NASA SASAKYAN na kami. It’s already 6:30PM nang magdesisyon na si Ken na umuwi dahil nga ang usapan ay 7 p.m. ay dapat nasa bahay na kami.Nakahawak lang siya sa kamay ko all throughout the ride at hindi man lang nag-atubiling magsalita ng kahit ano. Kapag ganito kasing tahimik siya, alam kong malalim ang iniisip niya or mayroong something na gumugulo sa kaniya.“Ken?” Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay matapos kong tawagin ang pangalan niya. Nakatingin ako sa mukha niya na ngayon ay nakaside view sa akin dahil nga sa magkatabi kami ngayong nakaupo rito sa likuran ng sasakyan habang si Mang Calix ay nagmamaneho. Siguro ay kailangan ko lang siyang daldalin para matuon sa iba ang atensyon niya.“What?”Naramdaman kong ililingon niya ang ulo niya sa akin kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Baka kasi ako naman ang hindi makapag-focus dahil sa mga titig niya kaya naman mas pinili kong sa rear view mirror na lang siya silipin. Hindi nga ako nagkamali. Ngayon nga a
“ANO NA naman ba ang ginagawa mo rito, Cia? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay mo kundi ang buwisitin ako!?” bulyaw sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita binubuwisit, ah!” nakangusong sabi ng babae sa kaniya. “Sabi ko naman sa iyo ay pupuntahan kita rito kapag may vacant time ako, hindi ba?”“Oras-oras ba iyang vacant mo? T*ngina!” Mababakas sa hitsura ng lalaki ang pagkainis. Para kasi sa kaniya ay walang ibang ginagawa ang babaeng ito sa buhay niya kundi ang manggulo at pataasin ang dugo niya.“Huwag mo na lang kasi akong pansinin, Love. Saka, bakit hindi ‘Love’ ang tinatawag mo sa akin, ha?!” kunwari pang naggagalit-galitan ang babae sa kaniya.Tanging masasamang tingin lamang ang iginaganti niya sa babae para maiparating dito ang pagkainis niya sa presensya nito. Ilang beses na niya itong itinaboy sa buhay niya pero hindi ito marunong sumunod.“Tingnan mo na, ang sama-sama na naman ng tingin mo sa akin, hindi naman kita inaano!” sabi ng babae na kulang na lang ay sabita
“MAG-AAPPLY KA sa AlPerez Hotel para sa OJT natin? Okay ka lang ba? Masyadong bigatin ang hotel na iyon, siguradong magbabayad ka nang malaki para tanggapin ka nila,” sabi sa akin ni Gwen.Narito kami ngayon sa isang bench na nasa ilalim ng lilim ng malaking puno. Nasa quadrangle kami ng school at inaasikaso ang mga curriculum vitae namin habang lunch break. Pinag-uusapan na rin namin iyong tungkol sa mga companies na puwede naming puntahan para sa on-the-job training namin.Hindi siya naniniwalang matatanggap ako sa hotel na iyon for OJT. Hindi ko kasi sinabing si Ken mismo ang nagsabi sa akin na gawin iyon. Kagabi kasi, bago matulog ay napag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon.Speaking of kagabi. Pucha, hindi pa rin ako maka-move on sa isiping buong magdamag na nakadikit sa akin ang katawan ni Ken. Ayokong magpaka-manyakis ngayon pero kasi . . . ugh!“Oh, tingnan mo na, namumula na ang mukha mo sa hiya mo sa sarili mong pangarap, ano? Wala na bang mas mataas pang hotel kang bi
“IT’S TOO early, papasok ka na kaagad?” tanong sa akin ni Ken nang magkasabay kami sa elevator.Papunta na ako ngayon sa San Carlos University para ihatid itong letseng papel na ito. It’s just seven o’clock in the morning at alam niyang ten o’clock pa ang klase ko.“Oo eh,” sagot ko sa kaniya. “May dadaanan din kasi ako.”“Saan?” Nakapamulsang tanong niya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pababang numero sa elevator tanda na bumababa na kami ng floor. Nakaitim siyang sweatshirt at pants na pinartneran ng puting low cut converse shoes. May suot din siyang itim na cap. Batay sa ayos niya ngayon, mukhang hindi sa coffee shop ang punta niya.“Basta . . . school stuff,” simple kong sagot na sinabayan ko pa ng pagngiti.Ayoko nang malaman pa niyang sa San Carlos University ako pupunta dahil baka wala siyang ideya tungkol sa school na iyon pagkatapos ay bigla siyang sumugod. Baka mabugbog pa siya. Ano namang magiging laban niya kung sakali?“Do you want me to accompany you? Off ko ngayo
