LOGINIpinilit ng Lolo ni Travis Buenavides ang kasal niya kay Phoebe, pero para kay Travis, kontrata lang iyon na walang halong pagmamahal. Kaya mula sa simula, malamig ang trato niya sa asawa. Ngunit noong araw na inalok niya si Phoebe ng agreement, iyon din ang araw na ginamit siya ng babae! At pagkatapos ay bigla itong naglaho nang limang taon. Buo ang pangako ni Travis. oras na bumalik si Phoebe, hindi ito makakaligtas sa kanyang paghihiganti. Pagbalik ng runaway wife niya, sinimulan ni Travis na pahirapan ito. Pero isang nakagugulat na katotohanan ang nadiskubre niya, si Phoebe pala ang matagal na niyang first love, ang Elusive Doctor na matagal niyang hinahanap… at ina ng tatlong anak na itinago sa kanya. “Are you telling me… she’s my first love, the Elusive Doctor I'm looking for, and my wife?” “Yes, boss.” “Then what are you waiting for? Ready the car. I’ll bring her home.”
View More“Here, look at our agreement. Sign it if you agree.”
Malamig ang boses ng lalaki habang iniabot ang papel. Maging ang simpleng kilos ng pag-abot ay puno ng kayabangan, para bang siya ang may hawak ng lahat ng kapangyarihan sa silid. Sa bawat salita, ramdam ni Phoebe ang pagmamaliit na ibinubuhos sa kanya.
“Kung hindi lang nagbanta si Lolo na magpapakamatay, hinding-hindi kita papakasalan, kaya makisama ka na lang. Be a good wife. I will give you 200,000 a month. Pero huwag ka nang mangarap ng iba pa bukod doon.”
Tahimik na nakaupo si Phoebe sa gilid ng kama. Ang mga daliri niya ay mahigpit na nakapulupot sa laylayan ng damit, para bang iyon na lamang ang sandalan niya laban sa kahihiyan. Nakayuko siya, pinipilit itago ang matinding galit, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay kumikislap ang apoy ng pangungutya.
‘Bakit pa nagmamalinis ang taong ito? Noong isang taon, siya mismo ang nang-abuso sa akin. Walang kwenta talaga!’
Kung hindi lang dahil kailangan ng bone marrow donor para sa anak niyang babae, hindi siya kailanman papasok sa kasunduang ito. Ngunit ang tadhana ay malupit—si Travis mismo ang biological father ng kanyang anak. Kailangan niya itong gamitin, kahit gaano pa niya kamuhian ang bawat paghinga nito.
“Hindi ako pwedeng pumirma sa kasunduang ‘yan. I want a child,” mahinang sabi ni Phoebe, halos pabulong, ngunit puno ng bigat. Ang kanang kamay niya ay mahigpit na kumakapit sa manggas ng suot niya, wari’y kumakapit sa sariling lakas.
“Child?” Napatigil si Travis. Sandaling nagpakita ng gulat ang kanyang mukha, ngunit agad itong napalitan ng matalim na inis. Walang puwang para sa pagmamahal sa kasal na ito, puro obligasyon at pakitang-tao lamang sa mga matatanda. Para saan pa ang anak? Sa isip niya, baka plano lang ng babaeng ito na maangkin ang bahagi ng kayamanan ng Buenavides.
“My patience is limited. Don’t push me. Think carefully before you answer me.” Ang boses ni Travis ay nagbabala, malamig na parang bakal.
Simula pa noong nangyari isang taon na ang nakalipas, isinara na ni Travis ang sarili sa ibang babae. Ang bawat isa ay tinanggihan niya. At higit sa lahat, ang kaharap niya ngayon—isang probinsyana, walang class, walang karapatang mapabilang sa kanilang angkan.
“Okay, don’t be mad. I’ll sign it.” Nagkunwari si Phoebe na natatakot, halos nanginginig ang kamay habang inaabot ang ballpen. Ngunit nang magsalita muli, may kakaibang ningning ang kanyang mga mata. “Pero… hindi ako marunong magsulat ng pangalan ko. Can you teach me?”
Napangiwi si Travis. Sa loob-loob niya: ‘Typical country bumpkin. Probinsyana talaga.’
