“MAY gusto ka bang ipabili sa akin, Mama? Magsabi ka na dali,” malambing na tanong ni Zelica sa kaniyang ina.
Tinawagan ni Zelica agad ang ina pagkatapos ng duty sa bar dahil balak niyang dumaan sa malapit na mall para bumili ng kaniyang favorite egg pie sa Silverlocks. “Wala naman akong gusto, Nak. Umuwi ka na lang agad dito sa bahay.” Napanguso na lang si Zelica nang dahil doon. “Sus, nahiya pa talaga sa akin magpabili.” “Sige na nga, polvoron ako,” natatawang sagot ni Mama kaya naman natawa si Zelica. Nagpaalam agad si Zelica sa kaniyang ina at saka naglakad papasok sa mall. “Isang egg pie nga po and isang pack ng polvoron…” “Is that all, Ma’am?” tanong ng cashier. Tumango si Zelica. “Yes po…” “Okay, that would be 450 pesos po…” Inabot ni Zelica ang bayad sa cashier at saka nagpasalamat matapos makuha ang kaniyang order. Wala na sana siyang balak magtagal pa sa mall pero may namataan siyang pamilyar na mukha sa isang fast food restaurant. “P-Papa?” hindi makapaniwalang usal ni Zelica. Kaagad na pumasok si Zelica sa loob ng restaurant para batiin ang kaniyang ama dahil hindi niya inaasahang makita ito sa mall. Nanlaki ang mga mata nito nang makarating siya sa lamesang kinauupuan nito. “Ang akala ko nasa trabaho ka ngayon, Papa? Kayo ni Mama, ha! Kausap ko lang siya kanina pero hindi niya nabanggit na magkasama kayo ngayon dito sa mall,” pagdadaldal ni Zelica habang malawak ang kaniyang ngiti dahil tinatago pa ng mga magulang ang pag-da-date sa mall. Kita niya ang sweetness ng mga ito kasi naghahalikan pa. Ngunit sinadya niyang sorpresahin ang mga ito nang napansin niyang tumayo si Mama at mukhang pumunta sa restroom. Umupo siya sa katapat na upuan ni Papa dahil balak kong sumali sa kanila ni Mama. “Nagda-date kayo ni Mama rito, ‘no? Ayaw ninyo pang ipaalam sa akin para hindi ako sumama!” natatawang sabi ni Zelica pero hindi umiimik ang ama at para bang kinakabahan ang itsura. Saglit siyang natigilan dahil sa kakaiba nitong ikinikilos. “A-ahh... E-ehh—” nauutal at hindi malaman na turan ni Papa habang hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Agad nawala ang ngiti ni Zelica. “Hindi ba si Mama ang kasama mo rito ngayon?” Napabuntong hininga si Papa. “H-hindi…” “Huh? Eh, sino ang kasama mo at hinalikan—” “Honey, ang haba ng pila sa rest room. Ngayon lang ako natapos gumamit—” Napatingala si Zelica nang may babaeng huminto sa tapat nilang dalawa ng kaniyang ama. Nanlaki pareho ang kanilang mga mata nang magtama ang paningin nilang dalawa. “N-Ninang Tessy?” hindi makapaniwalang turan ni Zelica. “Z-Zelica…” kinakabahan at nauutal na usal ni Ninang Tessy. Kaagad napatayo si Zelica at kumunot ang noo niya dahil sa pagkalito. “Ikaw ba ang kasama ng Papa ko rito ngayon, Ninang?” mahinahon na tanong ni Zelica at imbes na sumagot ang kaniyang Ninang Tessy ay sumulyap pa ito kay Papa. Kaagad na nag-iba ang kaniyang mood nang mapagtanto niya kung ano ang nangyayari ngayon. “Z-Zelica, magpapaliwanag ang Papa sa iyo—” “Bakit Honey ang tawag sa iyo ni Ninang, Pa? Sa pagkakaalam ko Arthur ang pangalan mo. Malabong magkamali si Ninang sa pagkakatawag sa iyo. At bakit kayo naghahalikan at naglalandian dito?” mariin na tanong ni Zelica at kita niya ang sunod-sunod na paglunok ng laway ng ama dala ng kaba. “Zelica—” “Kailan pa ‘to?” nandidiring tanong ni Zelica sa dalawa. Iniiwasan niyang lumakas ang boses dahil ayaw niyang makuha ang atensyon ng ibang mga kumakain dito sa restaurant. “Naputol ba ang mga dila ninyo? Bakit hindi kayo makasagot sa akin?” Pagak na tumawa si Zelica nang walang sumagot sa dalawa at nakayuko lamang ang mga ito. “Hindi mo ba inaasahang makita ako rito sa mall, Papa?” natatawa ngunit mapait na tanong ni Zelica sa amang hindi na makatingin sa kaniya. Ang kapal ng mga mukha ng mga ito. Ginagago ng dalawa si Mama nang patalikod. “Nakakadiri kayo,” gigil na sambit ni Zelica sa dalawa at saka nagmamadaling lumabas ng restaurant. Naririnig niya pa ang pasigaw na tawag ng mga ito sa kaniyang pangalan pero hindi na siya lumingon pa dahil nanunubig na ang kaniyang mga mata dahil sa magkahalong inis at pagkadismaya. *** “ANAK, parang awa mo na…” pakiusap ni Papa nang makauwi sa bahay. Mabilis itong nakasunod pauwi pero hindi pa rin ito kinikibo ni Zelica. “Bakit? Ano ang nangyari sa inyong mag-tatay?” kaagad na tanong ni Mama sa kanilang dalawa nang makapasok na sila sa bahay. Tinatabig ni Zelica ang mga kamay ng ama dahil pinipilit nitong humawak sa braso niya. “Nagmamakaawa na ako sa iyo, Nak…” mahinang pakiusap ni Papa. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao dahil sa sobrang inis niya sa ama. “Ano? Ginawa mo iyon, tapos ngayon natatakot kang malaman ni Mama? Natatakot ka na kasi nabisto ka na?” “Ang alin ba, Zelica? Ano ba ‘yon?!” natatarantang tanong ni Mama. Lumapit si Zelica sa ina at lumayo sa ama. Kitang-kita sa mukha nito ang takot at pagkabahala na magsalita siya tungkol sa nakita niya kanina. “A-anak, titigilan ko na talaga—” “Nakita ko silang dalawa ni Ninang Tessy sa mall kanina, Mama.” pagpapaliwanag ni Zelica at nanlaki ang mga mata ni Papa dahil doon habang si Mama ay natawa. “Oh? Nagkita pala kayo ni Tessy, Arthur? Anong sinabi niya sa iyo? Bakit hindi na lang siya dumiretso rito sa bahay?” masayang tanong pa ni Mama kay Papa dahil ang nasa isip nito ay casual lang ang pagkikita nina Ninang Tessy at Papa. “Matulungin pala si Ninang, Mama?” tanong ni Zelica. Tumango si Mama. “Oo naman, matulungin talaga si Tessy. Bakit?” “Tinutulungan ka niyang mahalin si Papa. Sa sobrang matulungin, gusto ka na niyang palitan sa posisyon mo sa buhay ni Papa,” sarkastiko sabi ni Zelica. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Mama. “Ano ang ibig mong sabihin, Zelica?” “Gusto mo bang masira ang pamilya na ‘to?” biglang tanong ni Papa. Napatanga si Zelica at parang umagos ang mainit na dugo papunta sa kaniyang sentido. “Ako ba talaga ang sumisira sa pamilyang ‘to?” Ang kapal ng mukha. Gusto pa yatang magbulag-bulagan ako sa kagaguhang nakita ko. “Niloloko ka nina Ninang Tessy at Papa, Mama. Nahuli ko sila kaninang dalawa sa mall na naghahalikan habang nagda-date at wow, Honey pa talaga ang tawagan nila,” diretsahang pagpapaliwanag ni Zelica. Hindi mukhang gulat at natahimik lamang si Mama matapos niyang magsalita. Blangko ang ekspresyon nito sa mukha. “M-Magpapaliwanag ako sa iyo, Felicity—” Ni-hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin nang sinampal ito nang malakas ni Mama sa pisngi. “Hindi ka na talaga nahiya, Arthur! Sa anak mo pa talaga ipinakita ang kababuyan ninong dalawa, ha?!” nandidiring asik ni Mama at kaagad na lumapit si Papa para magmakaawa rito. “Patawarin mo ako… Sisiguraduhin kong ito na ang huling beses na magkikita kaming dalawa ni Tessy, Felicity. Pangako ko ‘yan sa inyo ng anak mo—” Pagak na tumawa si Mama. “Bakit naman huling beses na ‘yon? Ituloy ninyo lang ang nasimulan ninyo.” “H-Ha? A-Ano ang ibig mong sabihin, Felicity?” naguguluhang