Good evening po. Stay tuned for more updates! ☺️
Kira’s POVExcited na excited si Anthony habang nasa biyahe kami papunta sa kilalang OB-GYN. Halos hindi siya mapakali sa driver seat. Kanina pa siya tanong nang tanong, parang siya ang buntis at hindi ako.“Baby, do you feel okay? Hindi ba masyadong mainit? Gusto mo ba dagdagan ko ng aircon?” tanong niya habang panay ang tingin sa akin kaysa sa kalsada.“Anthony, mag-drive ka nang maayos. Okay lang ako. At huwag kang OA, please. Kakapasok pa lang natin sa second month,” sagot ko, sabay hawak sa kamay niya para kumalma.“Pero baka kasi hindi ka comfortable. Hindi na puwede na hindi kita bantayan. I promised I’ll be a hands-on dad. And that starts now.”Napailing ako. “Hands-on dad agad? Ni hindi pa nga natin alam kung ilang weeks talaga itong baby.”“Exactly. Kaya nga tayo pupunta sa OB. I need to know everything. From what you should eat, hanggang sa kung paano kita tutulungan sa pagbubuntis mo.”Pagdating namin sa clinic, halatang kinakabahan si Anthony. Kanina pa siya paikot-ikot,
Kira’s POVKinakabahan ako habang hawak ang pregnancy test. Nasa loob pa rin ako ng banyo. Ramdam kong nanginginig ang kamay at tuhod ko. Sa labas, rinig ko ang boses ni Anthony. Kanina pa niya ako tinatawag. Excited na excited siya, samantalang ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang resulta.“Wifey, tapos ka na ba? Please, don’t make me wait too long,” sigaw niya mula sa labas.Napahugot ako ng malalim na hininga bago ginamit ang test. Umupo ako sa toilet bowl, nakatitig sa maliit na stick habang hinihintay ang ilang minuto. Ang tagal ng bawat segundo, parang ayaw lumipas. Nang makita ko ang dalawang linya, napahawak ako agad sa tiyan ko. Buntis ako. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatawa.Hinaplos ko ang tiyan ko at saka dahan-dahang binuksan ang pinto.Agad akong sinalubong ni Anthony. Halos pawisan siya sa kaba. Pabalik-balik siyang naglalakad pero nang makita niya ako, lumapit agad siya. “So? Ano na? Tell me, baby.”Hindi ako nakasagot agad. Iniabot ko lang sa kanya
Kira’s POVOngoing ang meeting sa conference room nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Parang hindi ko na kayang pigilan, kaya dali-dali akong tumayo at lumabas. Nakaramdam ako ng ilang pares ng mata na nakatingin pero wala na akong pakialam. Diretso akong nagtungo sa banyo. Halos mawalan ako ng lakas habang sumusuka. Pinunasan ko ang bibig ko at umupo saglit sa gilid ng lababo. Huminga ako nang malalim at kinumbinsi ang sarili ko.“Siguro dahil lang sa puyat. Hindi naman siguro ito kung ano…” bulong ko sa sarili ko habang nag-aayos ng buhok at mukha. Ayokong makita ng iba na mukhang wasak ako.Paglabas ko ng banyo, sakto namang nasalubong ko si Bianca kasama ang tatlo niyang alipores na mga junior architects. Nakakunot agad ang noo niya at mabilis na nagkomento.“Uy, guys, tingnan n’yo. Ang putla ni Ma’am Kira. Baka may nakakahawang sakit ‘yan,” sabi niya na may halong pang-iinsulto.Umiling ang isa sa mga junior na nakasunod sa kaniya. “Naku, baka nga. Kaya siguro laging absent o
Kira’s POVOne month had passed. Kahit papaano naging maayos na rin ang buhay namin ni Anthony. Nag-focus siya bilang CEO ng Salvatore Holdings, at ako naman bilang architect pa rin.Si Bianca naman, nananatili pa rin sa Salvatore Holdings. Desisyon ni Tita Carmen at Don Roman ang manatili si Bianca lalo na't marami na itong koneksiyon. Hindi ko na siya kinausap. Mas pinili kong umiwas sa gulo kaysa makisawsaw pa sa intriga.Tungkol naman kina Neil Beaumont Archangel at sa kapatid niyang si Savannah, nakapag-usap na rin kami. Humingi ako ng sorry sa nagawa ko, at kahit mahirap, natanggap ko na rin ang mga pagkakamali ko noon. Mas pinagtuunan ko na ngayon ng pansin ang bagong buhay ko kasama si Anthony. Alam kong hindi niya ako pababayaan.“Baby, eat your lunch na,” sabi ni Anthony habang nag-aayos ng pagkain sa mesa ng office. Ako naman ay nakatutok pa rin sa computer, busy sa pagdidisenyo ng isang condominium unit.“Wait lang, almost done na ‘tong layout,” sagot ko.Nilapitan niya ak
Kira’s POVWedding day na namin, pero parang hindi ko maramdaman ang saya na inaasahan ko. Simple at intimate wedding lang ang gaganapin. Pakiramdam ko, parang palabas lang ang lahat kasi hindi namin nagkaroon ng mahabang panahon para planuhin ng maayos ang dream wedding ko. Naging sobrang busy kami sa trabaho, dagdag pa ang lahat ng issue tungkol sa amin.Marami pa ring nagtatanong kung totoo ba talaga ang relasyon namin o isa na namang drama lang. Ang bigat sa dibdib. Napaisip tuloy ako tungkol sa unang wedding namin ni Anthony—panahong wala pa kaming nararamdaman para sa isa’t isa. Panahong kontrata lang ang dahilan kung bakit kami nagpakasal.Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa sarili sa salamin. Sinabi ko na lang sa sarili ko na dapat maging masaya ako, kasi papakasalan ako ni Anthony. Ako ang pinili niya.“Miss Kira, ilang minutes na lang po,” sabi ng makeup artist habang inaayos ang buhok ko.Tumango ako pero hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko.Maya-maya, kumato
Kira’s POVKahit ayaw ni Anthony, pinilit kong imbitahan pa rin ang Lolo Roman niya sa kasal namin bilang respeto. Hindi ko kaya na hindi siya maisama. Gusto ko pa rin na buo ang pamilya niya kahit galit sila sa akin. Pero mali pala ang iniisip ko. Mas lalo lang nagalit ang matanda.Nang makalabas siya ng ospital, nag-book agad siya ng ticket papuntang Spain. Para bang ayaw na ayaw niyang masangkot sa amin.Pati si Tita Carmen, nagalit na rin. Lalo na’t hindi raw nagawa ni Anthony na bumisita noong inatake sa puso ang lolo niya.At ngayon, mabilis na kumalat ang balitang ikakasal na kami ni Anthony.Nasa condo ako habang nanonood ng balita. Halos lahat ng channel, laman ng headlines ang tungkol sa amin. May mga nagsasabi na fake, may mga nagsasabi na kontrata lang, at meron ding mga dumedepensa na baka raw totoo ang relasyon namin.Dumating si Anthony galing sa opisina. Bitbit niya ang ilang folders at diretso siyang lumapit sa akin.“Kira,” tawag niya. “Stop watching the news. Hindi