Sienna’s POV
Matapos ang kasal, hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Para akong nasa isang panaginip—hindi, isang bangungot—at hindi ko alam kung paano magigising mula rito. Habang nagpaalam ang mga bisita, nilapitan ako ng mga magulang ko. Pareho silang may bahagyang ngiti sa labi, ngunit hindi ko mabasa kung tunay ba iyon o pilit lang. “Sienna, anak,” malambing na sabi ni Mama habang hinawakan ang kamay ko. “Mabuti na lang at natuloy ang kasal. Ngayon, hindi na tayo mag-aalala para sa’yo.” Napaatras ako. Para sa akin? O para sa kanila? Sinundan iyon ng sagot ni Papa, mahina ngunit mariin. “Si Zachary na ang bahala sa’yo.” Parang isang kutsilyong dumiretso sa puso ko ang sinabi niya. "Si Zachary na ang bahala sa akin?" Ibig sabihin, iniwan na nila ako sa kanya. Para akong isang bagay na ipinasa lang sa ibang may-ari. Napatitig ako kay Zachary, na kasalukuyang abala sa pakikipag-usap sa isang bisita. Walang bakas ng emosyon sa mukha niya—parang walang epekto sa kanya ang nangyari. Ang lahat ng ito… wala akong kontrol. At sa gabing ito, opisyal nang nagbago ang buhay ko. At ang mas nakakatakot? Wala akong ideya kung ano ang naghihintay sa akin sa piling ni Zachary Montevista. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang patuloy ang biyahe namin ni Zachary. Inaasahan kong dadalhin niya ako sa isang engrandeng mansyon, isang malaking bahay na karapat-dapat sa isang Montevista. Pero laking gulat ko nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang simpleng bahay. Maliit lang ito, luma na ang pintura, at may kung anu-anong kalat sa paligid. Sa loob ng bakuran, may mga nakasalansan pang kahon at tila ba hindi masyadong inaalagaan ang lugar. "Ito ba ang bahay ng isang Montevista?" tanong ko sa isip ko, hindi makapaniwala. Bumaba si Zachary nang walang sinasabi, at nang hindi ako agad gumalaw, bumukas ang pinto sa gilid ko. Bago pa ako makareact, mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng sasakyan. "Aaray!" Napangiwi ako sa sakit. "Bitawan mo ako!" Ngunit hindi niya ako pinansin. Ang lalaking palangiti at tila ba hindi apektado kanina sa kasal namin—ngayon ay parang ibang tao. Matigas ang panga niya, matalim ang tingin, at ang mahigpit na pagkakahawak niya sa akin ay nagpapakita kung gaano siya kabagsik. Nang ipasok niya ako sa loob ng bahay, mas lalo akong nagulat. Mas makalat sa loob kaysa sa labas—parang hindi ito tirahan ng isang bilyonaryo. May mga papel na nakakalat sa lamesa, may ilang bote ng alak sa isang tabi, at ang mga kurtina ay mukhang hindi na nalabhan ng ilang buwan. Tumingin ako sa kanya, hindi maitago ang inis sa boses ko. “Ano ‘to, Zachary? Akala ko ba—” “Akala mo ano?” Malamig ang boses niya, at mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko, dahilan para mapaigik ako. "Na dadalhin kita sa isang marangyang mansyon? Na magiging isang fairy tale ang buhay mo bilang asawa ko?" Sinamaan niya ako ng tingin at marahang itinulak papasok. "Pasensya na, Mrs. Montevista, pero mukhang nagkamali ka ng inaasahan." Natigil ang paghinga ko. Ito na ba ang buhay ko ngayon? Sa isang estrangherong lalaking hindi ko lubos na kilala, sa isang tahanang hindi ko alam kung magiging tahanan ko nga? At sa lalaking ito—na alam kong kayang gawin ang lahat para ipakita sa akin kung sino ang mas may kontrol sa amin. Mabilis akong umatras palayo kay Zachary, pero agad niyang sinara ang pintuan, nilagay ang kamay sa bulsa, at tiningnan ako na tila ba naaaliw sa sitwasyon. “Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?” Napuno ng galit at pangamba ang boses ko. “Anong kasalanan ko? Ikukulong mo na lang ba ako rito habang buhay?” Napangisi siya. Napakalamig ng titig niya, parang nag-eenjoy siya sa bawat segundong takot at galit ako. “No, sweetheart.” Mas lalo akong nag-init sa inis nang marinig ko ang bansag na iyon mula sa kanya. “Hindi kita ikukulong rito habang buhay.” Lalabas na sana ako, pero hinarangan niya ang dadaanan ko, ang matipunong katawan niya ay tila pader na hindi ko kayang lusutan. “Bakit? Namimiss mo ba ako kapag wala ako rito?” Ngumisi siya nang bahagya, pero hindi iyon mapagkakamalang malambing—may bahid iyon ng panunuya. Napakuyom ang mga palad ko. “Hindi! Gusto ko lang lumabas! Hindi mo ako pwedeng iwan dito na parang isang bilanggo!” Umiling siya, hindi nawala ang nakakalokong ngiti sa labi. “Relax, sweetheart. Bibisitahin naman kita palagi.” Lumapit siya nang bahagya, dahilan para mapaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. “At siguro, kung magiging mabait ka sa akin… baka pagbigyan kitang lumabas paminsan-minsan.” Para akong sinampal sa sinabi niya. “Gago ka.” Madiin kong bulong habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Napataas ang kilay niya, halatang natuwa sa sagot ko. “Oh? Ang bibig mo, Sienna.” Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin, dahilan para mas lumakas ang tibok ng puso ko—hindi sa kilig kundi sa kaba. “Tingnan natin kung hanggang kailan mo ako tatawaging ganyan.” Mabilis siyang lumayo, iniwan akong gulat at naiinis. Tinapik niya ang pisngi ko nang bahagya bago naglakad papunta sa pintuan. “See you next time, wife.” At bago ko pa siya masabuyan ng masasakit na salita, isinara na niya ang pinto at iniwan akong mag-isa sa lugar na ito—sa kulungang ito. "Pero… paano nila napapayag ang mga magulang ko?" Mahina kong bulong habang nakayuko, pinipigilan ang hagulgol na pilit sumisikip sa dibdib ko. Ramdam ko ang pagtagas ng luha ko sa pisngi, pero wala akong pakialam. Hindi ko maisip kung paano ito nangyari. Alam kong mahal ako ng mga magulang ko—hindi nila ako ipagpapalit basta-basta sa isang kasal na hindi ko ginusto. Pero bakit? Bakit sila pumayag? Ano ang ginawa ni Zachary para mapasunod sila? May hawak ba siyang sikreto tungkol sa pamilya ko? May banta ba siyang ginawa? O… sadyang ipinagkanulo lang nila ako? Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa ideyang iyon. Mula pagkabata, alam kong lahat ng sakripisyo ko ay para sa kanila—ang paglayo ko, ang pagtatrabaho ko sa ibang bansa, ang paglimot ko sa sarili kong pangarap para lang mapangiti sila. Pero ngayon, para akong itinapon lang sa isang kasunduang hindi ko man lang alam. Hindi ko namalayang mas humigpit ang yakap ko sa sarili ko. Para akong batang iniwan sa gitna ng kawalan, walang kasiguraduhan kung paano makakatakas. "Ma… Pa… bakit?" humahagulgol kong bulong, kahit alam kong wala akong makukuhang sagot.SIENA'S POV Pagkababa ko ng motor ni Zachary sa tapat ng restaurant, ramdam ko pa rin ang init ng palad niyang humawak sa bewang ko kanina habang nakaangkas ako sa likod niya. Napatigil ako saglit, inayos ang buhok kong ginulo ng hangin. Hindi ko namalayang nakatitig pa rin siya sa akin habang ginagawa ko 'yon. "Pasok ka na," aniya, may bahagyang ngiti sa labi. "'Wag mo kong ipagpalit sa kape niyo d'yan, ha?" Napairap ako. "Baka ikaw nga 'yung palitan ng kape. Mas sweet pa sa’yo." Tumawa siya ng mahina at saka tumalikod na. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, sumigaw si Hannah mula sa loob ng restaurant. "OY! Kinikilig na ako!" Namilog ang mga mata ko. Tangina, Hannah. Lumapit siya agad sa akin, may dalang tray ng bagong lutong pandesal at kape, pero hindi 'yun ang intensyon niya. Kitang-kita ko sa mata niya—may gustong alamin 'tong babaeng 'to. "Aba, aba, aba! Iba na 'yan, ah. Hinahatid ka na talaga ni mister? May label na ba kayo, ha? Sagot!" "Hannah, pwede ba? Um
