THIRD PERSON’S POV
“Wala pa bang balita sa private investigator?”
Niluwagan niya ang suot na necktie at uminom ang lalaki sa hawak na baso na may lamang kaunting alak. Kakatapos ng meeting niya sa isang malaking kliyente ng kompanya.
Nagkibit balikat ang lalaking kaharap niya. “Wala pang balita, hindi pa siya tumatawag ulit,” sagot nito sa kaniyang amo.
Sabay silang napakunot noo. Nagtataka sila kung bakit natagalan ang private investigator samantalang isa lang namang ordinaryong tao ‘yong pinaiimbestihan nila.
Napatulala ang lalaki habang hawak-hawak ang baso sa kanang kamay nito at tila malalim ang kaniyang iniisip.
Nagulat ang sekretarya nang biglang tumayo ang kaniyang amo. Mukhang alam niya na ang susunod na sasabihin ng lalaki.
“Let’s go.” At dah
THIRD PERSON’S POV“So, any news to that b*tch?”“Besides that they are still together, I got a news that her parents are in the hospital, Ma’am,” wika ng kaniyang driver, inutusan niya itong bantayan ang mga galaw at mga pupuntahan ni Isla.“Id*ot! Alam ko na ‘yang mga ‘yan! Wala bang bago?!” sigaw ng dalaga sa kausap.Umiling ng dahan-dahan ang driver niya. “Wala ka talagang kwenta kahit kailan!”Dahil sanay na ang kaniyang driver sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kaniyang amo ay tinatanggap niya na lamang ito at saka inilalabas sa kabilang tainga. Pasok sa isa, labas sa kabila.“Well, Ma’am, may balit─”“Ano? Siguraduhin mo lang na matutuwa ako dyan!”Napapikit ang driver sa mu
ISLA'S POV"Isla, saan mo nakilala 'yon? Gaano na kayo katagal no'n? Gaano mo na kakilala 'yon?"Napahinto ako sa pagtipa sa laptop ko nang marinig ko ang tinig ni Mama na nang-uusisa. Naging sunod-sunod pa ang kaniyang mga tanong.Halos kakaalis lang ni Tobias dito sa kwarto at nilabas ko na agad ang laptop ko dahil sigurado akong gigisahin na naman ako ni Mama at ito na nga, tama ang hinala ko.Ramdam ko ang pagkabog nang malakas ng puso ko. Sabi ko na nga ba hindi na naman ako titigilan ni Mama. Kaya sobrang kinakabahan din ako na biglang dumating si Tobias dito ay sobrang istrikta talaga ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.Hindi ko pwedeng sa club kami nagkakilala at mas lalong hindi ko pwedeng sabihin ang tunay na dahilan kung paano kami nagkakilala ni Tobias.Buti kay Papa ay ayos lang sa kaniya 'tong mga ganito. Si Mama talaga
ISLA'S POV"Hoy! So, kailan ako pwedeng bumisita kila Tita?" Rinig kong tanong sa akin ni Sasa. Ang lakas pa nga ng boses. Tsk.Hindi ko siya nilingon at nagkibit balikat na lang bilang sagot."Ate! Ate! Isang rice pa nga po tapos dalawang soft drinks!" rinig ko na namang sigaw niya sa tindera dito sa karinderyang pinagkakainan namin ngayon. "Ikaw ba, Isla? Gusto mo pa?"Umiling ako at napabuntong hininga."Iyon lang po, ate! Salamat po," dagdag niya.Buong maghapon akong walang gana. Actually, halos buong gabi akong nag-isip ng kung ano-ano. Lahat ng sinabi sa akin ni Mama ay parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak ko. Hindi ko nga namalayan ang oras, kung hindi ko pa siguro nakita sa bintana ko na magliliwanag na ay hindi pa ako matutulog. Kaya ito, puyat akong pumasok kanina.Hindi ko maiwasang mag-ov
ISLA'S POV"Do you really need to go? Baka mabinat ka. Gusto mo sabihan ko si Ra─""Hindi nga pwede, ano ka ba? Ayos na ako, 'di ba? Normal na 'yong temperature ko at isa pa, hindi na ako pwedeng lumiban at baka mahuli na ako," sabi ko kay Tobias habang kumakain kami ng umagahan.Hindi rin nagtagal 'yong lagnat ko, bumaba rin temperature ko kaninang madaling araw.Ngumuso siya at nagpapaawa. Tumawa ako sa hitsura niya kaya sinubuan ko na lang siya ng hotdog."Magaling na ako kasi, magaling din 'yong nag-alaga sa akin," usal ko sa kaniya at binigyan ko siya ng flying kiss na ikinapula ng tainga niya.Ang cute!"I know, babe," nakangiting sabi niya na para bang proud na proud siya sa ginawa niya.Tumango ako sa kaniya. "Ikaw? Hindi ka ba busy? Kung hindi, magpahinga ka na lang, alam k
ADAM'S POVTumalikod ako sa kaniya at binuksan ang pinto para sa kaniya.Hindi man lang siya gumalaw dahil nanatili ang kaniyang mga mata sa akin. Hindi ko mabasa ang emosiyong pinapakita niya sa akin ngayon, ngunit isa lang ang sigurado ako dahil nabanggit niya ang salitang girlfriend, maaaring tungkol ito kay Isla at maaaring pinaimbestigahan niya na ito nang hindi ko alam.Nakita ko ang pag-iling kasabay ng pag-ngisi niya. "Tsk. Baka nakakalimutan mo, anak, na ako ang may-ari ng kompaniyang ito."Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagkainteres na bumisita sa akin ngayon dito samantalang ilang taon niya naman akong pinabayaan sa ibang tao.Sa
THIRD PERSON'S POVMatinding inis at galit ang naramdaman ni Tomas paglabas niya sa opisina ng kaniyang anak."Mukhang nagkamali ako sa pag-underestimate sa kaniya. Alam na alam niya rin kung paano makisali sa laro," bulong niya sa kaniyang sarili pagkasakay niya sa sasakyan niya. Nasa loob naman ang driver niya na kanina pa naghihintay sa kaniya.Muli ay nag-isip na naman siya nang maaaring gawin para maghiwalay ang kaniyang anak at ang kaniyang girlfriend na si Isla.Wala pang impormasiyong dumadating sa kaniya galing sa matalik niyang kaibigang private investigator din. Sa sobrang inip niya ay pinuntahan niya na ang kaniyang anak kahit na hinala pa lang ang mga nalalaman niya tungkol sa babae.Pero dahil marunong din makipaglaro si Tobias ay wala siyang napala.Habang nag-iisip ay naalala niya ang itsura ng ka
ISLA'S POVAkala ko noon sa libro at sa panood lang nangyayari ang mga ganito. Hindi ko naman akalain na mangyayari rin sa totoong buhay, sa buhay ko pa.Alam niyo 'yon? Iyong bida ay hindi tanggap ng mga magulang ng mahal niya kasi nga mahirap ka lang at mayaman sila.Akala ko sa libro lang 'yong mga taong walang puso at mga sarili lang nila iniisip nila, akala ko ginagawa lang ng mga authors 'yon para mas maging exciting 'yong mga eksena.Totoo pala talaga 'yon. Sabagay books are close to reality.Nakakatawa lang na kaharap ko na ngayon 'yong akala ko ay sa panood at libro lang nag-e-exist.Pormal na pormal siyang nakaupo pati ang pag-inom ng kape niya ay sobrang pormal din. Ito 'yong mga taong sa tinding pa lang malalaman mo ng hindi pa kailan man nakaranas ng kahirapan sa buhay.Pinanganak siyang gi
ISLA'S POVHindi ako nararapat kay Tobias?Alam ko naman na 'yon… pero masakit din pala kapag may nakapagsabi na sa 'yo, lalo na at galing sa tatay niya mismo.Sino ba talaga ang makakapagsabi kung sino ang talagang nararapat na mahalin ni Tobias? Or sino ba talaga ang makakapagsabi kung tama o mali na ang nararamdaman namin?Anong batas ba dito sa Pilipinas ang makakapagsabing bawal maging mag-boyfriend ang mahirap at mayaman?Mayro'n ba? Kasi sa pagkakaalam ko, wala naman eh.Kaya bakit para sa kaniya ay hindi ako karapat-dapat kay Tobias?"Money can buy happiness ika nga. Alam ko namang pera lang ang happiness ng mga katulad niyong mahihirap. Kaya sige na, name your price."Nakakainsulto, hindi ba? Pero at some point, tama naman siya. Siguro, kapag may pera lang kami 90 pe