Share

CHAPTER 4

ILANG KATOK PA lang ang nagagawa ni Shanelle nang bumukas ang pinto. Nakita niya ang kaibigan na si Fatima na nagpupunas ng buhok na halatang bagong paligo.

"Oh, anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?"

"Nagmamakaawa ako, Fatima. Baka may alam kang pagkakakitaan diyan. Kahit ano pa iyan ay papasukin ko. Nagmamakaawa ako, Fatima. Kailangan ko lang talaga matustusan ang pangangailangan ni papa."

Bumuntong-hininga ang kaibigan. "Pasok ka," nakangiti nitong wika.

Tumango siya at pumasok sa apartment na inuukopa nito. Hindi naman kalakihan at kaliitan, sapat lang para sa isang tao. Iginaya siya ni Fatima sa sofa at doon siya umupo.

"M-May alam ka bang pagkakakitaan?" tanong niya.

Sana naman ay mayroon.

"Uhm..." Umupo ito sa harap niya at pinagigitnaan nila ang isang maliit na lamesa. "Ilegal kasi iyon, Shanelle—" Ngumiwi ito. "—hindi saklaw ng gobyerno ang trabahong iyon," dagdag pa nito.

Kaagad na nangunot ang noo niya. "Ano ba iyan? Kahit ano pa iyan, papatulan ko na."

"Ibibigay mo lang naman ang sarili mo sa isang lalaki. Ang iyong virginity, i-ibibigay mo sa kaniya at malaki ang bayadan doon."

Kaagad siyang napatayo dahil sa sinabi nito. Ganito rin ang pinasok ni Pamela noong nakaraang araw at ni hindi na niya ito nakita. Ibinenta rin nito ang sarili at base sa eksplansyon ni Aling Decing sa kaniya, para itong kinawawa. Hindi, hindi niya ibibigay ang kaniyang sarili. Ibibigay niya ang kaniyang pagkababae sa lalaking mahal niya at hindi niya ibebenta iyon para sa pera.

"Hindi!" Natatawang umiling siya. "Gawin ko na ang lahat ng trabaho sa mundo't huwag lang iyan. Hindi ko ipagkakanulo ang sarili ko. Hindi. Hindi ko ib—"

Natigilan siya nang magsalita si Fatima.

"Paano ang papa mo? Kung hindi ka gagawa ng paraan, baka mawala siya. Shanelle, gusto ko lang sabihin na mahirap humanap ng pera ngayon kahit piso. Sige nga, saan ka kukuha ng pera pambayad sa operasyon ng papa mo?"

Natahimik siya nang maisip ang papa niya. Sinabi niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para lang mabuhay ang papa niya kahit ano mang trabaho ang kaniyang suungin. Pero hindi niya matanggap ang sinabi ni Fatima sa kaniya. Na hindi niya ibebenta ang sarili— kung para sa kapakanan ni papa, bakit hindi? Biglang bulong ng isip niya.

"Paano mo nalaman ang trabahong iyon?" naguguluhan niyang tanong at muling umupo kapagkuwan.

"Kanina ko lang iyon nalaman. Habang naglalakad ako, may nagbigay sa akin nito."

Umangat ang kamay ni Fatima at sinundan naman niya iyon. Sa lamesang pinagigitnaan nila, saka lang niya napagtanto na may folder at... at katulad lang din ng folder na ibinigay sa kaniya ni Aling Decing. Kapagkuwan ay kinuha iyon ng kaibigan at inabot sa kaniya. Kinuha niya iyon at binasa ang nakatala sa iisang papel. Hindi na bago para sa kaniya dahil kung ano ang nabasa niya noon, ganoon at ganoon pa rin.

Huminga siya nang malalim kapagkuwan ay tiningnan ito sa mga mata. "P-Parang hindi ko ito kaya, Fatima. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko ito papasukin pero... pero kung ito ang paraan para gumaling si papa—"

"—bakit hindi mo tanggapin?" pagtatapos ni Fatima sa kaniya.

