THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

last updateHuling Na-update : 2025-09-23
By:  Author KrixxIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
2views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Si Vhon Di Martin Oz a.k.a Gerlan ay isa sa apat na magkakapatid na anak ng mga bilyonaryo sa larangan ng business world.Sya ay ipinagkasundong ipakasal sa anak ng business partner ng kanilang ama na si Zeffie Kazzandra Choi.Isa syang makulit at pasaway na babae kaya tinakasan nito ang kasal nila umpisa pa lang.Nagkrus ang kanilang landas pero wala silang kamalay-malay na sila pala ang ipinagkasundo.Ginamit ni Vhon ang pangalawang pangalan nito na Gerlan at si Zeffie naman ay ginamit ang Kazzandra.Para matakasan ni Kazzandra ang fiancé nito,inalok nito si Gerlan na magpakasal kapalit ang paninilbihan nito kay Gerlan.Hindi nito sinabi sa lalaki na mayaman ito.Pumayag naman ang lalaki dahil alam nyang hindi sya magugustuhan ng babae.Nagsama sila sa iisang bubong.Sa unang araw pa lamang ng kasal nila ay puro sakit ng ulo na ang binigay ng babae sa kanya.Hanggang sa isang araw ay narealize na lang nito na nahuhulog na pala ito sa asawa nito. Nang magkapalagayan ng loob ay malalaman nila ang mga sikretong itinatago ng bawat isa.Mas lalong magiging mailap ang kapalan at si kupido sa kanila dahil may mga kokontra sa kanilang pag-iibigan.Ngunit mananaig ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa.

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1

KAZ'S POV

"Hoy panget! Umalis ka nga diyan sa dinaraanan ko."wika ng isang babae na papasok sa elevator kung saan ay papasok din sana ako.

Late na ako sa interview ko. Mag-apply lang naman sana akong office secretary.

Tiningnan ko ang babae,luminga-linga pa ako sa paligid ko kung sino ang tinatawag nyang pangit. Wala naman akong makitang pangit kaya tumuloy lang ako sa pagpasok sa elevator.

Tinaasaan ako ng kilay ng babae kaya tinaasan ko din ito ng kilay. Anong akala nya sa akin? Papakabog ako sa kanya? Huh!. Never!

I wasn't born in this God damn world just to be belittled by others.

Hoy panget,bakit kapa pumasok? Baka mahawaan kami ng kapangitan mo!" Nakapamaywang ang babae saka ito tumawa. Dinuro-duro pa ako ng animal. Nagtawanan din ang mga ibang tao sa loob ng elevator.

"Excuse me? Sinong pangit? Ako ba ang tinutukoy mo?"

Naiinis na ako dito sa babaeng to. Kung hindi ko lang kailangan ng cover ay nungkang magtyatyaga ako makipag unahan sa elevator na ito at makipagsiksikan sa mainit na lugar na ito.

Malapit ko na itong tadyakan. Baka gusto nitong makatikim ng isang malakas na side kick mula sa black belter na kagaya ko.

Nagsalita itong muli saka nya ako nginiwian.

"At sino pa ba sa tingin mo? Hindi ka lang pala nuknukan ng panget. Tonta ka din pala.", saka ito humagalpak ng tawa,tawa ng demonyita.

Hay naku nakakairita. Nakakasira ng araw.

Ayoko sana itong patulan pero she's getting on my nerves and I won't sit idly by with out making any move.

Inihanda ko ang aking sarili.

Pinaglayo ko ang dalawa kong binti at dalawang kamay na nakayukom.

Magpopose pa lang ako ng aking move nang bumukas ang elevator.

May apat na lalake ang papasok sana nang makita nila ako sa ganoong ayos. Napanganga ang isa. Ang isa naman ay napatawa ng malakas. Habang ang isa ay walang reaksyon. At pinakahuli ay magkasalubong ang kilay at nakakunot ang noo.

Natameme lang ako at hindi nakakilos. Para naman kasi akong tanga sa itsura ko. Hindi ko alam kung ano ding iisipin ko kapag ako mismo ang nakakita sa itsura ko sa ganoong posisyon .Kahit gaano ka pa kaganda eh mukha ka paring tanga,habang ang mga kasama ko sa elevator ay natakot yata sakin dahil nagmistula akong baliw.

Nagsalita ang isang lalaki,yung malakas tumawa kanina.

"Sige sige mauna na kayo."

Tinutop nito ang kanyang bibig dahil hindi talaga nito maiwasang hindi tumawa sa itsura ko.

Agad sumara ang pinto ng elevator. Inayos ko na rin ang itsura ko. Walang imik ang mga tao sa loob kaya pinagsa walang bahala ko nalamang.

