Kung hindi dahil sa kagustuhan niyang ipahiya ito, hindi niya pag-aaksayahan ng oras si Quina. Pagkatapos ihatid si Quina pabalik sa kanyang kwarto, lumingon si Francia at tinitigan siya. "Bakit ka kasama ng mga tao mula sa institute Scholar T?" "Kilala ko siya." Hindi balak ni Farrah na ipaliwanag rito ang buong detalye. "Sino ang kilala mo?" patuloy na tanong ng ina niyang si Francia. "Hindi ako kumportable sabihin sa inyo." Dahil nag-aalala na hindi titigil si Francia, nagsalita pang muli si Farrah, "Ayaw niyang ipasabi, kaya hindi ko puwedeng sabihin." Nakunot ang noo ni Francia. "Hindi ko alam kung paano mo sila nakilala, pero gusto kitang paalalahanan na ang mga tao sa instituto ni Scholar T ay hindi mga ordinaryong tao. Sa ugali mong iyan, madali kang makaka-offend ng iba. Huwag kang bast
"Posible iyon." Mabagal na sagot ni Hector. Nahulog sa malailm na pag-iisip si Yen. ---(Masyon ng mga Torres) Pagkauwi pa lang ni Farrah, hindi na nakapaghintay si Quina at agad na dumiretso sa pakay niya. "Ate, sa wakas bumalik ka na. Hindi ba tapos na ang entrance exam? Bakit naka-boarding house ka pa rin?" "Anong pakialam mo?" Wala nang pasensya si Farrah sa mga satsat ni Quina. Dumiretso siya sa sofa, umupo, kinuha ang isang orange mula sa mesa at nagsimulang kumain. Sadya namang tumingin si Quina sa inang si Francia na ngayon ay namumula ang mga mata, pagkatapos ay tumalikod at nagkunwaring pupunasan ang luha sa kanyang mata. Nag-umpisa nang magalit si Francia. "Farrah, anak. Nag-aalala lang si Nana para sa’yo, hindi mo dapat siya pagsabihan ng ganyan." Ngumiti si Farrah, "Oo nga! Sobrang concern niya sa akin, kaya muntik na siyang sumugod sa private room kung saan kumakain sina Scholar T kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang tapang niya talaga." Nagulat si Quina, at n
"Ayos lang. May paraan ako para harapin ito."Buo na ang pasya ni Quina. Grabe na ang sitwasyon, gaano pa ba ito lalala? Ang matatapang ay mamamatay sa kabusugan, samantalang ang duwag ay mamamatay sa gutom. Bakit hindi na lang sumugal? Kung papalarin siya, baka makilala niya si Scholar T, at mairerekomenda ang sarili. Baka isipin ni Scholar T na may tunay siyang talento at tanggapin siya sa institusyon? Hindi na siya nagdalawang-isip pa at dali-daling binuksan ni Quina ang pinto ng pribadong silid. Wala. Nakakadismaya! "Ang weird. Nasaan si Scholar T?" "Baka nakalabas na siya nang hindi natin napapansin sa gitna ng kaguluhan?" hula ni Caius. Agad na bumagsak ang mukha ni Quina, at naglaho ang lahat ng kanyang pag-asa. Para siyang nalugi. Sakto namang tumawag ang ina niyang si Francia. "Nana, kamusta? Nakilala mo ba si Scholar T?" masiglang tanong ni Francia sa kabilang linya. Pinisil ni Tang Quina ang kanyang kamao at pinabagal ang pagsasalita, "Malas, hindi ko siya
Ang mga kanina lang ay nagsasabi ng hindi maganda kay Farrah ay parang mga naumid ang mga dila at natahimik na ngayon. Ito ba ang boyfriend na binanggit ni Quina? Napakakisignat tindig palang ay yayamanin na? May cheap at bayarang lalaki ba na ganitong kagandang itsura at tindig. Ito ay Grand Mega Hotel, at ang mga nakakakain dito ay siguradong mayaman, kilala, o may koneksyon. Paanong may maliligaw na bayarang lalaki rito sa ganitong lugar? Ibig bang sabihin, gumagawa lang kuwento si Quina? Sinabi niya lang ba 'yon kanina para siraan ang kapatid niya?Diyos ko! Kung totoo 'yan, sobrang sama pala niya! Ang paninirang-puri ay parang pagpatay — sinisira nito ang puso. Para sa isang babae, ang reputasyon ay mahalaga. Siniraan niya ang kapatid niya sa harap ng publiko. Buti na lang may nagtanggol. Kung hindi, baka pinagtsismisan na ang kapatid niya habang buhay.Dahil dito, tiningnan siya ng lahat ng may paghamak at pagkadiri. Ang iba, hindi na nakatiis at nagsimulang batikusin siya
Pagkasabi noon ni Quina, sy hindi na kinaya pa ng mga propesor ang mga pinagsasabi nito. Kaya umawat na sila at baka kung ano-ano pang sabihin nito. "Balita ko ay natanggap ka daw sa Alab Society, ibig sabihin ay may matalino ka. Pero paano mo nasasabi ang ganoong mga bagay? Kapatid mo pa rin siya, tapos pinagsisigawan mo na malandi sa harap ng maraming tao? Kung marinig 'to ng mga nakakakilala sa kanya. Anong sa palagay mo magiging tingin sa kanya ng ibang makakarinig?"Napakabangis mo! Napaka walanghiya! Paano nagpalaki ang pamilyang Torres ng isang taong kasing sama mo?""Kung hindi lang dahil ikaw ang ampon ng mga magulang niya, matagal na kitang pinaalis sa Alab House. Ang estudyanteng tulad mo ay isang kanser sa isang mataas na institusyong pang-edukasyon!"Habang nakikinig sa mga sunod-sunod na puna ng matatandang propesor, namutla ang mukha ni Quina, bumuka ang kanyang bibig, at bakas ang matinding takot. Kasabay nito, lalo siyang nakaramdam ng matinding inggit at galit kay F
"Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga kakaibang ideas mula sayo, Scholar T. Salamat sa meal ngayon. It is really worth ten years to listening to your words. Marami ako ng natututunan sa'yo." Ang matandang professor ang nagbukas ng pinto, habang patuloy sa pagkukuwento. May kanya-kanyang usap ang ilan pang professors. "Oo nga! Nagtrabaho at nagsumikap talaga si Scholar T. Kaya nga nagrequest lang kami sa'yo ng simple meal." Maya-maya ay sumagot ang isang magandang tinig ng babae at nangibabaw sa boses ng mga matatandang propesor. "Nagsisikap lang ako." Natigilan si Hector. Bakit parang pakiramdam niya ay narinig niya ang boses ni Farrah? Bago pa man niya masagot ang tanong sa isip ay bigla na lang sumulpot si Farrah sa grupo ng mga propesor. Nakita rin ni Farrah si Hector kaya nanlaki ang kanyang mga mata at halos lumuwa. "Farrah? Paanong nandito siya?" Nanlakinrin sa gulat ang mata ni Quina at puno naman ng katanungan sa isip si Caius. "Ikaw? Bakit nandito ka?" Si Ste