“MISS, ready na kaming umorder dito!” A customer shouted and Zelica immediately stood up and walked towards their table.
“Good evening po, Sir. May I take your order?” mahinahon ngunit masigasig na tanong ni Zelica. Hindi kaagad sumagot ang customer na lalaki kay Zelica n at saglit na pinasadahan nito nang tingin ang kaniyang buong katawan. “Ano po ang order ninyo, Sir?” mariin at muling tanong ni Zelica sa customer na lalaki dahil nakangisi pa ito sa kaniya habang ang mga kasamahan nito ay sinisiko ito at kinakantyawan. “Tatlong sisig, isang fried isaw, at saka apat na buckets ng light beer…” usal ng customer na lalaki at mabilis namang isinulat iyon ni Zelica ang mga order nito sa isang pirasong papel. Tumango siya at saka inulit ang order nito upang makasigurado. “Bali ang order ninyo po ay tatlong sisig, isang fried isaw, and apat na buckets po ng light beer. Am I right po?” may tipid na ngiti sa labing tanong ni Zelica. Tumango naman ang customer na lalaki kay Zelica kaya naman aalis na sana siya para maibigay na ang order sa kitchen ngunit hinawakan nito ang kanang kamay niya para pigilan siyang makaalis. “Yes po? May idadagdag pa po ba kayo sa order ninyo?” tanong ni Zelica habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ng customer na lalaki sa kaniya. “Meron sana…” “Ano ho ‘yon? Pakibitawan po ang kamay ko.” Mas lumawak ang ngisi ng customer na lalaki. “Number mo sana, Miss…” Kahit na pinaalalahanan ni Zelica ang customer na lalaki na bitawan ang kaniyang kamay ngunit hindi pa rin ito bumibitaw. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga kasama nito na para bang naka-jackpot ang katropa nila. “Put*ngina, Pre. Buong akala ko torpe ka na habang buhay!” “Mukhang makaka-score ka ngayon, ah!” “Miss, bigay mo na number mo sa tropa namin!” Samu’t saring komento ng mga ito kaya kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Zelica na kanina pa niya pinepeke. “Ano, Miss? Alam ko namang hindi ka lang waiter dito, eh…” Huminga nang malalim si Zelica para pakalmahin ang kaniyang sarili. Hindi naman na ito bago sa kaniya dahil araw-araw niya na lang yata nararanasan ang ganitong trato mula sa mga customers na lalaki. “Bitawan mo ako,” walang emosyon na utos ni Zelica. Nagitla ang customer na lalaki at napatulala lang sa kaniya sandali pero kaagad na kumunot ang noo nito at mas diniinan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. Tuluyan nang pumigtal ang natitirang pasensya ni Zelica sa customer na lalaki nang magtangka pa itong humawak sa isang hita niya. “Ano naman ang gagawin mo kung ayaw kitang bitawan?” nakangising tanong ng customer na lalaki kay Zelica. “Eto lang naman ang kaya kong gawin sa iyo,” usal ni Zelica at saka marahas na itinusok sa kamay ng customer na lalaki ang ballpen na hawak niya. Napasigaw ang customer na lalaki sa sakit at kitang kita ni Zelica na dumugo ang kamay nito dahil sa lalim ng pagkakatusok niya. “Put*ngina mo, ah!” mura ng customer na lalaki kay Zelica at saka nanggigigil na sumugod. Susuntukin na sana si Zelica sa mukha ng customer na lalaki nang biglang humarang ang ka-trabaho niyang si Luke at itinulak ang lalaki papalayo. Kaagad na tumayo ang mga kaibigan nito para alalayan ito. “Nakakalalaki ka, ah! Ano? Tara sa labas!” hamon ng isang lalaki kay Luke at lalapit na sana ito pero