Mag-log in“HEY, watch out!”
Nagising ang diwa ni Zelica nang marinig niya ang boses ni Luke at kaagad siyang tumabi para makadaan ito dahil nakaharang pala siya sa daan. Saglit pang tumingin kay Zelica si Luke kaya naman itinuro niya ulit ang daan para magpatuloy na ito sa trabaho. Umiling na lamang ito at saka naglakad patungo sa lamesa ng mga customers para i-deliver ang order ng mga ito. Napabuntong hininga na lamang si Zelica at saka sandaling napaupo sa lamesang nililinis niya. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang at naapektuhan pa rin siya dahil doon. Hindi alam ni Zelica ang nararamdaman niya ngayon dahil may guilt na siya ang unang nakaalam ng pangangaliwa ng ama at kailangan niya pa itong ipaalam sa ina dahil ayaw niyang magmukha itong tanga. Walang anak ang gustong masira ang pamilya pero wala ring anak na magtitiis at isasawalang bahala ang mga pagkakamali ng magulang nila. “Ang lalim naman ng buntonghininga mo…” natatawang komento ni Luke na kasabay si Cathy at tumabi kay Zelica. Binigyan lamang ng isang tipid na ngiti ni Zelica sina Luke at Cathy. “Ano ang problema, Zelica? Sa bahay ninyo ba ‘yan?” tanong ni Cathy. “Oo, naghiwalay na mga magulang ko…” mapaklang sagot ni Zelica sa tanong ni Cathy at natahimik kaagad nang ilang sandali sina Luke at Cathy nang dahil doon. Halatang hindi makapaniwala sa nalaman. “Pwede bang malaman kung bakit naghiwalay silang dalawa?” “Nagloko si Papa, ako pa mismo ang nakahuli…” “Grabe, mga lalaki nga naman, oh.” pambibiro ni Cathy pero hindi naman makatawa si Zelica. Naramdaman yata ni Cathy na wala sa mood si Zelica makipagbiruan kaya napatikhim na lang ito. “Alam mo, para kahit papaano eh makalimutan mo ‘yang problema mo, what if uminom tayo after duty?” excited na tanong ni Cathy kay Zelica at mahina pa nitong niyugyog ang kaniyang braso para mapapayag siya. “Iinom na lang natin ‘yan!” Tumango si Zelica. “Sige ba—” “Ikaw ba, Luke? Sama ka ba sa amin uminom?” biglaang tanong agad ni Cathy kay Luke kahit hindi pa tapos sumagot si Zelica. “No, may gagawin pa ako after duty,” sagot ni Luke. Napanguso si Cathy. “Ay, sayang naman... Mas masaya sana kung kasama ka namin uminom para—” “No, hangover lang naman aabutin ko diyan,” pambabara ni Luke kay Cathy at saka ito naglakad palayo. Naramdaman ni Zelica ang pagkadismaya ni Cathy sa hindi pagsama ni Luke kaya tinapik niya ito sa balikat. “Crush na crush mo talaga ‘yon, ‘no?” natatawang pang-iinis ni Zelica kay Cathy pero umirap lang ito sa kaniya at sumunod kaagad kay Luke. Napakamot na lamang si Zelica sa kaniyang ulo nang dahil doon. Kahit labag na sa loob kong magpatuloy sa pagtatrabaho ay pinilit ko pa rin tapusin ang duty ko dahil ganado akong lumaklak pagkatapos nito. *** “T*NGINA, sobrang hirap bang maging loyal at hindi kayang gawin ‘yon ni Papa?” malutong na pagmumura ni Zelica at saka nilagok ang alak na nasa baso. Humagod ang mainit at mapait na lasa sa lalamunan ni Zelica pero dahil nakarami na siya ay hindi niya na ito inisip pa. “Ang tagal na nilang nagsasama ni Mama, eh... Lumaki na nga akong ganito tapos saka pa siya talaga nagloko,” nangingiyak na pagkukuwento ni Zelica kay Cathy at inaalo naman siya nito para hindi matuloy ang pagtulo ng kaniyang mga luha. “Hirap akong intindihin ang sitwasyon mo ngayon, Bes. Wala kasi akong kinalakihang ama pero sige, t*ngina talaga ng mga lalaki.” “G*go mo talaga kahit kailan, eh.” natatawang mura ni Zelica kay Cathy dahil kanina pa ito panay ang pabirong pagsagot sa kaniya. Siguro ay para maging light lang ang mood nilang dalawa habang nag-iinuman