Ayaw man niya, lumapit pa rin siya at hinawakan ang kamay ng babae upang turuan. Sa paglapit niya, bigla siyang sinalubong ng pamilyar na bango. Isang halimuyak na hindi niya mawari kung saan na niya naamoy dati.
‘Wait… saan ko nga ito naamoy?’ mabilis na naglaro sa isip ni Travis, nag-iwan ng kakaibang kabog sa dibdib niya.
Ngunit bago pa siya makapag-isip, biglang iniikot ni Phoebe ang kanyang pulso. Sa isang iglap, itinarak niya ang manipis na syringe sa laman ni Travis.
“Phoebe! What the hell are you doing?!” sigaw ni Travis, halos lumobo ang ugat sa leeg sa gulat at galit.
“I told you, I want a child.” Ngumiti si Phoebe, puno ng pang-aasar at panunuya. Wala na ang kunwaring hiya-hiya kanina; sa halip, lumitaw ang tunay niyang anyo—isang babaeng marunong maglaro ng apoy.
Itinulak pa niya nang mas malalim ang karayom hanggang sa bumigay ang katawan ni Travis at bumagsak ito sa kama.
Nanlilisik ang mga mata ng lalaki, puno ng galit, kahihiyan, at hindi makapaniwala na siya, ang isang Buenavides, ay napaglaruan ng isang babaeng kinamumuhian niya. Ngunit wala siyang nagawa kundi tingnan ito habang unti-unting nanghihina. Hanggang sa napagod ang kanyang katawan at tuluyang bumigay ang kanyang mga mata sa antok.
---
Dalawang oras ang lumipas. Nagising si Travis, pawisan at basang-basa ang lalamunan, parang dumaan sa isang bangungot. Agad niyang hinanap si Phoebe, ngunit wala na ito. Sa mesa, may iniwang sulat na nakatiklop.
To: Travis the Moron.
Wala akong pakialam sa pera mo. Goodbye, Scumbag.
PS. My skills are average and you need more practice.
– Phoebe the Great
“Moron? Scumbag? Ako pa? Siya nga ang nangpilit sa akin!” galit na bulong ni Travis, halos madurog ang papel sa mahigpit na pagkakapunit niya. Ang dibdib niya’y kumukulo sa inis. “Phoebe, I’ll make you pay! You'll see!”
---
Unang linggo matapos maglaho si Phoebe, gumastos si Travis ng malaki para ipahanap siya sa buong siyudad. Sinuyod ng mga tao niya ang bawat sulok, ngunit parang bula itong naglaho.
Tatlong buwan ang lumipas, pinalaganap niya ang litrato ni Phoebe sa social media. Nag-alok siya ng sampung milyong pabuya sa makakakita ng “Buenavides’ Runaway Wife.” Pero wala pa ring resulta.
Hanggang sa lumipas ang isang taon. Nagulat siya nang dalhin ng assistant niyang si Lazarus ang isang sanggol na lalaki. Isang sanggol na may dalang dugo ng Buenavides. Simula noon, lihim itong inalagaan ng pamilya, habang si Travis ay patuloy na nabubuhay sa galit at hinanakit.
Samantala, sa isang flight palabas ng bansa, nakayakap si Phoebe sa bagong silang na sanggol na lalaki. Sa tabi niya, nakahiga ang dalawang taong gulang na batang babae, mahina ang paghinga.
Hindi niya inasahan na sa unang subok pa lamang ay mabubuntis siya ng kambal. Ngunit sa pagtakas niya mula sa mga tao ni Travis, nawala niya ang isa. Ang sakit ng pagkawala ay parang sugat na hindi maghilom.
Sa mata ng lahat, simpleng anak lamang siya ng isang pamilyang probinsyano. Ngunit sa loob ng sampung taon na pananatili niya doon, natuto siya ng medisina at musika. Sa ibang pangalan, nakilala siya ngayon bilang **Elusive Doctor Selene.**
At nangako siya—kapag gumaling na ang panganay niyang si Raegan, hahanapin niya ang nawalang anak. Hinding-hindi siya papayag na hindi ito matagpuan.