kaagad na pumagitna ang mga bouncer ng bar. “Hindi kami nagtatrabaho rito para bastusin ninyo lang! Hindi porket nasa bar kayo, eh, may karapatan na kayong mang-harass ng mga tao rito!” hiyaw ni Zelica at pinigilan siya ni Luke makalapit sa grupo dahil gusto niya pang sumugod sa mga ito. “Kung gagawa lang po kayo ng away rito sa bar mga Sir, eh mas mabuti po sigurong umalis na lang kayo. Hindi po puwede ‘yang mga ikinikilos ninyo rito sa bar namin,” sambit ng isang bouncer sa mga ito. Walang nagawa ang grupo kung hindi samaan na lang nang tingin sina Zelica at Luke. Itinaas pa ni Zelica ang middle finger nang lumingon pa ito sa kanila habang papalabas ang mga ito ng bar. “Ayos ka lang ba, Zelica? Dapat kasi sa kitchen ka na lang, eh.” tanong ni Luke. “Ayos lang naman ako. Bakit naman ako ang mag-a-adjust sa kanila? T*ngina talaga ng mga lalaking customer, eh. Mga hindi pa lasing pero mga malilibog na talaga,” inis na sagot ni Zelica kay Luke at napabuntong hininga na lamang ito. “Hindi naman sa ikaw ang pinag-a-adjust ko. Iniiwas ka lang din dahil marami talagang bastos na customer…” sambit ni Luke. “Okay lang naman ako. Marami namang ballpen sa stock room, eh.” biro ni Zelica kay Luke kaya naman natawa silang pareho. Si Luke ang laging sumasalba kay Zelica kapag nakikipagtalo at lumalaban na siya sa mga bastos na customer katulad na lamang kanina. Ipinagpapasalamat niya na ito ay magalang at maginoo, hindi katulad ng ibang lalaki. “Oh, ano ang nangyari?” humahangos na tanong ni Cathy kay Zelica. Ito ang matalik na kaibigan ni Zelica sa bar. Pare-pareho silang waiter dito. “May bastos na naman kasing customer, eh. Pinipilit kunin number ko at saka hinahawakan ako nang walang permiso ko kaya sinaksak ko ng ballpen sa kamay,” pagpapaliwanag ni Zelica kay Cathy dahil inakala niyang kakampihan siya nito pero nagulat siya sa naging sagot nito sa kaniya matapos itong sumulyap kay Luke. “Dapat kasi ay ibinigay mo na lang para walang away,” nakakunot ang noong usal ni Cathy sa kay Zelica at napatanga naman siya rito. “Ano ang meron sa iyo ngayon, Cathy? Naririnig mo ba sarili mo?” “Ano bang masama sa panghihingi ng number? Pwede mo namang ibigay at deadmahin na lang kung tumawag o mag-text sa iyo, eh! Minsan, grabe ka rin kasi kung makapag-react! Nananakit ka pa ng customer ngayon!” buwelta ni Cathy kay Zelica kaya naman hindi niya napigilang mainis dahil sinisisi pa siya nito sa nangyari. “Bakit parang ako ang sinisisi mo? Eh, ako na nga ‘tong nabastos kanina—” “Cathy, victim blamer ka pala?” pagpuputol ni Luke sa sasabihin ni Zelica kay Cathy. Nagulat sina Zelica at Cathy nang dahil doon. “W-What do you mean, Luke?” aligagang tanong ni Cathy. “Kilala mo ba ‘yong mga customers na bumastos kay Zelica at dine-defend mo pa ang mga wrong behaviors nila? Bakit galit na galit ka kay Zelica na hindi na lang niya ibinigay ang number niya kanina? Kasalanan niya ba ‘yon kung ayaw niyang pumayag?” “H-hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin, Luke— Nag-aalala, oo! Nag-aalala lang naman ako sa kaniya k-kasi ano... A-akala ko napano na siya kanina…” nauutal na paliwanag ni Cathy kaya naman napangiti na lang si Zelica at inakbayan niya ito. “Minsan talaga kapag natataranta, hindi na nako-kontrol ang mga lumalabas sa bibig. Pero gets ko naman na nag-aalala