kahit na hinahayaan siya nitong i-vent out lahat ng mga nararamdaman niya. “Alam mo, mas maganda na ring ikaw ang nakahuli sa kaniya, ‘no.” “Bakit naman? Anong maganda doon?” “Tignan mo, hindi na kayo mukhang tanga ni Tita ngayon. Biruin mo, ang haba na pala ng panahon na niloloko kayo ni Tito at wala kayong kamalay-malay…” “Pero sira naman pamilya namin ngayon…” “Ayon nga lang pero gusto mo ba buo pa rin kayo pero naglolokohan? Ha? Ganoon ba ang gusto mo?” tanong ni Cathy kay Zelica kaya naman sunod-sunod ang pag-iling niya bilang sagot dito. “Mas mabuti nang maghiwalay sila kaysa maglokohan habang buhay. Mas masakit ‘yong nagkukunwari kang walang alam sa mga nangyayari, ‘no…” “Tama! Kaya iinom na lang natin ‘yan dahil nangyari naman na,” hiyaw ni Cathy at saka itinaas ang baso nito kaya naman itinaas rin ni Zelica ang kaniya at pinagtama nila itong dalawa. “Cheers!” sabay na sigaw nina Zelica at Cathy. *** “NAHIHILO na ako, Cathy…” pagrereklamo ni Zelica makalipas ang ilang oras na pag-iinuman nilang dalawa ni Cathy. Napapapikit na lamang siya dahil tinatamaan na siya ng mga alak na nainom niya at umiikot na rin ang kaniyang paningin. “Sus, kaya mo pa ‘yan! Hindi ako naniniwalang nahihilo ka na dahil nakakapagreklamo ka pa sa akin!” “T*rantado, ang sabi ko nahihilo ako hindi napipipe na ako!” sagot ni Zelica kay Cathy at saka umiwas sa pinaiinom nitong alak sa kaniya dahil ramdam niyang nasasagad niya na ang sarili. Kaunti na lang ay babagsak na talaga siya. Kakaiba pa naman si Zelica kapag malasing dahil nagba-black out talaga siya at wala na masiyadong naaalala sa mga ginawa niya pagkagising kinabukasan. “Magpakalasing tayo ngayong gabi hanggang sa mawala at makalimutan mo na lahat ng problema mo!” “Hindi lang proble—hik! Problema ko ang mawawala ngayong gabi, pati ulirat ko!” buwelta ni Zelica kay Cathy pero nilagok niya pa rin ang basong inaabot nito sa kaniya para matahimik na ito sa pangungulit. Nalasahan niya na kakaiba ang inabot nitong alak sa kaniya pero wala na siya sa huwisyo para tanungin kung naiba na ba ang iniinom namin ngayon o hindi. “Inom pa, Zelica! Kaya mo pa ‘yan!” natatawang udyok ni Cathy kay Zelica. Tumanggi na talaga si Zelica at saka yumuko sa lamesang pinag-iinuman nilang dalawa ni Cathy dahil unti-unti na rin siyang nilalamon ng antok sa hindi malamang dahilan. “Hindi lang problema mo ang mawawala sa iyo ngayong gabi... pati ikaw... pati ang sarili mo, Zelica…” Dahil nawawalan nang ulirat si Zelica ay hindi niya na gaanong narinig ang mga sinasabi ni Cathy bago pa siya tuluyang lamunin ng dilim at mawalan ng malay.HIDEO'S POV AFTER two days of staying at my family's house, I decided to return to the condo to check on Janella. I finally found the peace I wanted since she didn't text me once while I was away from her. I parked my car and took the elevator to my condo floor. When I got to the door, I entered my password and walked in, but I didn't see Janella anywhere. "Janella?" Pagtawag ko sa pangalan ni Janella habang hinahanap ko ito sa loob ng kwarto pero hindi ko ito mahanap at makita kahit saan. Lumapit ako sa kama nang mapansin ko ang isang papel na nakatiklop doon. Nang tignan ko muna ang mga loob ng aparador ay doon ko nakitang wala na ang mga gamit ni Janella doon. I think she already left the condo. I was dumb founded when I read Janella's letter for me. 'I've had enough of this. I'm going back to my parent's house. I'm so sick of how you treat me. I feel like I'm your mistress, waiting for you to come home just to make me feel crap again after seeing me. F*ck you, Hideo.
