Share

KABANATA 5: Scandal

Hindi ba’t kasama niya lang si Marian kanina? How can he be here at this moment? No, how did he even know that I’m here?

Naglinga-linga ako ng paningin at nakita si Faye sa kaniyang likuran, nagtatago. 

Nakagat ko ang ibaba kong labi. I thought she’s already asleep! Talagang nagsumbong pa siya kay Ezekiel. But did he really leave Marian just to get here? Is he for real?!

Gulong-gulo akong nakatitig kay Ezekiel. Habang siya naman ay nag-aapoy sa galit akong tinitigan at paminsanang lumalandas ang paningin kay Brantley sa aking likuran.

“Who are you?” Pagtatanong ni Brantley na umabante para itago ako sa kaniyang likuran. 

Mariin akong napapikit. Ano ba talagang ginagawa niya rito? Walang nakakaalam na mag-asawa kaming dalawa!

“Serena!” Ma-awtoridad akong tinawag ni Ezekiel. “Come here.”

Sunod-sunod akong napalunok. Napamulagat ng mga mata sa kaba. Akma na sana akong hahakbang nang harangin ako ng likuran ni Brantley. 

“What the fuck, man? Sino sa tingin mo ang inuutusan mo?” Giit niya pa. 

“What did you say?”

Napalinga-linga ako ng paningin sa paligid at nataranta nang makitang naagaw namin ang atensyon ng mga staff. Humina rin ang tunog ng music at nangingibabaw ang mga boses nilang dalawa!

“Sino ka para magsalita ng ganiyan kay Serena? Ayus-ayusin mo ang tono ng pananalita mo. Are you even invited here? Who the hell let you in?”

“L-Ley—”

“Do you really need to know who I am? I have far more right to call my wife however I want than you do.”

Huminto ang paghinga ko sa binitawang salita ni Ezekiel. N-No! No!!

Dali-dali kong tinulak si Brantley para makadaan at lumapit kay Ezekiel. 

“Shut up!” Mahigpit kong pinisil ang kaniyang braso at magkasalubong ang kilay siyang tiningala. 

Subalit wala ring sinsama ang titig niya sa akin. Mas hinigit niya ako papalapit sa kaniya. “What the fuck are you doing with him?” madiing tanong niya sa akin, ramdam ko ang galit. 

Mas nagsalubong ang kilay ko, nilalabanan ang titig niya. “Whatever do you mean?”

He frowned even more at hinila ako. “Let’s go home.”

“I know! Stop pulling me so hard!” Sasama naman ako pero plano niya pa ata akong kaladkarin. Nakakahiya sa mga nakakakita. 

“Serena! Where are you going?!” Hinila ni Brantley ang isa kong braso mula sa likuran dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad, ganoon din si Ezekiel.

Natataranta ko siyang nilingon at pilit binawi ang braso kong hawak niya. “Ley, I’ll explain to you the next time we meet—”

“Let go of my wife!” Ezekiel’s voice echoed like a thunder that shocked everyone, even me!

Halo-halong emosyon ko siyang nilingon. “Ezekiel! Shut up!”

Subalit ang madilim niyang paningin ay nakatingin kay Brantley na para bang handa siyang saktan ito kahit anong oras. Mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa braso ko saka pwersahan akong hinila dahilan upang mabitawan naman ako ni Brantley sa kabilang braso. Nasubsob ang mukha ko sa dibidb niya na mas lalo pang nagpabugso ng damdamin ko. 

Why is he making a scene?! Kung wala na siyang pake sa reputasyon niya, pwes ako meron!! 

“What the hell, man? Who are you calling your wife here??” Naguguluhan subalit sarkastikong tanong ni Brantley at narinig ko pa ang pasinghal niyang pagtawa. “If you’re drunk, don’t drag Serena with you! Do you even know who she is?! You let her go!!”

“Ha!” He chuckled horrifyingly. “Of course I know who she is. She’s my wife and I am her husband!” 

Halos lumuwal ang mga mata ko sa gulat. Narinig ko ang mga pagsinghap ng hangin ng mga taong nakapalibot sa amin. Tuluyan nang namatay ang music, at halos lahat ng nasa loob ng bar ay nasa amin ang atensyon. 

Hinihingal sa sobrang bilis ng paghinga kong tiningala si Ezekiel. Our privacy… Why is he revealing our secret?! Why is he making a scandal over nothing?!

“S-Serena?” Nagtatanong ang boses ni Brantley na tinawag ang aking pangalan. 

Mariin akong napapikit at pinigilan ang aking hininga. Pinilit kong ngumiti ng malaki sa kanilang lahat na animoy natatawa sa nangyayari. 

“Please, I’m sorry for this! My COUSIN is just drunk and spitting nonsense! Please pardon us, I need to take him home!”

Walang anu-ano kong hinila paalis sa crowd si Ezekiel, kahit pa nagmamatigas siya at wari’y gustong i-rebuttal ang sinabi ko. 

Nang makarating sa parking lot ay saka ko siya binitawan at napabulalas siyang hinarap. 

“Anong kagaguhan ‘yon, Ezekiel?! Nag-iisip ka ba?!”

Subalit hindi na naalis sa mukha niya ang pagiging madilim nito at mas galit pa sa akin. 

“Fuck it, Serena! You’re kissing a guy behind my back even if there’s no camera! Talaga bang ginagago mo ‘ko?!”

“ANO?!” Hindi makapaniwala akong nakipagtaasan ng boses sa kaniya. “Nakikipaghalikan sa iba nang walang camera? Bulag ka ba o ano?!”

“Now you’re denying it?” He snorted in disbelief. “Do you really take me for a fool, Serena? Is that how you see me?”