ka lang sa akin kanina kaya okay na iyon.” Zelica calmly said to reassure Cathy that she got her point. Umalis sa harapan nila si Luke habang napapailing. “Tsk, tsk, tsk, one of these days, ang pagiging mabait mo ang magpapahamak sa iyo, Zelica…” pahabol na sabi ni Luke kay Zelica bago tuluyang umalis. Napatingin naman si Zelica kay Cathy para sana itanong kung ano ang ibig sabihin ni Luke pero umiwas lang ito ng tingin sa kaniya. Nagkibit balikat na lamang si Zelica at saka nagpatuloy sa pagkuha ng mga orders sa ibang lamesa dahil kailangan niya pa ring magtrabaho kahit anuman ang mangyari sa kaniya. Ganito talaga kapag isa kang alipin ng salapi.“THIS certificate along with a gold medal is awarded to Hideo Eito Takahashi to acknowledge his outstanding performance and dedication and achieving Overall Champion on Mathematics Quiz Bee last July 09. Congratulations!” Masigasig na anunsyo ng isang guro sa entablado kasabay ng masigabong palakpakan mula sa madla. Taas noo at masayang naglakad paakyat ng stage si Hideo at ang kaniyang ina upang tanggapin ang panibagong sertipiko at medalyang natanggap ng binata dahil sa angking talino nito. “I'm so proud of you, anak…” Nakangiting bati ng ina ni Hideo sa kaniya habang isinusukbit nito sa kaniyang leeg ang gintong medalya. Ngumiti si Hideo bilang sagot sa kaniyang ina at saka humarap sa photographer upang magpakuha ng litrato kasama ang kaniyang ina. Gusto niyang alalahanin ang araw na ito at magkaroon din ng litrato kasama ang kaniyang ina dahil mahalaga rin ang mga araw na ganito para sa kanilang pamilya Kahit na alam naman ni Hideo ang sitwasyon nila, pinasadahan niya pa
(THIRD PERSON POV)“TOUCH me now, Hideo…”Janella seducingly whispered to Hideo as she continued to reach for the man's lips but suddenly, he stepped back and obviously avoided her kiss.“What the f*ck was that?” Napapamurang tanong ni Janella sa kaniyang nobyo dahil hindi ito makapaniwalang umiwas sa halik niya si Hideo.“I am not in the mood, Janella.” Hideo emotionlessly answered and was about to go out but Janella stopped him. “Since when did you refuse to do it with me? You never turned me down, Hideo… not even once.”Galit na usal ni Janella sa lalaki habang nakatitig sa mga mata nito. Para bang wala sa sarili si Hideo dahil napahilamos na lang ito sa kaniyang mukha dahil sa sobrang pagkainis sa hindi malamang dahilan ni Janella.“Can't you just calm down, Janella? Also, buntis ka and we should be careful.” “Okay, It's fine… you not being okay with doing it at the very moment pero p*tangina, Hideo?! Iniwasan mo ultimo halik ko?” “Why do you have to make a big deal out of smal
“HERE'S your order po…” Nakangiting sambit ko nang makarating ako sa table nila Tito Hiroshi. Nasa likuran ko ang isa pang waiter dito sa café dahil hindi ko kayang buhatin mag-isa paakyat ang mga order nilang tatlo lalo na at nagdagdag din ako ng kaunting mga pastries and pasta para sa kanila. “Woah, that's a lot of food…” Pagkokomento ni Hideo nang makita kami nito at mabilis itong tumayo para kunin sa akin ang tray na hawak ko. Ganoon din ang ginawa nito sa tray na hawak ng isa pang waiter kaya naman nagpaalam na kaagad ito sa akin na bababa na siya. “Have a seat…” Pagkausap ni Hideo sa akin at saka nito hinila ang upuang katabi niya para maayos akong makaupo doon. Kaagad naman akong umupo kahit na labag sa loob ko dahil nakatingin sa aming dalawa sina Mama at Tito Hiroshi. “So, your café has this kind of VIP area… What is it for?” Pagbubukas ni Tito Hiroshi ng usapan habang iniikot ang kaniyang paningin sa buong silid. Ngumiti muna ako rito bago sumagot sa tanong niya. “Ac