---
Five years later…
“Baby River, Baby Raegan, hurry up!”
Sa hallway ng airport, nakasuot ng sunglasses si Phoebe, bitbit ang maleta habang kumakaway sa dalawang bata. Ang aura niya’y elegante, hindi na ang dating probinsyana, kundi isang babaeng may sariling lakas at dignidad.
“Here I come, Mommy!” sigaw ng dalawang bata, sabay takbo papalapit.
Si River, limang taong gulang, gwapo at seryoso ang anyo, parang maliit na bersyon ng isang binata.
Si Raegan, mas matapang ang dating, may kakulitan at karisma na agad pumupukaw ng atensyon.
Hindi nakaligtas sa mga mata ng mga tao ang kanilang presensya.
“Oh my god, ang ganda nilang tingnan. Parang artista!”
“She’s so pretty, baka pamilya ng celebrity ‘yan.”
“Baby Riri, people are obsessed with me again! Being this pretty is such a hassle,” biro ni Raegan, taas-kilay pa.
“Yes, yes, sister is the prettiest,” seryosong tugon ni River, tila sanay na sa kapilyahan ng kapatid.
Natawa ang mga tao sa kanilang asaran, at lalo pang humanga kay Phoebe na tila isang diyosa sa gitna ng terminal.
“Alright, you two, stay close. Baka mawala kayo,” paalala ni Phoebe, mahigpit ang tono.
Paglingon niya, parang biglang bumalik lahat ng alaala. Limang taon siyang nagtago, ngunit ngayon, kailangan niyang bumalik. May isa pa siyang anak na kailangang matagpuan.
Tumunog ang cellphone niya. “Mommy needs to take this call. Stay here.”
“Mommy, is that your secret boyfriend?” tanong ni River, nakakunot ang noo.
“Pwede rin bagong Daddy! Pero dapat gwapo!” dagdag ni Raegan, malikot ang ngiti.
“Mommy, is Daddy really dead?” seryosong tanong ni River, tinamaan ng innocence ang kanyang boses.
“Of course! Kung hindi lang malakas ang agos ng ilog at hindi nahanap ang katawan, baka damo na ang tumubo sa libingan ng tatay n’yo ngayon!” biro ni Phoebe, sabay haplos sa mga ulo ng anak.
Sa kabilang linya, narinig niya ang malamig na boses ng kuya niyang si Yllak. “Nasa Pinas ka na? Ingat ka. Hinahanap pa rin ni Travis si ‘Selene.’”
“Seriously? After all these years?”
“Hindi niya alam na ikaw si Selene. May sakit kasi ang isa sa pamilya niya. Gusto ka niyang kunin bilang doktor.”
“Forget it. Bumalik ako para sa anak ko, hindi para ma-expose ang mga bata.”
Pagkababa ng tawag, mabilis niyang pinagsuot ng mask ang mga bata. Kailangan niyang mag-ingat—si River ay halos kopya ni Travis.
Paglakad palabas, biglang sumigaw si Raegan. “Mommy, careful!”
Hindi na nakaiwas si Phoebe at nabangga ang isang lalaking may dalang kape. Tumapon ito sa damit ng lalaki, at ang mainit na likido ay nag-iwan ng bakas.
“Sorry, I—”
Ngunit isang malamig na boses ang sumagot. “Watch where you walk!”
Nanlaki ang mata ni Phoebe.
‘That voice… Travis Buenavides?!’ sigaw niya sa isip, kumakabog ang puso, nanginginig ang kamay na nakakapit sa maleta.
