LOGINNanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na nagawa sa akin iyon ng asawa ko.
"R-Rowan..." mahina kong bulalas habang humihikbi.
"Diyos ko, Ma'am Sophia! Anong nangyari sa inyo?"
Nagulat si Manang nang madatnan ako sa ganoong kalagayan. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat, pero sa halip na kumalma ay lalo lang akong napahagulgol. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay wala na sigurong mas sasakit pa sa katotohanang ibinenta ako ng sarili kong asawa.
Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakasandal kay Manang habang iyak lang ako nang iyak. Pati ang ibang mga kasambahay ay napahinto na rin sa kani-kanilang mga ginagawa. Kitang-kita ang kuryosidad at pag-aalala sa kanilang mga mukha habang pinapanood ako.
Nang maramdaman kong wala na ring luhang lumalabas sa mga mata ko, bigla akong tumayo. Mabilis akong inalalayan ni Manang dahil baka mawalan ako ng balanse, pero dire-diretso ang tingin ko sa malayo. Puno na ng poot ang nararamdaman ko.
"Manang, ibigay niyo sa akin ang susi ng sasakyan," utos ko sa kanya.
Nagdalawang-isip pa ang matanda at tila natatakot sa hitsura ko ngayon. Pero nang masalubong niya ang nag-aapoy na galit sa mga mata ko, hindi na siya nakapagtanggi. Dali-dali siyang pumasok para kunin ang susi ng sasakyan at agad itong iniabot sa akin.
"Ma'am, saan po kayo pupunta?" nag-aalalang tanong ni Manang habang sinusundan ako. "May kinalaman ba ito sa lalaking pumunta kanina na naghahanap kay Sir Rowan? May ginawa ba siya sa inyo? Gusto niyo bang tawagan ko si Sir o kaya ay ang mga pulis?"
Hindi na ako sumagot pa. Dire-diretso akong lumabas at tinungo ang garahe para pumasok sa loob ng aking sasakyan. Ito ang sasakyang regalo sa akin ni Rowan noong ikasal kami. Isang regalong ngayon ay tila nanunumbat sa akin. Mariin kong hinawakan ang manibela at mabilis na nag-drive papunta sa Trajano Steel and Engineering, ang kumpanya ni Rowan.
Gusto kong marinig mismo sa bibig niya kung totoo bang ibenenta niya ako at kung bakit.
Bago pa ako makapasok sa loob ng gate ay hinarang na ako ng guard. Huminto ako at ibinaba ang bintana.
"Ma'am Sophia, alam ba ni Sir Rowan na darating ka—" bati ng guard pero agad ko siyang pinutol.
"Buksan mo," malamig kong saad.
Napalunok ang guard at dali-daling inalis ang harang nang makita ang talim ng tingin ko. Ipinarada ko sa gitna ang sasakyan at naglakad papunta sa lobby. Lahat ng empleyado ay napapatingin sa akin. Ang iba ay gulat na bumabati pero hindi ko sila pinansin.
I was only wearing a simple blue shirt and white pajamas, but I didn't care. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
Mabilis kong pinindot ang button ng elevator papunta sa floor ng opisina ni Rowan. Lahat ng mga empleyadong nagtatangkang sumakay ay biglang napapaatras at lumalabas nang makita ako. Siguro ay dahil sa itsura ko at sa talim ng titig ko ngayon.
Pagbukas ng pinto, agad kong nasalubong si Kevin, ang assistant ni Rowan. Halatang gulat na gulat siya pero agad din namang nakabawi.
"Ma'am Sophia... na... napadalaw kayo? Nasa meeting pa si Sir Rowan," nauutal niyang sabi.
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago ako nagsalita.
"Hindi ba't ako ang nag-recommend sa'yo sa kanya bilang assistant niya? I think I made a mistake on that," malamig kong wika.
Natahimik si Kevin at hindi na nagawang sumagot. Sumunod na lang siya sa akin na parang isang tuta habang naglalakad ako papunta sa opisina ng asawa ko.
Marahas kong itinulak ang pintuan ng opisina. At ang bumungad sa akin ay ang naghahalikan na sina Rowan at Mariel. Nakaupo si Rowan sa kanyang swivel chair habang nakakandong naman si Mariel. Bahagyang nakataas ang palda nito at naroon ang kamay ni Rowan na tila ba walang pakialam kung may makakita sa kanila.