Lahat sila ay nagsibabaan na maliban sa akin at dun sa babae. Mukhang mag-aapply din itong sekretarya. Base kasi sa itsura nito ay parang aplikante. Pero kung saakin lang ito mag aapply ay baka hindi pa ito papasa sa pagiging janitress.

Ang bilis talaga mag-init ng ulo ko. Grabe!.

Tinaasan nanaman ako ng kilay ng gaga.

Nakakarami na sya sakin. Matapos lang ako sa pag-aapply ay talagang makakatikim na ito mamaya sa akin.

Bumukas ang elevator at tumapat sa conference room kung saan gaganapin ang interview for secretarial position.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng naturang palapag. May mga aplikante ding nakaupo at naghihintay na matawag ang pangalan. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Naunang tinawag ang babaeng feelingera kanina sa elevator. Pakembot-kembot pa ito habang naglalakad patungo sa conference room. Walang anu-ano ay tinawag narin ang pangalan ko.

"Kazzandra Quinn?",tawag nang isang empleyado hudyat na pinapapasok na ako sa loob. Napahinto ako bigla sa may pintuan, tinted ito sa labas at siguradong transparent naman sa loob kaya kita ang taong papasok mula sa labas.

Nagitla ako pagkakita sa repleksyon ng isang babae,napakapangit kasi ng itsura nito. Nahahati ang buhok nito sa dalawa at nakatirintas pataas. Ang mukha nito ay tinubuan ng maraming nunal at pimples,na wala na yatang espasyo para sa susunod kung may tutubo pa. Ang kanyang kilay na sobrang kapal at makapal din ang suot na salamin sa mata. Nakalipstick pa ito ng kulay pulang sobrang kapal at lumampas na sa labas ng ibaba at itaas na labi nito.

Nakasuot ito ng blouse na may mahabang manggas pero turtle neck,nakapalda din ito ng itim na umabot na sa paa kaya hindi na kita kung anong suot nitong sapin sa paa dahil konti nalang ay maaapakan na.

"What the–sino yan? Ang pangit nya"napangiwi pa ako dahil hindi ko din sya kayang tingnan.

Nang bigla akong matawa sa sarili kong kalokohan. Ngayon ko lang kasi napagtanto na ang babaeng tinitingnan ko at sinasabihan ng panget ay ang sarili ko lang naman. Napangiwi tuloy ako. Kaya naman pala ako tinawag na panget ng bruhang iyon.

Ngayon ko lang kasi naalala na nagpapanggap pala akong pangit dahil sa tumakas ako sa aking kasal.

Ako si Zeffie Kazzandra Quinn Choi,unica hija ng bilyonaryong si Mr. Choi,isang Pilipino-Chinese na nagmamay-ari ng mga luxury hotels at restaurants sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas,meron di ito sa ibang panig ng mundo.

Ipapakasal daw ako sa isa sa mga anak ng business partner nito para sa kanilang matibay na pagsasamahan.

Aba! Kung gusto nilang maging matibay ang kanilang sanahan bakit hindi na lang sila ang magpakasal kaya? Idadamay pa nila ako sa mga kalokohan nila? Ano sila sinuswerte?

Isa pa tong mommy kong hindi man lang ako ipinagtanggol .Gwapo naman daw at mayaman ang mapapangasawa ko kaya magkakaroon daw kami ng magandang lahi. Hay naku,bakit ba kasi nila pinagpipilitan n magpakasal ako eh ang bata kopa. Saka wala sa bukabolaryo ko ang salitang kasal. Hindi pa ako naiinlove kaya hindi ko muna iniisip ang mga yan. Hindi nga ako marunong maglaba ng panty ko,paano na lang ako kapag nagpakasal ako,edi madami akong gagawin?

Paano na lang kung ang mga byenan ko pala ay monster inlaw na aalilalain ako?,o di kaya ay magkaroon ako ng asawang gagawin akong housewife lang na taga kudkod ng inidoro nya,o di kaya ay gawin akong inahing baboy?,o di kaya naman ay jumbagin ako at gawing punching bag?

Over my dead beautiful body!

Ayoko nga noh! Magpakasal sila kung gusto nila pero tatakas ako at bahala na si batman!

Nasa ganoong senaryo ako sa utak ko nang kunin ng nasa harap ko ang aking atensyon.

"Hoy Miss Kazzandra,tumutulo na ang laway mo! Kadiri ka!",wika ng isang taga interview. Isa ito sa HR siguro. Anong laway ang sinasabi nito,pinunasan ko ang aking labi,pero wala naman. Isa din itong abnoy.

Baka kasi ang ibig nitong sabihin ay tulo kaway ako sa mga kaharap ko? Nah!. Sino ba sila? Isa din itong abnoy!

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status