“HI, SIR, good afternoon po,” pagbati ko nang makapasok ako sa Principal’s office. Naupo ako sa upuan katapat ng desk niya. Kasalukuyan siyang may binabasang papel ngayon at ni hindi man lang ako nilingon kahit na sandali.“Ano ang pakay mo rito?” masungit pa niyang tanong sa akin. Matapos ay tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa.Inilagay ko sa table niya iyong papel para sa mga magpa-practice teaching.“Ipinabibigay po ng Dean ng University de Santiago.”Tumango lang siya sa akin pagkatapos ay inilagay ang iniabot kong folder sa ibabaw ng iba pa niyang papeles na nasa ibabaw ng mesa niya. Tumayo siya at lumapit sa mga kumpol din ng mga files na nakalagay sa drawer hindi malayo sa mesa niya. May kinuha siyang isang green na folder at iniabot iyon sa akin.“Ibigay mo naman ito sa Dean ninyo at bumalik ka rito para sa magiging sagot niya.”I just smiled at him bitterly. Asa ka pang babalik ako sa impyernong ito.Inilagay ko na iyong folder sa loob ng bag ko at pagkatapos ay nagpaalam n
“KEN, SINO iyang kausap mo?”Kalalabas ko lang mula sa isang kuwarto matapos kong magpalit ng damit nang mapansin kong may kausap sa cell phone niya si Ken. Napansin ko kasing medyo seryoso iyong mukha nito habang may kinakausap sa kabilang linya. Nilingon niya ako sandali saka pinatay ang tawag.“Nothing,” saad pa niya pagkatapos ay mabilisang inilagay sa bulsa ng kaniyang sweat pants ang cell phone niya.“Ganoon ba?” Lumapit ako sa kaniya habang inaayos pa ang pagkakatuck ng puting t-shirt sa paldang suot ko. “Papasok na ako maya-maya. May pinaaabot din kasi iyong principal ng San Carlos sa Dean ng educ . . . baka importante.”“Papasok ka nang ganiyan ang suot mo? Papayagan ka ba ng mga guwardiya?”“Oo?” may pag-aalinlangang sagot ko. “ . . . maiintindihan naman siguro nila kung bakit ganito ang kinahinatnan ko. Hindi ko naman ginusto ito.” Naupo ako sa kulay itim na sofa na naroon malapit sa likuran ni Ken. Nakatalikod siya sa akin ngayon.“Ikaw ang bahala,” simpleng sagot niya sa a
KANINA PA akong naghihintay kay Ken dito sa tapat ng unit niya. Kating-kati na akong malaman ang katotohanan. Hindi ko alam kung matatanggap ba iyon ng sistema ko pero sa ngayon ay hindi ko muna iyon iniisip. Gusto kong magtapat sa akin si Ken tungkol sa nakaraan naming dalawa. Gusto kong maalala siya at ang mga bagay na pinagsaluhan naming dalawa noon.Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi. Hindi ko alam kung ano iyong business na tinutukoy niya kanina pero masyado naman yata siyang ginabi ngayon at parang kataka-taka na. Ilang beses ko siyang tinawagan at tinext pero wala siyang reply maski na isa.Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kaniya o hindi. Naguguluhan ako . . . bakit hindi niya sinasabi sa akin kung ano ang hindi ko naaalala? Bakit ayaw niyang sabihin iyong tungkol sa nakaraang mayroon kaming dalawa? May itinatago ba siya kaya ayaw niyang sabihin sa akin? May mga bagay ba or pangyayari sa nakaraang iyon ang ayaw niyang malaman ko?“Why
“ALVAREZ!”Patakbo siyang umiiyak papalapit kay Ken. Medyo magulo na ang buhok nito at pawisan na rin. Nakakunot lang ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. Nakasuksok na ang earphones sa tainga niya ngunit rinig na rinig pa rin nito ang sigaw ng babae sa kaniya.“Another drama,” sabi pa niya sa kaniyang sarili nang may kasama pang pag-iling na tila ba pagod na pagod na siya sa ganitong senaryo ng buhay niya.Halos lahat ng estudyante ay nakatingin kay Ciashet pero bakas sa kaniyang mukha na wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito tungkol sa kaniya. Ano pa bang ikahihiya niya? Kalat na kalat na sa buong campus nila na pinikot niya lamang si Ken para maging boyfriend niya ito. Isang malaking desperada ang tingin sa kaniya ngayon ng mga tao.Pero . . . hindi lang iyon ang kinaiiyak niya. Kalat na rin kasi na gumawa ng kasunduan si Ken at ibinigay ito sa kaibigan niyang si Karl. Nakasaad sa papel na iyon na ipinauubaya na niya si Ciashet sa kaibigan para hindi na siya guluhin n