Habang naglalakad-lakad si Siena sa loob ng bahay, napansin niyang nasa labas si Zachary, abala sa pakikipag-usap sa telepono. May lalim ang ekspresyon nito, tila may seryosong pinag-uusapan.
Mula sa kinaroroonan niya, hindi niya marinig nang buo ang sinasabi ni Zachary, pero nahagip ng tenga niya ang ilang salitang nagpabigat sa loob niya. "Siguraduhin mong walang makakaalam tungkol sa kanya." Napatigil si Siena. Sino ang tinutukoy nito? Siya ba? Napatingin siya sa paligid. Malawak ang bakuran pero napapalibutan ito ng mataas na bakod at gate. Walang ibang bahay na malapit, walang kapitbahay na maaaring lapitan. Kung gugustuhin niyang lumabas o humingi ng tulong, wala siyang pupuntahan. Biglang lumingon si Zachary, at nahuli siya nitong nakatingin. Napalunok siya, pero hindi siya umatras nang humakbang ito palapit sa kanya. "Nag-eenjoy ka ba sa bagong tahanan mo, sweetheart?" tanong ni Zachary na may bahagyang ngisi sa labi. Hindi sumagot si Siena. Sa halip, tumingin siya nang diretso sa lalaki, pilit itinatago ang kaba sa dibdib. "Sino ang kausap mo?" Bahagyang napataas ang kilay ni Zachary bago muling ngumiti. "Bakit, may pake ka na ba sa akin ngayon?" Napakuyom ng kamao si Siena. Alam niyang nilalaro na naman siya nito. Pero sa halip na patulan ito, huminga siya nang malalim. "Gusto ko lang malaman kung may kinalaman ba ako sa pinag-uusapan niyo." Hindi agad sumagot si Zachary. Tila inaaral nito ang ekspresyon niya bago bumuntong-hininga at lumapit pa sa kanya. "Ikaw ang asawa ko ngayon, Siena. Ibig sabihin, lahat ng ginagawa ko… may kinalaman ka." Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagsabi nito—parang may mas malalim pang ibig sabihin sa likod ng mga salita nito. At iyon ang mas kinakatakot niya. Nagpigil ng inis si Siena at pilit pinakalma ang sarili. Alam niyang hindi siya dapat magpadala sa pang-aasar ni Zachary. May mas mahalaga siyang kailangang gawin—ang makausap si Louis. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Zachary, may hihilingin sana ako." Bahagyang napataas ang kilay ng lalaki habang nakasandal ito sa pader, nakataas ang isang kamay na tila iniinspeksyon ang mga kuko. "Hmm, interesting. At ano naman ang kailangan mo sa akin, sweetheart?" Pinilit niyang huwag patulan ang malisyosong tono ng boses nito. "Gusto ko sanang makausap si Louis." Biglang nawala ang bahagyang ngiti sa mukha ni Zachary. Mabilis itong tumingin sa kanya, ang dati’y pabirong ekspresyon ay napalitan ng malamig na titig. "Bakit mo siya gustong kausapin?" tanong nito, mababa ang boses ngunit ramdam ang bigat ng mga salita. Napalunok si Siena. "May gusto lang akong itanong sa kanya… tungkol sa nangyari." Tahimik lang si Zachary habang tinititigan siya, tila inaaral ang bawat galaw niya. Ilang segundo ang lumipas bago ito ngumiti, ngunit hindi iyon abot sa mga mata. "Tsk, tsk," anito habang umiiling. "Bakit hindi mo na lang tanungin ako? Ako naman ang may sagot sa lahat ng tanong mo, hindi ba?" Napakunot ang noo ni Siena. "Ano bang ibig mong sabihin?" Lumapit si Zachary sa kanya, hanggang sa halos magkalapit na ang kanilang mukha. "Ang ibig kong sabihin, sweetheart…" bulong nito, "hindi mo na kailangang hanapin si Louis. Dahil kahit anong gawin mo, kahit anong itanong mo sa kanya… hindi mo na mababago ang katotohanang ibinenta ka na niya sa akin." Nanlaki ang mga mata ni Siena. "Hindi totoo 'yan!" Napailing