Share

KABANATA 6

Author: KokoyIsMyLife
last update Last Updated: 2025-02-10 14:10:18

"Ikaw na! Here's your crown."

Nakakunotnoong binalingan nang tingin ni Leigh ang kasamahang si Grace nang umikot sa kaniyang swivel chair, at kunyaring may ipinatong na korona sa kaniyang ulo.

"Stop it, Grace," naasar niyang sagot, tumindig at lumayo sa kinauupuan.

"O, bakit? Trending 'yong marriage proposal na naganap sa hallway kanina," kwento nito, at inokupahan ang silya niya.

Pailing-iling na tumalikod si Leigh, nakahalukipkip siyang humarap sa ibang dako. Hindi pa rin mag-sink in sa kaniya ang naganap kanina.

Aksidenteng napasulyap siya sa kaliwang daliri, sa kaniyang ring finger. Napakurap siya nang matitigan ang kumikinang na singsing.

Bakit hindi man lang ba niya nahulaan kaninang umaga nang magising siya na puwedeng mangyari ang bagay na ito?

Hindi na sana siya pumasok pa ng hospital. Kung may bibigay man lang na hint o sign ang mundo na magpo-propose si Hunter.

Wala sana siyang suot na singsing ngayon, tanda ng malapit na kaniyang pagkakatali sa lalakeng hindi naman niya mahal.

"Wait lang, Leigh!" naguguluhang tumayo si Grace, at lumapit sa dalaga. Puwersahang pa siyang ihinarap nito, at nagtatakang pinag-aaralan ang kaniyang hitsura.

"Bakit ba ganiyan ang hitsura mo?"

"Sa lahat ng nagkaroon ng fiance ay ikaw iyong parang namatayan," dagdag pa ng kaibigan.

"I-i don't know, Grace."

Bahagyang nagulat pa si Leigh nang hawakan siya nito sa mgakabilang balikat, at pilit na hinuli ang mga tingin.

"Napilitan ka lang ba?" Nanlalaking mga matang tanong nito.

Natigilan siya, at napakurap, kahit hindi niya sagutin ang tanong ng kaibigan ay sigurado siyang mababasa nito ang nararamdaman niya.

"O, my, God!" Tinakpan pa ni Grace ang sariling bibig, at lumayo sa kaniya.

"That's, that's mean, hindi mo talaga siya gustong pakasalan?"

"Na napilitan ka lang?"

Hindi naman alam ni Leigh ang isasagot, at gagawin para itama at sabihin ang lahat sa kabigan. Ang tanging nagawa na lamang ng dalaga ay ibinagsak ang sarili sa sofa na nasa kaniyang kwarto.

"Bakit ka nag-yes, kung no naman pala ang sagot mo?" hysterical ng kaibigan habang nakatayo sa harap niya.

"I-i can't say no. Do you see the crowd? They are watching us," naiinis na katwiran niya kasabay nang pagsapo ng noo, at itinungkod ang siko sa gilid ng sofa.

"So, hinayaan mo na 'yong crowd ang mag-decide ng future husband mo, ganoon ba?" naiiritang tugon nito kasabay nang pag-upo sa tabi ng dalaga.

Naiirita ang anyo ni Leigh nang humarap sa kaibigan. Mangiyak-iyak na rin siya dahil sa sobrang inis sa sarili, at sa nangyari.

"I don't know what to do."

"He was on his knees, holding the ring and asking me to marry him with audience around," halos hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang inis.

Natigilan naman si Grace, at itinuon ang mga mata sa iisang dako, tila malalim ang iniisip. Siya naman ay pinagmamasdan ang kaibigan na bahagyang natahimik.

"G-grace, what are you thinking?"

"Naisip ko lang, baka, baka lang, ha?" nagda-dalawang isip na saad nito nang muling nagtagpo ang mga mata nila.

"Baka ano?" takang-tanong ni Leigh habang nakahawak sa magkabilang kamay nito.

