Alas kwatro na nang magising kami ni Krio. Pagkatapos namin mag-usap ay nakatulog kaming pareho. Hilig na naming gawin yun noon pa man at sa halos 15 years naming pagkakaibigan ay nasanay na kami sa isa't isa kaya hindi maiwasang mag-alala sa sinabi niya.
Kailangan niya bang iwan ako para lang don? Nakakatampo, ano pa't naging matalik kaming magkainigan kung iiwan niya rin pala ako sa huli.
Inaway ko siya pagkatapos sabihin yun pero tinawanan lang ako ng loko. Lakas mang-inis pero subra naman kung mag-alala.
" Ako ang magluluto tay Anton!" presenta ko nang sabihin niyang balak niyang magluto ng kamoteque para sa meryenda namin.
" Abay sige! nakahanda narin naman ang lulutuin doon sa mesa. Magpatulong ka nalang kay Anthony sa pagluluto" napatango ako sa sinabi niya at sakto naman non ay ang pagdating ni Krio na bagong ligo at nasa balikat pa ang damit.
" Anthony, tulungan mo tong si Mace sa pagluto ng meryenda at may pupuntahan ako" bumaling muna sakin si Krio bago tumango sa tatay niya.
" San ka pupunta tay?" tanong niya
" Sa barangay, may emergency meeting kami" sagot nito.
" Pinanindigan ang pagiging ulirang Kapitan ah! pagbutihin mo yan ihjo!" pabirong usal ni Khrus sa tatay niya at tinap ang ulo nito. Natawa naman ako nong umaktong susuntukin siya ni Tay Anton.
" Puro ka kalukohang bata ka!" tumawa ng malakas si Krio bago akbayan ang ama at hinalikan ang pisnge nito. Napangiti naman ako sa ginawan niya.
" I love you tay, wag kang mamatay ha?" tumawa ako ng malakas nang abutin ni Tay Anton ang itak niya dahilan para tumakbo si Krio papunta sa likuran ko
" Lokong to!, ikaw ang papatayin ko!" tumawa naman ng malakas ang loko sabay yakap sa beywang ko at ang ulo'y nasa balikat ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan.
" Biro lang eh" anito
" Lapit ka rito at nang makita mo ang hinahanap mo!" naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya sakin.
" Tay alas kwatro na! Malalate kana! Ano nalang ang sasabihin ng mga mamamayan sayo? Iresponsableng kapitan, subrang gwapo pa naman ng anak! Madadamay pako!" natawa ako at napairap sa sinabi niya. Lakas talaga ng saltik nito.
Binaba ni tatay ang itak niya at problemado sa loko-loko niyang anak.
" Mamaya ka sakin pagbalik ko" banta niya sa anak bago bumaling sakin. " Ikaw muna ang bahala dito Mace, pakidisiplina narin sa lokong yan" sabay turo niya sa anak. Napanguso lang si Krio at nagpaalam narin sa ama at nang makaalis na si tay Anton ay saka ako lumingon sa kaniya at binatukan siya ng malakas.
" Aray!"
" Loko ka" sambit ko at kinalas ang kamay niyang nasa beywang ko. Iniwan ko siya sa sala at dumiretso na sa kusina nila para magluto ng meryenda. Tama nga si tay Anton, nakahiwa na ang mga kamote at malinis na rin. Lulutuin nalang, may mantika at asukal narin namang nakahanda.
Ilang segundo lang ay sumunod rin si Krio nakatopless parin, ginawa niya atang design sa balikat yung damit niya.
" Ako na magsasalang ng kawali" aniya
" Magdamit ka nga! para kang adik" wika ko sa kaniya na ikinanguso niya.
" Ang gwapong adik ko naman pala"
" Oo, kamukha ng pwet ng baboy niyo yang mukha mo" pang-aasar ko na ikinabusangot niya sabay lapit sa akin at kinurot ang pisnge ko.
" Ang cute mo talaga!" hinampas ko ang kamay niya dahil sa sakit ng kurot niya.
" Epal! Pag-itong pisnge ko tumaba.." tumawa siya sakin.
