Sold to Be His Wife Hindi kailanman inakala ni Siena na isang kasal ang magiging kabayaran sa kasalanang hindi niya ginawa. Isang kasunduang panandalian lamang—isang papel na unti-unting magtatalik ng kanilang mga mundo. Zachary never intended to keep his temporary wife. He only needed Siena as a pawn, a way to make her family pay for the accident that ruined his fiancée’s life. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unti niyang napagtanto na hindi ganun kadali ang bitawan ang isang babaeng dapat ay ginagamit lang niya. Ngunit ano nga ba ang mas mabigat? Ang galit na matagal na niyang kinikimkim, o ang damdaming hindi niya dapat maramdaman para sa babaeng itinali sa kanya ng kasunduan? Hahayaan ba ni Zachary na matapos ang kasal na ito sa isang divorce, o tuluyan niyang aangkinin si Siena bilang kanya—kahit pa nagsimula ang lahat sa paghihiganti?
Lihat lebih banyakChapter 1 – Ang Pagbabalik
Napasinghap si Siena nang maramdaman ang unti-unting pagbaba ng eroplano. Ilang buwan siyang nagtrabaho sa ibang bansa, pilit kinakalma ang sarili sa kabila ng matinding pananabik na makita ang kanyang nobyo. Hindi niya alintana ang pagod sa mahabang biyahe—basta’t ang mahalaga, makikita na niya si Luis. Pagkababa niya sa airport, agad niyang hinanap ang pamilyar na mukha ng kanyang mga magulang. Sa dami ng tao, natanaw niya ang kanyang ina na abala sa pagsasalita sa cellphone, habang ang kanyang ama ay mukhang tensyonado. “Kumusta kayo?” masayang bati niya, niyakap ang kanyang ina. Ngunit sa halip na matuwa, may kung anong lungkot sa mukha nito. “Ayos lang, anak,” sagot ng kanyang ina, ngunit hindi ito tumitingin ng diretso sa kanya. “Tara na, may pupuntahan tayo.” “Huwag mong sabihing hindi muna tayo dadaan kay Luis?” aniya, nilalabanan ang kaba sa dibdib. Muling nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang. “Anak…” Tumikhim ang kanyang ama. “Wala na siya sa kulungan.” Natigilan si Siena. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Nakalaya na siya,” sagot ng kanyang ina sa mahina ngunit matigas na tinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Paanong nakalaya si Luis nang hindi niya man lang nalaman? Dapat ba siyang matuwa? Ngunit bakit may bumabagabag sa kanya? Bago pa siya makapagtanong, napansin niyang may ilang lalaking naka-itim na nakabantay sa paligid. Naka-shades ang mga ito, may radyo sa tainga, at nakapwesto sa harapan ng kanilang sasakyan na parang hindi basta ordinaryong guwardiya. “Ma, sino sila?” “Mga tauhan lang ng pamilya Montevista,” mabilis na sagot ng kanyang ina. “Huwag mo na silang intindihin.” Napakunot ang noo niya. Montevista? Bakit pamilyar ang pangalang iyon? At bakit parang hindi siya mapakali? Pagdating nila sa bahay, hindi pa man siya nakakapagpahinga, agad siyang hinatak ng kanyang ina papasok sa kwarto. "Magbihis ka, anak. Magsisimula na ang engagement party." Napatigil si Siena. “Engagement party? Akala ko sa susunod na linggo pa ‘yon?” “Ngayon na. Kaya magmadali ka.” “Pero bakit kailangan kong magbihis?” natatawang tanong niya. “Bisita lang naman ako, ‘di ba?” Ngunit sa halip na sumagot, inilabas ng kanyang ina ang isang napakagarang bestida—kulay ginto, kumikinang sa ilalim ng ilaw. Napalunok si Siena. Hindi pa siya nakakapagsuot ng ganitong klaseng damit kahit kailan. “Ma, sigurado ka bang para sa akin ‘to?” “Wala nang tanong, anak. Magsuot ka na.” Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganitong kasaya at kagarang selebrasyon. Ang buong lugar ay puno ng magagandang dekorasyon, mamahaling bulaklak, at may mga taong tila galing sa matataas na lipunan. Napansin niyang nakaayos din nang elegante ang kanyang mga magulang, na parang sila mismo ang bida ng gabi. Napangiti siya. Masaya siya na kahit papaano, nagkaroon ng ganitong okasyon sa kanilang pamilya. Siguro, ang pagsisikap niya sa ibang bansa ay nagbunga na rin. Pagdating nila sa event. Pagpasok ko sa venue, agad akong napahanga sa ganda ng lugar. Ang mga chandeliers sa kisame ay kumikinang, at ang bawat sulok ay punung-puno ng mamahaling dekorasyon. Isang marangyang selebrasyon—parang sa mga napapanood ko lang sa pelikula. Sa una, kalmado lang ako. Iniisip ko na normal lang ang lahat—na isa lang akong bisita sa engagement party na ito. Pero habang lumalalim ang gabi, unti-unti kong napapansin ang isang bagay na nagpatindig ng balahibo ko. Nakatingin silang lahat… sa akin. Mula sa mga mayayamang bisita, hanggang sa mga lalaking naka-itim na nakabantay sa paligid—lahat sila ay tila hinihintay ang susunod kong gagawin. Napalunok ako. Bakit pakiramdam ko… ako ang dahilan kung bakit narito ang lahat? “Ma… Pa… ano ‘to?” Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko habang tinitingnan ang nakangiting mga magulang ko. Para bang may alam silang hindi ko pa nauunawaan. Lumapit ang aking ama, marahan akong hinawakan sa balikat at saka bumulong, “Ito ang araw ng kasal mo, iha.” Parang may pumitik sa loob ng utak ko. “Ano?” Napaatras ako, pilit iniintindi kung tama ba ang narinig ko. “Kasal ko? Hindi… Hindi pwede ‘to, Mama! Papa, ano ‘to? Bakit hindi n’yo sinabi agad?” Tumingin ako sa aking ina, umaasang may paliwanag siyang ibibigay, pero sa halip, malamig ang naging sagot niya. “Huwag kang magkamali na gumawa ng iskandalo, Siena,” mariing babala niya, kasabay ng bahagyang paglingon sa mga lalaking naka-itim na nakabantay sa paligid. Napansin ko kung paano bumigat ang presensya ng mga ito—parang isang tahimik na banta na hindi ko pwedeng suwayin. Napalunok ako, pilit nilalabanan ang kaba at galit na nagsisimulang bumalot sa buong pagkatao ko. “Ma… Pa… bakit?” Nangingilid na ang luha ko, ngunit wala na akong narinig pang sagot mula sa kanila. Dahil bigla akong hinawakan ng dalawang babae sa magkabilang braso. Hudyat ng pagsisimula ng seremonya. Nanginginig ang buo kong katawan habang unti-unting lumalapit sa altar. Pakiramdam ko’y nananaginip ako—isang bangungot na hindi ko magising. Paano nangyari ito? Bakit ako ikakasal sa lalaking ni hindi ko kilala? Napadako ang tingin ko sa lalaking nakatalikod, matangkad at may presensiyang tila kayang punuin ang buong silid. Nang unti-unti siyang humarap, napalunok ako. Guwapo siya. Napakaguwapo niya. Mas guwapo pa siya kay Luis. Napakurap ako sa sariling iniisip. Ano ba, Siena? Hindi ito ang tamang oras para mapansin iyon. Kahit pa perpekto ang matangos niyang ilong, ang matalim niyang tingin, at ang pangangatawang halatang banayad na hinubog ng oras sa gym, hindi iyon dahilan para kalimutan ko ang sitwasyon ko ngayon. Kahit pa mas mukhang kagalang-galang at may awtoridad ang lalaki sa harapan ko kumpara sa dati kong nobyo… Kahit pa parang walang babaeng hindi mahuhulog sa kanya… Hindi ako dapat matinag. Dahil hindi ko siya gusto. At kailanman, hindi ko gugustuhing mapunta sa isang lalaking pinagkasundo lang ako. “Tititig ka na rin lang, sana sinulit mo na,” malamig ngunit may bahid ng pang-aasar na sabi ng lalaki. Napakislot ako. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Napakaguwapo niya. Lintik. Kahit boses niya, nakakainis na kaakit-akit. Malalim, may authority, at may halong bahagyang pangungutya. Mabilis akong umiwas ng tingin, pero huli na—napansin niya na ang panandaliang paghanga ko sa kanya. “B-bakit naman kita tititigan?” pilit kong itinataas ang pride ko. Bahagyang lumabi siya—at doon ko lang napansin ang perpektong hugis ng kanyang labi. Kissable lips. Hindi, Siena, hindi pwede! Bahagya siyang yumuko, mas lumapit, at bumulong sa akin, “Baka matunaw ako sa titig mo.” Napalunok ako. Hindi, hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya.SIENA'S POV Pagkababa ko ng motor ni Zachary sa tapat ng restaurant, ramdam ko pa rin ang init ng palad niyang humawak sa bewang ko kanina habang nakaangkas ako sa likod niya. Napatigil ako saglit, inayos ang buhok kong ginulo ng hangin. Hindi ko namalayang nakatitig pa rin siya sa akin habang ginagawa ko 'yon. "Pasok ka na," aniya, may bahagyang ngiti sa labi. "'Wag mo kong ipagpalit sa kape niyo d'yan, ha?" Napairap ako. "Baka ikaw nga 'yung palitan ng kape. Mas sweet pa sa’yo." Tumawa siya ng mahina at saka tumalikod na. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, sumigaw si Hannah mula sa loob ng restaurant. "OY! Kinikilig na ako!" Namilog ang mga mata ko. Tangina, Hannah. Lumapit siya agad sa akin, may dalang tray ng bagong lutong pandesal at kape, pero hindi 'yun ang intensyon niya. Kitang-kita ko sa mata niya—may gustong alamin 'tong babaeng 'to. "Aba, aba, aba! Iba na 'yan, ah. Hinahatid ka na talaga ni mister? May label na ba kayo, ha? Sagot!" "Hannah, pwede ba? Um
Hapon na nang lumabas si Siena mula sa opisina. Pagod na ang katawan niya, ngunit mas pagod ang isipan niya. Buong araw niyang binuhos ang sarili sa trabaho—paperworks, pagtanggap ng orders, pakikipag-usap sa mga tauhan, pag-aasikaso sa inventory. Hindi niya binigyan ng kahit isang segundo ang sarili para huminto. Ayaw niyang may oras siyang mapaisip. Dahil kapag huminto siya, babalik sa alaala niya ang tagpong tumatak sa isip niya kaninang umaga—ang babaeng humalik kay Zachary, at ang hindi mapakaling ekspresyon ng asawa niya habang kausap ito. Pigil ang bawat buntong-hininga niya habang binabaybay ang daan palabas ng restaurant. At pagkalabas niya sa main entrance, agad siyang sinalubong ng isang pamilyar na presensya. “Siena.” Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ito pinahalata. Tila wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit hinawakan siya ni Zachary sa braso. “Siena, please. Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin. Hindi rin siya nag
SIENA POV Pagkarating namin sa tapat ng restaurant, agad akong bumaba sa motor. Tumalikod ako kay Zachary at nag-ayos ng buhok habang bitbit ang bag ko. Ramdam ko ang simpleng kilig dahil sa paghatid niya sa akin—hindi man kami tunay na mag-asawa sa damdamin, pero ang simpleng pagsabay naming kumain at pagsabay papunta sa trabaho, parang may ibang pakiramdam. Pero bago pa ako makapasok, naramdaman kong biglang tumigil sa paglalakad si Zachary. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkakunot ng noo niya. “Zach?” tanong ko, pero tila hindi niya ako narinig. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at doon ko nakita ang isang grupo ng tao na papalapit sa harapan ng restaurant—isang pamilyang may kaya, halata sa bihis at kilos nila. At sa gitna nila, ang isang babaeng mukhang model—maganda, elegante, at confident ang bawat hakbang. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Parang may kung anong kilig sa mga mata niya habang nakatingin kay Zachary. At doon na nga nangyari a
