"Will you marry me?"
Nakabibinging sigawan ang pumuno sa kahabaan ng hallway ng St. Javier Hospital. Kasalukuyang nakaluhod si Hunter sa harap ni Leigh. "Dr. Leigh Guanez, will you marry me?" ulit ng binata. "H-ha?" halos hindi ito lumabas sa bibig ng dalaga habang nalilitong nakatunghay sa kanilang direktor. "Yes!" Napamasid siya sa paligid, naroon ang ilang pasyente, kasamahan nilang doktor at nurse. Kilig na kilig ang mga itong nanonood sa dalawa. "Leigh?" ulit ni Hunter dahilan para balikan niya muli ito nang tingin. Napasulyap ang dalaga sa hawak nitong maliit na kahon na may lamang isang diamond ring. Napakurap siya, at tiningnan ang kinakabahang mukha ng binata. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Ilang buwan pa lang sila nagda-date, para nga sa kaniya ay hindi iyon romantic date. "Leigh, I'm waiting," may diin ang bawat pagbigkas ni Hunter, at lihim na inilibot ang mga mata sa mga nanonood. "Yes na 'yan!" "Doc. Guanez! Yes na iyan!' pambubuyo ng mga nanonood. Hindi makangiti si Leigh sa nangyayari, hirap na hirap siyang lumunok at hindi makaisip ng kung anong salita ang lalabas sa bibig para sagutin ang tanong nito. "Will you be Mrs. Hunter Ceneron?" naiinip ngunit pinanatili pa rin ni Hunter ang pagsusumamo kahit na bakas na pagkainip sa tugon ng doktorang dalaga. Nanginginig ang mga palad ni Leigh, saan niya sisimulan ang pagtanggi sa inaalok nito? Siguradong mapapahiya ito sa mga taong nanonood, lalo na't mataas ang posisyon nito sa hospital. Pero ano'ng gagawin niya? Hindi pa siya handa matali, lalo na sa lalakeng wala siyang nararamdaman. Tila napansin naman ng mga nanonood ang pagdadalawang-isip ng dalaga. Natahimik ang mga ito, at makahulugan na nagtinginan. Ganoon na rin ang kanilang mga kasamahan. Muling lumipad ang tingin ni Leigh sa mukha ni Hunter, hindi na maipinta ang mukha ng kanilang direktor. Hati sa pagitan ng pagkainip, at pagkapahiya ang nakaaawang anyo nito. Nakaramdam siya ng awa kung basta-basta na lang niya tatanggihan ito nang harapan, sa harapan ng mga empleyado nito at mga tao. Tumindig si Hunter habang hawak ang kahon, nasalubong ng dalaga ang alangang mga mata ng binata. Naaninag niya ang lungkot sa hitsura nito. "You don't want to marry me?" mapait na tanong nito. "W-what?" naguguluhan niyang usal, at hindi alam kung saan itutuon ang mga mata. "Rejected 'yong marriage proposal ni Director?" "Grabe naman, hindi ba nakahihiya iyon?" "Oo nga, magkasintahan sila, 'di ba?" "Bakit kailangan pa niyang ipahiya si Director?" Umuugong ang bulungan sa paligid, at dinig na dinig niya ang kuro-kuro ng mga kasamahan sa paligid. Napalunok si Leigh ng sariling laway, at lumipad ang tingin kay Hunter na nakayuko. Pumikit muna ng mariin ang dalaga bago muling nagmulat, at tinitigan ang binatang nag-aalok ng kasal sa kaniya. Bahala na! Kung hindi niya sasagutin ito ngayon ay talagang magiging malaking kahihiyan ang nangyari na ito. At sa lahat ng ginawa ni Hunter para sa kaniya, at sa kanilang mag-ama ay hindi katanggap-tanggap ito na maging sukli. Pero hindi rin niya dapat isukli ang pag-oo sa inaalay nito. Hindi niya mahal si Hunter, at wala siyang kaunti man lang na espeyal na nararamdaman dito, kaya bakit siya papayag magpatali sa lalakeng hindi naman niya gustong makasama? "I thought we're good and you are ready for this, Leigh," malungkot na saad ng binata. Nasalubong niya ang malulungkot na mata nito na nagpakurot sa puso ni Leigh. Hindi siya sanay na may nasasaktan dahil sa kaniya. "We have been dating for almost a few months." Tama ito, ilang buwan pa lang sila nagkakakilala. Dapat hindi pa sila umabot sa ganito, at hindi sa ganitong sitwasyon na maraming nanonood ito nagtatanong ng ganitong kahalagang bagay. "I thought you are ready to be with me for a lifetime." Bumaling nang tingin si Hunter sa mga taong nakapaligid. Kahit gustong magwala ng binata dahil sa galit ay hindi niya magawa. Sobra-sobra na ang pagpapahiyang nakamtam niya ngayon, at makasisira ito sa kaniyang magandang imahe na pinagkakaingatan niya. "Everyone, sorry for inconvenience. You can all go!" anunsyo ng Director ng hospital habang namumula ang mukha dahil sa galit, at pagkapahiya. Tinalikuran ng binata si Leigh, napakurap naman ang dalaga, at tinitigan ang nakatalikod na binata. Nangangatog ang mga binti niya dahil sa kaba, nakakunotnoo siya, at hindi malaman ang gagawin, ang tamang gagawin. Para hindi mapahiya si Hunter sa mga tao. "D-director!" lakas-loob na tawag ni Leigh. Huminto ito sa paglalakad ngunit hindi pa rin lumilinga. Maingat namang nakikinig ang mga tao sa kanila. "Y-yes." Nilinis muna ni Leigh ang lalamunan bago binasa ang ibabang bahagi ng labi. Sunod-sunod na napakurap ang dalaga, hindi niya alam kung sigurado ba siya sa sinasabi niya. "Y-yes, Hunter." Pinikit niya nang mariin ang mga mata, at pilit na ibinulalas ang tugon niya sa alok nitong kasal. "I-i will marry you." Isang iglap lang ay nasa harap na niya si Hunter. Hindi matatawaran ang saya sa anyo nito. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya nang napakahigpit, at tinitigan ng diretso sa mga mata. "Really, Leigh?!" "It's a yes?!" sunod-sunod na usisa nito habang hindi makapaniwala ang anyo. Maliit na pagtango ang ginawa ni Leigh, dahil hindi rin naman niya kayang ulitin ang sinabi. Napataas ang balikat niya dahil sa gulat nang maghiyawan ang mga tao sa paligid. "Thank you and I love you, Leigh!" Niyakap siya ni Hunter nang napakahigpit. "Congratulations, Dr. Guanez and Director!" "Bagay na bagay kayo!" "Imbitado kami sa kasal ninyo, ha!" panunukso ng mga nasa paligid habang tuwang-tuwang silang pinagmamasdan. Muling humarap si Hunter kay Leigh. Sinusundan niya nang tingin ang bawat galaw ng mga nagniningning na mga mata ng binata. "I will marry you as soon as possible." "I can't wait to be your husband, Leigh." "I love you." Isang maliit, at hilaw na ngiti ang sumungaw sa labi niya. Hindi niya magawang sagutin ang huling sinabi nito dahil hindi naman pag-ibig ang nararamdaman niya para sa binata. Niyakap muli siya ni Hunter, at sa pagkakataon na ito ay pumikit ang dalaga. Kailangan na niyang ihanda ang sarili sa mga mangyayari sa pagpayag na magpakasal dito."P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n
"Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si
Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap
Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra
"Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t
"Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig