Share

Chapter 4

" Till next date again?" 

Napakagat labi ako at napatango sa sinabi niya.

Nasa tapat kami ng bahay namin ngayon, hinatid niya ako. Alas singko na rin ng hapon ng napagdesisyonan naming umuwi na.

Hinawakan niya ang kamay ko, napatingin ako don.

" Did you enjoy?" inangat ko ang tingin ko sa kaniya sabay ngiti.

Tumango ako. " Subra!, Salamat pala...di ko inaasahan na doon mo ako dadalhin" 

" I'm glad your happy" hinaplos niya ang kamay ko at tinitigan ako ng maigi sa mata.

" I'll make sure our second date will be more memorable but I can't still know when. Madalas na ang pag-alis ko sa mansiyon, I'll start may review na at sa Manila pa yun" nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya pero tumango ako at ngumiti parin. 

Syimpre suportado ko lahat ng ginagawa niya, hindi naman kami at ayos lang kahit di niya na sabihin pa ang mga gagawin at ginagawa niya pero hindi niya hinahayaan na wala akong alam sa mga ginagawa niya araw-araw.

" Galingan mo sa review mo ha, proud ako palagi sayo! Tatandaan mo yan....nandito lang naman ako. Maghihintay ako" sambit ko, ngumiti siya sakin bago ako hinila para yakapin.

" Ayos lang ba sayo na ganito muna tayo?" tanong niya na ikinagulat ko.

" Oo naman!" 

" I'll be gone for a month, at sa pagbalik ko.." nilingon niya ako at umangat naman ang tingin ko sa kaniya.

" I'll court you" 

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko at di ko alam kung paano ko sasagutin ang sinabi niya. Di ko alam kung anong magiging reaksiyon ko.

" S-Sige..." tanging nasambit ko sabay yuko.

" I'm serious, liligawan kita pagbalik ko. Nangako ako sayo noon diba? After I graduate I'll court you" 

Naalala ko nga ang sinabi niya noon bago siya umalis. Di ko naman sineryoso yun dahil alam ko na subrang labo ng posibilidad na mananatili ang nararamdaman niya sa akin dahil nasa malayo siya at madami siyang makakasalamuhang ibang babae na mas higit pa sakin. 

Pero pinatunayan niya na posibli.....

" Aasikasuhin ko lang ang mga bagay na dapat kung asikasuhon para mabigay ko na rin kahit papano ang oras ko sayo"

" Pero kailangan mong magfocus sa review mo, diba?" binalingan ko ulit siya ng tingin.

" I can do it, kahit hindi na nga magreview center ay kaya ko na yun. I can do self review "

" Kahit na..."

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

" I can make time for you"

" So manliligaw ka na talaga?" 

Sure na yan? 

" Next month " 

Napatango ako sa sinabi niya, nginitian niya naman ako.

" Thank you" sambit niya 

 Kahit sa pagtulog ko ay bumabalik parin sa isip ko ang mga sinabi ni Khrus. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko, basta ang alam ko ay gusto ko siya at masaya ako....

Pinaparamdam niya sakin palagi kung gaano ako kahalaga. Isang linggo bago siya umalis ay sinulit namin ang bawat araw. Pumupunta siya sa bahay namin o di kaya ay ako ang pumupunta sa kanila. Isang linggo ring walang paramdam si Krio at nang minsan akong pumunta sa kanila ay sinabi ni Tay Anton na nasa bukid o di kaya naman ay nasa bayan, minsan ay nasa church daw tumatambay. 

Hindi ko siya matyempuhan sa bahay nila. Gusto ko mang kontakin pero binlock nga ako ng loko.

Minsan iniisip ko na iniiwasan niya ako dahil malaki ata ang tampo niya sakin kahit hindi ko alam kung ano ang maling nagawa ko. 

Lunes ng umaga, pagkatapos ng almusal namin ay napagdesisyonan kong pumunta kina Tay Anton. Nagdala ako ng nilagang saging at kamote para sa kanila. Saktong pagkarating ko sa kanila ay nadatnan ko si Tay Anton na nagdidilig ng halaman. Binati ko siya at binigay ang dala ko.

" Naku! Salamat para dito Mace!" 

" Ikaw pa tay Anton! Malakas ka ata sakin!" natawa siya sa sinabi ko. Ako naman ay pasulyap-sulyap sa loob ng bahay nila.