Hapon na nang lumabas si Siena mula sa opisina. Pagod na ang katawan niya, ngunit mas pagod ang isipan niya. Buong araw niyang binuhos ang sarili sa trabaho—paperworks, pagtanggap ng orders, pakikipag-usap sa mga tauhan, pag-aasikaso sa inventory. Hindi niya binigyan ng kahit isang segundo ang sarili para huminto. Ayaw niyang may oras siyang mapaisip. Dahil kapag huminto siya, babalik sa alaala niya ang tagpong tumatak sa isip niya kaninang umaga—ang babaeng humalik kay Zachary, at ang hindi mapakaling ekspresyon ng asawa niya habang kausap ito. Pigil ang bawat buntong-hininga niya habang binabaybay ang daan palabas ng restaurant. At pagkalabas niya sa main entrance, agad siyang sinalubong ng isang pamilyar na presensya. “Siena.” Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ito pinahalata. Tila wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit hinawakan siya ni Zachary sa braso. “Siena, please. Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin. Hindi rin siya nag
SIENA POV Pagkarating namin sa tapat ng restaurant, agad akong bumaba sa motor. Tumalikod ako kay Zachary at nag-ayos ng buhok habang bitbit ang bag ko. Ramdam ko ang simpleng kilig dahil sa paghatid niya sa akin—hindi man kami tunay na mag-asawa sa damdamin, pero ang simpleng pagsabay naming kumain at pagsabay papunta sa trabaho, parang may ibang pakiramdam. Pero bago pa ako makapasok, naramdaman kong biglang tumigil sa paglalakad si Zachary. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkakunot ng noo niya. “Zach?” tanong ko, pero tila hindi niya ako narinig. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at doon ko nakita ang isang grupo ng tao na papalapit sa harapan ng restaurant—isang pamilyang may kaya, halata sa bihis at kilos nila. At sa gitna nila, ang isang babaeng mukhang model—maganda, elegante, at confident ang bawat hakbang. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Parang may kung anong kilig sa mga mata niya habang nakatingin kay Zachary. At doon na nga nangyari a
SIENA POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary sa loob ng sasakyan habang pauwi. Walang imikan. Pareho kaming parang may iniisip. Siguro dahil sa naging tanong nina Mama at Papa kanina—tungkol sa amin. Tungkol sa kung may nabubuo na ba. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Zachary sa dashboard. Napatingin siya rito. Tumatawag si Clarise. Hindi ko maiwasang mapatingin din. Hindi ko pinakita, pero kinurot ng kaunti ang puso ko. Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni Zachary. Hindi niya agad sinagot. Nakatitig lang siya sa screen na parang hindi sigurado kung itutuloy ang pagtanggap ng tawag o hahayaan na lang. “Baka importante,” mahinahon kong sabi. “Sagutin mo. O puntahan mo siya kung kailangan.” Napalingon siya sa akin, tila nabigla. “Sigurado ka?” Tumango ako kahit may konting sakit sa dibdib. “Oo. Kung kailangan ka niya ngayon, puntahan mo. Ayokong may masabi siya sa’yo… sa atin. Alam mo naman siguro kung ano ang tama, ‘di ba?” Hindi siya agad nagsalita. Pero kita ko s
SIENA POV Napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid ng ilog habang si Zachary ay abalang nagtatanggal ng sapatos at sumusuong na sa tubig. Tahimik lang ako. Wala akong balak makipagkulitan o makipagtawanan sa kanya. Hindi ako dumating dito para makipagbonding—dinala lang niya ako rito nang sapilitan, kaya wala akong intensyong makipag-cooperate. "Maligo tayo," sabi niya nang makalapit siya sa akin, sabay talsik ng tubig gamit ang paa. Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumalon siya sa tubig. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang suot niyang t-shirt. Nagtampisaw siya roon, parang bata. Si Zachary... wala rin pala siyang pakialam. Kaya tumayo ako. Tinanggal ko ang tsinelas ko at marahang lumusong sa malamig na tubig. Hindi para sa kanya. Para lang malamig ang pakiramdam. Para lang hindi ko maramdaman ang init sa dibdib ko—ang inis, ang inip, ang pagkalito. Naghiwalay kami ng direksiyon. Nasa dulo siya ng mababaw na parte ng ilog. Ako naman,
