Se connecterTYLERAlas-tres y medya na ng hapon nang tuluyang lumapag ang private jet ng The Santibañez Group sa paliparan ng Hó Chí Mính City. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras, agad kaming dumeritso ni Axel upang mag-check in sa nakuha niyang private suite na matatagpuan malapit mismo sa main square kung saan nakunan ang video presentation ni Sophia.Pagkababa pa lang ng mga gamit namin sa suite ay hinarap ko na si Axel para hatiin ang aming trabaho."Axel, magsimula ka nang magtanong-tanong sa malalaking hotels, boutique inns, at mga Airbnb listings dito sa paligid kung may registered guest ba under the name of Sophia Aragon," utos ko sa kanya habang isinusuot ang aking coat."Paano kayo, Sir?" tanong niya."Ako naman ang titingin at mag-iikot sa mga maliliit na apartment complexes at mga room for rent sa mga eskinita," sagot ko. Kung gustong magtago ni Sophia nang matagal nang hindi gumagastos nang malaki, mas pipiliin niyang manirahan sa mga simpleng paupahan kaysa sa mga mamahaling hotel.
TYLER"When did you shoot this video?" tanong ko habang mabilis na lumalapit sa pwesto ng project manager, hindi iniaalis ang aking nanlilisik na paningin sa screen.Kaya pala halos mabaliw na ako sa paghahanap sa kanya sa bawat sulok ng Pilipinas, kaya pala walang kahit anong lead na makuha ang investigator ko, dahil wala na siya sa bansa. Lumipad siya patungong Vietnam.Mukhang natakot ang manager sa seryoso kong mukha kaya mabilis siyang sumagot, "We shot half of the video last Thursday, Mr. Santibañez.""And this part?" mariin kong usisa habang nakaturo ang aking hintuturo sa mukha ni Sophia na kasalukuyang naka-freeze sa screen."That was taken around early Friday. Sa mismong main square kung saan itatayo ang commercial hub."Tumango-tango ako, matapos ang isang buwang kadiliman, nakaramdam ako ng matinding pag-asa. Nabuhayan ang natutulog kong kaluluwa. Hinarap ko si Anya na kasalukuyan na palang nakatitig din sa screen, nanlalaki ang mga mata."Si Sophia 'yan, hindi ba?" mahina
TYLERPaglabas ko ng aking kwarto, awtomatiko akong napahinto at napatingin sa matagal nang nakasaradong pintuan ng silid ni Sophia.I missed her so much. Sobrang sakit ng pangungulila ko sa kanya, at halos gabi-gabi ko na siyang napapanaginipan. Sa mga panaginip ko, masaya siyang nakangiti sa akin at parang totoong-totoo na nakatabi ko siya sa pagtulog, ramdam ang kanyang init, bago ako gigisingin ng malungkot na katotohanan tuwing umaga.Lumipas ang isang linggo, hanggang naging apat, at tuluyang umabot sa isang buwan ang mga araw, pero wala pa ring bakas o kahit anino ni Sophia. Halos mapuntahan na namin ni Axel ang lahat ng mga inn, hotels, motels, at kung ano-ano pang pwedeng tuluyan sa loob at labas ng lungsod. Pero bigo pa rin kami. Sa huli, napilitan na akong mag-hire ng isang pribadong investigator dahil halatang sinasadya at ayaw talaga ni Sophia na magpakita sa akin. Matapos kasi nitong sumagot sa tawag ko noong gabing umalis siya ng mansyon, hindi ko na muling nakontak ang
TYLERNakangiting bati ang isinalubong sa akin ng receptionist pagtapak ko sa loob ng lobby ng Sonora Hotel. "Good evening, Sir. Welcome to Sonora," aniya.Ito na ang pangpitong hotel na pinasok ko sa loob ng tatlong oras, pero hanggang ngayon ay wala pa ring bakas ni Sophia. Sinubukan kong tawagan muli ang kanyang numero, naririnig ko ang bawat ring sa kabilang linya, pero tila sinasadya niyang huwag itong sagutin hanggang sa kusa na namang maputol ang tawag. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa paghahanap kung nasaan siya, kinakain pa ng matinding pag-aalala."Are you checking in, Sir?" magalang na tanong ng receptionist nang mapansin niyang hindi ako kumikilos."No," tipid kong sagot bago ako lumapit nang husto sa counter. "I'm looking for someone. Gusto ko lang i-verify kung may guest ba kayo na nag-check in dito ngayong hapon under the name of Sophia Aragon."Tiyak kong hindi gagamitin ni Sophia ang apelyidong Trajano dahil sa tindi ng galit niya kay Rowan.Nagsalubong ang mga ki
TYLER"Pinaalis mo siya?!" pasigaw kong tanong, nagsalubong ang aking mga kilay at tuluyang nagdilim ang aking paningin sa tindi ng galit.Pero hindi nagpatalo ang aking ina. Tiningnan niya ako nang diretso at mapagmataas na isinabat. "At bakit hindi ko siya pwedeng paalisin sa mansyong ito?"Buong pwersa kong hinampas ang ibabaw ng lamesa gamit ang aking palad, dahilan para gumalaw at gumanasgas ang baso ng alak sa tabi namin. "Mom, she's my fiancée! You have no right to meddle in my relationship with her!" bulyaw ko, halos magputukan ang mga ugat ko sa leeg sa tindi ng pagwawala ng emosyon ko.Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa aking pisngi, sapat na para mapabaling ang mukha ko sa gilid."I am still your mother, Tyler!" nanginginig sa galit na sigaw niya, habang itinuturo ako ng kanyang hintuturo. "Walang magandang naidulot ang babaeng iyon sa'yo mula noon hanggang ngayon! Iniwan ka na niya, ginawa niyang katatawanan ang pamilya natin, at hanggang ngayon ay kasal pa rin s
TYLER"Naipadala mo na ba ang compensation and damages para sa dalawang guwardiya na tinanggal ko?" tanong ko habang nakasandal ang aking ulo sa headrest ng backseat. Kasalukuyan na kaming bumabyahe ni Axel pabalik sa mansyon, at mag-aalas otso na ng gabi.Mula sa rear-view mirror ng sasakyan, sumulyap sa akin si Axel bago sumagot. "Yes, Sir. Naideposito na sa mga account nila ang kabayaran para sa danyos. Bukas na bukas din ay ipahahatid ko na ang one-month supply ng groceries para sa pamilya nila."Inayos niya ang hawak sa manibela habang patuloy na nagkukuwento. "Ready na rin daw silang bumalik sa trabaho sa Lunes. Ang sabi pa nga nila, hindi naman daw sila nagtanim ng sama ng loob sa inyo. Ang totoo niyan, balak pa nga raw po sana nilang lapitan si Ma'am Sophia para magsumbong tungkol sa mga ikinikilos ni Glory noon pa. Alam kasi nilang delikado ang babaeng yun, at alam din nilang kay Ma'am Sophia lang kayo makikinig nang ganoon kabilis."Hindi ko namalayan na unti-unti palang sum
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.







