Share

Chapter 11

Hindi ko inalis ang malamig kong tingin sa kaniya habang humakbang ako papalapit sa posisyon niya. Naghuhurumintado ang puso sa di ko malamang dahilan.

" Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, may klase pa ako" malamig kong sabi. Napaiwas siya ng tingin. Umigting ang panga niya at malalim na napabuntong hininga.

Mahigpit kong hinawakan ang shoulder bag ko at pigil-pigil ang sariling ihampas yun sa kaniya. Magsasalita ba siya o hindi?

" Bilisan mo" madiin kong utos sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita.

" Bahala ka diyan" inis kong sambit ng lang minuto segundo na ang nakalipas ay hindi parin siya umimik. Tinalikuran ko siya.

Usap daw pero hindi naman pala magsasalita, may klase pa ako at hindi ako ang mag-aadjust para sa kaniya.

" Ming" malambing na tawag niya na ikinahinto ko sa paghakbang. Inis akong lumingon sa kaniya dahilan para magsalubong ulit ang tingin namin. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang siko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Di na ako tumanggi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status