Share

CHAPTER 2

HE THOUGHT HIS night would be cozy, but he was wrong-he just thought it was. Imbis na maging maganda ang gabi niya ay lalo iyong nasira nang dahil sa babaeng iyon. Napaka-arte at iyak nang iyak.

Nangingiting naglakad si Elvin pabalik sa bahay na kaniyang inuukopa. Nasa 'Fucker Island' siya sa Batangas at pag-aari niya ang hindi naman kalakihang islang iyon. May mga bahay din siya roon pero minsan lang niya tinitirhan kapag may babae na siyang gagalawin.

He heaved a sigh and opened the door then stepped in. Saktong pag-apak pa lang niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa kaniyang bulsa. He narrowed his eyelashes then picked up the phone from his pocket. Nang mapagsino iyon, kaagad niyang sinagot.

"Damn, Elvin! Nasaan ang babaeng ipapalinis mo? Where the hell is she, huh?"

Mabilis pa sa alas-kuwatro na ini-arko niya ang kaniyang kilay. Bago sumagot, naglakad muna siya patungo sa couch na hindi naman kalayuan sa kaniya at doon preteng umupo. Like he doesn't care about that woman.

"Patay na iyon and I believed that, Dave. I shot her kaya imposibleng makatakas siya. Galugarin mo ang gubat kung kinakailangan." He chuckled then. "Isama mo na rin ang dagat," natatawa niyang anas sa kausap.

Dave scolded him for several times. "Gago ka, Elvin! Mamatay ka ng hayop ka! I'm serious! Wala kaming nakitang babae. Walang babae kundi dugo ang nakita namin."

He rolled his eyes. "Ang bagal-bagal niyo kasing kumilos! Pagsabihan mo iyang mga tauhan mo, ang tatanga ninyo! Umalis na kayo bago ko pa kayo mapatay. Mga slow mitch!" He ended the call.

Sunod-sunod siyang napa-iling nang ibaba niya ang kaniyang cellphone sa tabihan niya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin ng mga oras na iyon. But his mind keeps thinking on that woman. For sure nakatakas ito. Ni hindi niya alam kung saan niya ito natamaan.

He didn't satisfy. Ayaw niyang maarte at iyak nang iyak katulad na lang ng babae kanina. He wants to fuck a woman whole day. Tigang na tigang pa siya. F*ck! Dimwit!

GUSTONG PIGILAN NI Shanelle ang kaibigan pero hindi ito nagpapigil sa kaniya. Nag-aalala lang naman siya sa kaligtasan nito dahil napakadelikado ng pinasok nito. Magiging slave si Pamela ng isang lalaki at kukunin pa nito ang pagkababae ng kaibigan. Sa pagkakaalam niya ay bata pa si Pamela. Mga nasa 20 pa lang ito kaya natatakot siya para rito. Ni hindi man lang nito inisip ang magiging kapakanan kapag natapos ang lahat.

Bumuntong-hininga si Shanelle bago naiiling na bumaba sa papag na kaniyang kinahihigaan saka lumabas ng kuwarto para mag-almusal. Umaga na pero wala pa rin siyang balita kay Pamela. Ang papa naman niya ay inaalala niya rin dahil kagabi ay sinabi ng doctor na lalo pang lumalala ang sakit nito. Wala siyang ibang maisip para makapag-ipon ng pera para sa operasyon nito. Hindi naman sapat ang kinikita niya sa juice bar na kaniyang pinagtatrabahuhan.

Naiiling siyang umupo sa upuan at may kung anong kinalikot sa kaniyang telepono. Gusto niya lang tawagan ang mama niya na kasalukuyang nagbabantay sa papa niya sa ospital. Ilang ring lang ang lumipas, kaagad itong sumagot.

"Napatawag ka, anak? Wala ka bang pagkain diyan?" Halata sa boses nito na bagong gising.

Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Kumusta na po kayo riyan, mama? Si papa po, okay lang po ba siya? Huwag niyo po akong alalahanin dahil maayos lang po ako at kakatapos ko lang pong mag-almusal." Kahit ang totoo ay hindi dahil wala siyang gana at talagang problemado siya.

"Maayos naman ako, Shanelle. Iyong papa mo, h-hindi ko alam kung maayos ba siya. Kaninang madaling araw ay nagising siya pero natulog din kaagad."

Peke siyang ngumiti. "Hayaan niyo, mama at kapag nagkaroon na tayo ng pera... mapapa-opera na natin si papa. 'Ma, magkano po ba ang kailangang pera para ma-operahan si papa?"

"Anak, sinabi sa akin ng doctor na maghanda raw tayo ng kalahating milyong piso para sa operasyon ng papa mo."