LUMIPAS ang ilang mga araw na nanatili lang ako at ang anak kong si Ryuta sa loob ng bahay nila Tito Hiroshi. May mga ilang beses na kinukulit ako ni Ryuta na lumabas naman kami ng bahay pero hindi ko muna ito pinagbibigyan at kalmado kong pinapaliwanag sa kaniya ang sitwasyon namin ngayon at kung bakit pansalamantalang hindi muna kami lalabas ng bahay. "Mama, why can't I go to school? I miss my classmates and teachers na..." Malungkot na turan sa akin ni Ryuta kaya naman ngumiti ako sa kaniya at kinandong ko ito sa mga hita ko bago ako sumagot sa tanong niya sa akin. "You can't go to school for a while lang naman, baby. I'm afraid kasi... remember that bad guy from the last time? I'm afraid he will see us again then hurt one of us. I don't want that to happen again, Ryuta. But Mama promises you by next week, you will go back to school na. Okay po ba 'yon?" Pagpapaliwanag ko nang maayos at kalmado kay Ryuta at tumango tango naman ito bilang sagot sa mga sinabi ko kaya naman
KINABUKASAN, unti unti kong binuksan ang mga mata ko nang hindi ko makapa si Ryuta sa tabi ko. Nang maimulat ko na ang mga mata ko ay saka ko lamang nakumpirmang wala na talaga si Ryuta sa tabi ko. Kaagad akong luminga linga sa buong kwarto dahil baka nagtatago lamang ito sa akin pero hindi ko talaga ito mahagilap sa kahit anong sulok ng kwarto. Tumayo na agad ako mula sa pagkakahiga at saka ko mabilis na itinatali ang magulo kong buhok dahil sa napasarap ang tulog ko kagabi. Nagmadali ako kaagad na makalabas ng kwarto at mabilis kong binuksan ang pintuan. Nahihirapan akong itali ang magulong buhok ko kaya naman bahagyang nakayuko ang ulo ko habang naglalakad ako. Hindi naman sinasadyang may nabunggo ako sa aking harapan dahil sa pagmamadali ko at hindi ko rin kasi masyadong kita ang dinadaanan ko. Mabuti na lamang at kaagad akong nasalo nito dahil kung hindi ay babagsak na naman ang pwetan ko sa matigas na sahig. 'Nasalo?! Akala ko, eh nabangga ko ang pader!' Nang mapagta
ZELICA'S POV "RYUJI!" Malakas na pagsigaw ko sa pangalan ng isa sa mga kambal na anak ko pero hindi ako nilingon man lang nito dahil naka-pokus ang atensyon nito sa bolang gusto niyang makuha sa gitna ng daan. "Ryuji, huwag! Come back here, anak!" Masyadong malayo ang distansya naming dalawa kaya nang habulin ko ito sa daan ay huli na ang lahat para masagip ko pa ang anak ko dahil bigla na lamang may dumating na humaharurot na sasakyan at sinalpok nito ang maliit na katawan ng anak ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa nasaksihan ko at hindi na ako makagalaw pa paalis sa kinatatayuan ko kaya kahit na gusto kong tumakbo papalapit sa katawan ng anak ko ay hindi ko na 'yon magawa pa kahit na anong pilit kong gawin sa aking mga paa ay ayaw nitong gumalaw. "A-ahh!" "Zelica, anak!" Napasigaw ako at saka napabalikwas ng gising dahil sa masamang panaginip ko. Kaagad na lumapit sa akin si Nanay Felicity para aluin ako dahil sunod sunod na naglandas ang mga luha ko pababa sa aking
HIDEO'S POV I am currently driving my car to go to my parents' house because I forgot to bring some of my things with me last night. I just remembered right after I left the house and I was so tired to go back last night. Just before I left the condo, Janella started a fight with me after knowing that I intentionally did not bring her with me to the family dinner. I let out a heavy sigh as I am starting to get annoyed again just by remembering what happened earlier. ***** "How dare you make me wait for you all night, Hideo?! Tapos malaman laman ko na nagpunta ka pala sa family dinner without me?! Ano naman ang gagawin mo ngayon, ha? Aalis ka na naman nang hindi ko alam kung saan lupalop ka pupunta! Am I really nothing to you? Hangin lang ba ako sa mga mata mo?" Janella histerically said to me the moment she saw me about to walk out of the door. I immediately turned around to face her because I am actually aware she is mad at me right now. And there she is, pulang pula na
"ABA, anak mo nga talaga 'tong sutil na 'to at may gana ring lumaban sa akin. Dapat sa'yo tinuturuan din ng leksyon katulad ng nanay mong matigas ang ulo!" "Huwag!" Akmang sasampalin nito ang anak kong si Ryuta nang biglang may humawak sa kamay nito mula sa kaniyang likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking pumigil kay Tatay Arthur upang hindi nito mapagbuhatan ng kamay si Ryuta. "Who the f*ck are you?" Inis na tanong ni Hideo sa aking ama at saka nito itinulak ang lalaki papalayo sa amin. Nawalan din ito ng balanse sa kaniyang katawan kaya naman bumagsak din siya sa sahig. "H-hideo..." Naluluhang pagtawag ko sa pangalan ni Hideo dahil hindi ko na alam ang gagawin pa kung hindi siya dumating ngayon. Hindi ko rin alam kung anong mga posibleng kayang gawin ng tatay ko sa aming mag-ina. Napatingin ito sa gawi ko dahil sa pagtawag ko sa kaniya. Kaagad itong lumapit sa akin habang hawak niya sa kamay ang hindi na matigil pa sa pag-iyak na si







