Tahimik si Farrah ng dalawang segundo bago sumagot: “Oo, medyo marami.” Wala siyang natanggap mula sa kanyang pamilya, pero ang mga kaibigan at katrabaho niya ay sapat na para punuin ang isang tren. Nang makita ni Yuna ang kanyang paghinto ng dalawang segundo, nahulaan niyang kasinungalingan ang sinabi ni Farrah. Walang nagbigay sa kanya ng regalo, pero kailangan niyang magsinungaling para sa dangal. Ay! Nakakaawa naman! Hinubad ni Yuna ang kwintas mula sa kanyang leeg at sinabi, “Ito ang paborito kong kwintas. Ibinibigay ko ito sa’yo. Sana hindi mo ito pandirihan.” “Ah—” “Kapag hindi mo tinanggap, ibig sabihin hinahamak mo ako at ayaw mong maging kaibigan ko.” Dahil sa sinabi ni Yuna, napilitan si Farrah na tanggapin ito. Tiningnan siya ni Quina nang may paghamak sa kanyang puso. Sa huli, ikaw, Farrah, iyan lang ang natanggap mong regalo sa kaarawan. Tingnan mo ang sa akin, nakatambak na parang burol, sapat para punuin ang isang maliit na sasakyan. Ako ang bida ngayon, at ik
Nang marinig ng mga bisita ang sinabi ni Yuna, naging kakaiba at komplikado ang kanilang mga ekspresyon. Hindi nila ito masyadong pinag-isipan noong una, pero ngayon ay tila tama nga ang sinabi ni Yuna, at halos lahat sila ay naniniwala na si Farrah ang may pagkakamali sa usaping ito. Ang mga sinabi ni Quina kanina ay tila para ipagtanggol si Farrah, ngunit sa halip ay nagdulot ito ng galit ng publiko laban kay Farrah. Hindi ito pagtatanggol sa kanya, at kung iisipin nang mabuti, para lang ito sa ikaiinis ni Farrah sa kanya. Matapos mapagtanto ito, tiningnan ng lahat si Quina nang may paghamak. Si Quina, na nasa alanganin, ay walang magawa kundi umiyak, “Hindi, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Huwag ninyo sanang bigyang maling kahulugan. Paano ko naman magagawang siraan ang sarili kong kapatid?” Nang makita ni Henry na nagkakagulo ang dalawang apo niyang babae, hindi niya napigilang pagalitan si Juanito, “Bilang ama, ganito mo ba pinalaki ang mga anak mo? Lalo na si Farrah,
The woman extended her hand to Farrah “I am Yuna Sevilla."Magalang na nakipagkamay si Farrah, “Hindi ko kinain ang cake para lang mang-insulto. Gutom lang ako at gusto ko lang kumain para maibsan gutom ko.”Tinitigan ni Yuna si Farrah gamit ang kanyang malalaki at magandang mga mata. Sa tingin niya, si Farrah ay hindi nagpapanggap—walang bahid ng pagkukunwari. O kaplastikan sa katawan.Kumakain lang talaga siya ng cake dahil gutom siya.Nakakatuwa. Ang taong ito ay talagang nakakatuwa.Lumapit si Caius na madilim na mukha, “Farrah, sa tingin mo ba nakakatawa ito? Inaamin ko, nagkamali ako sa paghusga sa’yo noon. Hindi ka pala walang silbi gaya ng iniisip ko. Pero kahit ganun, hindi ka pa rin maikukumpara kay Nama. Si Nana ay hindi lang magaling sa academics, kundi mahusay din sa ibang aspeto. Ikaw, sinuwerte lang at naging top scorer sa college entrance exam.”“Hoy! Parang ang gaan ng pagkakasabi mo!” Napairap si Yuna, saka kinurot ang kanyang baywang at tumingala kay Caius, “Anong
Pagak na napatawa si Farrah nang walang masabi, “Quina, gusto mo pa ring manggulo? Sa totoo lang, ayoko na sanang patulan ka, pero patuloy mong ibinubunton sa akin ang sisi, gusto mong ako ang maging sentro ng batikos ng lahat. Akala mo ba isa akong clay na pwede mong lamutakin at pigain kung kailan mo gusto?” “Hi-hindi ko naman sinasadya…” patuloy na umiiyak si Quina. “Tama na ang pagpapanggap. Akala mo ba makakalusot ka sa ilang patak ng luha mo? Hindi ba't kanina lang sinabi na kasalanan mo kung bakit napunta sa'yo si Caius? Kahit na wala akong respeto sa basurang si Caius, totoo ang sinabi mo. Nakipagrelasyon ka sa kanya bago pa man tuluyang putulin ang engagement namin. Ang ganda pakinggan na nagmamahalan kayo, pero sa totoo lang, hindi ba’t binigyan mo lang ng magandang titulo ang pagiging kabit mo?” sarkastikong sabi ni Farrah. Nagtinginan ang mga tao sa paligid at nagsimulang magbulungan. “Totoo naman, hindi talaga bagay ang panganay na anak ng pamilya Torres kay Caius Jav
Sino? Who's trying to get my spotlight?Napatingin si Quina sa pintuan na may hindi masayang ekspresyon sa mukha, at nanlaki ang kanyang mata noong makita kung sino ang paparating.Farrah?! Siya ba? Ang pinakaikinagalit ni Quina ay ang suot ni Farrah—ang kanyang lumang damit.Bagaman tinawag na lumang damit, isang beses pa lang niya ito nasuot dahil sobrang pangit ng disenyo at para itong sako sa kanyang katawan. Habang tumatagal, lalo niya itong kinamumuhian.Akala niya ngayong engagement niya, wala si Farrah na damit, kaya pinili niya ito para mapahiya si dalaga.Hindi niya inaasahan na ang damit na parang sako ay biglang naging elegante nang isuot ni Farrah, na lalong nagpalitaw sa kanyang magandang hubog. Sa sandaling iyon, naintindihan ni Quina na hindi pala pangit ang damit—hindi lang niya ito kayang dalhin. Napaganda ng damit na iyon sa kanya.Pagkatapos ng realisasyong iyon, halos mag-apoy sa inggit at inis ang mga mata ni Quina. Hindi niya matanggap.Si Farrah ay may simple
Tatlong araw ang lumipas. Nagpareserba sina Juanito at ang kanyang asawang si Francia kasama ang mga magulang ni Caius, ng isang malaking hotel upang idaos ang engagement party nina Quina at Caius. Maraming tao ang dumalo sa araw na iyon, karamihan ay mula sa mga mataas na antas ng lipunan. Tuwang-tuwa si Dina, ang ina ni Caius, habang pinagmamasdan ang kanyang magiging manugang na babae. Hinawakan niya ang kamay ni Quina at ipinagmalaki ito sa iba. "Ito ang magiging manugang ko, si Quina. Hayaan niyong sabihin ko, napakahusay ni Quina at mataas ang tiwala sa kanya ni Propesor Felix Franco." "Si Propesor Felix? Yung kilalang Propesor Felix Franco ba?" tanong ng isang maykayang ginang na may pag-aalinlangan. "Sino pa nga bang Propesor Felix Franco? Hindi ko na binabanggit ang mga ordinaryong propesor. Ang tinutukoy ko ay yung kilalang tao sa institute ni Scholar T." sagot ni Dina nang may pagmamalaki. Sa sandaling marinig nila iyon, napuno ng gulat at paghanga ang paligid.