tanong ni Papa. “Ituloy ninyo na ‘yan dahil lalayas ka na sa pamamahay na ‘to dahil hiwalay na tayong dalawa,” mariin at puno ng galit ang boses ni Mama nang sabihin ‘yon kay Papa. Gulat na gulat ang mukha nito. Umiling si Papa. “H-Hindi ko kayang mawala kayo sa buhay ko... Pakiusap, patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan—” “Ang kapal ng mukha mong takutin ang anak mong masisira ang pamilyang ‘to kapag nagsalita siya tungkol sa kababuyan mo?! Sa umpisa pa lamang, ikaw na ang sumira sa pamilya natin, Arthur! Hayop ka!” sigaw ni Mama habang tumutulo ang mga luha nito at saka walang hintong hinampas, sinampal, at sinuntok si Papa na nakaluhod sa harapan. Napakagat na lamang sa labi si Zelica habang pinipigilan niyang kumawala ang kaniyang mga hikbi sa bibig. Ayaw niya man masira ang kanilang pamilya pero mas ayaw niyang magbulag-bulagan at magkunwaring maayos pa sila kahit na niloloko na sila nang patalikod ng haligi ng kanilang tahanan.“THIS certificate along with a gold medal is awarded to Hideo Eito Takahashi to acknowledge his outstanding performance and dedication and achieving Overall Champion on Mathematics Quiz Bee last July 09. Congratulations!” Masigasig na anunsyo ng isang guro sa entablado kasabay ng masigabong palakpakan mula sa madla. Taas noo at masayang naglakad paakyat ng stage si Hideo at ang kaniyang ina upang tanggapin ang panibagong sertipiko at medalyang natanggap ng binata dahil sa angking talino nito. “I'm so proud of you, anak…” Nakangiting bati ng ina ni Hideo sa kaniya habang isinusukbit nito sa kaniyang leeg ang gintong medalya. Ngumiti si Hideo bilang sagot sa kaniyang ina at saka humarap sa photographer upang magpakuha ng litrato kasama ang kaniyang ina. Gusto niyang alalahanin ang araw na ito at magkaroon din ng litrato kasama ang kaniyang ina dahil mahalaga rin ang mga araw na ganito para sa kanilang pamilya Kahit na alam naman ni Hideo ang sitwasyon nila, pinasadahan niya pa
(THIRD PERSON POV)“TOUCH me now, Hideo…”Janella seducingly whispered to Hideo as she continued to reach for the man's lips but suddenly, he stepped back and obviously avoided her kiss.“What the f*ck was that?” Napapamurang tanong ni Janella sa kaniyang nobyo dahil hindi ito makapaniwalang umiwas sa halik niya si Hideo.“I am not in the mood, Janella.” Hideo emotionlessly answered and was about to go out but Janella stopped him. “Since when did you refuse to do it with me? You never turned me down, Hideo… not even once.”Galit na usal ni Janella sa lalaki habang nakatitig sa mga mata nito. Para bang wala sa sarili si Hideo dahil napahilamos na lang ito sa kaniyang mukha dahil sa sobrang pagkainis sa hindi malamang dahilan ni Janella.“Can't you just calm down, Janella? Also, buntis ka and we should be careful.” “Okay, It's fine… you not being okay with doing it at the very moment pero p*tangina, Hideo?! Iniwasan mo ultimo halik ko?” “Why do you have to make a big deal out of smal
“HERE'S your order po…” Nakangiting sambit ko nang makarating ako sa table nila Tito Hiroshi. Nasa likuran ko ang isa pang waiter dito sa café dahil hindi ko kayang buhatin mag-isa paakyat ang mga order nilang tatlo lalo na at nagdagdag din ako ng kaunting mga pastries and pasta para sa kanila. “Woah, that's a lot of food…” Pagkokomento ni Hideo nang makita kami nito at mabilis itong tumayo para kunin sa akin ang tray na hawak ko. Ganoon din ang ginawa nito sa tray na hawak ng isa pang waiter kaya naman nagpaalam na kaagad ito sa akin na bababa na siya. “Have a seat…” Pagkausap ni Hideo sa akin at saka nito hinila ang upuang katabi niya para maayos akong makaupo doon. Kaagad naman akong umupo kahit na labag sa loob ko dahil nakatingin sa aming dalawa sina Mama at Tito Hiroshi. “So, your café has this kind of VIP area… What is it for?” Pagbubukas ni Tito Hiroshi ng usapan habang iniikot ang kaniyang paningin sa buong silid. Ngumiti muna ako rito bago sumagot sa tanong niya. “Ac