Asan na ba ang lokong yun? sana naman NANDITO na siya.

" Si Anthony ang hinahanap mo?" napabaling ako kay Tay Anton, ngumuso ako sabay tango.

" Sa likod ng bahay, doon sa ilalim ng puno ng mangga sa palagi noyong tambayan" sagot niya. Napatango naman ako at mabilis na nagpaalam kay Tay Anton.

Halos takbuhin ko na ang likod bahay niya sa subrang pagmamadali ko.

Lagot talaga sa akin ang tukmol nayun!

Natigil ako sa paglalakad nang matanaw ko ang bulto ng lalakeng nakatalikod, walang damit pang-itaas at naka khaki short lang. Nakaliyad ang maganda niyang katawan at nakikita ang magandang hulma ng katawan niya. Tinagilid niya ang leeg niya at kung titignan ay nag-eexcercise ang loko sa galaw palang ng braso at leeg niya.

Napacross arms ako sa dibdib habang pinagmamasdan siya nang may matalim na tingin. 

Mukha siyang relaxe na relaxe habang ako ay hindi makatulog kakaisip kung buhay pa ba siya o kung ano na. Walang man lang paramdam ng isang linggo! Nakakainis!

Kumulo yata lalo ang dugo ko sa nakikita ko ngayon. Aba! nakalimutan na ata niyang nag-eexist pa ako sa buhay niya!

" HOY!" sigaw kong pagtawag. Napahinto naman siya bago napalingon sa akin. Nang mapagtanto niyang ako ang tumawag ay bahagyang napaawang ang labi niya.

Galit ko siyang tinignan para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Natauhan ata siya dahil mabilis na nag-iba ang reaksiyon niya, ngayon ay tinignan na niya ako nang may magkasalubong na kilay.

" Oh?" 

Oh?

" Oh? Ohpakan kaya kita?!" singhal ko bago mabilis na lumapit sa kaniya at hinampas ng malakas ang matigas niyang braso. 

" Bat ang hilig mong manakit ha!" naiinis niyang sambit na ikinaawang ng labi ko.

Siya pa may ganang mainins ngayon!

" Ikaw pa may ganang mainis ngayon?! Isang linggo kang walang paramdam!" agad na napalitin ang inis niya ng pag-alaala. Napabuntong hininga siya bago napakamot sa batok.

Ano na?! Mag-explain kang baliw ka!

" Sorry na.." tinaasan ko siya ng kilay

Yun na yun?

Nagtitigan kaming dalawa, mata kong matalim at mata niyang nagsusumamo. Hinihintay ko ang paliwanag niya pero huni lang ng kuliglig ang naririnig ko.

Hindi ka talaga magpapaliwanag?

Maslalong tumalim ang tingin ko sa kaniya na ikinaiwas niya ng tingin at iritang napakamot sa batok niya.

" Sorry na nga! Parang tanga naman to...." ngumuso siya.

" Crayon Anthony!" pagbabanta ko, kita ko ang pagalaw ng adams apple niya.

" Ano?" 

" Anong, ano?! Magpaliwanag ka!" mabilis siyang napabaling sakin.

" Kailangang manigaw?" 

" Isa!"

" Bat kailangang magpaliwanag? jowa ba kita?"

" Bestfriend moko! Ano ba!" 

May binubulong siyang kung ano pero hindi ko marinig. Mas lalo tuloy akong nainis.

" Crayon Anthony!"

" Kumalma ka nga! Nagagalit naman eh..." 

" Sinong hindi magagalit sa ginawa mo!" napabuntong hininga siya bago dahan-dahang hinawakan ang siko ko at dahan-dahan akong hinila palapit lalo sa kaniya.

Nakasalubong parin ang kilay ko sa kaniya.

" Kalma na kasi.." sambit niya at paulit-ulit na hinalikan ang noo ko. Napabuntong hininga nalang ako at pinakalma ang sarili.

" Magpaliwanag ka nang matapos na to. Palagi mo nalang akong iniinis" sambit ko sabay subsob ng noo ko sa dibdib niya at di ko rin naiwasang singhotin siya.

Ang bango ng lalakeng to.

" Nilagnat ako ng isang linggo" mabilis na napaangat ang tingin ko sa kaniya. Natataranta kong chineck ang buong katawan niya pati ang mukha niya.

Mas lalo akong nakaramdam ng inis at tampo sa sinabi niya. 

