Share

Kabanata 3

Penulis: Summer Blossom
Huminto si Edward sa gulat at tinikom niya ang kanyang mga labi. Tumitig siya sa harap niya, ngunit sa huli ay hindi siya nagsalita.

Nakinig si Macie sa usapan sa pagitan ni Edward at Sharon. Isang mapanglait na ngiti ang nakalagay sa kanyang mga labi. Maaaring siya ang legal na asawa ni Sharon, ngunit sa katotohanan, nararamdaman niya na isa siyang third wheel sa pagitan nila Edward at Sharon.

Patuloy na naglakad si Edward habang naglakad si Sharon sa tabi niya. Ayaw ni Macie na kausapin si Sharon, ngunit hindi tumitigil si Sharon sa pagsimula ng gulo.

“May, masakit siguro. Patawad. Una akong dinala ni Edward sa hospital dahil nag aalala siya tungkol sa epekto nito sa trabaho ko. Sana ay wag mo siyang sisihin,” Ang sabi ni Sharon.

Ngumitsi si Macie, sumagot ng walang emosyon, “Hindi kita sinisisi. Ikaw ang pinaka importanteng tao sa kanya.”

Kahit na totoo ang sinasabi ni Macie, ito ay tila isang atake kay Edward.

Sumagot si Edward dahil hindi siya natuwa, “Anong tono yan? Kahit na si Sharon ang nadulas sa paghawak ng container, ikaw rin ang responsable sa hindi maayos na pagsara ng lid.”

Hindi na nag abala si Marcie na makipagtalo kay Edward. Hindi rin naman maniniwala sa kanya si Edward. Tumingin lang siya kay Edward ng may bakanteng mga mata.

Tumingin si Edward sa kalmadong tingin ni Macie. Sa hindi malamang rason, tila malamig ang ugali at matigas ang ulo ni Macie.

“Sige na. Nakaraan na ang lahat ng ito. Hindi naman malubha ang paso ko, kaya Edward, wag mo nang sisihin si May,” Sumingit si Sharon sa tamang oras, tila mabait. “May paso si May. Hindi ka dapat sumigaw sa kanya.”

Halos masuka si Macie habang pinapakinggan ang mga komento ni Sharon. HIndi siya makapaniwala na pinapahiwatig ni Sharon na siya—ang biktima—ay ang may sala. Hindi lang yun, mabait pa siyang “pinatawad” ni Sharon at nagsabi ng mga pambihirang komento.

“Mag ingat ka na lang sa susunod,” Ang sabi ni Edward kay Macie. Ngumisi si Macie nang mabangit ang susunod. Alam niya na wala nang susunod.

Nang dumating sila sa tabi ng kalsada, narinig nila ang isang sigaw. Tumalikod si Edward at nakita si Sharon na bumagsak sa sahig. Hawak ni Sharon ang kanyang paa habang nakangiwi.

“Sharon!” Ang nag aalala na sigaw ni Edward.

Binitawan niya si Macie ng hindi nag aatubili. Bumagsak si Macie sa sahig at napangiwi sa biglang sakit.

Samantala, kabadong tumakbo si Edward patungo kay Sharon. Agad niyang binuhat si Sharon papunta sa emergency department.

Gayunpaman, tumalkod siya pagkatapos tumakbo ng ilang hakbang. Pinanood niya habang hirap tumayo si Macie mula sa sahig.

Kumunot ang noo niya. Kasabay nito, si Sharon ay nagsimulang umiyak.

“Ang sakit! Sa tingin ko ay napilay ako! Ano ang gagawin ko? Kailangan ko maglakad sa show sa araw pagkatapos ng bukas!”

“Wag kang mag alala. Tatawag ako ng medical attention.” Pagkatapos, inalis ni Edward ang kanyang tingin mula kay Marcie at umalis siya ng hindi na ulit tumitingin pabalik.

Nang wala na siya, tumayo si Macie pagkatapos itong hirap na gawin. Hindi man lang siya makatayo ng diretso dahil sa sakit.

Gayunpaman, hindi siya tumingin kela Edward at Sharon. Habang may luha sa kanyang mga mata, tumawag siya ng isang taxi.

Noong pumasok siya sa taxi, tumitig siya sa dumudugong daliri sa paa na nasugat noong bumagsak siya. Hindi lang sa nasaktan ang paa niya, pati na rin ang ilalim ng kanyang spine. Ang mga siko niya ay malubha din ang gasgas.

Pinunasan niya ang kanyang dugo gamit ang napikn habang tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi. Kinagat niya ang kanyang dila at umiyak ng hindi gumagawa ng tunog.

Naisip niya, “Ito ang huling buwan. Pagkatapos nito, malaya na ako.”

Ang phone niya ay nag buzz mula sa parating na text. Ito ay mula sa parehong unknown number.

“Patawad, May. Kasama ako ni Edward upang ipacheck ang binti ko. Iniwan ka niya ulit. Ngayon, baka mas mahaba niya akong sasamahan. Sana ayos lang sayo.”

Mabilis na binasa ni Macie ang text at hindi na ito pinansin.

Pagkatapos ng dalawang taon na magkalayo, hindi pa rin maalis ni Edward ang nararamdaman niya para kay Sharon. Basta’t nandito si Sharon, pipiliin siya ni Edward ng walang atubili.

Lumipat si Macie sa kanyang messaging app at nakita niya ang text mula kay Julian Atkins, ang kanyang college senior. Gusto ni Julian kung kailan babalik sa bansa si Macie.

Sa katotohanan, ginawa niyang sikreto ang kasal. Sinabi niya kay Julian na lumipat siya sa ibang bansa, ngunit sa simula pa lang ay nakatira na siya sa Williamford.

Ang Williamford ay hindi isang metropolis, ngunit hindi rin ito isang town. Ang publiko ay narinig ang tungkol sa kasal ni Edward, ngunit walang may alam kung sino ang asawa niya, dahil ito ang kahilingan niya.

Sa nakalipas na dalawang taon, si Macie ay nabubuhay lamang para kay Edward. Kahit kailan ay hindi siya nagpakita sa publiko at naglalakbay lang siya sa pagitan ng kanyang bahay at sa opisina ni Edward.

“Babalik ako pagkatapos ng isang buwan. Maghintay ka muna habang inaayos ko ang ilang problema,” Ang text niya kay Julian.

Kailangan niya ayusin ang problema niya kay Edward.

Sumagot ng mabilis si Julian, nangako na kunin si Macie bilang director ng kumpanya niya. Pumayag si Macie na sumama sa kumpanya ni Julian, ngunit tumanggi siya sa alok nito na maging isang director. Tutal, nagpakasal siya kay Edward diretso mula sa kolehiyo at nabuhay siya bilang isang house wife—hindi, isang full-time housekeeper.

Kailangan niya balikan ang kaalaman na nakuha niya sa kolehiyo, kung hindi ay baka mahirapan siya na gawin ang mga simpleng trabaho.

“Wag mong sabihin yan! Masyadong malaki ang talento mo kahit maging isang director. Naaalala mo kung paano ka nakakuha ng isang scholarship bawat taon sa kolehiyo? Ikaw ang namuno sa isang team ng mag isa sa sophomore year mo at nanalo ng gold sa isang entrepreneurship contest. Macie, mahusay ka.”

Tumitig si Macie sa text ni Julian at natulala. Naalala niya agad ang panahon noong nasa kolehiyo siya.

Dati siyang ang top student at pinamunuan niya ang kanyang team para manalo sa maraming prize. Sa panahong yun, doon niya nakilala si Yosef.

Nagsimula siya sa salitang “mahusay” at naramdaman niya na tinamaan siya ng isang kidlat.

Mahusay talaga si Macie. Kahit na hindi siya nagsimula ng isang kumpanya kasama si Julian, siya ay mapupunta sa isang senior management ng isang prestihiyosong kumpanya.

Ngunit ano ang ginawa niya sa sarili niya sa nakalipas na dalawang taon? Ibinaba niya ang kanyang sarili para sa pag ibig, isinuko niya ang kanyang pride.

Ang kanyang kasalukuyang sarili ay parang isang estranghero na walang hiya.

Pagkatapos niya sumagot kay Julian, pinatay niya ang kanyang phone na may basag na screen at natulog na siya sa taxi.

Bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala. Naalala niya kung paano sinimulan ni Julian ang isang business kasama siya. Para makakuha ng mga investor, lumapit siya kay Yosef. Pumayag si Yosef na mag invest sa baong kumpanya ni Macie sa kondisyon na pakakasalan ni Macie si Edward, dahil hindi gusto ni Yosef si Sharon bilang asawa ng kanyang apo.

Nakita ni Macie ang alok bilang win-win at nawala ang tamang pagpapasya niya. May crush siya kay Edward simula pa noong high school, at ang nararamdaman niya ay hindi nagbago, kahit na nagsimulang maging sina Edward at Sharon.

Napagtanto ni Macie na naging sakim siya. Gusto niya ang investment ni Yosef at ang pagmamahal ni Edward, kaya pumayag siya sa kondisyon ni Yosef.

Ngunit ngayon, nagsisisi siya ng walang hanggang sa kanyang desisyon. Tutal, walang libre sa mundong ito.

Sa huli ay nagbayad ng malaki si Macie para sa tila isang magandang deal.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 100

    Sa totoo lang, walang magawa si Nathan.Ang tanging tao na kayang macontact si Macie ay si Yosef. Sa kasamaang palad, walang paraan si Edward para macontact si Macie.Nang umagang yun, ang manager ay dumating dala ang product planning proposal para kay Edward. Ngunit pagkatapos ng mabilis na pag uusap, naging klaro na wala si Edward sa tamang kondisyon. Ang mga mata niya ay namamaga, kaya walang magawa ang manager kundi ang umalis.“Mr. Levy, alam mo ba kung ano ang problema ni Mr. Fowler?” Ang tanong ng manager kay Nathan sa Assistant Deparment’s office.“Oh, nasa gitna siya ng isang breakup,” Ang walang iniisip na sagot ni Nathan habang lumingon siya mula sa kanyang computer.Ngunit doon niya lang napagtanto na hindi ito tama. Kasal sina Macie at Edward. Hindi sila mag-boyfriend-girlfriend, kaya hindi ito breakup. Ito ay parang…Tama, isang divorce.Naku… Ang isang bagong divorce na lalaki ay magulo ang buhay, lalo na at dinala ito ni Edward sa sarili niya.Umiling lamang si

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 99

    Ang isa sa mga interviewer ay ngumiti at sinabi, “Ms. Smith, ang professional expertise mo ay bukod-tangi. Ang leadership sa maraming team competition sa oras mo sa college ay rason para talagang nararapat ka sa posisyon ng director.”Tinikom ni Macie ang mga labi niya sa komento at tumingin siya kay Julian. “Pasensya na, sa tingin ko ay hindi ako kwalipikado para doon. Masaya ako para sumama sa design department bilang isang staff member.”Ang mga interview ay sandaling nabigla sa pagtanggi niya.Nagpatuloy si Macie, “Salamat sa kumpiyansa niyo sa akin. Ang mga competition noong college ay mga team event, at ang leader noon aysi Mr. Atkins, hindi ako. Assistant lang ako, kaya hindi ko matatanggap ang credit para doon.”“Alam ko ang kahinaan ko. Ito ang unang trabaho ko, at marami akong dapat matutunan, lalo na pagdating sa pag lead ng isang team. Kapag napromote ako, gusto ko magsimula mula sa simula.”Pagkatapos ng marinig ang kanyang sagot, ang mga interviewer ay natuwa sa kany

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 98

    Lumingon si Julian para tumingin kay Macie. Naglagay si Macie ng light makeup na may soft red lips na hindi masyadong bold. Ang itsura ni Macie ay simple at fresh, elegante pa.“Hindi. Maganda ka.” Hindi pinigil ni Julia ang papuri.Ngumiti si Julian at dinagdag niya, “Noong sa college, ikaw ang top beauty ng department natin at isa sa pinaka namumukod na estudyante. Ang bilang mga lalaking nanliligaw sayo ay baka kayang libutin ang buong lungsod ng Williamford.”“Tumigil ka nga sa panunukso.” Ang sabi ni Macie, nagblush siya ng konti.Tumawa si Julian. Nang makita kung gaano kadali magblush si Macie, naisip niya na bumalik sila sa oras nila sa college.Gusto niyang itanong kung may boyfriend si Macie, ngunit naisip niya na masyado pang maaga dahil kakabalik lang ng koneksyon nila. Kaya naman, nagdesisyon siyang hindi magtanong ngayon.Habang nagkwentuhan sila, dumating ang elevator sa 12th floor.Nauna sa daan si Julian habang pinakita niya ang lugar. “Tingnan mo, ito ang compa

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 97

    Sa passenger seat, narinig ni Nathan ang mga iyak at sigaw ni Edward.Kumunot ang noo ni Nathan, nagbuntong hininga siya sa loob. Kung alam ni Edward na mangyayari ito, bakit sigurado siya sa sarili niya noon?Noong ilang araw ang nakaraan, binalaan ni Nathan si Edward na maging tapat sa sarili, ngunti pinilit ni Edward an hindi niya pagsisisihan ang mga desisyon niya.Kahit anong pagmamakaawa o pag iyak ni Edward sa Fowler residence, tumanggi si Yosef na sumuko. Ang anumang ideya na pagbalikin sina Edward at Macie ay tuluyang naglaho.Ang call ay natapos ng walang awa. Bago ibaba ang phone, isa lang ang sinabi ni Yosef. “Hindi ka nararapat para kay May.”Sa backseat, nagredial si Edward, ngunit tumanggi ang lolo niya na sagutin ito. Sa oras na yun, doon lang nabasag ng tuluyan ang puso ni Edward, at napuno siya ng pagsisisi.Ang lalaki na may malamig na ugali at laging mahinahon ay nagdurusa na ngayon. Ang mga iyak niya ay desperado, parang isang tuta na inabandona sa tabi ng ka

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 96

    “So… totoo it?” Ang tanong ni Yosef.Sa kabilang linya, hindi pa rin siya makapaniwala kahit na narinig niya ang mga sagot.“Hindi lang po ito totoo. May higit pa,” Ang sagot ni Nathan. “Ilalagay ko po ang lahat sa isang message at isesend ko sa inyo.”Pagkatapos ibaba ang phone, mabilis na nagtype si Nathan tungkol sa lahat ng alam niyang pagdurusa ni Macie at ang insidente ng pagdala ni Edward kay Sharon sa bahay nila.Kahit na divorced na sina Edward at Macie, naisip ni Nathan na mahalaga pa rin para kay Yosef si Macie at maaaring makatulong kay Macie na makakuha ng hustisya.Tahimik ang biyahe.Nakaupo si Edward sa backseat, malalim ang iniisip. Hindi pa rin siya makapaniwala na divorced na sila ni Macie.Kasabay nito, pinoproseso niya pa rin ang katotohanan mula sa dalawang taon na ang nakaraan—na ang lolo niya ay pinilit si Macie na pakasalan siya. Inosente pala si Macie sa simula pa lang, ngunit kinasuklaman siya ni Edward ng dalawang taon.Tinaas ni Edward ang kamay niy

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 95

    “May, alam ni Ed na mali siya. Hinahanap ka niya nitong nakalipas na mga araw,” Ang sabini Yosef.Nagpatuloy siya, “Kukuha ako ng tao para harapin si Sharon. Pwede mo ba siyang pagbigyan kahit ngayon lang? Bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon.”“Nahulog na si Ed para sayo, pero hindi niya ito napagtanto hanggang ngayon. Kakasabi niya lang sa akin na ayaw niya ng divorce, at umiyak pa siya. Nangangako ako na magiging mabuting asawa siya sayo simula ngayon.”Sa kabilang linya, nanatiling malamig si Macie at hindi apektado sa mga salita ni Yosef. Alam niya na dapat na hindi siya umasa kay Yosef na ayusin ang problema sa divorce. Hindi niya na dapat sinagot ang tawag.Ngayon, mukhang nagmamakaawa pa si Yosef para kay Edward.Lumilipad man ang mga baboy, gumuho man ang mundo, o sumikat man ang araw mula sa kanluran—ang anuman sa mga ito ay mas kapanipaniwala kaysa sa pagbabago ni Edward.“Mr. Fowler Senior, sinasabi niyo po sa akin na bigyan siya ng isa pang pagkakataon. Pero pwede

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status