Good afternoon. Stay tuned for more updates. Huwag kalimutang mag-iwan ng mga komento at i-rate ang libro. Salamaaaat po!
Neil's POV Pagbalik namin sa bahay, agad ko siyang pinaupo sa sofa. Tinawagan ko ang mga tauhan ko.“Hanapin ninyo kung sino ang nagpasok ng video na ‘yon sa system. Tingnan ninyo lahat ng CCTV sa venue. Kung kailangan, hack ninyo lahat ng email ng staff. Gusto ko malaman ngayong gabi kung sino ang may gawa nito!” sigaw ko sa telepono.“Copy, boss!” sagot ng tauhan ko.Naupo ako sa tabi ni Ella at hinawakan ang kamay niya.“Neil…” bulong niya. “Baka si Cassandra…”Nag-init ang dugo ko. “Kung siya ang may gawa, sisiguraduhin kong hindi na siya makakaharap ng tao. Hindi ko siya patatahimikin.”“Please… huwag kang gumawa ng masama,” pakiusap niya. “Ayokong madagdagan pa ang gulo natin.”“Ella, pinahiya ka nila sa harap ng lahat. Gusto kong malaman kung sino ang may lakas ng loob na gawin ‘yon. At sisiguraduhin kong babayaran nila.”Nagtinginan kami. Ramdam ko ang takot niya pero alam kong mas nangingibabaw ang pangangailangan niya ng proteksyon.“Neil… promise me one thing,” sabi niya.
Neil’s POVKinakabahan ako habang nakatayo sa gilid ng venue. Ramdam ko ang pawis sa palad ko kahit malamig ang aircon. Birthday na ni Ella, at ngayong gabi rin ang pinakaimportanteng gabi para sa akin. Plano ko nang mag-propose. Lahat ay handa—ang bulaklak, ang singsing, pati ang speech na ilang beses ko nang paulit-ulit na sinasabi sa isip ko.Pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Ella na ako ang nag-prepare ng lahat. Sinabi ko kay Kira na huwag na huwag siyang magtuturo sa akin. Gusto ko na isipin ni Ella na simpleng celebration lang ito. At sa gitna ng kasiyahan, saka ako susulpot para sa malaking sorpresa.Narinig ko si Kira na lumapit sa akin.“Neil, relax ka lang,” bulong niya. “Kanina pa kita nakikitang paikot-ikot dito.”Huminga ako nang malalim. “Kira, paano kung hindi siya pumayag? Paano kung hindi pa siya ready?”Umiling si Kira. “Neil, kilala ko ang kapatid ko. Mahal ka niya. Kung anuman ang takot mo, hindi iyon mangyayari.”“Pero Kira, iba ang pressure. Ang daming t
Ella's POV Pagdating namin sa Archangel main office, ramdam ko ang kaba. Lahat ng empleyado nakatingin kay Neil, halatang nabalitaan nila ang pagbebenta ng shares niya. Nakaangat ang kilay ng iba, parang nagtatanong kung kaya pa bang ayusin ng binata ang sitwasyon.Pagpasok namin sa boardroom, naroon na ang mga directors. Kasama rin si Savannah. Agad niya akong nilapitan.“Ella,” mahinang sabi niya. “Thank you. I know this is your doing. Ikaw lang ang nakakapagpabago kay Neil.”Ngumiti ako ng tipid. “Wala iyon. Basta para kay Neil at sa company, gagawin ko.”Umupo na si Neil sa head chair. Ako naman ay umupo sa gilid niya. Kita kong hawak niya nang mahigpit ang pen at folder niya.“Let’s start,” sabi ni Savannah.Isa-isa nagsalita ang mga board members tungkol sa epekto ng pagkawala ng shares ni Neil. May mga project na natigil, may mga investors na nag-pull out.“Mr. Archangel,” sabi ng isang director, “you need to explain. Bakit mo ibinenta ang shares mo nang hindi man lang nagsabi
Ella’s POVNagulat si Neil nang makita niya akong lumabas mula sa silid ni Savannah. Agad siyang lumapit at hinawakan ang braso ko.“Ella, what did she say? Did she scold you again?” tanong niya, halatang nag-aalala.Umiling ako. “No. She said sorry. Humingi siya ng tawad sa lahat ng nasabi at nagawa niya sa akin.”Napaluwag ang mukha ni Neil at agad niya akong niyakap. “Good. At least she realized na sobra na siya. Don’t let her words bother you, okay?”Napabuntong-hininga ako at yumakap pabalik. Pero habang nakapikit ako, bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Savannah. Kahit masakit aminin, may punto siya. Hindi pwedeng ako lang ang iniisip ni Neil palagi.Pagpasok namin sa silid niya, umupo siya sa kama at agad kinuha ang phone niya, parang wala lang. Ako naman, hindi mapakali.“Neil,” tawag ko.“Yes, love?” sagot niya habang tumitingin pa rin sa screen ng phone niya.Umupo ako sa harap niya. “Can we talk? About the company in Spain.”Nakita kong agad siyang tumigil, pero imbes na t
Ella’s POVPagkatapos naming kumain ng hapunan, hindi ko inaasahan ang sumunod na mangyayari.“Ma’am Ella,” maingat na sabi ng maid. “Pinapapunta raw po kayo ni Ma’am Savannah sa silid niya.”Napatigil ako. Mabilis ang tibok ng puso ko at parang nabigatan ako bigla sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong kausapin nang mag-isa. Lalo na at kanina lang, halos hindi niya maitago ang galit niya sa akin.Naglakad ako papunta sa kuwarto ni Savannah. Habang lumalapit, ramdam ko ang kaba. Nang nasa harap na ako ng pinto, kumatok ako nang marahan.“Come in,” malamig pero mahinahong sagot niya mula sa loob.Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama. Tahimik lang siya, hawak ang isang baso ng tubig. Iba ang ekspresyon niya ngayon, hindi galit, kundi parang may bigat na itinatago.“Upo ka,” aniya habang itinuro ang silya malapit sa mesa.Umupo ako. Tahimik lang ako at hinihintay kung ano ang sasabihin niya.Sandali siyang napabuntong-hininga bago nagsalita. “Ella, I owe y
Ella’s POVAgad akong bumaba nang tawagin ako ng maid. “Ma’am Ella, kakain na raw po,” magalang nitong sabi. Tumango ako at inayos ang buhok ko bago lumabas ng silid ni Neil.Pagbukas ko ng pinto, biglang namilog ang mga mata ko. Sa sala, nakaupo ang isang babaeng hindi ko inaasahang makikita rito—ang Ate Savannah ni Neil. Ang CEO ng Archangel Group. Kilala ko siya noon pa man dahil isa siya sa tumulong sa amin, ilang beses ko na siyang nakita sa mga business magazines. Magaling siyang abogada. Matapang ang tindig, halatang sanay na sanay manguna.Bago pa ako makapagsalita, bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko nang mariin niya akong sampalin.“Savannah!” nagulat na sigaw ng Mommy ni Neil na nasa dining table.“Anong ginagawa mo?” halos sabay-sabay na tanong ng mga tao sa paligid.Pero hindi ako nakapagsalita. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko.“Walang hiya ka,” madiin na sabi ni Savannah habang nakatitig sa akin. “Dahil sa iyo, ayaw nang bumalik ng kapa