Share

Chapter 3: Pain

Hirap na hirap akong igalaw ang katawan ko.. Hanggang ngayon kasi ay ramdam na ramdam ko parin ang mga pananakit niya kagabi..Yung mahigpit na pagkakasakal niya sa braso ko pati narin ang mahigpit na pagkakasabunot niya sa buhok ko na halos maghiwalay na ito sa init ko

Napahigpit ang pagkakayapos ko sa kumot na nakatakip sa kahubaran ko. pagkatapos niya akong saktan at i-tratong parang bayarang babae ay basta niya nalang akong iniwan...iniwan na parang walang nangyari

'Whore' rinig kong sigaw niya sakin bago ako tuluyang sakupin ng dilim...His right?..I'm a wh!re... because I used my body to get what I want.A money..his money

Napabuntong hininga ako at agad na pinahid ang luhang pumatak mula sa gilid ng mata ko

Kahit nahihirapan ay dahan dahan akong bumangon at bumaba sa kama habang yakap yakap ang kumot..dahan dahan ko ring pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig

"Ouch!" Hiyaw ko ng makaramdam ng kakaibang hilo

"Arckk!!" Napahawak ako sa bibig ko at dali daling pumunta sa banyo at doon nagsuka..

______________________

Tinitigan ko ang sariling repleksyon sa salamin...I look tired and miserable.. Namumutla din ako dahil siguro sa dami ng naisuka ko kanina

Unti unti kong tiningnan ang braso ko..at nakitang halos mag kulay-violet na iyon napangiwi nalang ako ng subukan kong hawakan iyon

"Aray!" hiyaw ko

Palagi ko nalang nararamdaman to tuwing umaga....pero imbis na masanay ay mas lalo lang akong nasasaktan

Napahawak ako sa tiyan ko

"N-nasaktan ka ba kagabi baby?" garal-gal na tanong ko

" I'm sorry..I'm sorry " hindi ko na mapigilan ang mga luha ko

"Patawad w-wala akong laban..p-patawad anak ko" napapikit ako..habang dahan dahan siyang dinadama

Nang maramdamang unti unti ng bumubuti ang pakiramdam ko ay nag-ayos na ako para sa trabaho..Tiyak na magagalit nanaman kasi siya kapag na-late ang secretary niya..yes I'm his secretary he put me on that place to witness my sufferings...Hindi niya ako pina-pagpahinga..kaunting upo ko lang tatawagin niya ulit ako...o kahit nga trabaho ng iba sakin niya pinapagawa para lang masiguro na wala akong pahinga buong araw...he treated me like a robot but how i wish i was, no emotions, no feelings,no pain

"Ma'am Klare sabay na po kayo samin" nabalik ako sa sarili ng magsalita si Mang Ricky driver namin or should I say driver niya

Nasa balkonahe ako ngayon hinihintay si Kate nag text kasi ako sa babae na daanan niya ako

"Ma'am Klare?" Tumingin ako sa pinto ng backseat kahit hindi ko nakikita dahil tinted ang sasakyan ay alam kong nasa loob nito si Hendrix at sigurado akong nakatagis nanaman ang panga niya dahil nakita niya nanaman ako

"H-hindi na po Manong.. salamat nalang po" ngumiti ako kay Mang Ricky para ipakitang ayos lang na maiwan kao dito

Alam ko rin kasing ayaw akong kasabay ng lalaking sakay niya

"Sigurado po ka-"

"Ano ba Mang Ricky..Nagmamadali ako!" Iritadong sabi ni Hendrix kay manong

"S-sige po Sir...pasensya na po"

"Sige po ma'am...alis na po kami" Pilit akong ngumiti kay manong..napansin ko ring nag-aalala at naawa siya sakin sa klase ng tingin niya

Fvck! I hate being pity but I'm so pitiful now..I feel so hopeless. a worthless one!

______________________

Napatingin ako sa wrist watch ko..at halos nanlaki ang mata ko ng nakitang alas otso na at isa lang ang ibig sabihin nito..late!

Damn it I'm late!.. bakit ba kasi ang tagal ni Kate!?

*Beep..beep*

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kalsada ng marinig ang busina ..at halos gusto ko ng tumalon sa tuwa ng makita ang pamilyar na sasakyan

"Andrew!!" Masiglang tawag ko dito ng makababa siya sa sasakyan niya

"Klare...anong ginagawa mo dyan?" Lumapit siy sakin at inusisa ako

"Ayos ka lang?..anong ginagawa mo?..bat ka nakaupo dyan-?" Bahagya akong natawa dahil base sa tuno niya masyadong na siyang oa

"Ayos lang ako...oa mo" I chuckled

"Hayss..Bat ka ba kasi naka-upo dyan?"

"Hinihintay ko kasi si Kate...pero mukha hindi na siya darating...kaya... p-pwede bang makisabay sayo" napakunot noo siya.

"Please"

_______________________

"Klare" Bumaling ako sa driver seat

"Hmm..bakit?" Tanong ko kay Andrew na nakafocus lang sa pagmamaneho

"Bakit ang tahimik mo?"

"May problema ba?" Dagdag niya

Napabuntong hininga nalang ako at bumaling sa bintana ng kotse niya

"Wala naman..iniisip ko lang kung bakit hindi nakarating si Kate..dati naman..aish baka hindi niya lang nabasa text ko kanina"

"O baka hindi talaga siya papasok ngayon..baka may hang-over pa.. balita ko nag-bar daw kayo kagabi ha"

"Sigurado akong bagsak nanaman yon ngayon" naiiling na dagdag niya

"Baka nga" natatawang saad ko natigilan lang ako sa pagtawa ng mapansing natahimik si Andrew kaya bumaling ako sa kanya

"B-bakit?"

"Ngayon ko nalang kasi narinig yan..yang tawa mo" Umiwas ako ng tingin

"keep smiling Klare" Napakagat labi nalang ako at hindi na nagsalita

__________________

Napahawak ulit ako sa ulo ko..sh!t akala ko ba tapos na to

"Drew ihinto mo muna" Taranta kong saad kay Andrew na ikinataka niya

"Ha?..b-bakit?"

"Basta ihinto mo nalang dyan..pakibilis naman please"

"S-sandali"

*Cough...cough*

"Ano ba?.ayos ka na ba Klare?" Inis na tanong ni Andrew habang hinihimas ang likod ko

Pinahid ko muna ang gilid ng bibig ko...d'mn it nagsuka ulit ako nahihilo rin

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong nito

"Pwede ba tayong sumaglit sa ob-gyn?"

Tumango siya... inalalayan niya rin akong makapasok ulit sa sasakyan niya bago siya umikot papuntang driver seat

___________________

Tahimik akong naka-upo sa couch habang hinihintay ang resulta...Sinilip ko rin si Andrew na ngayon ay naghihintay sa labas.. napangiti nalang ako ng makitang natataranta siya..tatayo maya-maya uupo..umiwas ako ng tingin,sa ginagawa niya ay parang mas mahihilo pa ako lalo kapag pinanood ko pa siya

"Klare" napalingon ako Kay Angela...Angela is my cousin sa side ni dad...isa siyang doctor sa mga buntis an ob-gyn

"Angela kamusta...a-ayos naman sya dba?"

Ngumiti siya at tumabi sakin

"Don't worry Klare..the baby is fine now...pero sana sa susunod mag-iingat kayo"

Napayuko ako

"Look Klare kaya ka nakaramdam ng kakaibang hilo at mayat-mayang pagsusuka ay dahil nasaktan ang baby na nasa loob mo"

"I know hindi niyo naman maiiwasang gawin yon dahil normal yon sa may-asawa pero dapat mag-iingat kayo...sabihan mo si Hendrix na dapat mag-iingat siya dahil baka" Napabuntong hininga siya at mahigpit na hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng aking hita

"For now...safety ng pamangkin ko ang mahalaga...kaya iwasan niyo munang mag-meet okay" d'mn she looks professional

Tumango ako kay Angela

"Oo..s-salamat ha pasensya na naabala pa kita"

"Don't mention it" Ngumiti ako at tatayo na Sana ako pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko

"Aray!!" hiyaw ko..sh!t sa dami ng pwede niyang mahawakan bakit sa parteng iyon pa

"Klare..what's wrong?..are you okay!??"

Tarantang tanong nito

"Oo..a-ayos lang ako"

"No youre not"

"Angela!!" Sigaw ko ng bigla niyang itaas ang laylayan ng manggas ko

"D'mn it Klare I know it...sinasaktan ka niya tama?"

Dahan dahan kong binaba ulit yung manggas ng suot kong blouse

"Sinasaktan ka niya" Galit na sabi nito

"H-hindi...Angela hindi..mali ka ng iniisip...hindi niya ako sinasaktan" depensa ko

"Kung hindi e napano yang pasa mo?" Turo niya sa braso ko

"Ano Klare?"

"Nadulas ako... nadulas lang ako kanina sa banyo" pagdadahilan ko

"Oh please Klare...I'm a doctor alam ko ang pinagkaiba ng ibat-ibang klase ng pasa ..at yang pasa mo hindi yan dahil sa pagkadulas..At sinabi mo kanina lang din yan..o please hindi ganyan ang sariwang pasa Klare"

"So tell me the truth..sinasaktan ka niya dba?" Napayuko ako

"What the h!ck alam ba to ni tito?"

Dahan dahan kong hinawakan ang kamay ni Angela

"Please Angela..pwede bang satin lang to-"

"What?" inis na Tanong niya

"Please..wala silang alam dito..at wala rin akong balak ipa-alam sa kanila"

"Sinasabi mo bang manahimik ako ha Klare!?"

"Angela..nakikiusap ako"

Napabuntong hininga siya at sinamaan ako ng tingin

"Please" Napapikit muna siya para bang pinapakalma nya ang sarili..at lumipas ang ilang sandali ang galit niyang mata ay unti unting lumamlam

"Ngayon lang Klare..ngayon lang..pero kapag naulit pa tong pananakit niya sayo...sorry pero hindi na ako mananahimik makakarating to lahat kay tito"

Tumango ako

"Salamat" Hinimas niya ang buhok ko

"If you need anything, you already have my number Klare..just call me anytime"

Sunod sunod akong tumango sa kanya

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status