si Zachary. "Then go ahead. Hanapin mo siya. Pero sigurado akong hindi mo magugustuhan ang isasagot niya sa’yo." Ramdam ni Siena ang panlalamig sa katawan niya. Ano bang ibig sabihin ni Zachary? Totoo nga kayang may kinalaman si Louis sa nangyari? At kung ganoon nga… bakit niya nagawa iyon sa kanya? "Hahanapin ko siya, basta payagan mo akong makausap siya," matapang na sabi ni Siena, pilit pinapanatag ang sarili kahit na sa loob-loob niya ay may takot siyang nararamdaman. Saglit na tumahimik si Zachary, tila iniisip kung pagbibigyan ba siya o hindi. Pagkatapos ng ilang segundo, bahagya itong ngumiti—isang ngiti na hindi niya mawari kung may masamang balak o simpleng katuwaan lang. "Fine," sagot nito. "Payag ako. Pero may isang kundisyon." Napakunot ang noo ni Siena. "Ano na naman?" "Kukunin ko ang number mo," sagot ni Zachary habang inilalabas ang cellphone niya. "Para matawagan kita kung sakaling maisipan mong tumakas." Napairap si Siena. "Wala akong balak tumakas," aniya, pero kinuha pa rin niya ang cellphone ni Zachary at itinipa ang kanyang numero. "Good girl," ani Zachary nang ibalik niya ang cellphone dito. "Tawagan mo ako kung may gusto kang itanong. O kung sakaling mapagtanto mong ako ang mas mabuting piliin kaysa sa ex-boyfriend mong traydor." Napanganga si Siena sa sinabi nito. "Ano?!" Ngumisi lang si Zachary bago lumapit at bumulong sa tenga niya. "Magsimula ka nang mag-isip, sweetheart. Hindi lahat ng akala mong tama, ay tama nga." At bago pa siya makasagot, iniwan na siya ni Zachary, habang siya naman ay naiwan sa gulat at pagkalito. Pagkatapos makuha ang number ni Zachary, agad na umakyat si Siena sa kwarto niya at nagbihis. Alam niyang may pagkakataon na siyang makausap si Louis, kaya gusto niyang ipakita rito na hindi siya kawawa—na kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa. Isang pulang body-hugging dress ang isinuot niya, masyadong maiksi at hapit sa kanyang katawan. Halos kalahati ng dibdib niya ang litaw, at mas lalong pinatingkad ng kulay pula ang maputi niyang balat. Nang humarap siya sa salamin, ngumiti siya nang matamis. Tingnan natin kung sino ang mas mukhang talunan ngayon. Sa pagbaba niya, nakita niya agad si Zachary na nakaupo sa sofa, abala sa pagbabasa ng isang dokumento. Pero nang mapansin siyang pababa na, unti-unting bumagsak ang mga papel mula sa kamay nito. Agad nitong iniangat ang tingin sa kanya, at sa isang iglap, dumilim ang mga mata nito. “Saan ka pupunta nang ganyan ang suot mo?” malamig na tanong ni Zachary, bumangon ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Ngumiti si Siena, sinadya pang ikiling ang ulo at ipakita ang makinis niyang leeg. "Bakit? Hindi ba bagay sa akin?" Hindi sumagot si Zachary, pero bumakat ang tensyon sa panga nito. “Magpalit ka.” Napataas ang kilay ni Siena. “Excuse me?” Humakbang palapit si Zachary, ang matangkad nitong katawan ay halos matakpan na ang maliit niyang frame. “Hindi ka lalabas nang ganyan,” anito sa mababang tinig, halatang pinipigil ang inis. Nagtagis ang bagang ni Zachary. “Wala akong pakialam kung gusto mong ipakita ang katawan mo sa iba. Pero hangga’t nasa puder kita, susunod ka sa akin. At sinasabi ko sa’yo, hindi ka lalabas nang ganyan.” Tumawa si Siena nang sarkastiko. "Ano 'to, selos? Aba, hindi ko alam na may karapatan ka palang pagselosan ako." Mabilis ang sumunod na nangyari. Bago pa siya makapihit, mahigpit siyang hinawakan ni Zachary sa braso, ang init ng palad nito ay dumaloy sa balat niya. "Kung gusto mong lumabas, fine," malamig na sabi nito, unti-unting yumuko at idinikit ang labi sa tenga niya. "Pero hindi sa suot na 'yan. Hindi ko papayagang ibang lalaki ang tititig sa'yo nang ganyan." Napalunok si Siena, pero hindi siya papatalo. "At ano namang gagawin mo kung hindi ako magpapalit?" Nagngisi si Zachary, saka hinila ang kanyang baywang, dahilan para maglapat ang kanilang katawan. Ang init ng katawan nito ay parang lumulusot sa manipis niyang tela. “Subukan mong hindi magpalit, sweetheart," bulong nito, may halong pananakot at pang-aakit. "Malalaman mo kung paano ko didisiplinahin ang mga pasaway na asawa." Napalunok si Siena. Masyadong delikado ang laro niyang ito. At ang pinakamasama? Mukhang natatalo siya. Nagtagis ang bagang ni Siena. Ayaw niyang magpatalo, lalo na’t malinaw namang sinabi ni Zachary noon na temporaryo lang ang kasal nila. Kung gano’n, bakit parang inaangkin na siya nito? “Sabi mo, temporary lang itong kasal natin,” matapang niyang sagot habang nakapamewang. “Bakit kailangan kong sundin ang gusto mo? Hindi ba’t dapat may sarili akong desisyon?” Hindi agad sumagot si Zachary. Saglit siyang tinapunan nito ng malamig na tingin, bago marahang ngumisi. “Later, malalaman mo,” mahinahon nitong sagot, pero may bahid ng panunuya sa boses. Napapikit si Siena sa pagkainis. “Ano bang ibig mong sabihin?” Ngumisi si Zachary at bahagyang hinaplos ang kanyang baba gamit ang hinlalaki nito. “Sabik ka masyado, sweetheart,” anito sa mababang tinig. “Darating ang araw, mauunawaan mo rin kung bakit hindi kita hinayaang lumabas nang ganyan ang suot mo.” Naningkit ang mga mata ni Siena. “Ano ‘to, isang uri ng kontrol?” “Hindi.” Mabilis ang sagot ni Zachary. “Isa itong babala.” Napasinghap si Siena. Babala? Para saan? Ngunit bago pa siya makapagtanong, lumayo na ito at humakbang papunta sa pintuan. “Magpalit ka na kung gusto mo talagang lumabas,” anito habang isinusuot ang coat. “Kung hindi, sabihin mo na lang kung gusto mong manatili rito. Hindi naman kita pipilitin, pero siguradong pagsisisihan mo kung hindi ka makakapag-usap kay Louis.” Napatigil si Siena. Napalunok siya at napatingin sa kanyang suot. Alam niyang hindi siya bibigyan ng pagkakataon ni Zachary kung hindi siya susunod. At kung gusto niyang makausap si Louis… wala siyang ibang pagpipilian kundi magpalit ng damit. Nang akmang lalabas na si Siena, mabilis siyang hinila pabalik ni Zachary. Halos mabuwal siya sa lakas ng paghawak nito sa kanyang braso. "Saan mo iniwan ang singsing mo?" malamig na tanong ni Zachary, nakatingin sa walang palamuti niyang daliri. Napakunot ang noo ni Siena. "Ha? Bakit mo naman tinatanong?" Napangisi si Zachary, pero hindi ito ang tipikal na nakakalokong ngiti niya—ito ay may halong panganib. "Bakit? Dahil gusto kong siguraduhin na kahit temporary lang ang kasal natin, alam ng lahat na akin ka." Nanlaki ang mga mata ni Siena. "Excuse me? Akin? Hindi ba dapat hindi na natin ito pinapalaking issue?" Humigpit ang hawak ni Zachary sa kanyang kamay, dahilan para mapasinghap siya. "I don’t care kung temporary lang ‘to. Hangga't kasal ka sa akin, suot mo ang singsing na ‘yan. Unless gusto mong may makaalam ng totoong dahilan kung bakit ka napunta sa akin?" Napasinghap si Siena. Alam niyang hindi siya puwedeng pumalag