"Maybe, Director meant it."

Siya naman ngayon ang napahinto, inalis niya ang tingin sa kaibigan, at katulad nito ay itinitig niya sa kawalan.

"Look, we both knew that he likes you a lot. Naging mas malapit sa iyo si Director dahil sa pagtulong niya kay Tito Benjamin."

"Like what you always said, tuwing lumalabas kayo ay napipilitan ka lang dahil nahihiya kang tumanggi. Kaya sa maraming tao siya nag-propose, so you can't say no," pag-eestima nito ng mga pangyayari.

Nagpakawala si Leigh nang malalim na hininga.

Mukhang napagdugtong-dugtong ng kaibigan ang mga nangyari, at gustong mangyari ni Hunter.

Tama naman si Grace, may punto ito, napakalaking punto. Alam niya, at ni Hunter ang totoong nararamdaman niya, hindi niya iyon itinago sa binata.

Wala pa sila sa stage ng mga romantic, at serious dates. Dapat naisip ni Hunter iyon, at hindi nag-decide na biglain siya ng isang proposal sa gitna ng hallway sa abalang hospital.

"Ano, sissy? Hindi ba?" untag ni Grace sa kaniya dahilan upang ibalik niya ang mga mata rito.

"Maybe the Director used that moment just to have your 'yes', right? Pero knowing him naman, I knew he won't do such things na makasasakit sa iyo."

"I mean, he likes you a lot. Lagi niyang sinasabi na ayaw ka niyang masaktan kapag nakatalikod ka," animo'y nahahati sa pagitan ng paghihinala sa totoong pakay, at sa paniniwalang malinis ang intensyon sa kaniya ni Hunter.

"But he shouldn't put me in that situation. And this marriage proposal is so fast. We've been dating for almost three months," tuluyan nang kumawala ang pagtitimpi ni Leigh, at nayayamot niyang isinandal ang likod.

Natahimik ang dalawang dalaga. Tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari, at hindi pa rin alam ang tamang iisipin sa ginawa ng kanilang direktor.

"Leigh," Lumapit sa kinauupuan niya si Grace, at umakbay sa kaniya.

"You already said yes so you will marry him."

"Grace, you know how I feel, kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya," naiiyak niyang sambit nang luminga rito.

"I know. You still have a choice, Leigh."

"A choice?" usisa niya, at bahagyang hinarap ang mukha ng kaibigan.

"Hangga't wala pa kayo sa harapan ng altar. Umatras ka na, sabihin mo na iyang feelings mo, iyong totoo mong nararamdaman sa kaniya."

Napakurap si Leigh, may sumungaw na maliit na liwanag mula sa sinabi ng kaibigan. Sa pangalawang pagkakataon ay may tulong ang sinabi nito.

May pagkakataon pa siyang sabihin kay Hunter na napilitan lang siyang mag-yes dahil ayaw niya itong mapahiya.

Tama!

Kailangan niyang kausapin ang binata, at ipaliwanag ng maayos ang nangyayari.

"Grace, nasaan siya ngayon?" matulin na tumayo si Leigh, at sinilip ang suot na relo.

"Maaga pa naman, baka nasa office pa niya. Go and talk to him!"

Nang tumayo ang kaibigan ay niyakap niya muna ito bago lumabas ng opisina. Mabilis siyang naglakad pero pinanatili niya ang pagiging pormal, lalo na't may nakakasalubong na ilang pasyente, at nurses.

"Nurse Kim, excuse me!"

"Doc. Guanez!" Lumapit mula kay Leigh ang nurse na nasa station.

"Bakit po, doktora?"

"Did you see Director around?"

"Si Director po? Kadadaan niya lang po. Hindi po ba siya galing sa room ninyo?" takang tanong ni Kim.

"Sa room ko?" ulit ni Leigh.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 63

    "P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 62

    "Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 61

    Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 60

    Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 59

    "Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 58

    "Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status