"Fatima, nangako ako na hindi ko ibebenta ang sarili ko. Nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko ang pagkababae ko sa lalaking mahal ko. Hindi ko alam, Fatima. Parang sasabog na yata itong utak ko."

Tumayo ang kaibigan niya at lumapit sa kaniya saka umupo sa tabi niya. Kinuha nito ang folder niyang hawak saka ibinalik sa lamesa. Matamnan siya nitong pinakatitigan. Ang mga mata nito'y nangungusap. Simula't sapol, mabuti ng kaibigan si Fatima sa kaniya kaya alam niyang pinipilit siya nito para sa kapakanan ng papa niya.

"Oo, nang tanggapin ko nga iyang folder na iyan, kaagad kong tiningnan at binasa. Nagulat ako kasi talagang kagulat-gulat ang nakasulat sa loob. Pero ikaw agad ang naisip ko. Kailangan mo ang trabahong ito dahil makakatulong ito sa iyo. Napakalaking halaga ang ibabayad ng kung sino mang lalaki ang gagalaw sa iyo. Sige, Sha, mamili ka. Hindi mo ito tatanggapin o hahayaan mong malagutan ng hininga ang papa mo?"

Natuod siya ng mga oras na iyon sa kaniyang kinauupuan. Natutop niya ang kaniyang mga labi sa narinig. May point naman si Fatima pero nagdadalawang isip niya. Kung ibebenta niya ang sarili, baka wala ng tumanggap na lalaki sa kaniya. Ang sakit naman noon. Para siyang sinaksak nang paulit-ulit kung hindi siya tatanggapin ng lalaking mahal niya at lalo na kung malalaman nitong hindi na siya virgin. Virgin pa siya simula't sapot at never siyang nagkanobyo.

"Kung tatanggapin ko ang trabahong iyan, mangako ka na tayo lang dalawa ang makakaalam, Fatima."

Tumango ito. "Sha, kaibigan mo ako kaya wala ni isang makakalam nito. Alam ko namang kapag ako na ang nangangailangan, e tutulungan mo rin ako, hindi ba?"

Ngumiti at tumango siya. "Oo naman, para saan pa't naging magkaibigan tayong dalawa?"

"Iyan, iyan ang babaeng may mabuting puso. Handang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iba. Salute na ako sa iyo, girl." Tinusok nito ang kaniyang tagiliran na nagpa-igtad sa kaniya. "Ano pang hinihintay mo? Tumawag ka na!"

Tumango lang siya at kinuha ang folder na nasa lamesa saka binuklat iyon. Nangigiti niyang inilabas ang cellphone mula sa bulsa at doon di-ni-al ang numerong nakatala sa ibaba. Nakakapagtaka lang dahil magka-ibang-magka-iba ang number na naroroon kaysa noong una.

Ilang segundo pa ang lumipas, sumagot na ang nasa kabilang linya. "Good evening, woman! How may I help you?" masiglang tanong ng nasa kabilang linya.

Nangunot ang noo niya, para pamilyar ang boses.

"Uhm..." Tumikhim siya. "M-Mag-a-apply s-sana a-ako ng t-trabaho..." nauutal niyang wika.

Sana tama ang desisyon mo, Shanelle. Anang utak niya.

"Oh, did you already read it?"

"Oo."

"Great. So, how many sessions do you want? Alam mo naman siguro kung magkano ang isang session, right?"

Isang daang libo per session, kulang ang isang session dahil hindi iyon sapat na pambayad sa pag-oopera sa ama niya at isama pa ang mga bills nito sa ospital. Kung susumahin ay baka nasa anim na daang libo na iyon.

Lumunok siya ng laway saka nagsalita. "A-Anim. Oo, anim na session."