SIENA’S POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary habang nag-aalmusal sa labas, sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng bahay. Maganda ang panahon—presko ang hangin, at may kaunting sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon. Pero kahit gaano kaganda ang umaga, hindi ko maalis ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Mas nauna nang umalis sina Hannah at Tommy. May inihabilin pa si Hannah bago sumakay ng tricycle. “Ikaw na bahala diyan, Siena. Baka may matira pa sa puso mo.” Nakangiti pa siya habang binigkas 'yon, pero hindi ko na kinagat ang tukso. Wala ako sa mood makipagbiruan. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Zachary. “Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya. Suot pa rin niya ‘yung simpleng t-shirt na tila lalong nagpapatingkad sa kulay ng balat niya. Wala naman akong dapat ipag-init ng ulo, pero sa loob-loob ko… Naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit. “Oo, okay lang ako,” tipid kong sagot habang iniiwas ang tingin. Kinuha ko ang tinapay sa plato
Siena’s POV Ang saya ng paligid—may konting ilaw sa mga puno, may amoy ng inihaw na isda at barbecue sa hangin, may halakhakan mula sa mga kapitbahay na inimbitahan nina Mama. Pero kahit gaano kasaya ang ambiance, ramdam ko pa rin 'yung bigat sa dibdib ko. Kaya heto kami ngayon ni Hannah, nasa isang sulok ng bakuran, sa mesang may maliit na ilaw, may dalawang baso, at isang bote ng alak sa gitna. “Cheers, bestie!” sigaw ni Hannah sabay abot ng baso. “Para sa birthday ni Tita… at para sa broken heart mo na ayaw mong aminin!” Napatawa ako kahit papaano, pero hindi ko na siya sinagot. Itinungga ko agad ang laman ng baso ko, na parang gusto kong lunurin ‘yung lungkot at inis na nararamdaman ko. Ang alat, ang init sa lalamunan—pero mas mainit ‘yung gumugulo sa dibdib ko. “Isa pa!” sabi ko sabay abot ng bote. “Hoy, dahan-dahan lang! Baka mamaya, ikaw pa ‘yung ipasan ko pauwi,” natatawang sabi ni Hannah pero binuhusan pa rin ang baso ko. Habang lumalalim ang gabi, unti-unti na ak
Pagkauwi mula sa trabaho, agad na bumagsak si Siena sa sofa, ramdam ang pagod ng buong araw. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na tinawagan si Zachary. "Sagot naman..." bulong niya habang hinihintay ang kabilang linya. Ilang ulit na niyang tinangkang tawagan ito, pero paulit-ulit lang siyang nadidismaya. Napabuntong-hininga siya. Gusto lang naman niyang magpaalam. Bukas ay kaarawan ng kanyang ina, at gusto niyang umuwi sandali para makasama ito. Alam niyang mahigpit si Zachary, at hindi niya gustong mapagalitan o mapagbintangan na gumagawa ng kalokohan. Sa inis, tinapon niya sa tabi ang cellphone. "Ano ba namang lalaking ‘to? Hindi man lang sumasagot!" reklamo niya sa sarili. Bigla siyang napatigil, nag-isip ng ibang paraan. Kung hindi niya makakausap si Zachary, baka pwede niyang isama sina Tommy at Hannah. Sa ganitong paraan, wala siyang ginagawang mali at hindi siya sisisihin ni Zachary. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na nag-chat sa dalawa. Siena: Guys, gusto n
Sa isang pribadong opisina sa kompanya, tahimik si Zachary habang nakatitig sa floor-to-ceiling glass window. Ang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng slacks niya, ngunit bakas sa ekspresyon ang tensyon. Nang biglang tumunog ang phone niya—Dad ang naka-display. Saglit siyang nag-isip bago sinagot. "Hello, Dad," malamig niyang bati. "Zachary, let's not waste time," panimula agad ni Victorio, diretsong tinig. "Idivorce mo na si Siena." Hindi agad nakasagot si Zachary. Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, pero pinilit niyang panatilihing kalmado ang boses. "Wala akong balak makipag-divorce sa ngayon." "Ano bang nakukuha mo sa babaeng ‘yon, ha?!" Singhal ni Victorio sa kabilang linya. "She’s nothing. She’s not even from our circle. Kung hindi mo ‘yan pinakasalan dahil sa init ng ulo mo, baka may awa ka lang. Pero Zachary, hindi ka pinalaki para sa awa." Napakuyom ang kamao ni Zachary. Pero nanatili siyang tahimik. "You know what, you're just like your grandfather. He chose