Natutop niya ang kaniyang bibig at hindi kaagad nakapagsalita. Kalahating milyong piso? Saan naman siya kukuha noon? Malaking halaga ng pera iyon at parang hanggang kamatayan niya ay hindi niya mapag-iipunan.

Imbis na tuginin ang ina, mabilis niyang pinatay ang cellphone at tumingin sa kawalan. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin dahil buhay ng ama niya ang nakataya rito. Kung hindi ito ma-ooperahan agad, maari itong mamatay. Ayaw niyang i-give up ang kaniyang papa dahil sobra niya itong mahal. Mahal na mahal.

Hindi na niya namalayan na unti-unti nang tumutulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. Para hindi iyon tuluyang dumami, tumayo siya at mabilis na tinugo ang banyo para maligo. Matapos maligo ay nagsuot siya ng maong pants na pambabae saka kulay puting t-shirt na pambabae. Pinaresan niya iyon ng sapatos.

Hindi niya alam kung sino ang nagtulak sa kaniya para puntahan si Pamela sa apartment nito. Ni hindi siya kumain ng agahan. At iyon nga, namataan na lang niya ang sarili na nasa harap ng apartment ng kaibigan.

"Miss, sino ang hinahanap mo?"

Mabilis siyang lumingon sa pinanggagalingan ng boses at nakita niyang nakatayo sa harapan niya ang isang hindi naman katandaang babae.

"Si Pamela po. Nandito po ba siya? Kanina pa po kasi akong kumakatok," nakangiti niyang wika pero sa loob noon ay labis na pag-aalala.

"Naku! Umalis na siya kagabi p-"

"H-Ho?!" Gulat na gulat siya sa tinuran nito kaya hindi niya napigilan ang mapasigaw.

"Oo, kakaalis niya lang kagabi." Naglakad ito patungo sa kaniya. "Halika, pumasok tayo," nakangiting bulalas nito na kaniya namang tinanguan.

Nilagpasam siya ng babae para buksan ang pinto gamit ang susing dala. Nang bumukas ay nanguna ang babae bago siya sumunod. Tahimik ang loob at wala ng mga gamit ni Pamela. Tama nga ito siguro.

"Ako nga pala si Decing at ako ang may ari ng tinitirhan ng kaibigan mo. Kagabi, nagulat ako dahil bigla niya akong inabutan ng pera. Tinanong ko para saan at sinabi niyang bayad daw niya sa upa. Akala ko ay iyon lang iyon. Nagkakamali ako dahil nag-impake rin siya ng mga gamit niya at umalis na lang ng walang paalam."

Hindi niya alam ang gagawin dahil sa narinig. Umalis si Pamela nang walang paalam? Bakit hindi man lang siya nito kinontak bago umalis?

"Ano pong hitsura niya kagabi?" naguguluhan niyang tanong.

"Para siyang bruha, sa totoo lang, hija. Ang gulo ng suot niya at punit ang kaniyang damit saka napansin ko na paika-ika siyang naglalakad," sagot nito sa kaniya.

May kung anong espirito ang bumulong sa kaniya ng mga oras na iyon. Ngumiti siya kay Aling Decing saka ibinuka ang bibig para magtanong. "May folder po ba kayong nakita?"

"Folder? Sandaling lang!"

Lumabas ito ng apartment kaya siya ang naiwan. Gusto niyang malaman ang nangyari sa kaibigan at bakit ito umalis nang walang paalam. Isasantabi niya muna ang pag-aalala niya sa kaniyang papa.

Nang bumalik si Aling Decing, may hawak na itong folder. "Ito ba, hija?"

Tumango siya at kinuha rito ang folder. Nagpasalamat pa siya bago tuluyan nang umalis ng dating apartment ni Pamela. Nang medyo nakalayo siya, binuksan niya ang folder at tinawagan ang numerong nakatala roon.

Makalipas ang tatlong ring, may sumagot na rin.

"Hello! Good morning, woman! Want to apply as his puppet?" Lalaki ang nasa kabilang linya dahil malagom ang boses nito.

"Hindi ako mag-a-apply! Gusto ko lang itanong kung anong ginawa niya sa kaibigan ko! Bigla na lang siyang umalis nang walang paalam," naka-arkong kilay niyang saad dito.

Marahang tumawa ang kausap. "Miss, hindi ako ang dapat mong tanungin niyan. P.A lang ako ng dapat mong tanungin niya. If you really want to know the truth, why don't you try to visit Royal Route Building and ask the owner of it?" anito saka pinutol na ang tawag.