SIENA POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary sa loob ng sasakyan habang pauwi. Walang imikan. Pareho kaming parang may iniisip. Siguro dahil sa naging tanong nina Mama at Papa kanina—tungkol sa amin. Tungkol sa kung may nabubuo na ba. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Zachary sa dashboard. Napatingin siya rito. Tumatawag si Clarise. Hindi ko maiwasang mapatingin din. Hindi ko pinakita, pero kinurot ng kaunti ang puso ko. Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni Zachary. Hindi niya agad sinagot. Nakatitig lang siya sa screen na parang hindi sigurado kung itutuloy ang pagtanggap ng tawag o hahayaan na lang. “Baka importante,” mahinahon kong sabi. “Sagutin mo. O puntahan mo siya kung kailangan.” Napalingon siya sa akin, tila nabigla. “Sigurado ka?” Tumango ako kahit may konting sakit sa dibdib. “Oo. Kung kailangan ka niya ngayon, puntahan mo. Ayokong may masabi siya sa’yo… sa atin. Alam mo naman siguro kung ano ang tama, ‘di ba?” Hindi siya agad nagsalita. Pero kita ko s
SIENA POV Napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid ng ilog habang si Zachary ay abalang nagtatanggal ng sapatos at sumusuong na sa tubig. Tahimik lang ako. Wala akong balak makipagkulitan o makipagtawanan sa kanya. Hindi ako dumating dito para makipagbonding—dinala lang niya ako rito nang sapilitan, kaya wala akong intensyong makipag-cooperate. "Maligo tayo," sabi niya nang makalapit siya sa akin, sabay talsik ng tubig gamit ang paa. Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumalon siya sa tubig. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang suot niyang t-shirt. Nagtampisaw siya roon, parang bata. Si Zachary... wala rin pala siyang pakialam. Kaya tumayo ako. Tinanggal ko ang tsinelas ko at marahang lumusong sa malamig na tubig. Hindi para sa kanya. Para lang malamig ang pakiramdam. Para lang hindi ko maramdaman ang init sa dibdib ko—ang inis, ang inip, ang pagkalito. Naghiwalay kami ng direksiyon. Nasa dulo siya ng mababaw na parte ng ilog. Ako naman,
SIENA’S POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary habang nag-aalmusal sa labas, sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng bahay. Maganda ang panahon—presko ang hangin, at may kaunting sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon. Pero kahit gaano kaganda ang umaga, hindi ko maalis ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Mas nauna nang umalis sina Hannah at Tommy. May inihabilin pa si Hannah bago sumakay ng tricycle. “Ikaw na bahala diyan, Siena. Baka may matira pa sa puso mo.” Nakangiti pa siya habang binigkas 'yon, pero hindi ko na kinagat ang tukso. Wala ako sa mood makipagbiruan. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Zachary. “Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya. Suot pa rin niya ‘yung simpleng t-shirt na tila lalong nagpapatingkad sa kulay ng balat niya. Wala naman akong dapat ipag-init ng ulo, pero sa loob-loob ko… Naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit. “Oo, okay lang ako,” tipid kong sagot habang iniiwas ang tingin. Kinuha ko ang tinapay sa plato
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen