Home / Romance / Sleeping with my Stepdad / Sleeping with my Stepdad

Share

Sleeping with my Stepdad

Author: Cottontail
last update publish date: 2026-10-23 01:01:42

CHAPTER 3

Alas syete nang umaga na ako nagising , pagkabangon ko nag stretch stretch lang ako kaunti ng aking katawan ilang saglit lang at naligo na din ako paghahanda para sa pag alis ko mamaya para makipagkita kay Jack.

 

Makalipas ang apatnapu't limang oras natapos na din akong maghanda dala ko lang ay ang maliit ko na sling bag na naglalaman ng kaunting cash na natira sa akin at ang cellphone ko tapos lumabas ako ng kwarto tsaka patungo sa kwarto ni Jerome para mag paalam sana ,pero pagtingin ko sa kwarto niya naka lock naman ang p***o kaya tiningnan ko sa baba wala din siya dun.

Bago ko pa na ibaling sa iba ang panigin ko may napansin akong papel sa lamesa na may nakapatong na mga susi kaya nilapitan ko nakita ko din na may nakasulat sa papel kaya kinuha at binasa ko.

"Di mo na kailangan magpaalam alam kong magkikita kayo ni JACK!" Yan ang unang linya na nabasa ko hininto ko ang pagbabasa dahil sa reaksyon ko

"Capslock talaga?" Sabay ngiwi at tinapos basahin ang karugtong

"Yan ang mga kaparehas ng mga susi sa lahat ng p***ong Dddaanan mo palabas at papasok dito sa bahay ko para pag alis mo ma lock mo yung mga p***o at gate" Sabi pa sa sulat ni Jerome

"Aba ayos din tong tao nato ah naisip nya pa yun e ako nga di ko naisip yun siguro iniwan ko natong bahay niya na walang lock " ang tanging nasabi ko sa sulat Niya 

"Makaalis na nga" 

Umalis na ako ng bahay siniguradong kong naka lock lahat bago ako nakaalis.

Labinlimang minuto bago ako nakarating sa cafe , nasa labas palang ako nakita ko nang nakaupo sa Loob si Jack habang hawak phone niya , maya maya pa di pa ako nakapasok tumunog phone ko kaya tiningnan ko muna .

"Alas dose kapa ba dadating ? Mapapanis na ang kape sa shop nato tulog ka pa din" mensahe ni Jack na pagtingin ko sa kanya napapatawa sya sa  phone nya

"Aba  aba at tatawa ka pa Talaga ha" sagot ko sa mensahe niya sabay lingon sa kanya habang papasok na ako

Nagtaka siguro sya kung bakit nalaman kong tumatawa sya kaya lumingon sya sa p***o at nakita nya na akong papalapit sa kanya nakangiti naman syang nakatingin sa akin sabay lapag ng phone niya sa mesa.

"Andito kana pala kala ko alas dose kapa eh" Sabi nyang natatawa 

"Mas magtaka ka talaga kung di ako dumating" sagot ko pa sabay upo sa upuang kaharap niya

"At may balak ka pa talagang hindi ako siputin, ha noh?"  Sabi pa niya 

"Teka anong kape ba sayo? Tanong pa Niya

 

"Eh libre mo naman diba?" Pagpapacute kong sinabi

"Oo na , ayan ka na naman sa paganyan mo eh alam ko na yan " natatawa pa nyang sabi 

"Haha order mo na yung paborito natin parehas magtatanong pa talaga eh " Sabi ko sabay tawa

Natawa na din sya at umorder  ng iinumin naming kape.

"Dalawang Breve coffee nga po" rinig kong sabi Niya sa counter tsaka bumalik sa upuan

"So kumusta pala , buti at napapayag mo ang stepdad mong patirahin ka sa bahay niya? Pumayag din ba syang tulungan ang Lola mo sa pang paopera nya? "Agad na tanong niya

Nga pala di ko nabanggit alam ni Jack ang nangyari sa akin dahil noong bumabyahe pa ako papunta sa bahay ni Jerome nakausap ko na sya sa phone.

"Oo nga eh , pero may kondisyon din sya na kailangan kong sundin yun ay tawagin ko lang sya dapat sa mismong pangalan niya , na hindi naman talaga mahirap para sa akin kasi hindi rin naman ako nasanay na tawagin syang tatay, papa o dad man lang " sagot ko sa mga tanong niya

Sa gitna ng Pag uusap namin dumating na din ang inorder na kape namin , sabay na din namin nginitian ang naghatid.

"Pero bakit ganun , eh yung ibang stepdad nga gustong gusto silang tinatawag na tatay ng tinuturing nilang anak or anak ng asawa nila sa naunang karelasyon nito."pagpapatuloy niya na parang nagtataka

" Ewan ko din di ko na masyadong iniisip yun sa ngayon ang importante ay mapagamot ko muna ang Lola ko at makapagtrabaho ako hanggang sa mabayaran ko sya tsaka ako aalis ulit sa puder nya" ang tanging sagot ko sa sinabi nya na yun." Atska humigop ng kape 

Napansin kong nakatitig si Jack sa akin.

" Bakit Nica?" Biglang sabi niya

" Ha? Anong bakit? Okay kalang Jack" Tanong ko pabalik sa kanya ng natawa ng kunti

" Ha? Ah.. e.. ang ibig kong sabihin bakit hindi ka sa akin lumapit , o humingi ng tulong . 

"Baliw.. ayaw ko naman gawin Yun noh alam ko naman din nagtatrabaho kalang din para sa pinapaaral mong kapatid di ba? Isa pa dami mo nang nalilibre sa akin kaya wag mo na isipin yun , okay naman na ngayon eh" sagot ko sabay ngiti sa kanya 

Napangiti nalang sya at maliban sa problema kong napag usapan namin marami pa kaming napag usapan na bagay bagay hanggang sa di na namin namalayan ang oras at kape namin na halos di naman mainom sa dami ng napag usapan .

Maya maya pa eh tumunog ang phone ni Jack.

"Teka sagutin ko na muna to ha"

"Sige lang" Sabi ko

Uminom ako ng kape ko tsaka naglibot libot ang aking mga mata sa paligid ng cafe na para bang tinitingnan ang bawat litrato at sulat sa mga paligid nito pero bigla akong nakaramdam na parang may tumitingin sa akin di ko naman naramdaman to kanina kaya lumingon ako sa likod ko na pakiramdan ko nanggagaling doon ang matang tumitingin sa akin sinubukang hanapin ng mga mata ko ang mga mata na yun , at sa paglilibot ng mata ko nagulat nalang ako.

"Jerome??" 

Ang pangalang nabanggit ko ng makita ko si Jerome sa May likurang bahagi ng cafe , magtataka na dana ako pero nakita kung may mga kasama syang mga lalaki na nakaayos ang mga sout na tila mayayaman din kaya naisip ko baka dito na din sila nag meeting ng mga kasama niya. Ngunit napansin kong tumingin sya sa akin pero walang ngiti na lumabas sa mukha walang ni kahit anong reaksyon galing sa kanya napangiwi nalang ako at tumalikod saktong pabalik na din si  Jack upuan.

"Ano okay na " tanong ko sa kanya 

" Oo Pero kailangan ko ng umalis pinapatawag ako sa trabaho eh" 

"Ganun ba sige at uuwi na din ako " 

"Tara sabay kana sa akin hatid na kita sa bahay Nyo" 

" Sure ka ba? Tsaka di amin Yun sa stepdad ko lang Yun.

"Oo kaya tara na"

Palabas na kami ng cafe di ko na nilingon si Jerome tsaka sumakay sa sasakyan ni Jack oo may sasakyan si Jack pero matagal nyang pinag ipunan yun para mabili dahil Yun talaga pangarap niya , tsaka di rin naman masasabing mahirap sila saktong buhay lang talaga meron sya kaya Ayaw ko din sya abalahin sa problema ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sleeping with my Stepdad   Sleeping with my Stepdad

    CHAPTER 5Kinaumagahan late na ako nagising wala na din si Jerome sa sa tabi ko , bumangon ako at napaupo sa kama niya inisip ko ang nangyari kagabi natuloy man iyon pero mali pa din at sa tingin ko di na pwedeng maulit pa Yun."Di pwede to kailangan hindi ito yung dapat na kapalit sa paghingi ko ng tulong sa kanya" nag Sabi ng utak ko Kaya dali dali akong tumungo sa kwarto ko para maligo."Kailangan kong umalis dito di na ako pwede magtagal pang tumira dito baka maulit pa ang mga pangyayari ,at alam kong making mali iyon" Mabilis ako naligo tsaka nagbihis , ibinalik ko sa loob ng maleta ko ang mga damit at iba pang mga gamit ko... Bago ako lumabas ay iniwan ko na ang susi sa Mesa kung saan din ni Jerome iniwan ito nung ibigay nya din ito sa akin Dire diretso na akong lumabas ng bahay at agad nagtawag ng tricycle papuntang hospital...Labinlimang minuto bago ako nakarating sa hospital at agad kong kinuha ang pitaka ko na halos wala nang lama

  • Sleeping with my Stepdad   Sleeping with my Stepdad

    CHAPTER 4Kakauwi ko lang pagkatapos akong ihatid ni Jack dito Sa labas ng bahay ni Jerome..Pero di agad ako pumasok kasi naisipan kong tawagan si Missy para kamustahin sila ni Lola kaya agad ko kinuha ang phone ko sa bag at tinawagan si Missy."Hello Missy" agad na sabi ko pagkasagot niya ng phone "Hello ate, napatawag ka po?" Tanong Nya naman"Oo kumusta kayo dyan , si Lola kumakain ba sya ng maayos?" Sabi ko" Oo ate ,kakausapin mo po ba?..teka ibibigay ko lang ang phone sa kanya"Agad naman inabot ni Missy ang phone kay Lola."Oh hello apo, asan ka ba ?"Tanong naman ni Lola"E Lola andito po ako ngayon kay daddy eh, wala napo kasi akong ibang choice para hingan ng tulong kaya andito ako pero wag ka po mag alala Lola pumayag naman na sya babayaran niya ang operasyon mo pero kailangan ko lang muna mag stay dito hanggang sa makapagtrabaho ulit para mabayaran ko sya." Sagot ko Kay Lola"E okay kalang ba dyan? Basta mag iingat ka lang palagi ha

  • Sleeping with my Stepdad   Sleeping with my Stepdad

    CHAPTER 3Alas syete nang umaga na ako nagising , pagkabangon ko nag stretch stretch lang ako kaunti ng aking katawan ilang saglit lang at naligo na din ako paghahanda para sa pag alis ko mamaya para makipagkita kay Jack.Makalipas ang apatnapu't limang oras natapos na din akong maghanda dala ko lang ay ang maliit ko na sling bag na naglalaman ng kaunting cash na natira sa akin at ang cellphone ko tapos lumabas ako ng kwarto tsaka patungo sa kwarto ni Jerome para mag paalam sana ,pero pagtingin ko sa kwarto niya naka lock naman ang pinto kaya tiningnan ko sa baba wala din siya dun.Bago ko pa na ibaling sa iba ang panigin ko may napansin akong papel sa lamesa na may nakapatong na mga susi kaya nilapitan ko nakita ko din na may nakasulat sa papel kaya kinuha at binasa ko."Di mo na kailangan magpaalam alam kong magkikita kayo ni JACK!" Yan ang unang linya na nabasa ko hininto ko ang pagbabasa dahil sa reaksyon ko"Capslock talaga?" Sabay ngiw

  • Sleeping with my Stepdad   Sleeping with my Stepdad

    CHAPTER 2 Ding.....dong......!"Veronica?" Pagkatapos buksan ang gate ng aking amain"Ano ginagawa mo dito?"tanong Niya Di na ako nagpaligoy ligoy pa kaya diniretso ko na sya sa sadya ko."Ti ... Ah dad please kailangan ko po ng tulong mo ngayon" Unang nasabi nalito pa ako kung tatawagin ko syang dad o Tito lang .Hindi sya sumagot kaya nag simula ulit ako magsalita."Sige na po kailangan po maoperahan ni Lola next week kailangan ko siyang ipagamot sya nalang meron ako please, walang wala na ako ngayon bahay at lahat ng gamit ko kinuha na dahil sa utang na di ko na nabayaran kaya please po at kung maaari po Sana dito muna ako mag stay hanggang sa makapagtrabaho ako ulit?Pagmamakaawa kong sabi sa aking amain simula nung naisipan kong magmakaawang umuwi muna sa kanya pagkatapos ng nangyari na panloloko ng boyfriend ko at pagkuha ng lahat ng mga gamit Kong pinaghirapan Kong ipundar.Tumayo lang sya at tiningan akong mabuti akala ko hindi ul

  • Sleeping with my Stepdad   Sleeping with my Stepdad

    CHAPTER I"Teka ano to, teka kuya sandali bakit niyo nilalabas mga gamit ko?" Nang makita kong hinahakot ng mga tao ang mga gamit ko palabas ng bahay."Miss Veronica basi sa napagkasunduan natin kung hindi Nyo mababayaran ang utang nyo kukunin namin ang bahay nyo ang mga gamit na nasa Loob nito" Tugon ng Isang lalaki habang inaakay ang mamahalin Kong sofa na binili ko nung nakaraang tatlong buwan."Wag muna sana po kuya" sambit ko na parang naiiyak na"Pasensya na po" sagot Niya At tuluyan nilang kinuha ang bahay ko habang ako nakatayong tinitingnan ang mga ito Isa Isa na nga nilang kinukuha lalong di ako mapakali , di alam ang gagawin nagmakaawa akong bigyan ako ng pagkakataon na makapagbayad pero ayaw nila makinig patuloy nilang kinukuha pa din ang lahat ng mga pinaghirapan Kong ipundar para sa amin ng Lola ko sobrang sakit at nakakapanghina kaya naisipan ko na puntahan ang boyfriend Kong si Adrian. Nagmadali akong umalis papunta sa bahay nila dala ang Isang Maleta ko na naglalam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status