" Edi goods! Kamukha mo na si mic-mic" tinutukoy niya yung idik na pinili niya para sakin. Mic-mic ang pangalan.
" Yung kawali nalang atupagin mo at baka mahampas ko yun sa pagmumukha mo" tumawa siya ng malakas bago sinuot ang damit niya, nakahinga naman ako ng maluwag.
Nakahalukipkip akong nakasandal sa mesa at pinanuod ang ginawa niyang pagsalang sa kawali at pagbukas ng stove. Nang masigurong ok na ay lumingon siya sakin.
" Mainit to kaya magdahan-dahan ka" tukoy niya sa stove at kawali. Napatango naman ako sabay lapit don. Inayos ko ang pagkakawagay ng mahaba kong buhok sa likod ko para hindi sagabal sa pagluto.
" Wala ka bang tali sa buhok?" lumingon ako kay Krio na nakatingin pala sakin.
Umiling ako sa kaniya " Wala, nakalimutan ko kanina" tumango naman siya sa sinabi ko.
" Maiwan muna kita rito, may kukunin lang ako sa kwarto" tumango ako sa sinabi niya habang naglalagay ng mantika sa kawali. Naramdaman ko naman ang pag-alis niya sa tabi ko at rinig ko rin ang mabilis niyang yapak palabas sa kusina.
Habang naghihintay uminit ang mantika ay iginala ko muna ang tingin ko sa loob ng kusina nila. Subrang linis at simple lang tignan parang hindi lalake ang umuuwi sa bahay nato dahil ang ganda.
Lumingon ulit ako sa nakasalang na kawali at saktong mainit na ang mantika non. Dahan-dahan kong nilagay ay mga hiwang kamote at pagkatapos ay nilagyan agad ng asukal para matunaw agad at kumapit sa kamote. Nang hahaluin ko na sana ay napahinto ako nang may kamay na humawak sa buhok ko at dahan-dahan iyong hinaplos.
" Sa susunod na magluluto ka mag tali ka ng buhok" sambit niya at naramdaman kong inipon niya lahat ng buhok ko at tinali. Hinayaan kong gawin niya yun hanggang matapos siya at nakaramdam ako ng kaginhawahan dahil wala nang sagabal sa leeg ko.
" Saan ka nakakuha ng tali?" tanong ko nong lumipat siya sa tabi ko.
" Meron ako sa kwarto niyan, binili ko incase lang na wala kang pantali" napalingon ako sa kaniya.
Oh? Sweet naman.
" Nahihibadbaran ako tuwing nakalugay ang buhok mo. Para kang maarteng mangkukulam at naisip kong di mo afford kaya ako na bumili"
Binabawi ko na pala.
" Eh kung yang mukha mo kaya ang iprito ko rito?" dinuro ko siya ng mainit na sandok na hawak ko. Bahagya naman siyang napailag at tumawa. Kaasar!
Alas sais sa ng hapon ako nakauwi sa amin. Hinatid ako ni Krio gamit ang motor niya. Pinadala rin ako ni Tay Anton ng kamoteque na luto namin ni Krio para kina nanay. Niyaya ng mga magulang ko si Krio na dito na maghapunan pero tumanggi siya dahil walang kasama si Tay Anton sa bahay nila kaya pinadalhan nalang siya ni nanay ng ulam.
" Ingat sa pag-uwi" paalala ko.
" Malapit lang ang bahay namin Ming, wag kang mag-alala" aniya sabay kindat. Ewan ko nalang talaga sa lalakeng to.
" Nakaalis na si Krio?" tanong ni nanay na ikinatango ko naman.
" Opo"
" Ay sayang! hindi ko napadala itong ginawa kong minatamis na langka" wika ni nanay
Kunti lang ang kinain ko sa tanghalian dahil busog pa ako sa kinain ko kina Krio. Nang matapos akong tumulong magligpit sa kusina at makapaglinis ng sarili ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para makapagbihis at maghanda narin ng damit na gagamitin ko bukas sa date namin ni Khrus.