Napalatak ng tawa ang nasa kabilang linya. "Seryoso ka ba, miss? Six sessions? Aren't you kidding?" Muli itong tumawa. "You don't know how ruthless he is and relentlessly in bed. Pero seryoso ka talaga?"

Umarko ang kilay niya. Mukha ba siyang nagbibiro? Peste! "Seryoso ako! Kailangang-kailangan ko ng pera ngayon dahil may sakit ang papa ko," lakas-loob niyang saad.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng nasa kabilang linya. "Virgin ka pa ba?"

Kaagad na tumaas ang kaniyang kilay. Napatingin siya kay Fatima na nasa tabi niya at halos mamatay na ito sa kakatawa ng walang ingay. Inirapan niya lang ito saka sumagot.

"Oo naman, NBSB ako, e."

"Ah, that's great. Mukhang masisiyahan siya sa iyo. Kailangan mo na ba ng pera? If yes, pumunta ka sa address na sasabihin ko." Nagpatuloy ito sa pagsasalita, sinabi sa kaniya ang hindi naman kahabaang address.

"Baka bawal diyang pumasok sa village. Balita ko kasi masyadong mataas ang seguridad diyan at mayayaman pa ang nakatira. Bakit naman ako p—"

"Kasi nandito siya. Basta't pumunta ka na! Pagdating mo, nakahanda na ang cheke na bayad para sa virginity mo. Be ready, he's ruthless," anito saka siya binabaan.

May kung ano siyang naramdaman ng mga oras na iyon. Parang gusto niyang mag-back out pero kapag naalala niya ang papa niya, gusto na niyang ipagpatuloy. Naiiling siyang tumayo at ganoon din ang ginawa ni Fatima.

"Uuna na ako, Fatima. Salamat dito dahil malaking tulong ito," nakangiti niyang saad.

"We're friends, Sha. Hulong na!"

Nagbeso pa silang dalawa bago siya lumabas sa apartment nito. May pera na siyang hawak pero kulang pa iyon kaya pinatos na niya ang ibenta ang sarili. Hindi niya talaga kayang mawala ang papa niya kaya todo sikap siya. At ang pangako niya sa sarili ay parang plastik na inilagay sa apoy dahil kaagad iyong natunaw. Hindi na niya maibibigay ng presko ang pagkababae niya sa lalaking mahal niya.

Habang naglalakad, ang isip niya ay umiikot sa lalaking gagalaw sa kaniya. Sino kaya iyon? At anong sabi ng kausap niya? Ruthless at relentlessly? Bakit? Hindi niya mapigilan ang mag-isip ng kung ano-ano. Baka sobrang libog ng lalaking iyon. Baka hindi na siyang palakarin. Punyemas! Kung hindi dahil sa pera ang gagawin niya, hindi niya gagawing ibenta ang sarili!

Paliban na siya ng kalsada nang biglang may humarurot na sasakyan. Natigilan siya sa sasakyang papalapit at wala sa sariling napaupo sa malamig na kalsada.

"Huwaggg!" nahintatakutan niyang sigaw.

Ilang segundo pa ang lumipas, pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili. Naramdaman niyang nahinga pa siya. Hindi siya nabangga at nagpapasalamat siya. Naiiling niyang inangat ang mukha at saktong may tumamang ilaw doon.

"Ahhh," mahina niyang d***g at tumayo.

"Don't tell me na tanga ka?" Isang baritonong boses ang nagsalita.

Hindi na niya kailangang lumingon kung saan dahil nasa harapan na niya ang lalaki. Nakasandal ito sa sasakyan habang masama ang titig sa kaniya. Kitang-kita niya ang mukha nito dahil sa mumunting light post. Napalunok siya pero kaagad din natigilan nang mapagsino ang lalaki. Ang walang hiya! Sa ilang minuto niyang pagtitig dito, saka lamang niya namukhaan kung sino ito. Ito lang naman ang walang hiyang lalaking humalik sa kaniya noong isang araw. Iyong lalaking english speaking na nagpakilalang Elvin.

