CHAPTER 55 – "Because I know you won't ever live with me under one roof. And I won't force you. But I also can't stand seeing you live in a place where you don't feel safe. This is yours now. Walang cameras, walang media. It's fully paid."Napatawa si Luna. Hindi dahil natuwa siya. Kundi dahil hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit o maiyak."You can't buy your way into forgiveness, Damon.""I'm not buying forgiveness. I'm trying to start... somewhere. Kahit sa gilid lang ng mundo mo."Tahimik na naglakad si Luna papasok ng bahay. Sa bawat hakbang ay parang may tanong sa isip niya na hindi niya kayang itanong nang malakas. Pinagmasdan niya ang paligid. Maaliwalas. May modernong kusina na simple pero elegante, isang playroom na puno ng soft toys at mini-bookshelves, at sa isang sulok ng living area ay may maliit na reading nook na may cushioned seat at floor lamp.Sa ibabaw ng mesa, may drawing frame na gawa sa crayons. Kulay-kulay. Drawing nila ni Callyx."You put this here?""
CHAPTER 54 - Herrera Residence, Quezon City- Thursday, 7:49 PM---Pagkabukas ng pinto ay naamoy agad ni Luna ang bagong lutong sinigang. Tahimik siyang naglakad papasok, may bitbit na envelope sa isang kamay habang ang kabila'y hinahagod ang batok."Anak?" tanong ni Nanay Rina mula sa kusina nang makitang dumating na ang anak. "Kanina ka pa inaantay ni Callyx, nakatulog na siya sa kakahintay sa'yo."Hindi agad sumagot si Luna saka inilapag ang envelope sa mesa. Umupo siya sa lumang upuan na parang biglang naging masyadong malambot para sa bigat ng araw niya. Sandaling namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ng mag-ina hanggang sa si Luna na rin ang unang bumasag niyon."Nay... kasal na po kami."Napalingon si Nanay Rina, natigilan, habang hawak pa ang sandok."Ha?""Kanina po. Civil wedding..."Hindi agad nakapagsalita si Nanay Rina. Bumaba ang tingin nito sa envelope na hawak ni Luna."Hindi mo man lang sinabi, anak?""Ayoko pong masaktan kayo. Kasi hindi 'to normal na ka
CHAPTER 53 – Blackwell Tower, 17th Floor Executive Suite – Friday, 9:08 AMTahimik ang buong opisina. Ang glass walls na karaniwang nagbibigay ng commanding view ng lungsod ay mistulang walang saysay sa mga oras na iyon. Nakatulala si Damon sa isang punto sa labas, pero wala naman siyang tinitingnan. Nasa harap niya ang kopya ng kasunduan — pirma niya, pirma ni Luna, at petsa kung kailan sila dapat ikasal. Isang taon. Isang taon ng kasinungalingang legal.He didn't know which part stung more — the fact that Luna called him an abuser, or the fact that he couldn't deny it.Sa likod ng katahimikang iyon ay naroon si Chase, maingat na naglalakad papalapit. Bitbit niya ang tablet na may nakabukas na calendar."Sir Damon," mahina nitong tawag. "Nakausap ko na po si Atty. Lacson. The earliest civil wedding schedule we can get privately is next Thursday, 11:30 AM. Discreet venue, no media, off-record."Tumango si Damon, mabigat ang bawat kilos. "Book it.""Yes, Sir. Shall I notify Ms. Herrer
CHAPTER 52 – For a long moment, walang gumalaw sa pagitan nilang dalawa. Si Damon ay nanatiling nakatayo, habang si Luna ay muling naupo, nakaharap sa kanya na tila hindi alintana ang bigat ng sinabi niya.One year, then divorce, then full custody.Parang malakas na hampas ng alon ang bawat salitang iyon kay Damon. Paulit-ulit. Sumasampal sa alaala, sa konsensiya, sa damdamin niyang unti-unti nang natutong magmahal sa batang hindi niya man lang namalayang sa kanya pala nanggaling.Gusto niyang tumutol. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang tanungin kung bakit ganoon kabigat ang galit ni Luna sa kanya. Pero wala siyang nagawa kundi ang tumango."Fine," mahina niyang tugon. "Kung 'yan ang kailangan para maging maayos ang buhay ni Callyx, tatanggapin ko."Hindi umimik si Luna. Ni hindi siya tumingin kay Damon. Tahimik nitong binuksan ang envelope, inilabas ang kopya ng kasunduan na siya rin ang gumawa. Nakasaad doon ang mga kondisyon, kasal sa loob ng isang taon. Walang intimacy, wala
CHAPTER 51 – Terms of LoveBlackwell Mansio, Forbes Park – 6:03 AMIsang maagang umaga ng Huwebes. Tahimik pa ang buong paligid. Mula sa bintana ng silid ni Damon Blackwell, tanaw ang unti-unting pagliwanag ng langit. Nasa gilid siya ng kama, suot ang gray na robe, hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Hindi siya mapakali. Simula pa kagabi, hindi na siya nakatulog nang maayos. Patuloy na bumabalik sa isipan niya ang tanong ni Callyx kahapon..."Kayo po ba ang daddy ko?"Iyon lang, pero para sa kanya, parang lindol na gumising sa lahat ng natutulog niyang emosyon.Kaya nang biglang tumunog ang cellphone niya nang maaga pa, hindi karaniwan ay halos mabitawan niya ang tasa sa kaba. Nang tingnan niya ang caller ID, ang pangalan ni Luna Herrera ang lumabas. Napatitig siya sa pangalan sa screen. Ilang segundo siyang hindi gumalaw. Pero sa huli, sinagot din niya. "Hello?" aniya sa medyo paos na tinig.Sa kabilang linya, sandaling katahimikan muna ang namayani na para bang nag-iisip. Hangga
CHAPTER 50 – Tahimik ang loob ng sasakyan. Mula sa speaker, marahang tumutugtog ang instrumental jazz, pero hindi nito natatakpan ang tensyon sa hangin. Si Luna ay nakatanaw sa labas ng bintana, habang si Damon ay tahimik lang sa kabilang dulo, pilit pinapakalma ang sarili. Sa pagitan nila, si Callyx, bitbit ang stuffed bunny niyang si "Bun-Bun," nakaupo nang maayos ngunit may tanong na kanina pa naglalaro sa kanyang inosenteng isipan."Excuse me po, Mister. Kayo po ba ang daddy ko?"Nagkatinginan sina Luna at Damon.Isang segundong katahimikan. Isang segundong parang huminto ang mundo.Napakagat-labi si Luna. Wala sa plano niya ito. Hindi pa ngayon. Hindi sa ganitong sitwasyon.Pero paano mo matatakpan ang katotohanang unti-unti nang binubuo ng bata sa isip niya?Huminga siya nang malalim. Pilit pinakalma ang kaba. Ayaw niyang magsinungaling, pero hindi rin siya handang isiwalat ang buong katotohanan."Anak... si T-Tito Damon ay... friend ni Mommy," sagot ni Luna, malumanay. "Mataga