Excited ako sa kung ano mang mangyayari bukas, hindi nga ako makapagdesisyon mabiti kung anong isusuot ko pero sa huli ay dress na may disenyong sunflower ang napili ko.
Regalo ito ni Krio sa akin nong pasko at ngayon ko lang masusuot. Meron itong puff sleeve since, mahilig naman talaga ako sa mga ganong disenyong dress.
Di nga ako makatulog kakaisip sa mangyayari bukas pero pinilit ko ang sarili ko dahil ayaw ko namang magmukhang panda sa harap ni Khrus bukas.
Iyon ngalang ay kung gaano ako kalate natulog ganon din ako kaagang nagising.
Alas kwatro palang ng umaga ay gising na gising na ang diwa ko. Ako na nga lang ang naghanda ng agahan namin dahil tulog pa sina nanay at tatay. Alas singko nagigising ang mga yun at alas nuebe papasok sa trabaho. Ang trabaho ni tatay ay siya ang tagabantay ng anihan ng mga Sudalga at si Nanay naman ay nakatuka sa boutique kung saan nilalagay ang mga bagong aning mga gulay at prutas.
Tuwing nakikita ko silang pagod ay mas lalo akong nagiging pursigido na pagbutihin ang pag-aaral ko. Hindi ko hahayaan na habang buhay nalang magtrabaho ang mga magulang ko sa ibang tao_. Kahit mabait naman ang mga Sudalga. Gusto ko lang na balang araw ay maranasan din nila na sila ang pinagsisilbihan.
Balang araw mangyayari yun, pinapangako ko.
Saktong natapos ako sa paghahanda ng almusal ay lumabas naman ang mga magulang ko sa kwarto nila. Nagtaka pa sila kung bakit ang aga ko kaya sinabi ko sa kanila ang totoo. Nakatanggap tuloy ako ng kurot kay nanay at tawa naman galing kay tatay.
Subrang laki naman ang tiwala ng magulang ko sakin kaya di ko sisirain yun.
Sabay na nga kaming kumain at pagkatapos ay nag-ayos narin ako. Nagtext si Khrus na 8:30 niya ako susunduin kaya ayos nang maaga ako nagising.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at masasabi ko na subra akong kumportabli sa suot ko. Hapit sa beywang ko ang dress at medyo maluwag na pababa hangang sa taas ng tuhod ko. Ponytail ang buhok ko dahil paniguradong pagpapawisan ako mamaya. Nag flat sandal lang din ako para hindi na ako mahirapan pa.
Pasado ngang alas otso y medya ay dumating na si Khrus at may dala nanamang bulaklak. Wala naman siyang sinasabi na nililigawan niya ako pero pakiramdam ko ay ginagawa na niya kung ano ang ginagawa ng isang manliligaw.
" You look pretty today" komento niya sakin kaya napangiti ako.
" Salamat!"
Nagpaalam muna kami kina nanay at tatay bago umalis.
" Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makapagsitbelt. Bumaling siya sa akin sabay ngiti.
" Sa ranch" nagulat ako sa sinabi niya.
" Eh diba sarado yun? walang pweding pumasok don kasi private property niyo yun"
" Yeah, that's why I'm inviting you" aniya na ikinaawang ng labi ko.
" Papapasukin mo ako sa rancho niyo?!" hindi ko na napigilan ang gulat at saya sa boses ko. Ang ganda daw kasi talaga don!
Tinawanan niya naman ako bago tumango kaya napatili ako at hindi na napigilang yakapin siya pero agad ring akong lumayo.
" Sorry! naexcite lang! Hindi pa kasi ako nakakapasok don, ang dami niyo daw mga alagang hayop ron na galing pa sa ibang bansa!" daldal ko
Sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya at kinurot ang ilong ko ng mahina. Namula ako nong ginawa niya yun.
" You're so cute "
" Wag mo nga akong niloloko" simangot ko na ikinatawa niya ng mahina.
" I'm not, you're really cute when you're like that, I wanna see that everyday"
Para naman akong ewan na namumula sa mga pinagsasabi niya. Napaiwas nalang ako ng tingin sabay nguso para mas mag mukhang cute.