Wala sa sariling napanganga siya dahil sa sinabi ng kausap. Kung gusto niyang malaman ang sagot sa tanong niya, kailangan niyang pumunta sa Royal Route Building? At ang may-ari ang tatanungin niya. Kung hindi siya nagkakamali, ang may-ari ng bilihan ng mga mamahaling sasakyan ay sikat sa buong bansa at kung hindi rin siya nagkakamali, baka ito ang may kagagawan kay Pamela?

"MABUTI NAMAN AT nasa opisina ka." Dave laughed. "Huwag kang aalis dahil may dadating diyang babe. Did you hear me, Elvin? May darating diyang babae."

Kaagad na nangunot ang noo ni Elvin nang sabihin iyon ni Dave. "Babae? Bakit naman may pupu-" Binabaan siya ng kupal. Kupal talaga!

That man really pisses him off. Sarap paputukan sa mukha ng baril. He might be happy if he sees him oozing his own blood. He even imagined his crashed skull. Hindi niya magawang patayin ito dahil matanggal na itong nanungkulan sa kaniya. When he started his bussiness, Dave was here. When his bussiness took down, Dave was here. When he got depressed, Dave was here. When he doesn't know what he should do, Dave was here. Hindi lang ito basta-basta P.A para sa kaniya. Dave is a friend and family. Nandiyan si Dave nang panahong nasa baba pa siya. He really loved that f*cking man kahit iniinis siya nito. If Dave is in danger, he will protect him as what he did to him before. What is that? Sa kaniya na lang iyon.

Natigilan siya nang may kumatok sa pinto. He heaved a deep sigh. "Bukas iyan, come in..."

Hindi na siya nagulat nang bumukas ang pinto. He saw Mina holding a cup of coffee. Nakangiti itong naglakad patungo sa desk niya at doon ipinatong ang kapeng hinihingi niya.

"Thanks, Mina. I really appreciate your efforts." He smiled then.

Mina smiled back. "Always welcome, Sir. Miller. Oo nga po pala, may babae po sa baba na gusto po kayong makausap. Papauntahin ko po ba siya?"

He nodded when he remembered Dave's will. "Yeah, papuntahin mo siya rito."

Tumango lang si Mina at nagkukumahog na umalis sa opisina niya. Nang masaraduhan na nito ang pinto, kinuha niya ang tasa at nagsimula iyong inumin. The heat of the coffee striped in his throat. Mabilis niyang ibinaba ang tasa saka umubo.

Masyado siyang nagmamadali, hindi naman siya mauubusan ng kape. Medyo napaso ang dila niya at isama na rin ang lalamunan. He stood up and went to his mini-kitchen. Yes, may kusina rin ang opisina niya. It's like a house but a small version of it. Nagtungo siya sa mini-refrigerator at binuksan iyon saka kumuha siya ng isang canned soda saka walang awang ininom. Bawal siya sa mga soda dahil baka sumingga na naman ang sakit niya sa bato. Pero wala siyang pakialam!

Halos maubos na niya na ang laman noon nang may kumatok naman. Naiiling siyang itinapon ang lata sa pinakamalapit na basurahan at nagmadaling pumunta sa desk niya. He sat on his swivel chair and fixed himself a little.

He cleared his throat. "Come in..." he said with a smile on his face.

As the door opened, dalawang babae ang nakita niya. It was Mina and... and who was this girl? Not bad, huh. The woman looks good. She's beautiful. She has big boobs. Nice lips and really kissable. His gaze went to its nose. Damn, ang ganda nang pagkakahulma ng ilong nito. The girl is really stunning. Is she virgin? Damn this freaking mind! Nasapo niya ang kaniyang gitnang bahagi ng kaniyang katawan nang bigla iyong kumislot. Shit! He's getting hard because of this pretty woman.

"Sir. Miller, siya po iyong babae." Mina smiled at him. "Mauuna na po ako." Then she walked out.

Hindi siya makagalaw at nakatuon lang ang atensyon niya sa babaeng nasa unahan na niya. Damn! She reallly have big boobs! Looks so delicious!

MALAGKIT ANG TINGIN ng lalaki sa kaniya. Hindi alam ni Shanelle ang kaniyang gagawin habang nakatingin sa maamo nitong mukha. Pakiramdam niya ay nahulog ang panty niya ng mga oras na iyon. Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang panty kung ang lalaking nasa harap mo ay parang isang anghel na itinapon sa lupa? Napakaguwapo nito. Halatang bagong ahit lang na lalong nagpatingkad ng kaguwapuhan nito. Isama pa ang makakapal nitong mga kilay. Nadaig din yata siya nito sa pilik-mata. Bumaba ang tingin niya sa ilong ng lalaki. Punyemas! Ang tangos naman! Sinunod niyang tingnan ang mga labi nito at oh my... bakit parang ang sarap halikan? Kahit medyo naka-awang iyon ay alam na alam niyang kissable ang labi nito at pulang-pula na parang may lipstick. Bakit parang ang sarap lamutakin na ewan? Wala sa sarili niyang tanong.

Nagulat yata ang lalaki nang makita siya kaya ang ginawa niya, umubo siya na nagpabalik dito ng reyalidad. Biglang sumama ang mukha nito. Hindi literal. Nag-iba ang mukha nito at mula sa maamo, naging mayabang ang mukha nito. Naka-arko na ang kilay na parang magka-away sila na iniiwasan nito.

"Introduce your f*cking self," walang kaemo-emosyong sabi nito saka uminom ng kape na nakapatong lang din sa harap nito.

Lumunok siya ng laway bago nagsalita. "Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Umalis siya na wala man lang paalam. Sabihin mo, anong ginawa mo sa kaniya?"

Ngumisi lamang ang lalaki bago tumayo at naglakad palapit sa kaniya. Tumigil ito at binigyan lang ng kaunting distansya ang pagitan nilang dalawa. Dahil matangkad ito, ang mukha niya ay nakaharap sa may bandang bibig nito kaya naamoy niya ang hininga nito. Amoy kape na may kasamang mint.

"Did you know me?" nakangisi nitong tanong.

Umirap siya. "Oo, kilang-kilala. Hindi ko lang alam ang pangalan mo. At ikaw ang may-ari ng building na inaapakan ko. Kaya ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Anong ginawa mo sa kaibigan ko?"

"Let me introduce myself first." Ngumiti ito na parang nagpatigil ng inog ng mundo niya. Masyado namang nakakamatay ang ngiti ng isang ito. "I'm Elvin Davis Miller and I am the owner of Royal Route Building."

Hindi na niya kailangang malaman ang pangalan nito. Ano naman ang pake niya kung malama niya? Ise-search niya sa F******k tapos i-i-stalk, ganoon? No way, hindi siya ganoong babae na makakita lang mg guwapo ay ise-search agad. Hindi siya ganoon. Malaki ang pinagkaiba niya sa kanila.

"Ngayon, saguti-"

Natigilan siya nang magsalita ito.

"Introduce yourself first."

"Bakit pa?" naguguluhan niyang tanong.

"To know who you really are," mahinahong anito.

Umirap siya bago nagsalita. "Ako si Shanelle Lane Dela Cruz. Ayan, nasagot na kita kaya ikaw naman. Sagutin mo ang tanong ko. Anong ginawa mo sa kaibigan ka, ha?"

Bigla itong sumeryoso at umalis sa harapan niya. Pumunta ito sa desk saka roon umupo. Para siyang tanga dahil bumaba ang tingin nito sa kaniyang paa at inangat din kapagkuwan. Tiningnan lang naman siya nito sa mula sa paa hanggang sa ulo niya. Kasura, ha!

"Magkano ka, Lane? Could you name yourself?" nang-aakit na tanong nito at binasa ang labi gamit ang dila.

Hindi makaimik si Shanelle sa tinuran ng lalaking ito. Hindi niya maipasok sa utak niya ang kababuyang sinabi nito. Dahil sa inis, mabilis niyang ibinato rito ang folder na hawak na kaagad din naman nitong nailagan. Hindi pa siya kuntento kaya lumapit siya rito at walang awang sinabunutan ang buhok nito. Hinayaan lang siya nito na kaniya namang ipinagpatuloy. Ang bastos kasi!

"For your information lang, ha!" Tumigil siya sa pagsabunot at galit itong tiningnan. "Hindi ko ipinagbibili ang sarili ko at never kong papangalan ang sarili ko. Hindi ko papatungan ng pera ang aking ulo para lang ipagkalulo ang sarili ko sa iyo. H*******k ka! Manyak! Bastos! Oo nga't mayaman ka at alam kong talo ako pero ito lang ang tatandaan mo, hindi ko ibebenta ang sarili ko sa iyo!" galit niyang saad at mabilis na nagmartsa papalabas.

Hindi pa man siya nakakalabas ng opisina nito nang may bigla humila sa kaniyang braso. Dahil wala siyang alam sa mangyayari, nagulat na lang siya nang maramdaman ang sarili na nakadikit ang mga labi niya sa mga labi ng lalaking bastos.

Mabilis pa sa alas-kuwatro siyang humiwalay at malakas itong sinampal. "Bastos kang tarantado ka! Mamatay ka na!" nanggagalaiti niyang sabi saka nagpatuloy na sa paglalakad papalayo sa lalaking iyon!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status