Share

Kabanata 110 - Stunning

Author: SerenityLane
last update Last Updated: 2025-08-17 15:50:14

Tatlong araw ang lumipas.

Nagpareserba sina Juanito at ang kanyang asawang si Francia kasama ang mga magulang ni Caius, ng isang malaking hotel upang idaos ang engagement party nina Quina at Caius.

Maraming tao ang dumalo sa araw na iyon, karamihan ay mula sa mga mataas na antas ng lipunan.

Tuwang-tuwa si Dina, ang ina ni Caius, habang pinagmamasdan ang kanyang magiging manugang na babae. Hinawakan niya ang kamay ni Quina at ipinagmalaki ito sa iba.

"Ito ang magiging manugang ko, si Quina. Hayaan niyong sabihin ko, napakahusay ni Quina at mataas ang tiwala sa kanya ni Propesor Felix Franco."

"Si Propesor Felix? Yung kilalang Propesor Felix Franco ba?" tanong ng isang maykayang ginang na may pag-aalinlangan.

"Sino pa nga bang Propesor Felix Franco? Hindi ko na binabanggit ang mga ordinaryong propesor. Ang tinutukoy ko ay yung kilalang tao sa institute ni Scholar T." sagot ni Dina nang may pagmamalaki.

Sa sandaling marinig nila iyon, napuno ng gulat at paghanga ang paligid.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 110 - Stunning

    Tatlong araw ang lumipas. Nagpareserba sina Juanito at ang kanyang asawang si Francia kasama ang mga magulang ni Caius, ng isang malaking hotel upang idaos ang engagement party nina Quina at Caius. Maraming tao ang dumalo sa araw na iyon, karamihan ay mula sa mga mataas na antas ng lipunan. Tuwang-tuwa si Dina, ang ina ni Caius, habang pinagmamasdan ang kanyang magiging manugang na babae. Hinawakan niya ang kamay ni Quina at ipinagmalaki ito sa iba. "Ito ang magiging manugang ko, si Quina. Hayaan niyong sabihin ko, napakahusay ni Quina at mataas ang tiwala sa kanya ni Propesor Felix Franco." "Si Propesor Felix? Yung kilalang Propesor Felix Franco ba?" tanong ng isang maykayang ginang na may pag-aalinlangan. "Sino pa nga bang Propesor Felix Franco? Hindi ko na binabanggit ang mga ordinaryong propesor. Ang tinutukoy ko ay yung kilalang tao sa institute ni Scholar T." sagot ni Dina nang may pagmamalaki. Sa sandaling marinig nila iyon, napuno ng gulat at paghanga ang paligid.

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 109 - Happy Heart

    Hindi na kakakibo si Farrah. Hawak ni Luis ang mga jacket sa kanyang kamay, bahagyang ngumiti, at saka umalis. Hindi iyon ang unang beses na nagsuot si Farrah ng panlalaking damit, pero habang nararamdaman ang init na nagmumula sa jacket, may kakaibang pakiramdam siyang hindi maipaliwanag. Bago pa niya tuluyang maunawaan ang kakaibang damdaming iyon, hinawakan na ng lalaki ang kanyang kamay. Malaki ang mga palad ng lalaki at kayang sakupin nang buo ang kanyang kamay. "Pwede ba kitang tanungin?" Ang mababa at kaaya-ayang tinig ni Hector ay mas lalong naging kaakit-akit sa tahimik na gabi. "Ano'ng tanong?" Napakunot ang noo ni Farrah, iniisip kung may mga pagdududa pa ba ito. Huminto si Hector, pero wala siyang balak na bitiwan ang kamay ni Farrah. Tinitigan niya ito ng seryoso at nagtanong, “Have you ever like someone before?” Sandaling natigilan si Farrah. Akala niya magtatanong ito tungkol kay Luis o sa kanya bilang si Scholar T. “Bakit mo biglang naitanong ‘yan?”

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 108 - Protecting Her

    "Bagamat siya ang fiancée mo ngayon, kaibigan ko naman siya. You can protect her your own way, and I will protect her however I want, tayo, wala tayong kinalaman sa isa't isa." ani Luis na nakatinging kay Hector. Napansin ni Luis ang tingin sa kanya ni Farrah. Ipinapahiwatig nitong kailangan na niyang umalis, dahil kung magtatagal pa siya, baka magdulot ito ng gulo at maaaring mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao. "Gabi na. Gusto ko nang umuwi," paalam ni Luis kay Farrah. "Oo. Mag-ingat ka sa daan." Pareho silang may naisip, kaya sabay silang napatingin sa bumanggang sasakyan. Kung titignan ang sasakyan... mukhang hindi na kayang patakbuhin. Lumapit si Yen kay Luis na may paghanga sa mukha, "Master Luis , tutulungan kitang maghanap ng tao para ayusin ito. Mabilis lang 'yan." Lumapit si Farrah sa harap ng sasakyan at binuksan ang hood. "Hindi naman malala ang sira. Huwag ka nang mag-abalang tumawag ng tao. Kaya ko itong ayusin." "Marunong ka bang mag-ayos ng sasakyan?"

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 107 - Sad Truth

    Natigilan si Farrah at hindi agad nakasagot. Kung babalikan ang lahat ng iyon, totoo nga ang sinabi ni Quina. Ipinakita niya ang lahat ng ebidensya sa inang si Francia at sa iba, pero hindi sila naniwala at mas lalo pa siyang pinagalitan. Mali na nga ang nagawa ni Quina, pero ni hindi man lang siya nagsisi. At isa pa, ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi kina Francia at sa iba na siya ay si Scholar T ay may kinalaman din sa kanilang pagkiling at diskriminasyon. Noon pa man, kahit na piano competition trophy, championship certificate sa chess, o maging racing title ang ipakita niya sa mga magulang, hindi pa rin sapat—pinupuna pa rin siya. Sinabi nilang kailangan pa niyang magsinungaling para lang mapasaya sila, at lubos silang nadismaya sa kanya. Dahil sa pagmamalabis ni Quina, unti-unting nawala ang tiwala nila sa kanya. Sa totoo lang, mabait sa kanya ang mga magulang na nag-ampon sa kanya sa probinsya, pero sina Juanito at Francia na tunay niyang mga magulang, hindi iyon i

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 106 - Her Plots

    Nakikita ni Hector na hindi nagsisinungaling si Luis sa mga sinabi niya, kaya hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin, malamang ay natakot siyang magalit sa kanya si Farrah. Napatingin siya kay Leon at nagtanong kay Farrah, "Anong balak mo sa isang ito?" Itinaas ni Farrah ang kilay at tumingin kay Leon. "Tawagan mo si Quina." "N-ngayon na? A-anong sasabihin ko?" nanginginig at nauutal na tanong ni Leon. "Makipag-ugnayan ka lang, ako na ang bahala sa pagsasalita." "O-opo." Agad namang tinawagan ni Leon si Quina. Noong sagutin sa kabilang linya ang tawag ay narinig agad ang excited na boses ni Quina. "Ano na? May nahanap ka na ba?" Kinuha ni Farrah ang cellphone kay Leon at nagsalita, "Kung gusto mong malaman kung saan ako nakatira, bakit hindi mo na lang ako direktang tanungin, kaysa gumastos pa sa pagkuha ng tao?" Gulat! Sa sobrang pagkabigla ni Quina ay muntik na niyang mabitawan ang cellphone. Nang makabawi siya sa sarili, agad niyang ibinaba ang tawag. Pe

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 105 - Confrontation

    "Bakit ka nandito?" "Hindi ba ako puwedeng pumunta rito? Or am I not allowed to be here?" Tanong ni Hector habang madilim ang mga matang nakatitig kina Farrah at Luis na magkasamang nakatayo sa kanyang harapan. Farrah immediately understands the coldness in Hector's voice and the darkness in his eyes. Hindi natuwa ang lalaking ito nang makipag-usap siya kay "Sonny" noon, at hindi rin siya natuwa nang magpakita siya kasama si Levi Yambao sa usapan nilang paglalaro ng chess. Mukha ba siyang taong manloloko sa relasyon? Bagamat may reklamo siya sa isip, kailangan pa ring magpaliwanag para maiwasan ang gulo. "Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano." "Sure, I won't jump to any conclusions. But I have to ask ko, when did you first met him? Bakit hindi mo pa nabanggit noon? At nang sinabi mong may kilala ka sa institute ni Scholar T, siya ba ang tinutukoy mo?" Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ni Hector tungkol kay Farrah. The more he gets to know this woman the more

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status