Cute parin ba, Khrus?
" You're really adorable yet gorgeous, how can you do that? " napalingon ulit ako sa kaniya nang sinabi niya yun.
Ang tamis talaga magsalita ng isang to.
" Magdrive ka nalang" umiwas ako ng tingin " Excited naku!" tumili ako ng mahina kaya tumawa uli siya sabay paandar sa makina ng kotse niya.
20 minutes ang byahe papunta sa rancho nila kaya nag cellphone muna ako dahil nararamdaman ko ang awkward na atmosphere sa pagitan namin ni Khrus. Nahihiya pa talaga ako sa kaniya.
' San kayo ngayon?'
Agad kong nireplayan ang text ni Krio.
' Sa Rancho nila! Igagala niya ako don!'
Kakasend ko lang ay naseen na niya agad.
' Sama ako😭'
Natawa ako ng mahina sa reply niya.
' Hindi pwedi, bebe time namin to mangiisturbo ka lang'
Akala ko ay magrereply siya pero nilike zone lang ako ng loko.
Napasimangot ako.
' Wag ka nang magtampo. Ikukwento ko nalang sayo yung mangyayari mamaya'
Mabilis niyang naseen ang chat ko pero malaking Like lang ang reply niya.
Parang engot naman to.
' Crayon Anthony Servantes!'
Napabuntong hininga nalang ako nang di na siya nagseen.
" What's the problem?" napalingon ako kay Khrus na kanina pa pala nakamasid sakin. Umiling ako at ngumiti sa kaniya.
" Wala"
Halos malaglag ang panga ko sa subrang mangha nang makapasok na kami sa Rancho Sudalga. Subrang lawak ng lugar at nahihibabaw ang berdeng kulay sa patag na lupa. Makikita lahat ng iba't ibang hayop rito na may kaniya-kaniyang mga kulungan. May iilang tao akong nakikitang nagbabantay at nag-aasikaso sa mga hayop na nandito.
" Wear this" napalingon ako kay Khrus nang inabot niya ang boots sa akin. Akmang siya ang magsusuot pero umiling ako.
" Ako na Khrus, kaya ko na to" sambit ko, nakakahiya naman kasi.
Tumango naman siya sa akin. Dali-dali kong pinalitan ang suot kong sandals ng boots.
" Ang ganda rito subra!" napatili pa ako habang hawak ni Khrus ang kamay ko. Nakangiti lang siya sakin.
Ginala niya ako sa buong rancho nila, kumuha ako ng litrato dahil pwedi naman daw. Pasimple ko ring kinukuhanan ng litrato si Khrus tuwing hinahawakan niya ang mga alaga nila. Tinuruan niya ako kung paano magpakain ng ibang hayop na ngayon ko lang nakita dahil sa ibang bansa pa galing isa na nga doon ay ang tinatawag nilang Chacma Baboon, monkey species siya na galing pa raw South Africa.
" Hello! Kamukha mo yung kaibigan ko" sambit ko sa hayop na nasa kulungan. Kinuhanan ko siya ng litrato at di na nagtagal doon.
" Wag ka masyadong malapit sa kanila" paalala sa akin ni Khrus. Tumango naman ako. Inaya niya rin akong magkabayo, agad naman akong pumayag. Tinuruan niya ako kung paano ang tamang pangangabayo, isang kabayo lang ang sinakyan namin at siya ang nasa likuran ko. Nahihirapan akong magfocus sa mga sinasabi niya dahil nadidistract ako sa lapit ng katawan niya sakin.
Kalahating minuto kaming nangabayo at nagpasalamat ako dahil natapos rin. Halos hindi ako makahinga dahil sa subrang lapit niya.
Tatlong oras din ang ginugol namin sa pagpasyal pagkatapos ay nagyaya na si Khrus na kumain. Nagulat pa ako dahil may pinahanda siyang pagkain para sa amin sa malaking cottage nila dito parin sa loob ng Rancho Sudalga. Hands on lahat ng mga trabahador nila dito na kahit simpleng pagtulong ko sa pag hahanda ng pagkain ay ayaw nila dahil baka pagalitan sila.