ngayon, lalo na kung may tinatago silang kasunduan. Ayaw niyang mas lumala pa ang sitwasyon. "Hindi ko naman sinasadya," mahina niyang sabi. "Naiwan ko lang sa kwarto—" "Then, isuot mo." Mabilis na iniluwa ni Zachary ang singsing mula sa kanyang bulsa at walang babala itong ipinasok sa daliri ni Siena. Napasinghap siya sa bilis ng kilos nito. Ngayon, habang nakatingin siya sa kumikislap na singsing sa kanyang kamay, pakiramdam niya ay mas lalo siyang nakagapos sa kasunduang ito. "Hindi mo na ‘yan aalisin, sweetheart," bulong ni Zachary malapit sa kanyang tainga. "Dahil hindi kita hahayaang makawala nang gano’n lang."SIENA'S POV Pagkababa ko ng motor ni Zachary sa tapat ng restaurant, ramdam ko pa rin ang init ng palad niyang humawak sa bewang ko kanina habang nakaangkas ako sa likod niya. Napatigil ako saglit, inayos ang buhok kong ginulo ng hangin. Hindi ko namalayang nakatitig pa rin siya sa akin habang ginagawa ko 'yon. "Pasok ka na," aniya, may bahagyang ngiti sa labi. "'Wag mo kong ipagpalit sa kape niyo d'yan, ha?" Napairap ako. "Baka ikaw nga 'yung palitan ng kape. Mas sweet pa sa’yo." Tumawa siya ng mahina at saka tumalikod na. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, sumigaw si Hannah mula sa loob ng restaurant. "OY! Kinikilig na ako!" Namilog ang mga mata ko. Tangina, Hannah. Lumapit siya agad sa akin, may dalang tray ng bagong lutong pandesal at kape, pero hindi 'yun ang intensyon niya. Kitang-kita ko sa mata niya—may gustong alamin 'tong babaeng 'to. "Aba, aba, aba! Iba na 'yan, ah. Hinahatid ka na talaga ni mister? May label na ba kayo, ha? Sagot!" "Hannah, pwede ba? Um
Hapon na nang lumabas si Siena mula sa opisina. Pagod na ang katawan niya, ngunit mas pagod ang isipan niya. Buong araw niyang binuhos ang sarili sa trabaho—paperworks, pagtanggap ng orders, pakikipag-usap sa mga tauhan, pag-aasikaso sa inventory. Hindi niya binigyan ng kahit isang segundo ang sarili para huminto. Ayaw niyang may oras siyang mapaisip. Dahil kapag huminto siya, babalik sa alaala niya ang tagpong tumatak sa isip niya kaninang umaga—ang babaeng humalik kay Zachary, at ang hindi mapakaling ekspresyon ng asawa niya habang kausap ito. Pigil ang bawat buntong-hininga niya habang binabaybay ang daan palabas ng restaurant. At pagkalabas niya sa main entrance, agad siyang sinalubong ng isang pamilyar na presensya. “Siena.” Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ito pinahalata. Tila wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit hinawakan siya ni Zachary sa braso. “Siena, please. Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin. Hindi rin siya nag
SIENA POV Pagkarating namin sa tapat ng restaurant, agad akong bumaba sa motor. Tumalikod ako kay Zachary at nag-ayos ng buhok habang bitbit ang bag ko. Ramdam ko ang simpleng kilig dahil sa paghatid niya sa akin—hindi man kami tunay na mag-asawa sa damdamin, pero ang simpleng pagsabay naming kumain at pagsabay papunta sa trabaho, parang may ibang pakiramdam. Pero bago pa ako makapasok, naramdaman kong biglang tumigil sa paglalakad si Zachary. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkakunot ng noo niya. “Zach?” tanong ko, pero tila hindi niya ako narinig. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at doon ko nakita ang isang grupo ng tao na papalapit sa harapan ng restaurant—isang pamilyang may kaya, halata sa bihis at kilos nila. At sa gitna nila, ang isang babaeng mukhang model—maganda, elegante, at confident ang bawat hakbang. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Parang may kung anong kilig sa mga mata niya habang nakatingin kay Zachary. At doon na nga nangyari a
SIENA POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary sa loob ng sasakyan habang pauwi. Walang imikan. Pareho kaming parang may iniisip. Siguro dahil sa naging tanong nina Mama at Papa kanina—tungkol sa amin. Tungkol sa kung may nabubuo na ba. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Zachary sa dashboard. Napatingin siya rito. Tumatawag si Clarise. Hindi ko maiwasang mapatingin din. Hindi ko pinakita, pero kinurot ng kaunti ang puso ko. Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni Zachary. Hindi niya agad sinagot. Nakatitig lang siya sa screen na parang hindi sigurado kung itutuloy ang pagtanggap ng tawag o hahayaan na lang. “Baka importante,” mahinahon kong sabi. “Sagutin mo. O puntahan mo siya kung kailangan.” Napalingon siya sa akin, tila nabigla. “Sigurado ka?” Tumango ako kahit may konting sakit sa dibdib. “Oo. Kung kailangan ka niya ngayon, puntahan mo. Ayokong may masabi siya sa’yo… sa atin. Alam mo naman siguro kung ano ang tama, ‘di ba?” Hindi siya agad nagsalita. Pero kita ko s
SIENA POV Napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid ng ilog habang si Zachary ay abalang nagtatanggal ng sapatos at sumusuong na sa tubig. Tahimik lang ako. Wala akong balak makipagkulitan o makipagtawanan sa kanya. Hindi ako dumating dito para makipagbonding—dinala lang niya ako rito nang sapilitan, kaya wala akong intensyong makipag-cooperate. "Maligo tayo," sabi niya nang makalapit siya sa akin, sabay talsik ng tubig gamit ang paa. Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumalon siya sa tubig. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang suot niyang t-shirt. Nagtampisaw siya roon, parang bata. Si Zachary... wala rin pala siyang pakialam. Kaya tumayo ako. Tinanggal ko ang tsinelas ko at marahang lumusong sa malamig na tubig. Hindi para sa kanya. Para lang malamig ang pakiramdam. Para lang hindi ko maramdaman ang init sa dibdib ko—ang inis, ang inip, ang pagkalito. Naghiwalay kami ng direksiyon. Nasa dulo siya ng mababaw na parte ng ilog. Ako naman,
SIENA’S POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary habang nag-aalmusal sa labas, sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng bahay. Maganda ang panahon—presko ang hangin, at may kaunting sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon. Pero kahit gaano kaganda ang umaga, hindi ko maalis ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Mas nauna nang umalis sina Hannah at Tommy. May inihabilin pa si Hannah bago sumakay ng tricycle. “Ikaw na bahala diyan, Siena. Baka may matira pa sa puso mo.” Nakangiti pa siya habang binigkas 'yon, pero hindi ko na kinagat ang tukso. Wala ako sa mood makipagbiruan. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Zachary. “Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya. Suot pa rin niya ‘yung simpleng t-shirt na tila lalong nagpapatingkad sa kulay ng balat niya. Wala naman akong dapat ipag-init ng ulo, pero sa loob-loob ko… Naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit. “Oo, okay lang ako,” tipid kong sagot habang iniiwas ang tingin. Kinuha ko ang tinapay sa plato