Mapakla siyang ngumiti. "Wala akong paki sa iyo! Bastos kang hayop ka! Dapat sa inyong mga bastos ay pinapakain sa anaconda." Umirap siya dahil sa inis.

Umiling ang lalaki, si Elvin, syempre. "Wait, tama ba ako nang pagkakarinig? Did you just call me bastos kahit na ito pa lang ang una nating pagkikita? How crazy are you, miss?" Nag-taas ito ng kilay.

A****a! Napakapa-victim pa ang loko. Una raw pagkikita, e ito na nga ang pangalawa nilang pagkikita.

"Oo, bastos ka naman talaga! Nanghahalik na lang ng basta-basta! At anong unang pagkikita? Hoy! Pangalawa na nating pagkikita ito."

Biglang sumeryoso ang mukha nito at kapagkuwan ay umiling. "Hindi ako iyon. I'm not Elvin, I'm Levin, I'm his twin brother and yes, totoo ang sinasabi ko. I don't have time to joke with you."

Ano raw? Hindi siya si Elvin? Si Levin daw siya? Hindi naman kapani-paniwala ang rason niya. Naiiling siyang umalis sa harapan nito at nagpatuloy sa paglalakad. Wala rin siyang panahon para sa kalokohan kaya mas pinili niyang umalis kaysa makipagtalo rito.

"MANONG GUARD, PUWEDE po ba akong pumasok?" nakangiting tanong ni Shanelle sa guard na nasa loob ng guard house.

"Sino po sila, ma'am at sino po ang pupuntahan niyo?"

Natigilan siya. Kung sasabihin niya ang pangalan niya, wala rin dahil hindi niya nasabi sa kausap ang pangalan niya. Hindi rin niya alam kung sino ang pupuntahan niya. Ang tanga, ang tanga-tanga mo, Shanelle. Padaskol na bulalas niya sa sarili.

Lumunok siya ng laway. Paano ba ito? "Uhm..." Isip, Sha. "Ano po kas—" Natigilan na lang siya nang biglang may nagsalita.

"It's okay, kilala ko siya," anang isang lalaki na lumabas sa gate na nakaawang at naglakad palapit sa kanila.

"Sige po, Sir. Liam," sabi ng guard at bumalik na sa ginagawa.

Nakakunot ang noo niyang pinagmasdan ang lalaki. Matangkad ito at medyo macho. Masasabi niyang guwapo ito dahil sa taglay nitong kakisigan. Ang sarap naman!

"Kilala mo ako?" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi." Pinakatitigan siya nito at parang sinusuri siya. Nakakahiya! Naka-jeans at t-shirt lang siya at pinaresan niya ng tsinelas. "Pero alam kong ikaw ang nag-apply, right? You are going to sell your virginity for money... but why?"

"Nasa ospital ang papa ko at malala ang kalagayan niya sa puso kaya kailangan siyang operahan agad. Nga pala, paano mo nalaman n—"

"Secret. Follow me." Tumalikod na ito at naglakad papasok.

Napailing na lang siyang sinundan ito. Halos malaglag ang mata niya nang makita ang kagandahan ng Miller's Village. Iyon ang nakita niyang pangalan na nasa guard house. Iyong Miller ay parang pamilyar na ewan. Parang narinig na niya iyon pero hindi na niya maalala. Ang bilis-bilis kasi niyang makalimot.

Sunod lang siya nang sunod kay Liam. Medyo malayo ang nilakad nila nang tumigil ito sa harap ng isang magarang bahay— hindi, hindi iyon bahay dahil mansyon na iyon sa sobrang kalakihan. Napakalaki niyon at kitang-kita ng mga mata niya ang nasa loob dahil glass ang pader noon. Nakakamangha na medyo nakakaliit.

"We're here," masayang anunsyo ni Liam saka pumasok sa gate.

Sumunod na naman siya rito hanggang sa makarating sila sa may mataas na pinto. Nakasarado iyon at may kung anong kinalikot si Liam. Parang pin iyon dahil rinig na rinig niya ang pagpindot nito roon. Ilang segundo pa ang lumipas, kusang bumukas ang pinto na walang nagtutulak. Grabe naman ka-high tech ang bahay na ito. For sure hindi lang pinto ang high tech.

Nang humakbang papasok si Liam, sumunod na naman siya.

"Nandito na ako, Elvin! Your woman is here!" sigaw nito na ikinagulat niya.

Elvin? Tatanungin pa sana niya si Liam nang may lumabas na dalawang lalaki sa isang pinto at halos matulos siya sa kinatatayuan nang makita ang lalaking kakikita lamang niya kanina. Ito nga, ito nga ang lalaking iyon!

ELVIN DIDN'T BELIEVE as he stared at the beautiful woman afar from him. Kahit na medyo lasing, nasa tamang huwisyo pa rin siya habang matiim na pinapakatitigan ang babae. Damn! Nito lang yata niya ito nakilala pero iba ang appeal nito sa kaniya. He wants her in bed pero ang saya niya dahil ito pa ang babaeng nag-apply sa kaniya. He will f*ck her until she can't walk anymore.

"You!" Ngumisi siya at matiim pa ring tiningnan si Shanelle. "Come here," he said in a baritone voice.

She narrowed. "Bakit naman ako lalapit sa iyo? Manigas ka! Akala mo yata'y hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin noong isang araw!"

He chuckled. Tiningnan niya si Dave at Liam na pinsan niya. "You two, umalis na kayo rito. Leave us!"

Biglang sumalubong ang kilay ni Liam. "Nasaan ang bayad mo?"

He blew a breath in his mouth. "Bukas na, I'll pay you! Dali na, umalis na kayo kung ayaw niyang makatikim sa akin!" nagbabanta niyang anas.

"Masusunod, mahal na kamahalan," sabay na sabi ng dalawa at parehong lumabas.

When the door closed, he walked towards Shanelle. Pero umatras ito na halatang takot sa kaniya. Mas lalo niyang sinamaan ito ng tingin. He's frowning and smiling devily as he walked towards her.

"Where do you think you're going?" baritono niyang tanong.

"Ikaw ba ang gagalaw sa akin? Ikaw ba ang sinabing ruthless at relentlessly, huh, ikaw?" nahintatakutang tanong nito.

Hindi niya ito sinagot bagkus ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa harap ni Shanelle. He's inches away from her that's why his length is getting hard. Damn this woman, always seduces me.

"You are Shanelle Lane but I prefer to call you Lane. You applied and I will gratefully accept you." Naglakad siya palapit dito at halos magdikit na ang kanilang mga katawan. Hinaplos niya ang pisngi nito pero kaagad itong nagpumiglas.

As if she can't beat me. She can't. I'm a man, she's a woman and I am stronger than her. He said in his mind.

Hindi pa siya nakuntento, dumukwang siya sa leeg nito at pinugpog iyon ng halik. Ramdam niya ang pagpupumiglas nito kaya kaagad niyang kinuha ang mga braso nito at madiing hinawakan para hindi siya masaktan. After kissing her neck, he licked it like a hungry baby. He licked, sucked, and sipped her neck.

"Uhmmm..." impit na ungol ng babae.

He secretly smiled after hearing that soft moans from her. Tumigil siya sa pagdila ng leeg nito at matalim itong tinitigan. Lane looks scared, but he doesn't care. And what he wants to do is to f*ck her until she can't walk anymore... yes, he will f*ck her in so much pleasure and pain. He looked at her devily then he leaned into her right ear to whisper.

"You are going to be mine, Lane. You will be mine tonight. My bed is waiting for us," he seductively said then licked her earlobe that made his length hard even more.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status