HABANG nasa biyahe kaming dalawa ni Luke papunta sa bahay nila ay mukhang hindi na nito natiis pang hindi ako tanungin dahil bakas ang pagkabalisa sa itsura ko.“What's wrong, Zelica?”“Huh?”“Something’s wrong? What’s bothering you?”“Uhm, nothing…”“Hindi ka na kasi nagsalita diyaan…”“Oh, sorry… I'm just a little bit tired…”“Is it about the guy earlier?”Maagap na tanong ni Luke sa akin at sumulyap ito sa pwesto ko. Napaayos naman ako ng upo bago sumagot sa tanong niya dahil alam na alam talaga nito kapag may iniisip ako o kung may bumabagabag sa akin.“That guy earlier… It's Hideo…”“What?!”Napakapit ako sa upuan ko nang biglang huminto ang sasakyan dahil naapakan ni Luke ang break dahil sa pagkabigla niya sa sinagot ko. Sa sobrang pagkabigla at takot kong maaksidente kaming dalawa ay pinalo ko siya sa kaniyang braso.“Ano ba ‘yan, Luke?! Gusto mo bang madisgrasya tayong dalawa?”“Oh s*t, sorry… I am so shocked…” Paghihingi nito ng paumanhin sa akin at saka ipinagpatuloy ang pag
“H-HIDEO?” “Luna…” Sabay at gulat na usal namin sa pangalan ng isa't isa. Sa sobrang pagkabigla ko pa ay napatakip pa ako sa aking bibig. “Do you two know each other?” Kaagad na tanong sa amin ni Tito Hiroshi dahil sa mga naging reaksyon naming dalawa sa isa't isa. Napaurong ako papalapit kay Mama at saka bumitaw sa titigan naming dalawa ni Hideo dahil kaagad akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa sitwasyon naming ito. “Yes, we do know each other…” “Wow, what a great coincidence! Paano kayo nagkakilalang dalawa ni Zelica, Hideo?” Masigasig na tanong ni Mama kay Hideo at halata sa mga mata nitong curious ito paano kami nagkakilala ni Hideo. ‘Mama, kung alam mo lang… Ayan, siya ang tatay ng mga apo mo…’ “How did we know each other? We met at a—” “Café… Yes, regular customer po namin siya sa isang coffee business ko...” Mabilis na pagsisinungaling ko kila Mama at Tito Hiroshi. Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Hideo dahil natatakot akong malaman o marinig ang mga sasab
“ONE cup of dirty matcha for Mr. Pio!” Masigasig na pag-aanunsyo ko sa kakagawa lamang na order ng isang customer namin dito sa café. Tumulong muna ako sa mga barista kong magbigay ng mga order dahil nagdadagsaan ang mga customers namin ngayong araw lalo na at pagabi na rin. “Akin po yung dirty matcha, Miss…” “Here's your order po, Sir. That's my favorite drink po here sa café. Enjoy your dirty matcha po!” Nakangiting usal ko sa customer at nagpasalamat naman agad ito sa akin bago bumalik sa table niya. Pinagmasdan ko nang mabuti ang loob ng café at mas nasiyahan akong makitang maraming tao ngayong gabi. Ito kasi ang isa sa mga naging rason ko kung bakit naisipan at napagdesisyunan kong magtayo ng isang coffee business dahil gusto kong maging parte ng buhay ng aming mga customers ang Ryus’ Café. Gusto kong maging parte kami ng paggawa nila ng mga memories with their loved ones. Makita na nagtatawanan, masayang nagkukuwentuhan, sabay sabay na kumakain, at ine-enjoy ang mga kap