HABANG nasa biyahe kaming dalawa ni Luke papunta sa bahay nila ay mukhang hindi na nito natiis pang hindi ako tanungin dahil bakas ang pagkabalisa sa itsura ko.“What's wrong, Zelica?”“Huh?”“Something’s wrong? What’s bothering you?”“Uhm, nothing…”“Hindi ka na kasi nagsalita diyaan…”“Oh, sorry… I'm just a little bit tired…”“Is it about the guy earlier?”Maagap na tanong ni Luke sa akin at sumulyap ito sa pwesto ko. Napaayos naman ako ng upo bago sumagot sa tanong niya dahil alam na alam talaga nito kapag may iniisip ako o kung may bumabagabag sa akin.“That guy earlier… It's Hideo…”“What?!”Napakapit ako sa upuan ko nang biglang huminto ang sasakyan dahil naapakan ni Luke ang break dahil sa pagkabigla niya sa sinagot ko. Sa sobrang pagkabigla at takot kong maaksidente kaming dalawa ay pinalo ko siya sa kaniyang braso.“Ano ba ‘yan, Luke?! Gusto mo bang madisgrasya tayong dalawa?”“Oh s*t, sorry… I am so shocked…” Paghihingi nito ng paumanhin sa akin at saka ipinagpatuloy ang pag
“H-HIDEO?” “Luna…” Sabay at gulat na usal namin sa pangalan ng isa't isa. Sa sobrang pagkabigla ko pa ay napatakip pa ako sa aking bibig. “Do you two know each other?” Kaagad na tanong sa amin ni Tito Hiroshi dahil sa mga naging reaksyon naming dalawa sa isa't isa. Napaurong ako papalapit kay Mama at saka bumitaw sa titigan naming dalawa ni Hideo dahil kaagad akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa sitwasyon naming ito. “Yes, we do know each other…” “Wow, what a great coincidence! Paano kayo nagkakilalang dalawa ni Zelica, Hideo?” Masigasig na tanong ni Mama kay Hideo at halata sa mga mata nitong curious ito paano kami nagkakilala ni Hideo. ‘Mama, kung alam mo lang… Ayan, siya ang tatay ng mga apo mo…’ “How did we know each other? We met at a—” “Café… Yes, regular customer po namin siya sa isang coffee business ko...” Mabilis na pagsisinungaling ko kila Mama at Tito Hiroshi. Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Hideo dahil natatakot akong malaman o marinig ang mga sasab
“ONE cup of dirty matcha for Mr. Pio!” Masigasig na pag-aanunsyo ko sa kakagawa lamang na order ng isang customer namin dito sa café. Tumulong muna ako sa mga barista kong magbigay ng mga order dahil nagdadagsaan ang mga customers namin ngayong araw lalo na at pagabi na rin. “Akin po yung dirty matcha, Miss…” “Here's your order po, Sir. That's my favorite drink po here sa café. Enjoy your dirty matcha po!” Nakangiting usal ko sa customer at nagpasalamat naman agad ito sa akin bago bumalik sa table niya. Pinagmasdan ko nang mabuti ang loob ng café at mas nasiyahan akong makitang maraming tao ngayong gabi. Ito kasi ang isa sa mga naging rason ko kung bakit naisipan at napagdesisyunan kong magtayo ng isang coffee business dahil gusto kong maging parte ng buhay ng aming mga customers ang Ryus’ Café. Gusto kong maging parte kami ng paggawa nila ng mga memories with their loved ones. Makita na nagtatawanan, masayang nagkukuwentuhan, sabay sabay na kumakain, at ine-enjoy ang mga kap