Taga rito din naman ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit pati ako tinatrato nilang prinsesa at kilala naman nila ako.
Inaya din sila ni Khrus na sumabay sa amin kumain pero ayaw din nila kaya kaming dalawa nalang. Nacoconscious pa ako sa itsura ko tuwing kumakain, ang takaw ko pa naman at baka isipin ni Khrus na patay gutom ako.
Hindi naman kami masyadong nagkakausap. Hindi naman kasi madaldal si Khrus at ako naman ay depende lang sa tao kaya ok na rin yung ganito.
Pagkatapos kumain ay naisipan muna naming magpahinga dito sa cottage. May kinausap so Khrus na trabahador ng rancho kaya habang abala siya ay chineck ko ang cellphone ko kung may text ba pero wala.
Sineen lang ng loko ang text ko kanina.
Napanguso ako habang sinisend ang picture ko sa kaniya, selfie at ang iba ay si Khrus ang kumuha. Sinend ko rin ang picture ni Koko, pangalan nong Chacma Baboon kanina.
' Kamukha mo siya'
Agad niyang naseen ang chat ko.
Nireplayan niya yung picture ni Koko na sinend ko.
' Ang ganda mo rito'
Lumubo ang pisnge ko sa inis.
Ako y
ung unang nang-inis pero di pinansin ng loko!
' Ikaw sabi yan!'
' Ha Ha' reply niya na ikinatawa ko pero napahinto rin agad.
You can't reply to this conversation. Learn more.
Ang baliw binlock ako! Nagtampo ata lalo!
"You bitch! Kanina pa ako nanggigigil sayo! Come here!" naputol ang kung ano mang koneksiyong nararamdaman ko sa lalakeng kaharap ko nang marinig ko ang sigaw ni Deia at ang tili ng isang babae. Hila-hila na ni Deia ang buhok ni Iris at kinaladkad ito papunta sa pool kung saan walang maapektuhang gamit."Aw! Bitiwan mo ako!" sigaw naman ng isa na halos madapa na."Deia!" malakas at may babalang sigaw ni Khrus at sinundan si Deia para awatin. Lahat ng tao ay nakatingin na sa dalawang babae, hindi ko rin naiwasang lumapit sa nag-aaway para rin sana umawat pero bago ko pa magawa yun ay may humawak na sa braso ko para pigilan ako."Wag kang lumapit don, madadamay ka" inangat ko ang tingin ko para makita kung sino ang humawak sa akin. May kung anong bumalot na mainit na pakiramdam sa puso ko nang mapagtantong si Krio iyon."Kailangan natin awatin si Deia" sambit ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ko."Kaya na ni Khrus yan" kampanteng saad
Khrus pass the board exam not just past but he top the exam. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya. He also cried kahit siya ay di makapaniwala na siya ang mangunguna. I'm so proud of him, saksi ako sa lahat ng hirap niya.Atty. Khrus Trevor Sudalga.Ang sarap pakinggan.Nagkaroon ng malaking handaan sa mansiyon ng Sudalga at lahat ay imbitado. Madaming pumuri kay Khrus kaya sa mismong event hindi kami magkasama dahil madaming nakikisalamuha sa kaniya para e congratulate siya. Prente akong nakaupo sa table kung saan may anim na upuan."Hi! Ikaw ang girlfriend ni Khrus diba?" sumulpot ang babaeng hindi pamilyar sakin pero mukhang taga rito rin pero dahil subrang lawak ng lugar namin hindi lahat ng tao kilala ko."Hello" bati ko ron.Naupo siya sa katabing upuan ko na ikinabigla ko. Ako lang kasi ang natira sa table dahil umalis sina nanay at tatay para makisalamuha sa ibang tao ganon din ang mga magulang ni Khrus."So girlfriend ka nga?" Muntik nang mapataas ang kilay ko sa demanding ni
Days became weeks and weeks became months. Andaming nangyari, sa isang iglap biglang tapos na ang 1st sem, ngayong araw rin mismo ang board exam ni Khrus.Khrus is still courting me at wala pa akong planong sagutin siya, hindi rin naman siya nagmamadali. I'm not yet ready, ang paalala ni Krio sa akin ay nanatili sa utak ko.Pag-aaral muna bago jowa.Speaking of that man, minsan lang kami magkita at kung magkikita man ay hindi na kami nagpapansinan pa although sometimes I want to approach him but then we already talk about it. Moving-on season niya at hindi ko alam kung hanggan ngayon ay may nararamdaman pa siya sa akin. I never saw him talking with other girls maliban nalang kay Deia. Sa nagdaang buwan napapansin ko ang pagiging malapit nilang dalawa sa isa't isa."You'll pass the exam, sigurado ako diyan" kumbinse ko kay Khrus habang inaayos niya ang dadalhin para sa examination niya.He smile at me, lumapit siya sa akin at niyakap ako."Thank you for cheering me up! I know I can bu
Ilang beses akong napabuntong hininga habang tumititig sa harap ng salamin. Hindi dahil kinakabahan ako sa pageant, wala naman akong maramdamang kaba doon. Hindi ko lang talaga maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ako ganito."Why are you nakasimangot? Smile! You look so pretty" pilit na napangiti ako sa salamin habang inaayos ni Deia ang buhok ko. Hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin.Nag volunteer siyang siya na ang mag-aayos sa akin kaysa daw sa magbayad pa kami ng mag-aayos sa akin. Ayoko sana dahil nahihiya ako pero talagang gusto niya kaya umoo na ako. Ngayon nakikita ko ang sarili ko, subra akong namamangha sa ginawa niya. Parang professional na artist ang nag-ayos sa akin!"Salamat, Deia. Ang ganda-ganda ko ngayon" sambit ko na ikinalingon niya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang dinikit ang pisnge niya sa akin sabay ngiti niya sa akin sa salamin."Thank you! I really like doing this with pretty girls. Maganda ka kaya nag-eenjoy akong ayusan ka" aniya
" Tara na Khrus" aya ko, agad siyang bumaling sa akin at napatango. Nagpaalam kami sa dalawa, saglit na nagtama ang tingin namin ni Krio tinanguan lang niya ako.Buong praktis ay hindi ako makapagfocus, napagalitan pa ako dahil masyado akong lutang at nagkakamali. Nakakahiya dahil nanood marami ang nanood." Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Khrus sa akin nang makapagpahinga kami sa praktis. Nakaupo kami sa gilid ng stage nang abutan niya ako ng tubig." Ayos lang, pagod lang siguro to" rason ko kahit hindi naman talaga iyon ang rason. Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Nahagip ng tingin ko si Krio at Deia na naguusap sa gilid habang kumakain ng street food. May pagkakataon pang nagtatawanan ang dalawa na parang sila lang dalawa ang nasa paligid. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong magjowa sila.Napakagat labi ako dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isipan ko.We used to be like that before. Nakikita ko ang sarili ko sa posisyon ni Deia ng
" Ilang araw ka ng lutang" bahagya akong napalingon kay Reesa sa sinabi niya. Isang linggo na ang nakalipas mula mong mag-umpisa ang klase kami na lagi ang magkasama. " Kinakabahan lang ako sa pageant" dahilan ko sabay iwas ng tingin sa kaniya." Oy, may praktis kayo later? nood ako!" Aniya sabay siko sakin, napatango nalang ako sabay simsim ng milktea na hawak ko.Sa susunod na linggo na ang fiesta at habang napapalapit ang araw ay mas lalo akong kinakabahan. Gabi-gabi na kami nagpapraktis, nakakapagod." Hindi ko na nakikita si Krio ah, busy?" halos masamid ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong na yun kay Reesa. Agad kong kinalma ang sarili ko lalo't nakatingin siya sakin." O-Oo" napaiwas ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ko yung sabihin. Napatango naman siya at mukhang kuntento sa sagot ko.Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bigla nalang akong natataranta. Parang silang plakang umuulit sa isipan ko ang mga sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.