Share

KABANATA 7

Author: KokoyIsMyLife
last update Last Updated: 2025-02-10 14:11:22

Nakakunotnoo pa rin si Leigh habang naglalakad patungo sa office ni Hunter. Kung nakita ng kanilang nurse na dumaan ang kanilang direktor, marahil ay galing nga ito sa kaniyang kwarto.

"Hi!"

Huminto siya sa paglalakad, at pilit na ngumiti sa sekretarya ni Hunter na kalalabas lamang sa office.

"Si Director po ba?" bungad na usisa nito.

"Y-yeah, nasa loob pa rin ba siya?" aniya niya, at saglit na sinilip sa nakapinid na pinto.

"Kauuwi lang po."

"Talaga ba?" nadismayang sagot ni Leigh.

Pikit pa ang mga mata niya nang kunin ang cellphone na tumutunog na nasa kaniyang side table. Kauuwi lang niya galing sa duty sa hospital, matapos hindi na maabutan si Hunter kagabi.

"H-hello?"

"Good morning, babe."

Awtomatikong tumikwas ang kilay ng dalaga habang sapo pa rin ang noo. Kilala niya na ang boses, at kung sino ang tumatawag sa kaniya ng ganitong kaaga.

"Can you come at Town Case Restaurant?" malambing na alok ni Hunter sa kabilang linya.

"Why?" mahinang niyang tanong, at pinilit na huwag marinig ang pagkainis sa kaniyang boses.

"Dito ko na lang sasabihin sa iyo, please?"

Napapikit nang mariin si Leigh, hindi man niya nakikita ang binata ay naiinis na siya sa pagpapa-cute nito. Mabigat ang katawan niya nang bumangon, tulala pa rin siya habang nakatapat ang cellphone sa tenga.

"Alright. May sasabihin din naman ako sa iyo," seryoso niyang bigkas.

"Thank you, babe. See you!"

Daig pa ang isang lantang gulay nang ibaba ni Leigh ang cellphone. Nayayamot niyang hinawi ang buhok bago inalis ang pagkakatabing ng kumot sa katawan.

"I'm sorry, Hunter."

"But I can't marry you."

"I said yes, I said yes kasi ayaw lang kitang mapahiya."

Nagpatango-tango siya habang pokus sa pagmamaneho, nag-eensayo na siya sa sasabihin kay Hunter habang lulan ng kaniyang sasakyan patungo sa restaurant.

"Forgive me. Right, iyon ang dapat kong sabihin. I need to be more straight forward."

Sinulyapan ni Leigh ang singsing na suot, mamaya lang ay huhubarin niya iyon, at ibabalik sa lalakeng hindi naman niya gustong makasama habang-buhay.

"Hey, babe!" Itinaas ni Hunter ang kamay habang nakaupo sa isang silya.

Hilaw na ngumiti ang dalaga, napipilitang naglakad siya palapit dito. Doon lamang niya napansin ang isang babae, at binabaeng kaharap nito, ngiting-ngiti sa kaniya.

"Take a sit, Leigh."

Tumayo pa ito, at inalalayan siyang umupo. Muli niyang tinapunan nang tingin ang mga kaharap.

"I already order food for you, babe."

"Ang sweet naman ni Sir Hunter," panunukso ng dalawa habang bakas sa hitsura ang kilig.

"T-thank you," mahina niyang tugon, at luminga sa binata na nakapatong ang kamay sa kinauupuang silya.

"Babe, this is K and Joanna," pakilala ni Hunter habang tahimik siyang kumakain.

Nag-angat ng mukha ang dalaga, at muling ngumiti sa mga kaharap. Hindi pamilyar ang mga ito sa kaniya, imposible rin na empleyado ito ng hospital.

"K is the famous designer in town, this is Joanna our wedding planner."

Halos maibuga ni Leigh ang laman ng bibig buhat sa narinig kay Hunter. Maagap naman hinawakan nito ang likod niya, at nag-aalalang inabutan siya ng tubig sa baso.

"Ma'am, are you okay?" nababahalang tanong ni K, at Joanna sa dalagang patuloy pa rin sa pag-ubo.

Pinilit ni Leigh ang kumalma, umayos siya sa pagkakaupo, kumuha ng tissue, pinunasan ang labi at nagtatanong ang anyo nang tapunan nang tingin ang katabing binata.

"Are you okay?" tanong nito.

"I-im fine," kinontrol pa rin niya na huwag ipakita ang pagkadismaya, at pasimpleng sinulyapan ang mga kaharap.

"Are you sure?"

Tumango-tango siya habang lumulunok. Hindi siya mali ng pagkakarinig. Ang kaharap nila ngayon ay sikat na designer at wedding planner, ngayon nakuha niya kung bakit narito ang mga ito.

Pero teka-

Ang ibig-sabihin lang no'n ay-

"As I say, Joanna will be our wedding planner and K will assign in your wedding dress," patuloy ni Hunter.

"Hi. I can do everything you want in your wedding gown, Miss Leigh, soon to be Mrs. Hunter Ceneron," biro nito.

"And as your wedding planner, I can make your wedding ceremony and reception magical like a fairy tale," singit naman ni Joanna.

Mapaklang ngumiti si Leigh sa mga ito bago muling lumipad ang tingin kay Hunter, na iniwasan naman agad nito at nagpokus na lang sa mga kaharap.

Marahas ang ginawa niyang paghinga, at tumitig sa kawalan.

Paano na niya sasabihin ang pagtanggi niya sa inaalok nito nang harap-harapan?

Kung may nakausap na itong mga professional para ayusin ang kanilang kasal?

Siguradong siyang sa oras na mag-back out siya ay maraming makaaalam.

Paano niya na ngayon mahuhubad ang singsing, at ibabalik kay Hunter?

"Are you excited?"

Tila pinagbagsakan ng langit, at lupa si Leigh habang magkahawak ang mga kamay nila ni Hunter na naglalakad sa hallway ng hospital.

"Hey, are you with me?" untag nito sa kaniya, huminto at pilit na sinilip ang mukha ng dalaga.

"D-director," mabigat niyang tono nang mapaharap dito.

Kung hindi niya sasabihin ang gusto niya ay nawawalan na siya ng oras para ipagtapat ang totoo.

Bumuntong-hininga siya, at buong tapang na sinalubong ang mga mata nito.

"What's the matter?"

Nakangiti man ito ay may naaninag siyang kaba, at galit sa mukha ni Hunter na hindi niya mawari.

"Director, I, I, just can't," animo'y may nasa dulo ng dila ni Leigh ang mga salita.

"I."

"J-just."

"C-can't do this," sa wakas ay na bulalas ng dalaga habang hindi maipinta ang mukha.

"What?" Nagdugtong ang mga kilay ni Hunter.

Binasa ni Leigh ang mga labi dahil pakiramdam niya ay natutuyo ang mga iyon kasabay ng kaniyang lalamunan. Sandali pa siyang tumanaw sa malayo bago binalikan nang tingin ang kaharap.

"Everything is fine now, Leigh."

"The wedding, everything, and your Papa," seryoso pero may naulinigan siyang galit, at pamimilit sa boses nito.

Saglit pa niyang nabasa ang pagrehistro ng matalim nitong tingin. At ang pag-igting ng mga panga nito habang bakas sa mukha ang pinipigilang inis.

"I can't see any reason, why you're telling me this shit," mahina pero maawtoridad na aniya ni Hunter.

Nakadama ng siya ng kaba habang nakikipagsukatan nang tingin dito. Ilang beses niyang kinurap ang mga mata, nagbabakasakaling mawala ang nababasa niyang nakatatakot na galit sa anyo ng binata.

"In three months, you will be my wife. And Leigh, you have no reason to turn back."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 63

    "P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 62

    "Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 61

    Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 60

    Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 59

    "Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t

  • Sincerely yours, Leonardo    KABANATA 58

    "Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status