"What the hell, Kevin! Ang sabi ko ay walang pwedeng mang-istorbo ngayon!" singhal ni Rowan habang mabilis na inaalis si Mariel sa kandungan niya.
Inayos naman ni Mariel ang suot niyang damit na parang wala lang. Sabay na napaharap ang dalawa sa pintuan kung saan ako nakatayo.
"Did I disturb something?" sarkastikong sambit ko.
Naglakad ako papasok sa loob at huminto mismo sa harapan ng desk nila. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko sa galit pero pinatigas ko ang mukha ko.
"Sophia, what are you doing here?" iritableng tanong ni Rowan.
Napatingin siya sa itsura ko, at mas lalo pang nainis ang mukha niya nang makita ang suot kong pajama sa gitna ng opisina niya.
Hindi ko muna siya sinagot. Sa halip, bumaling ako kay Kevin na nasa likuran ko lang.
"Take this bítch outside," malamig kong utos.
Agad na hinampas ni Rowan ang lamesa niya kaya dumagundong ang tunog niyon sa buong opisina. Hinila niya si Mariel sa tabi niya at dinuro ako.
"Kung ano man ang gusto mong sabihin, sabihin mo na. Hindi kailangang lumabas ni Mariel!" sigaw niya.
Mas lalo lamang nag-igting ang galit sa puso ko sa narinig ko. Kaya lumalakas ang loob ni Mariel na bastusin ako dahil alam niyang hinding-hindi ako kakampihan ni Rowan. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako naglabas ng boses nang buong lakas.
"Did you just sell me for a billion-peso project?"
Isang nakabibinging katahimikan ang nabuo sa pagitan naming lahat. Maski si Mariel ay halatang nagulat at napatingin pa kay Rowan. Pero nakatitig lang sa akin ang asawa ko at wala man lang akong mabakas na guilt sa mukha niya. Para siyang walang pakialam.
"Sagutin mo ako, Rowan! Ibinenta mo ba ako para sa isang project?!" sigaw ko ulit sa kanya.
Isang mapait na ngisi ang kumawala sa mga labi niya bago siya sumagot.
"Are you that desperate to get my attention kaya ka gumagawa ng ganyang kasinungalingan? Enough with your drama, Sophia. Go home. We'll talk when I get home."
AMESYL Inis akong naglakad pababa ng hagdan nang marinig ko ang ingay na nanggagaling sa baba. Sino ba namang hindi maiirita? Napakaaga pa para sa ganitong kaguluhan. Naabutan ko sina Manang Loring at ang iba pang mga kasambahay na nagkukumpulan sa tapat ng telebisyon, tila may mahalagang pinag-uusapan."What's with the loud noise this early in the morning?" iritable kong tanong habang pababa ng huling baitang.Sabay-sabay silang lumingon sa akin, at bakas sa mukha ni Manang Loring ang labis na pag-aalala. "Nasa ospital sina Sir Tyler at Sophia—"Halos tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig. "Tyler is in the hospital? What happened to him? Naaksidente ba siya sa daan?!" Mabilis akong lumapit at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Manang, hindi na maitago ang kaba sa boses ko.Mabilis namang umiling si Manang para pakalmahin ako. "Hindi, iha. Naroon siya dahil binabantayan niya si Sophia. Naaksidente siya. Nahulog daw sa gumuhong bundok kahapon dahil sa lindol kaya hanggang ngayon ay
TYLERNaalimpungatan ako bandang alas-tres ng madaling araw. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Sophia.Halos hindi ko siya matitigan nang matagal. Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang mga tahi sa kanyang balat at ang mga pasa na unti-unting lumilitaw. Sabi ng doktor, marami siyang tinamong sugat mula sa mga bumagsak na malalaking sanga bago siya tuluyang natabunan ng lupa. Kung hinintay ko pa ang mga naunang rescue team na kumilos, baka wala na akong babalikan ngayon. Mabuti na lang at hindi ako nagpadala sa protocols nila.Dahan-dahan akong tumayo at marahang hinagkan ang likod ng kanyang kamay. "I’ll be back, Sophia. Kukuha lang ako ng kape," bulong ko bago ako tahimik na lumabas ng kwarto.Habang naglalakad ako sa lobby patungo sa kapehan, napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na bulto sa reception desk. Si Rowan."Miss, paki-check naman nang mabuti. I'm looking for the room of Sophia Trajano," ri
TYLERPagparada na pagparada ni Axel sa tapat ng Emergency Entrance ng ospital ay halos tumalon ako palabas ng sasakyan para humingi ng tulong."Emergency! Help! Somebody help us!" sigaw ko, ang boses ko ay umalingawngaw sa buong lobby.Agad na nagtakbuhan ang mga nurse palabas bitbit ang isang stretcher. Sa gilid ng aking paningin, nakita ko ang isang pamilyar na bulto, si Chloe, na noon ay kaswal na umiinom ng kape. Sa sandaling magtama ang mga mata namin at makita niya ang duguang si Sophia na buhat-buhat namin, binitawan niya ang kanyang hawak. Wala siyang pakialam kung tumapon ang kape sa sahig, mabilis siyang sumugod sa gawi namin."Sophia!" sigaw ni Chloe, ang mukha ay namumutla sa takot. Tumulong siya sa pag-angat kay Sophia patungo sa stretcher. "Ingat sa leeg! Support her head!"Magkasabay naming itinulak ang stretcher papasok sa loob ng puting pasilyo. Ang tunog ng gulong nito ay tila ba nakikipagkarera sa tibok ng puso ko."Anong nangyari sa kanya, Tyler? Bakit siya nagkak
"Where are they? It's been fucking thirty minutes since you called them, Axel!" galit na singhal ko kay Axel sa loob ng sasakyan. "Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sila?!"Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay ng malakas na ulan na humahampas sa windshield, kasabay ng nakakabulag na kidlat na gumuguhit sa madilim na langit. Tulad ng kinatatakutan ko, ang operasyon sa labas ay pansamantalang natigil. Nakita ko ang mga rescuers pati na sina Rowan at ang kanyang assistant na sumilong na sa kani-kanilang mga sasakyan, naghihintay na humina ang bagsak ng ulan. Ngunit wala akong balak maghintay.Tarantang muling dinial ni Axel ang kanyang cellphone. "S-Sir, trying to reach them again—"Bago pa man siya makapagsalita ay isang pamilyar na ugong ang namayani. Mula sa makapal na ulap, unt-unting lumitaw ang isang anino na may mga umiikot na elisi. Isang chopper na may malaking tatak ng Santibañez ang mabilis na bumababa patungo sa bakanteng bahagi ng kalsada.Hindi
TYLERPagkahinto na pagkahinto ng sasakyan sa gilid ng kalsada, agad akong sinalubong ni Axel. Marumi ang kanyang coat, puno ng putik at alikabok ang kanyang mukha, at kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding takot na humarap sa akin."Sir..." paos na tawag niya, hindi makatingin nang diretso.Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim para pigilin ang nagbabadyang emosyon. Tinapik ko nang mahigpit ang kanyang balikat. I couldn't put the blame on Axel. Kilala ko siya at ang kalidad ng kanyang pagtatrabaho. He’s been with me for long years, more of a brother than just an employee, and I knew he would have jumped after her if he could."Nasaan siya?" ang tanging lumabas sa bibig ko.Hindi na siya sumagot at itinuro na lang ang dulo ng kalsada kung saan nagkukumpulan ang mga rescue teams at mga bumbero. Mabilis akong tumakbo patungo roon, bawat hakbang ay tila isang pakikipagkarera sa kamatayan. Naabutan ko si Rowan sa labas ng pol
TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa bawat hakbang niya."Glory?" mahina kong tawag.Mabilis akong tumayo mula sa aking upuan at sinalubong siya sa gitna ng dining area. "Glory, is that you?" tanong ko ulit bago siya nginitian nang magaan para hindi siya mailang.Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang babae. Halos agad na namula ang kanyang mukha nang magtama ang mga mata namin. Mabilis niyang hinawakan ang kanyang makapal na salamin at inayos iyon, tila ba hindi niya inaasahan na makikita ako sa ganitong lugar."M-Mr. Santibañez... you're here," utal niyang sabi, bakas ang pagkagulat sa kanyang boses."Client meeting," maikli kong sagot. "Ikaw? Are you here for lunch?"Nahihiyang tumango si Glory, ang kanyang mga daliri ay naglal
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.







