Share

Chapter 32: Aftershock

HINDI MAN magsalita ay ramdam ni Axel ang tensyon sa katawan ni Ysabella nang sandaling iyon kung kaya hindi na lang niya ito pinilit na sumagot at niyakap.

“You deserve all the things in this world, Ysabella,” mahina niyang sambit bago tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata at tuluyan nang natulog.

Lingid sa kaalaman ni Axel ay narinig ni Ysabella ang kanyang mga sinabi bago siya nakatulog.

“What does—”

Hindi maunawaan ni Ysabella ang kanyang nararamdaman nang sandaling iyon. Hindi bago sa kanya ang kagaspangan ng ugali ni Axel dahil alam niya ito noon pa man ngunit ang mga binitawang salita nito kanina ay bago sa kanyang pandinig dahilan para maguluhan siya sa inaasal nito.

“Anong ginagawa niya?” mahina niyang tanong sa kanyang sarili.

Puno nang pagkalito at pagkagulat si Ysabella nang sandaling iyon nang biglang maglaro muli sa kanyang pandinig ang mga binitawang salita ni Axel. Hindi niya maunawa

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status