Share

Chapter 15

Binuksan ni Patrick ang pinto ng kotse nang sumakay si Janine. Sa likod naman umupo si Lindsay na napilitang sumabay dahil niyaya niya.

"Where do you live, Lindsay?" kaagad niyang tanong dahil gusto niyang unahin itong ihatid.

"Sa Lrt na lang ho kasi sa Valenzuela pa ako kung ihahatid niyo."

Lihim siyang natuwa. Mabilis dininig ng Diyos ang panalangin niya. Iniliko niya ang sasakyan patungo sa lrt at mabilis na naihatid si Lindsay.

"And where do you live, Janine?"

"Devon Tower. Sa may Malate."

" Bakit nga ba doon ka umuuwi? Hindi mo gustong kasama ang Mama at kapatid mo?"

"Hindi sa ganoon," mahina nitong sagot. Ni hindi ito tumitingin sa kanya kapag nagsasalita. At halos isiksik nito ang katawam sa pinto ng kotse niya na para siyang may sakit na nakakahawa.

"Then, why?"

"It's personal. Saan ka ba dadaan, bakit parang iba ang way natin?" Doon pa lang ito lumingon sa kanya.

"I'm starving. Nabusog kasi ako sa hamburger kanina hindi ko tuloy nakain 'yung lunch ko.
บทที่ถูกล็อก
อ่านต่อเรื่องนี้บน Application
ความคิดเห็น (22)
goodnovel comment avatar
Sarah Mae De leon
PA upadte napo ms. Weng
goodnovel comment avatar
Google
update na po miss weng ...️
goodnovel comment avatar
JaNe
ms weng i miss you r update....
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status