Bat di niya sinabi agad?

" Bakit di mo sinabi sakin?!" ano bang papel ko sa buhay ng lalakeng to!

" Bakit? uunahin mo ba ako kaysa sa makasama ang taong gusto mo?" napahinto ako saglit sa sinabi niya.

" Sagutin mo ang tanong ko" binaliwa ko ang tanong niya. Napabuntong hininga siya at tinitigan ako ng seryoso.

" Simpleng lagnat lang yun Ming, hindi ko sinabi dahil baka mag-alala ka at hindi mo na maenjoy ang date niyo ni Khrus " napailing ako sa sinabi niya. 

" Akala ko ba bestfriend tayo? Bakit parang hindi mo ata ako kilala? Syimpre uunahin kita, tingin mo may gana pa akong makipagdate kung alam kong hindi ka ok? At isa pa, isang beses lang kaming nagdate. Madami akong oras, kaya naman kitang bigyan ng oras. Hindi lang naman kay Khrus umiikot ang mundo ko" inirapan ko siya sa subrang inis ko.

" Doon rin naman pupunta yun, dapat masanay kana lalo pa't nanliligaw na siya sayo_"

" Fyi, hindi pa siya nanliligaw sakin" napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

" Ang landi-landi niyong dalawa pero wala parin kayong label?" nahampas ko ng mahina ang dibdib niya sa sinabi niya.

" Bakit? Totoo naman ah!" 

" Malapit na wag kang mag-alala" inis na sambit ko na ikinatahimik niya. Tinitigan niya ako kaya napakunot ang noo ko sa kaniya.

Ano nanaman kaya ang iniisip nito?

Napabuntong hininga ako sabay hawak sa magkabilaang pisnge niya. Nakatitig parin siya sakin.

" Maayos na ba ang pakiramdam mo?" para siyang natauhan sa sinabi ko at tinaasan ako ng kilay.

" Ok na sana ako kung hindi ka lang sadista" aniya kaya mabilis kong inalis ang kamay ko sa pisnge niya sabay simangot.

" Hindi mo agad sinabi, ako pa sinisisi mo" 

" Ay! Kasalanan ko pa pala, pasensiya mahal na prinsesa" sarkastikong sambit niya sakin sa ikinasimangot ko lalo.

" Umayos ka Crayon Anthony, naiinis pako sayo" sambit ko na ikinatawa niya ng mahina sa kawalan.

" Ok na ako..ngayon" 

Niyakap niya ulit ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

" Bati na tayo?" bulong niya sakin, tumango naman ako bago sinubsob ang ulo ko sa matipunong dibdib niya. Narinig ko ang buntong hininga niya ng malalim.

" Eenjoy mo yan habang single ka pa" tukoy niya sa mukha kong nakasubsob sa dibdib niya. Napaingos ako kaya natawa siya.

Happy pill talaga ako ng lokong to. Kakaasar.

Pagkatapos niyang tumawa ay napatahimik siya. Wala ni isa ang nagsalita sa amin, nakayakap lang ako habang ramdam ko ang kamay niyang sinusuklay ang buhok ko.

Namiss ko ang lokong to. 

" Ming?"

" Hm?"

" Magsabi ka kung nanliligaw si Khrus sayo ha" 

" Ilang beses mo na yang sinabi sakin"

" Baka lang makalimutan mo"

" Kung mangyari man yun, isa ka sa unang makakaalam" 

" Basta tandaan mo sa oras nayun na nandito ako, kahit di na kasing lapit ng ganito. Nasa likuran mo lang ako palagi" 

Mas lalo kong nahigpit ang yakap ko sa kaniya. Naiintindihan ko kung ano ang pinupunto niya pero hindi ko maiwasang tanongin kung bakit kailangang maging ganon kung sakali man.

" Matalik iitang kaibigan, maiintindihan ni Khrus yun"

" Hindi ka lalake kaya di mo maiintindihan ang mararamdaman namin Ming. Kung si Khrus ang matalik mong kaibigan at nanliligaw ako sayo tapos makikita kong subrang close kayo sa isa't isa, kahit sabihin nating matalik kayong magkaibigan, magseselos parin ako"

Nang inangat ko ang tingin ko sa kaniya ay nagtama ang tingin namin.

