Fascinating, intelligent, an almost perfect woman. Leigh Guanez, a great surgeon. People admire her because of her excellence and devotion in her chosen profession. But Hunter Ceneron won and changed her serene life. The near-perfect lady, turned it into a battered wife. But that's not all, Leonardo came back. The ex-lover unexpectedly is now her brother-in-law. Will she let her have an affair with the man who has been sincere with her since then?
View More"Congratulations, Dr. Guanez!"
Napailing na lang si Leigh habang pababa ng hagdan. Sinalubong agad siya ng kaibigan, at kapwa doktora na si Grace. "Ikaw na! Ikaw na ang award winning doctor ng St. Javier Hospital!" pagbibiro nito habang abot-tenga ang ngiti sa labi. "Enough, Grace," nahihiya, at mahinang awat ni Leigh sa kaibigan, at hinawakan ito sa braso. "Congrats, Leigh." Sabay silang napatingin ng kaibigan sa sumulpot na boquet of pink roses. At nang i-angat niya ang tingin ay nagtama ang mga mata nila ni Hunter. "Flowers for you," malambing na sambit ng binata. Hilaw ang ngiting gumuhit sa labi ni Leigh, at na pipilitang kunin ang bulaklak na ibinibigay nito. "Ang sweet!" kinikilig ngunit impit na panunukso ni Grace sa kanila. Gusto man ng dalaga awatin ang kaibigan ay pinanatili niya ang pormal na mukha lalo na't pinagmamasdan siya ni Hunter. "As a Director of this hospital, I'm really happy to have you here. All praises to you, Leigh-" "Director, I would not have been able to do that mission in remote areas without the help of our nurses and doctors, who volunteered to my project. They deserve the praises too," mahabang paliwanag niya. "You're really humble, I like it," pagtango-tangong papuri nito habang nakikipagsukatan nang tingin sa kaniya. "And I like you." Napakurap si Leigh sa sinabi ni Hunter. Noon pa man ay hindi na ito nag-aalinlangang magsabi o magpakita ng interes sa kaniya. Ngunit nakapagtatakang wala siyang maramdamang espeyal o kahit kaligayahan man lang sa mga sinasabi nito. "Director, obvious na po 'yang pagpapa-cute ninyo!" kinikilig na litanya ni Grace habang inaalog ang braso ni Leigh. "Obvious ba? I hope na makita 'yon ni Leigh," parinig pa rin ni Hunter. "Congrat's, Dr. Guanez!" Agad na tumayo si Leigh, at nakangiting hinarap ang mga kasamahan sa hospital. Isa-isa itong nakipag-kamay sa kaniya na buong puso naman niyang tinanggap. "Thank you," tanging tugon niya. Nilibot niya ang paningin sa magarbong kasiyahan na ginanap sa isa sa mga high class hotel. Maraming kapwa doktor, at mga kilalang bisita ang nasa loob at nakiisa sa kanila. "Leigh, itinatanong ka ni Director sa akin," singit ni Grace. "What?" may bahid na irita ang boses niya, at pasimpleng iginala ang mga mata. Kanina pa niya iniiwasan ang kanilang direktor. Hindi siya komportable sa tuwing malapit ito sa kaniya kaya minamabuti na lang niyang lumayo. "Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Director?" sabat ni Kiara ang kapwa niya surgeon. "Oo nga! Ilang taon na rin iyon nagpaparamdam, ha?" pagsang-ayon pa ng isa. "Gwapo, matalino, mayaman at may pangalan!" "What could you ask for, Dr. Guanez! Like you, he's almost perfect!" dagdag pa ni Grace. Bumuntong-hininga si Leigh, totoo naman lahat ng sinabi ng kaniyang mga kaibigan. Pero wala talaga siyang maramdamang espeyal o kahit kakaiba man lang sa binata. In short, hindi siya interesado kay Hunter lalo na sa pag-ibig na ibinibigay nito. "Ano na, Leigh?" untag ng kaibigan. "Grace, wala akong nararamdaman sa kaniya." "Why?" nagtatakang tanong nito. Nagsalubong ang kilay niya bago binalingan nang tingin ang mukha ng kaibigan. Naiinis na nagkibit-balikat siya. "I don't know why. It just that, I don't feel anything