Pagkaalis ni Lazarus, tumayo si Travis at lumapit sa bintanang tanaw ang buong siyudad.Pabigat nang pabigat ang sakit ng Lolo niya. Kailangan na talagang hanapin si Selene. Habang nag-iisip siya, napakunot bigla ang noo niya. Parang may mali.Kanina pa walang ingay mula sa kwarto ng anak niya.Kapag pinapagawa niya ng homework, palaging may iyak at reklamo si Caspian. Pero ngayon… tahimik.‘Baka may ginagawa na namang kalokohan.’ naisip niya.Mabilis siyang lumabas ng study room at naglakad papunta sa kwarto. Habang papalapit, lalo siyang kinabahan dahil wala pa ring marinig na kahit anong ingay.Huminga siya nang malalim bago binuksan ang pinto.At sa isang tingin, muntik siyang mapahinto. Ang anak niya, nakaupo nang seryoso sa mesa, tahimik na nagsusulat.Hindi makapaniwala si Travis.Walang sakit-sakitan, walang drama, seryosong gumagawa ng homework? ‘Si Caspian ba ito?’ tanong niya sa isipan.Lumapit siya at nakita niyang tinulak ni River ang notebook palayo, sabay umiling.Nap
Galit na galit na sigaw ni Dante sa kabilang linya. “Wala ka talagang respeto, bata ka! How dare you make such demands?!”“Ano? Hindi mo pa napag-isipan? Then call me kapag nakapag-decide ka na.”Papatayin na sana ni Phoebe ang tawag nang bigla siyang pigilan nito.“Wait! The Mendez’s Medicine Clinic!”Napahinto si Phoebe. “Ano ibig mong sabihin?”Umubo si Dante. “Ang clinic na iyon, iniwan ng nanay mo. Don’t you want it back?”Alam ni Phoebe na plano na ni Dante iyon simula’t sapul. Pero dahil mahalaga iyon sa mama niya, hindi niya kayang hayaan na tuluyang masira sa kamay ng pamilya Mendez. Matapos timbangin ang lahat, sumagot siya. “Fine. Pero ibigay mo muna sa akin ang clinic.”“Kung ibigay ko, paano kung hindi ka bumalik para makipag-divorce?” kontra ni Dante.Ngumiti si Phoebe, puno ng yabang. “Eh di wag mo ibigay. Nakadepende pa rin sa 'yo kung mabubuhay pa ang kumpanya ninyo. After all… you look quite desperate, Dad.”“Bwisit ka talaga!”Ilang saglit pa, napilitan din si Dant
Napaisip siya kung posible kayang alam ni Travis na ngayong araw siya babalik bilang si Selene, kaya naghintay ito sa Airport. Naramdaman niya ang biglang kaba, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib niya.Dahil sa gulat, mabilis niyang hinila ang maleta at itinulak sa likod niya si River, halos natakpan ng katawan niya ang anak. Naramdaman niya ang higpit ng hawak ng mga daliri niya sa handle ng maleta, na para bang iyon lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.Si Raegan naman ay napatigil, napatingin ng diretso sa lalaking kaharap nila. Hindi maikakaila ang gwapo nito, pero mas matimbang ang inis at galit na naramdaman niya nang makita kung gaano kabastos ito sa Mommy niya. Kaya hindi siya nagdalawang-isip at matapang siyang nagsalita.“Sir, don’t use your handsome face to bully people. Hindi naman sinasadya ni Mommy yon. How much is your shirt? We’ll pay for it.”Nagulat si Phoebe sa tapang ng anak, at kahit kinabahan siya, may kaunting tuwa ring sumilip sa puso niy
“Here, look at our agreement. Sign it if you agree.”Malamig ang boses ng lalaki habang iniabot ang papel. Maging ang simpleng kilos ng pag-abot ay puno ng kayabangan, para bang siya ang may hawak ng lahat ng kapangyarihan sa silid. Sa bawat salita, ramdam ni Phoebe ang pagmamaliit na ibinubuhos sa kanya.“Kung hindi lang nagbanta si Lolo na magpapakamatay, hinding-hindi kita papakasalan, kaya makisama ka na lang. Be a good wife. I will give you 200,000 a month. Pero huwag ka nang mangarap ng iba pa bukod doon.”Tahimik na nakaupo si Phoebe sa gilid ng kama. Ang mga daliri niya ay mahigpit na nakapulupot sa laylayan ng damit, para bang iyon na lamang ang sandalan niya laban sa kahihiyan. Nakayuko siya, pinipilit itago ang matinding galit, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay kumikislap ang apoy ng pangungutya.‘Bakit pa nagmamalinis ang taong ito? Noong isang taon, siya mismo ang nang-abuso sa akin. Walang kwenta talaga!’Kung hindi lang dahil kailangan ng bone marrow donor para sa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments