Good morning. Stay tuned for more updates 🙂
Kira’s POVNakatitig lang ako sa TV rito sa bagong condo na tinutuloyan namin. Kaming dalawa ni Anthony ang laman ng balita. Pinagbibintangan pa rin nila ako na manggagamit matapos kumalat na peke raw ang kasal namin. Kaya napag-usapan namin ni Anthony na magpakasal ulit sa mas lalong madaling panahon. Ramdam kong ang pag-aalala niya para sa akin lalo na't sobra na ang sinasabi sa akin.Tahimik akong nakaupo sa sofa habang nakahawak ang remote control sa kamay ko. Hindi ko na halos napipindot dahil sunod-sunod ang report tungkol sa amin. Pinapakita pa ang mga pictures namin sa Italy, mga kuha ng paparazzi na sobrang lapit namin sa isa’t isa.“Fake marriage daw, gold digger daw, manggagamit…” mahinang bulong ko habang nakatitig pa rin sa TV.Mula sa kusina, lumabas si Anthony. May hawak pa siyang baso ng tubig at agad lumapit sa tabi ko. “Kira, turn it off. You don’t need to watch that.”Umiling ako. “Gusto kong marinig, Anthony. Gusto kong malaman kung ano pa ang sinasabi nila. Para h
Anthony’s POVMabilis kong kinuha ang phone mula sa passenger seat nang biglang mag-ring. Pagtingin ko sa screen, si Mardy.“Hello?” agad kong sagot habang hawak ang manibela.“Sir, emergency. Sinugod po ng mga reporters ang condo. Nasa baba sila, may dalang cameras at microphones. Ang dami nilang sinasabi tungkol kay Miss Kira. Gold digger daw, mangagamit daw. Sir, baka makita ni Miss Kira, masaktan siya.”Nalagot ang hininga ko saglit. Biglang sumikip ang dibdib ko. “What? How the hell did they know her place?”“Hindi ko rin alam, Sir. May nag-leak siguro. Pero nandiyan na po sila. Naghihintay sa lobby, pati sa labas ng building.”Napakuyom ako ng kamao habang hawak ang manibela. “Putangina. Sige, huwag mo siyang palabasin. Bantayan mo si Kira, Mardy. I’m on my way.”“Yes, Sir. Pero magmadali po kayo. Hindi na maganda ang sinasabi ng iba.”Binaba ko ang tawag at mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho. Ramdam ko ang adrenaline sa katawan ko. Hindi ako mapapalagay hangga’t hindi ko s
Anthony’s POVMadaling araw na, pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Kira. I already made a decision. Na hindi ko uuwian si Lolo Roman sa Pilipinas. Pero may parte sa akin na gusto pa rin siyang makita. Gusto kong makasiguro kung totoo bang inatake siya sa puso.Bumangon ako at nagsindi ng sigarilyo. Pinagmasdan ko si Kira na mahimbing na natutulog. Ang payapa ng mukha niya, parang wala siyang iniintinding problema. Napabuntong-hininga ako at tinawagan si Mardy, ang assistant ko.“Mardy, i-book mo kami ng ticket pabalik ng Pilipinas. First flight today. Gusto kong makita si Lolo.”“Copy, Sir. Gagawin ko agad.”Pagkababa ko ng tawag, bumalik ako sa tabi ni Kira. Ilang minuto pa, gumalaw siya at nagising.“Babalik na tayo sa Pilipinas,” sabi ko agad.Mukhang hindi siya nagulat. “Mabuti naman kung gano’n. Alam kong mababago pa ang isip mo.”Pinatay ko ang sigarilyo at nilagay sa ashtray. “Thank you, Kira. Alam kong mahirap sa iyo ang sitwasyon, pero gaya ng si
Anthony’s POVI watched my wife and took a photo of her while she's sleeping beside me. Nakayakap siya sa akin. Mukhang napagod siya sa ginagawa namin buong araw, lalo na sa dagat.Nandito pa rin kami sa hotel suite namin sa Greece. Wala akong balak bumalik sa Pilipinas. Super toxic doon. Ayokong maranasan ulit ni Kira ang lahat ng sakit, lalo na sa panlalait ng sarili kong lolo.Kira is everything.She gave me peace.I’m so happy that she gave me a chance. To work out our relationship again. Kaya bumabawi talaga ako sa kaniya. I will spoil her in everything. Palagi kong ipaparamdam sa kaniya na sapat na siya. Na tanggap ko siya kahit ano pa siya.Inayos ko ang kumot at hinalikan ang ulo niya. Kinuha ko ang camera sa bedside table para kunan ulit siya ng larawan.Napangiti ako habang tinitingnan ang mga larawan ni Kira sa camera roll ko. Mga stolen shots. Mga candid photos niya. Ang korni aminin, pero ngayon ko lang ginawa ang ganitong bagay sa isang babae. Kay Kira lang ako mas nag-e
Kira's POVHinalikan ako ni Anthony sa harap ng maraming tao. Hindi siya nag-atubiling gawin iyon kahit na alam niyang may mga nakatingin. Ramdam ko ang init ng labi niya habang marahang gumagalaw sa akin. Nang kumalas siya, agad niyang pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki.“You don’t have to cry anymore,” bulong niya sa akin. “I told you before, ikaw lang ang babaeng mahal ko. You’re the only one. The only woman I’ll ever love.”Napatingin ako sa kaniya habang hawak niya ang kamay ko. Dahan-dahan niyang hinawakan ang daliri ko at hinalikan ang singsing na siya mismo ang nagbigay.“This ring,” aniya, nakatitig sa mata ko, “is the proof that I’m yours, and you’re mine. Walang kahit sino ang makakabago no'n. Not even time. Not even anyone who tries to stand between us.”“Anthony…” mahina kong sambit. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko dahil punong-puno ako ng emosyon sa ginagawa niya.Binuhat niya ako nang bigla, dahilan para mapayakap ako sa leeg niya. “Let’s go,” sabi niy
Kira's POV Nang lumakas ang alon, niyaya ako ni Anthony na mag-surf. Sinabi ko sa kaniya na tuturuan niya ako. Kaya pumayag ako.Nauna siyang magpakitang gilas sa akin. Proud na proud naman ako sa asawa ko dahil ang galing niya. Parang lahat na lang yata ng bagay ay kaya ng isang Anthony Salvatore. Tapos ang hot pa niya tingnan habang nag-su-surf. Ang lakas ng dating niya, kaya hindi rin nakakapagtakang maraming nakatingin sa kaniya.Tinuruan niya ako. Pero hindi ako maka-focus kasi ramdam kong parang may mga matang nakatingin sa amin. May ilang babaeng nakatayo sa gilid, nakatitig sa amin. Hindi ko alam kung natutuwa ba sila na makita kaming dalawa o nagseselos dahil kasama ko si Anthony.“Focus, wifey!” sabi ni Anthony kaya napalingon ako sa kaniya. Nakangisi siya pero halatang gusto niyang seryosohin ko ang ginagawa.“Ang hirap kaya. Hindi ako sanay rito. At saka… naririnig mo ba sila?” bulong ko habang tinitingnan ang mga babae sa gilid.“Ano na naman? Kanina pa sila nakatingin p