special to him," seryosong pahayag ni Leigh. Nang ibaling na dalaga ng tingin sa 'di-kalayuan ay natanaw niya ang ama na tila hinahanap siya. Nagpaalam muna siya sa mga ka-trabaho bago nagmamadaling lumakad. "Mr. Benjamin Guanez!" "Director!" nahihiyang sagot ni Benjamin, at huminto sa paglalakad. "Are you looking for Leigh?" tanong ni Hunter. Natigilan sa paglalakad si Leigh nang makitang kausap ng kanilang direktor ang kaniyang ama. May parte sa puso niya ang nakaramdam nang inis. "Yes. Mukhang hindi ko na naabutan ang pagtanggap niya ng award," saad ni Benjamin. "It's okay. Mahaba pa naman ang gabi, you and her can enjoy this party all night," Nakangiting aniya ng binata. "Pa!" kaswal na lumapit si Leigh sa ama. Awtomatikong nagyakap sila bago muling humarap ang matanda sa kaniya habang nakahawak sa kaniyang maliit na bewang. "Sorry for being late, ang dami ko pang inasikaso sa shop," paghingi ng pasensiya nito. "It's okay, I understand. Shall we eat?" tanong niya sa ama. "Can I join you?" Mabilis na tumikwas ang kilay ni Leigh kahit na pigilan niya. Marahang humarap ang dalaga kay Hunter habang blanko ang ekspresyon. "I mean, one of this days naman. Sabay-sabay naman na tayong kakain as a family," buong-ku piyansang pagdiga nito. "Leigh, sinagot mo na ba si Director?" namamangahang usisa sa kaniya ni Benjamin. "No!" Napangisi si Hunter sa bayolenteng sagot ng dalaga. Tiningnan ni Leigh ang mukha ng ama bago muling binalikan nang tingin ang nagdidilim na anyo ng binata. At sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya nang kakaibang takot. Pilit na nilulunok ng dalaga ang pagkain, lihim niyang sinusulyapan si Hunter na kaharap nilang mag-ama ngayon sa lamesa. Kahit na mukhang napahiya ito sa naging sagot niya kanina ay hindi iyon naging rason para hindi sila sabayan mag-dinner. Hindi niya tuloy alam kung ano'ng dapat niyang maramdaman? Hunter Ceneron is the Medical Director of St. Javier Hospital. Pribadong hospital na kilala sa mga magagaling na espesyalista, at may magagarang aparato sa iba't-ibang klaseng karamdaman. Katulad ng mga sinabi ni Grace, at ng ibang kasamahan ay wala ka ng hahanapin sa binata. Bago ito pumasok bilang direktor ng hospital ay dati itong model. Gwapo, matikas ang pangangatawan ngunit sa kabila ng magandang image, at anyo nito ay tila hindi niya iyon mahangaan. There is something about him na hindi niya kayang ipaliwanag pero malakas niyang nararamdaman. The good image he potrays is not really him! She just simply don't trust Hunter! "Leigh, are you okay?" Napataas ang magkabilang balikat ng dalaga nang marinig ang boses ni Hunter. Natatakot na itinaas niya ang mukha. "You're not eating, do you want something? Or-" "N-no, no. I'm fine!" mabilis niyang awat, at pekeng ngumiti. "Dr. Guanez!" Napatingin silang lahat nang lumapit sa lamesa nila si Zid, ang bagong nurse ng hospital, at isa sa mga naging volunteer niya sa naging mission noong nakaraang buwan. "Nurse Zib!" Tumindig ang dalaga, at buong luwag na nakangiti sa binata. "Congrat's po, Doktora!" Inabot nito ang isang simple, at maliit na boquet ng sunflower. Akamang kukunin niya iyon nang bigla na lang ito tumalsik sa malayo. Natigilan silang lahat, at sinundan nang tingin ang bulaklak na nasa sahig. Dahan-dahan inangat ni Leigh ang mga mata, at nagtama ang matalim na tingin nila ni Hunter."P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n
"Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si
Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap
Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra
"Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t
"Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments