“LADIES and gentlemen…” muling sambit ni Damon, mahigpit ang hawak sa podium, nakatingin pa rin kay Luna. “…tonight, allow me to finally introduce to you… my wife, Luna Blackwell. And our son… my heir, Callyx Blackwell.”Parang sabay-sabay na huminto ang mundo. Ang katahimikan ng ballroom ay napalitan ng malalakas na bulungan, matitinding flash ng camera, at mahinang mga hiyawan mula sa press zone. Ang ilan ay tumayo agad para mas makita nang malinaw ang pamilya na matagal nang itinatago sa publiko.Mabilis na bumaba si Damon mula sa stage. Mahinahon ngunit matatag niyang inalalayan si Luna, ramdam ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri. Sa kabilang kamay, sabay nilang hinawakan si Callyx, at magkasama silang tatlong umakyat sa stage.Sa sandaling iyon, kumislap ang daan-daang ilaw ng camera. Ang mga panauhin ay hindi makapaniwala sa rebelasyong naganap sa kanilang harapan.“She’s his wife?!” bulong ng isang babae sa mesa ng mga socialites, halos mabitawan ang hawak na wine g
DUMATING ang pinakahihintay na gabi. Ang Blackwell Grand Hotel na mismong pagmamay-ari ng mga Blackwell ang piniling venue ng Blackwell Empire—isang malawak na ballroom na may mataas na kisame, kintab na sahig, at chandeliers na tila mga bituin na nakasabit sa kalangitan. Ang tema ng event, Gold and Black Elegance.Mga mesa ay may black silk tablecloth na may gintong linya sa gilid, at bawat centerpiece ay kombinasyon ng white orchids at golden roses na kumikislap sa ilalim ng spotlight. Sa gitna, isang stage na may malapad na screen na naglalabas ng logo ng Blackwell Empire. Sa harap ng podium, naka-engrave ang Blackwell insignia.Sa gilid ng ballroom, nakapuwesto ang media setup—high-definition cameras, live-stream crew, at mga reporters na handa sa kanilang coverage. May designated press zone para iwas abala sa mga VIP guests.---Isa-isang dumating ang mga panauhin: mga kilalang politiko, business tycoons, socialites, at mga foreign investors. Lahat ay naka-gowns at tuxedos, dala
KINABUKASAN, muling nagising si Luna na may kakaibang gaan sa dibdib. Sa isip niya, malinaw na ang desisyon niya, pumapayag na siyang lumantad sa publiko, at higit pa roon, handa na siyang tanggapin si Damon na tuluyan nang bahagi ng kanilang tahanan. Pagbaba niya mula sa kwarto, nadatnan niya si Damon sa veranda, kausap si Chase sa phone habang hawak ang tablet. Nakasuot ito ng dark slacks at isang puting polo na naka-roll up ang sleeves, mukhang handa na sa trabaho pero may seryosong ekspresyon. “Yes, finalize the guest list. Make sure all board members are in. I want the top media outlets, but only the trusted ones. No unnecessary drama.” Narinig iyon ni Luna habang papalapit. Napatingin si Damon sa kanya at agad na nagbago ang tono ng boses, mas magaan. “I’ll call you back, Chase.” “Good morning,” bati ni Damon, at agad itong tumayo para salubungin siya. “You look rested.” Bahagyang ngumiti si Luna. “Morning. Narinig ko yung pinag-uusapan niyo.” “Yeah,” tumango ito, naglakad
LUMIPAS ang maghapon ng trabaho. Habang nag-aayos si Luna ng mga chart bago umuwi, biglang tumunog ang cellphone niya.Mabilis niyang dinampot ang cellphone na nakapatong sa desk niya at tinignan kung sino iyon. At awtomatikong napangiti siya nang makitang si Damon iyon.“I’ll pick you up tonight. Wait for me at the lobby.”Bahagyang napangiti si Luna, hindi niya mapigilan ang pag-init ng pisngi. Sa dami ng taon na siya lang ang nag-aasikaso sa sarili, ngayon ay may taong naghihintay at sumusundo na sa kanya. Kaagad siyang nag-tipa ng message. “Okay. Don’t be late.”“Never for you,” sagot pa nito.Napatakip siya ng bibig, pigil ang ngiti. Kung makita lang siya ni Kate ngayon, siguradong hihiyaw na naman ito sa kilig.---Makalipas ang kalahating oras, pagbaba ni Luna sa hospital lobby, nandoon na si Damon. Nakasandal ito sa kotse, naka-roll up ang sleeves ng puting polo, at nakatingin direkta sa kanya.“Ready?” tanong nito, binuksan ang passenger seat para sa kanya.“Thanks,” kiming
KINABUKASAN, maagang nagising si Luna. Kasama si Damon, sabay nilang hinatid si Callyx Mariel sa school. Tahimik lang si Luna sa passenger seat habang si Damon ay nagmamaneho. Paminsan-minsan, nagtatama ang kanilang mga mata sa rearview mirror, at sa bawat pagkakataon, may ngiting palihim na dumaraan sa kanilang mga labi.Pagkababa ni Callyx sa school gate, masigla itong kumaway at nagpaalam. “Bye Mommy! Bye Daddy!”Sabay silang kumaway pabalik. Pagbalik sa loob ng sasakyan, nag-alok si Damon. “I’ll take you to the hospital.”“No need. I can drive myself,” sagot ni Luna, pero halatang kinilig.“Luna,” mariing sambit ni Damon habang nakatingin sa kanya. “Please. Let me.”Saglit siyang tumitig dito, at sa unang pagkakataon, hindi na siya tumanggi. Marahan siyang tumango. “Okay.”Sa biyahe, simple lang ang usapan nila tulad ng walang katapusang traffic sa kalsada, mga kurakot na tauhan sa mga sangay ng gobyerno, at walang solusyon sa pagbaha sa buong bansa. Paminsan-minsan ay nagkakaroon
---MABAGAL ang sikat ng araw na pumasok sa kurtina ng kwarto ni Luna. Hindi agad nagising ang kanyang mga mata, pero naramdaman niya ang init ng bisig na nakayakap sa baywang niya. Bahagya siyang napakurap at saka lang niya naalala—si Damon.Magkaharap silang dalawa sa iisang kama. Si Damon, mahimbing pa rin ang tulog, bahagyang nakabuka ang labi, at ang isang braso ay nakalapat sa kanya, para bang buong gabi ay tiniyak nitong hindi siya mawawala sa tabi nito.Napabuntong-hininga si Luna, pinakiramdaman ang kakaibang kapayapaan. Hindi niya maalala kung kailan huling may tumabi sa kanya sa pagtulog. Pitong taon, palaging siya lang at si Callyx. Nakaramdam siya ng paninibago, pero at the same time ay ramdam din siya ng kakaibang init sa dibdib nang mapagtantong katabi niya ang taong mahal niya.Ilang sandali pa'y dahan-dahang iminulat ni Damon ang mga mata, na para bang naramdaman ang titig ni Luna. Pagkakita nito sa kanya, agad itong ngumiti—isang simpleng ngiti pero sapat na para mag