Mag-log inTahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.
Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na niyang makipaghiwalay.
Mabigat pa rin ng dibdib ko, pero pinipilit kong huminga nang maayos. Hanggang sa may marinig akong tunog ng sasakyan sa labas ng gate.
Sa una ay inisip ko na baka si Rowan iyon. Pero nang bumukas ang malaking gate at makita ko ang isang itim na sports car na pumasok, halos mahulog ang tasa sa aking kamay.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Tumigil ang kotse sa mismong harap ng mansion, at bumukas ang pinto. Mula roon ay lumabas ang isang matangkad na lalaking may dominanteng aura.
Siya yung lalaking... nakasiping ko!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanuyo ang lalamunan ko, at ang puso ko? Para itong gustong kumawala sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba, sa takot, o sa pinaghalong emosyon na hindi ko na kayang pangalanan. Basta ang alam ko, hindi ako makahinga.
Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa main door. Nakasuot siya ng black polo shirt na nakatupi ang manggas, dark jeans, at mamahaling relo… nakamamangha siya pero nakakatakot. Bawat hakbang niya ay ramdam ko sa aking dibdib. Napalunok ako, pilit na pinipigilan ang pagnginig ng aking mga kamay. Pinapasok na siya ng katulong bago pa ako makahuma sa kanyang pagdating.
“Where is Rowan?” narinig kong tanong niya.
“Magandang umaga po. Kaaalis niya lang, sir,” magalang na sagot ni Manang.
Nakahinga ako nang maluwag dahil ang akala ko ay aalis na siya dahil wala naman si Rowan. Pero nagkamali ako.
“Call his wife, I need to talk to her,” utos niya sa katulong. Simple lang ang pagkakasabi niya pero ramdam ang awtoridad na napapasunod agad ang kausap.
“Sige po, sir. Maupo po muna kayo,” alok ni Manang bago niya ako pinuntahan.
Lalong umalagwa ang dibdib ko at gusto ko na lang mawalan ng malay sa tindi ng nerbiyos.
“Ma’am, may naghahanap po kay Sir Rowan, gusto ka raw makausap,” pagbibigay-alam ni Manang sa akin.
Gusto ko nang maiyak sa takot pero nagawa ko pa ring magmukhang kalmado sa harap niya.
“S-Sige, Manang. Susunod ako. Please prepare a snack for the visitor,” utos ko. Napapikit ako pagkatapos, hindi ko na dapat sinabi iyon. Ang goal ko dapat ay mapaalis agad ang lalaking iyon.
“Good morning,” he greeted casually nang makita niya ako. Pero hindi nakaligtas sa akin na may kakaibang bigat sa tono ng boses niya.
Nakatitig siya sa akin na para bang nahuhubaran ako sa tingin pa lang niya. Napaatras ako nang kaunti, halos hindi lumabas ang boses ko.
“G-Good morning, Mr...?”
Ngumiti siya, ngunit hindi iyon nakakapagpakalma sa nagwawala kong puso. Mas lalo pa akong kinabahan sa sumunod niyang sinabi.
“Santibañez. Tyler Santibañez,” tila ba proud niyang tugon.
Para akong nabingi sa sinabi niya. Namutla ako at halos napunta ang lahat ng dugo sa ulo ko.
Tyler Santibañez?
Ilang beses kong ibinuka ang bibig ko para magsalita, pero ilang beses din iyong bumabalik sa pagkakasara.
Imposibleng si Tyler na kilala ko ang nasa harapan ko ngayon. Baka magkapangalan lang sila. Pwede naman iyon, hindi ba? Maraming magkakatulad ng pangalan sa mundo.
Napatitig ako sa kanyang mukha, sinalubong naman niya ang mga tingin ko.
"Ikaw si..."
"Tyler." Ngumisi siya sa akin. "Have you forgotten about me, Sophia?"
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso. No, this can't be. Siya ang Tyler na kilala ko. I was once engaged to him. Mga bata pa lang kami ay pinagkasundo na kami ng mga magulang namin. He was fat, wearing big thick glasses and nerdy type when I first saw him. Halos hindi na siya makatakbo sa sobrang taba. At aaminin kong hindi ko talaga siya gusto noon. I tried to persuade my parents to cancel the engagement, pero desidido talaga silang ipakasal ako kay Tyler.
Until my parents died. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para baliin ang engagement namin. Nagpakalayo-layo ako sa kanya at sa pamilya niya, at doon ko nakilala si Rowan.
The Tyler from my past is different from the Tyler standing in front of me. Halos wala na ang bakas ng dating siya. He looked like a Greek god from Mt. Olympus now. At kahit sinong babae ang maaakit sa kanya ngayon.
"Wala... ang asawa ko rito. Anong... kailangan mo sa kanya?" garalgal ang boses na tanong ko.
Sinubukan kong panindigan ang pagiging matapang kahit na traydor ang sarili kong mga tuhod na tila anumang oras ay bibigay na. Imbes na sumagot ay humakbang si Tyler palapit sa akin. Agad akong napaatras, ang distansya namin ay unti-unting lalong kumikitid.
"That's fine. Maghihintay ako sa kanya," kalmado niyang sagot.
"Hindi ko alam kung kailan siya uuwi," mabilis kong bawi, umaasang sapat na iyon para paalisin siya.
"It’s okay. I can wait. Hindi naman ako abala ngayong araw. Marami akong oras."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ikinuyom ko ang aking mga kamao hanggang sa bumaon ang mga kuko ko sa palad. Ang galit ay dahan-dahang humahalo sa kaba na nararamdaman ko kanina pa.
"Ginawa mo ba 'to para gantihan ako? Gusto mong sirain ang marriage ko dahil hindi hindi ko itinuloy ang kasal natin noon, hindi ba? You tricked me to sleep with you! Gumaganti ka ngayon!" bulyaw ko sa kanya, bawat salita ay punong-puno ng pait.
Itinaas niya ang kanyang kilay at isang mahinang tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. Isang tawa na tila nang-uuyam.
"You have no idea what really happened that night, Sophia."
"Umalis ka na!" putol ko sa kanya. "Kung gusto mong makausap ang asawa ko, pumunta ka sa opisina niya. Pero binabalaan kita, Tyler. Kapag sinabi mo ang nangyari sa atin sa asawa ko, hindi kita mapapatawad."
Hindi man lang natinag si Tyler. Hindi niya pinansin ang pagbabanta ko at nagpatuloy siya sa paghakbang. Bawat abante niya ay isang atras ko, hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na dingding sa aking likuran. Wala na akong mapuntahan.
Halos malunod na ako sa amoy ng pabango niya sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Ang isip ko ay naglalayag na sa panganib. Kapag may lumabas na kasambahay at nakita kami sa ganitong posisyon, tiyak na kung ano-anong dumi ang iisipin nila.
Napalunok ako nang sunod-sunod nang ibaba niya ang kanyang mukha malapit sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na nagpadala ng kakaibang kumiwal sa buong katawan ko.
"Your husband knows you slept with me. Wala na dapat pang itago."
Nanigas ang buong pagkatao ko. Dahan-dahang namilog ang aking mga mata sa narinig. Gamit ang lahat ng lakas na natitira sa akin, marahas ko siyang itinulak palayo. Dinuro ko siya habang nanginginig ang aking daliri, ang mga mata ko ay nag-aapoy sa galit.
"Tumahimik ka!"
Muli siyang natawa, tila aliw na aliw sa reaksyon ko. Pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa dibdib habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Then ask him what really happened that night. Dinala ka niya roon hindi para ipakita na ikaw ang asawa niya. You were sold to me for his billion-peso project. He drúgged you and purposely left you on my bed."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nanginig ang buong katawan ko at sunod-sunod na umiling. Hindi maaari. Hindi ito totoo ang naririnig ko. Mabilis ko siyang sinugod at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
Tumunog ang paglagitik ng palad ko sa balat niya pero hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, walang bakas ng sakit o galit.
"I said shut up!" singhal ko. Kasabay niyon ay ang pag-unahan ng mga luha sa aking mga mata.
Alam kong hindi ako mahal ni Rowan. Ramdam ko iyon sa araw-araw na pagsasama namin. Pero ang paniwalaang kaya niya akong ibenta? Hindi ko matanggap. Hindi niya magagawa ang ganitong klaseng kademonyohan. Nagsisinungaling lang si Tyler.
"I dare you, ask him, Sophia. See for yourself," seryoso niyang sabi.
May dinukot siya sa kanyang bulsa at inilabas ang kanyang wallet. Kumuha siya ng isang calling card at marahan itong inilapag sa lamesita sa aming pagitan.
"Call me kapag nalaman mo na ang totoo niyang ginawa. After all, I own you now. I was the first who owned your body."
Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na niyang makipaghiwalay.Mabigat pa rin ng dibdib ko, pero pinipilit kong huminga nang maayos. Hanggang sa may marinig akong tunog ng sasakyan sa labas ng gate.Sa una ay inisip ko na baka si Rowan iyon. Pero nang bumukas ang malaking gate at makita ko ang isang itim na sports car na pumasok, halos mahulog ang tasa sa aking kamay.Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Tumigil ang kotse sa mismong harap ng mansion, at bumukas ang pinto. Mula roon ay lumabas ang isang matangkad na lalaking may dominanteng aura.Siya yung lalaking... nakasiping ko!Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanuyo ang lalamunan ko, at ang puso ko? Para itong gustong kumawala sa dibdib ko sa sobrang lakas n
Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Natigilan ako. “A-Ano?” mahina kong sagot, pilit na pinakakalma ang aking boses. “Anong… ibig mong sabihin?”Lumapit si Manang, hawak pa ang basahan niya. “Hindi rin po umuwi si Sir Rowan kagabi. Sabi namin baka magkasama po kayo.”Parang biglang lumiit ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ang lakas ng kabog ng puso ko, ramdam ko hanggang sa aking mga tainga.“Ako lang ang umuwi?” pilit kong sabi, sabay iwas ng tingin. “Si Rowan… hindi pa rin ba talaga dumarating hanggang ngayon?”Umiling si Manang, at kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. “Hindi pa po, Ma’am. Wala pa siyang tawag, wala ring message.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kung hindi ko kasama si Rowan kagabi, t
"Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa tapos ang party. Nakakahiya naman kung aalis ako agad," tugon niya.Isang baso lang naman ng cocktail juice ang nainom ko pero bakit parang isang balde ng alok ang nilaklak ko."Halika, magpahinga ka muna." Inalalayan ako ni Rowan at inalis doon sa table namin.Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil halos hindi ko na makita ang dinadaanan namin. Pero narinig ko ang pagbukas ng elevator kaya alam kong paakyat kami sa itaas ng penthouse.“S-Saan... tayo pupunta?”“Sa itaas, makapagpahinga ka muna roon, Sophia,” sambit ni Rowan. Hindi ako sigurado pero parang may matinding excitement sa tono niya.At alam ko kung bakit siya nagmamadali na mailagak ako sa isang silid. Ito ay upang malaya na