" Hindi naman ikaw si Khrus"

" Pero pareho kaming lalake"

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

" Isipin mo rin ang sasabihin ng ibang tao. Kalat na kalat rito sa Victorina na may namamagitan sa inyo kaya ayusin mo ang mga galawan mo" paalala niya sakin.

" Importante ka sakin kaya inaalala ko ang sasabihin ng ibang tao tungkol sayo. Para na kitang k-kapatid...nasasaktan ako pag nasasaktan ka. Ako lang pweding mambully sayo, wala silang karapatan" parang may kung anong mainit na pakiramdam na humaplos sa puso ko nang sinabi niya yun.

Kahit na palagi akong inaasar nito, hindi matatapos ang araw na hindi kami magkakasundo. Loko lang to pero hindi ako hahayaan nitong masaktan ng kung sino-sino lang.

" Ganon din naman ako. Ikaw rin magsabi ka kung may babae ka nang nagugustuhan, para naman hindi ako mabigla baka isang araw may babaneg sasalubong sakin at bigla akong sasabunutan, e uuntog ko ang ulo niyong dalawa" natawa siya sa sinabi ko.

" Wag kang mag-alala, alam ko na yan"

" Kailan ba manliligaw si Khrus? Walang sinabi sayo?" biglang tanong niya.

" Pagkabalik niya raw dito, nasa Manila siya ngayon" napatango siya sakin.

" Tagalan mo ang panliligaw niya, mga ten years" inirapan ko siya sa sinabi niya.

" Sana sayo mangyari yan" sambit ko na ikinasimangot niya.

" Ilulublob kita sa wishing will pag nangyari yun" natawa ako sa sinabi niya. Inirapan niya ako kaya natawa ako lalo. Bading!

Nang sumeryoso ang mukha niya ay natahimik ako.

Iba talaga ang mood niya ngayon, hindi ko maintindihan.

" Isang beses ko lang sasabihin to ngayon Ming kaya makinig ka" sambit niya, wala sa sariling napatango ako.

" Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.." napangiti ako nong sinabi niya yun

" Maliban sa aso namin" agad napawi ang ngiti ko at napairap.

Nakalimutan kong loko-loko pala tong kausap ko.

Tumawa naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin

Ang saya, sana huli mo na yan.

" Seryoso na ako" tumikhim siya.

" I treasure you so much so stay as a treasure and don't let anyone question your value" 

Nararamdaman kong umiinit ang gilid ng mata ko dahil sa sinabi niya. 

Nakainis! Bakit ba niya sinasabi to? Bakit pakiramdam ko ano mang oras ay mawawala siya.

" Bakit ka ganiyan magsalita?" Napabuntong hininga siya at hinalikan ang noo ko.

Napapikit ako.

" Ming...dadating ang araw na aalis ako rito para sa pangarap ko" nahigit ko ang hininga ko at malungkot siyang tinitigan.

Sinabi niya na yun noon pa. Pero tuwing pinapaalala niya yun mas lalong hindi ko gustong umalis siya. Pakiramdam ko pagwala siya hindi ko kakayanin ang lahat. Siya ang kasama ko simula nong nabuksan ang isip ko. Sabay kaming lumaki, sabay kaming nangarap, sabay naming hinarap ang hamon ng buhay namin. 

Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya.

" Di pa pweding dito ko nalang?" natawa siya ng mahina sa sinabi ko.

" Ayaw mo non, wala nang mang-iinis sayo" napanguso ako.

" Titiisin ko nalang ang mga pang-iinis mo" natawa ulit siya sa sinabi ko bago umiling at ngumiti sakin.

" Kailangan kong yumaman" hindi na ako nagsalita pa. Tinitigan ko nalang siya.

" Kaya kailangan bago ako umalis dapat siguraduhin kong nasa tamang tao ka. Sisiguraduhin kong merong taong papalit sa pwesto ko at hihigitan lahat ng ginagawa ko sayo" napayuko ako sa sinabi niya.

Nilalabanan ko ang emosyong gustong kumawala sa mga mata ko.

Hindi ko alam. Pakiramdam ko walang taong makakapantay o makakahigit sa kaniya. Hindi ko kaila

nman mararanasan ang mga bagay na ginagawa niya sakin sa ibang tao.

Para ko na siyang kapatid...

" A-Ayoko nang marinig ang mga bagay na yan Kring" sambit ko 

" You deserve everything and I can't give that everything to you"

Hindi ko nanaman naiintindihan ang sinasabi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status