix. Hindi ko naman din magamit ang kotseng ibinigay sa akin ni Ken dahil wala naman akong lisensya at hindi rin naman ako marunong pang mag-drive. Sinabihan ko na kasi siyang huwag na akong bilhan kaso ang kulit talaga ng Ken na ito.

Kinuha ko na ang bag ko. Sakto namang tumunog ang cell phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, si Gwen pala.

“Bakit?” Kaagad kong tanong nang sagutin ko ang tawag niya.

“Nasaan ka ba? Narito kami ngayon sa Thanks-a-Latte, mag-aapply si Marj as crew, sumama ako para makita si Sir King!”

Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Kung bababa ako ngayon malamang sa malamang ay makikita ako ni Gwen.

“N-Nasa Thanks-a-Latte na kayo?”

“Oo, chaka ka! Tara na rito, bilisan mo.”

“Naku, Gwen, hindi ako puwede ngayon, eh. Ano kasi . . . naghahanap ako ng work.”

“Eh ’di dito ka na mag-apply! Hiring sila ngayon.”

Napasapo ako sa noo ko. Jusmiyo naman itong si Gwen, oo.

“S-Susunod na lang ako kapag may oras pa. Enjoy na lang kayo.” Kaagad kong ibinaba ang linya at tumingin kay Ken. “Nasa ibaba sila Gwen, hindi nila ako puwedeng makita rito.”

“Why not?” nagtataka pa niyang tanong.

“Malalaman nilang magkakilala na tayo. Worst, baka malaman pa nilang kinuha mo ako to act as your girlfriend.”

“Eh ’di huwag mo sabihing may kontrata. Sabihin mo lang na girlfriend kita at hindi mo na kailangang mag-explain sa kanila kung paano at kailan nangyari.”

Napabuntonghininga na lang ako. Hindi naman kasi ganoon kadali iyon.

“Kinakahiya mo ba ako?”

“Hindi naman sa ganoon, Ken. Bakit naman kita ikakahiya? Hindi pa kasi ako ready na malaman nila iyong tungkol sa pagpapanggap natin.”

“Okay, if that’s the case, I understand.” Tumalikod na siya sa akin at mukhang bababa na para sa interview.

Lumabas na siya ng kuwarto. Ako naman, naupo na lang doon sa swivel chair niya habang nag-iisip kung paano ko ipapaalam kay Gwen ang tungkol sa amin ni Ken. Nahihiya kasi ako kaso parang nao-offend ko naman si Ken dahil hindi ko siya kayang ipakilala sa kaibigan ko.

“Bakit bumalik ka kaagad?” takang tanong ko nang bumalik kaagad siya dito sa office wala pang sampong minuto ang nakakalipas.

“I cancelled the interviews. Kung hindi mo sila kayang harapin ngayon, baka mas lalo na kapag tinanggap ko siya rito. Baka siya pa ang maging rason kung bakit hindi ka na pumunta rito.”

I felt guilty and at the same time, masaya ako sa pag-consider niya sa feelings ko. Kaagad akong lumapit sa kaniya at saka siya niyakap.

“Thank you so much, Ken.”

Yumakap din siya sa akin pabalik saka hinalikan ang buhok ko. “You’re welcome. But you owe me a dinner tonight.”

“Sure,” ngiting-ngiting sabi ko sa kaniya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 49

    HANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 48

    MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 47

    “THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 46

    “WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 45

    “SURE BA kayo sa plano?” tanong ni Harvey sa apat pagkarating na pagkarating nila sa tagpuan ng grupo–sa headquarters. Iniwan na nila sina Ciashet at Karl sa unit nito. Si Ken naman ay nasa sarili niyang unit at naglilibang ng sarili. Si Lawrence naman ay may date kasama ang girlfriend na si Maureen. “Sure na,” sagot ni Kobe. Halata sa mukha niya na hindi naman talaga siya sigurado pero kailangan nilang sumugal para roon sa dalawa. “Si Karl talaga ang kakausapin natin na gumawa niyon?” paninigurong tanong pa ulit ni Harvey. Gusto nilang pag-isipan muna nang maigi ang plano bago nila ito isagawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nagkaroon ng feelings si Karl noon kay Ciashet at hindi naman malabong mangyari iyon ulit ngayon. Baka mas lalo lang hindi maging maganda ang samahan ng dalawang magkaibigan dahil dito. “Siya lang ang may kakayahang gumanap, eh,” sagot muli ni Kobe pagkatapos ay naupo sa maliit na sofa. “At isa pa, hindi ba’t dahil lang din sa pagseselos

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 44

    “Halika rito, mare, bilisan mo,”Hila-hila ako ngayon ni Gwen dito sa SM Megamall para maglibot-libot. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang bilhin pero lahat na yata ng stores dito ay napasok na namin pero wala pa rin siyang nabibili maski na isa. Konti na nga lang ay iisipin ko nang nagwi-window shopping lang ang isang ito, eh.“Ano ba talaga ang gagawin natin dito, mare? Napapagod na akong maglakad,” reklamo ko pa sa kaniya. Isang buwan pa lang ang baby ko ay parang gusto na akong matagtag nitong kaibigan ko, susme.“Naghahanap kasi ako ng dress para sa magiging date namin ni Kobe. Hindi ba kauuwi lang nila ngayon mula sa Batangas? Bukas lalabas kami kaya kailangan kong maghanda. So please, help me, okay?”“Handang-handa ka naman masyado. Kailangan ba talaga bago ang damit kapag makikipag-date? Saka . . . may label na ba kayo, ha?” tanong ko pa sa kaniya.Saglit siyang napahinto sa paglalakad saka pa nakangusong lumingon sa akin.“Huwag ka ngang manira ng trip diyan, mare. Huwag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status