Napakabilis ng pagtibok ng puso ko sa sobrang sama ng loob. “But then what? Nakikita mo ba ‘ko bilang malandi na ginawa talaga ‘yang bintang mo sa’kin?!”

Nagtiim-bagang siya. “Damn it! If that wasn’t the case, what in the goddamn world are you doing in a bar with him late at night?! Isn’t it as clear as a day that you sneaked out to secretly flirt with him?” Sarkastiko siyang napaasik. “What? You enjoyed those kissing scenes you’re making with him that you can no longer wait for another take?”

Napaawang ang labi ko nang labis na mainsulto sa binitawan niyang salita. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko, at alam kong unti-unti na itong namumula kung kaya’t napaiwas ako ng paningin para pigilan ang namumuong luha.

Sandali ay hindi ko malaman ang sasabihin dahilan upang manaig ang katahimikan. 

Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob para bumuwelta ng ganito sa akin. The last time I checked, he’s also flirting with another woman.

Sa isiping iyon ay peke akong natawa, saka nagkaroon ng lakas na loob siyang titigan muli ng masama. 

“Seriously? Ano nga bang pakialam mo sa buhay ko kung gano’n man ang ginagawa ko behind your back?” sarkastiko akong ngumisi. “Bakit? Pinapakialaman din ba kita? May narinig ka bang salita sa’kin tungkol sa pagkikita niyo ni Marian?”

His eyes widened. Napakurap siya at bumuka ang kaniyang bibig subalit walang salita ang lumabas. 

“Hindi ba’t kagagaling mo lang din kay Marian? Talagang iniwan mo pa siya para lang gumawa ng iskandalo rito!” dagdag ko pa at napailing. “Tutal wala ka namang pakialam kung masira ang pangalan ko sa publiko, puwede bang gawan mo na rin ako ng pabor at ‘wag ka na lang mangialam sa buhay ko?!”

“We have a contract!!” Tinangka niya akong hawakan na mabilis ko ring inilagan. Mabilis na tumataas-baba ang dibdib niya. 

“So what?! W-We’re only husband and wife on paper and nothing more than that!”

Bago pa magsipagbagsakan ang mga luha ko ay mabilis ko na siyang tinalikuran. Malabo man ang mga mata ay nahanap ko parin ang sasakyan kong nakaparada at nagmamadaling pumasok doon bago niya pa maabutan.

“Serena, wait!” tinapik-tapik niya ang bintana ng sasakyan ko. 

Hindi ko na siya narinig nang buhayin ko ang makina at sinimulan iyong paandarin upang makaalis kaagad sa lugar. 

Fuck him! I’m never going to come home to that lifeless mansion of his!

If only I can pay off the debts of my mother worth a hundred years of lifetime hardwork… If only I had run away from that burden and responsibility in the first place…

Binilisan ko ang pagmamaneho sa pag-apaw ng damdamin. Everything is too much to bear!

Lumaki ako nang may abusado at manlolokong ama, ina na pinagkakakitaan ako sa pagsalang sa akin sa entertainment industry at toxic na asawa na gaya ni Ezekiel!

For once, wala man lang ba akong mauuwian at matatawag na tahanan?!

“Ah!” Nahinto ko ang sasakyan nang maglikot ang sikmura ko at naipon ang suka sa aking bibig.

Mabilisan kong ginilid ang sasakyan sa tabing gilid ng park at lumabas para sumuka sa kalapit na puno.

“F-Fuck this life!” 

Nakaramdam ako ng pagkahilo at ilang sandali pang napasuka. Ngayon ko lang naramdaman ang epekto ng alak. 

Pinunasan ko ang labi ko, gayundin ang natitirang luha sa mga mata ko at saka suminghap ng hangin. Nahimasmasan ako habang tinatanaw ang madilim na dagat. Mabuti na lamang at naka-jacket ako at hindi masyadong nilalamigan sa simoy ng hangin. 

“Nahabol din kita.”

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang malambing na boses na iyon galing sa aking likuran. 

“L-Ley? Anong… did you just follow me all the way here??” 

“Ano pa nga ba?” Napabuntong-hininga siyang tumabi sa kinatatayuan ko. Puno man ng lungkot at panlulumo ang mga mata niya ay pilit siyang ngumiti. “I heard everything, Serena, about your argument with… your husband,”

Kumibot ang labi ko. Muli na namang nangilid ang mga luha ko saka ako napayuko sa aking sapatos. 

“I’m sorry, w-we made a fuss… I’m sure nakarating na ‘yon kay Direk Sam.”

“Don’t worry about Direk Sam, worry about all the people that also heard what happened earlier.” he gently patted my head and chuckled. “But it’s better if you don't think about it now. Masyado nang mabigat ang dala-dala mo.”

“Aren’t you embarrassed of me or even feel a little disgusted? I married someone for his money, Ley. But knowing how heartless he is, I still fell in love with him. How ridiculous am I, right?”

Napatikhim ako ng hangin nang biglaan niya akong niyakap nang mahigpit! 

“You’re not, Serena. Even at your worst, you’re still the best woman I ever met. A true definition of a strong, independent woman. You’re brave for not running away, for taking responsibility for your parent’s trouble. You’re always trying your best, even though you hate something. I now know what has been bothering you for all this while… and I hate seeing you feeling miserable because of them…. I really hate it.”

Mabilis na nagsipagbagsakan ang mga luha ko sa binitawan niyang mararahang salita. Nanginig ang mga labi ko at sunod-sunod na napahikbi. 

“L-Ley…” Kusa akong napayakap sa kaniya pabalik at umiyak sa kaniyang dibdib. “W-What did I do to deserve this kind of life, Ley? Pagod na ‘ko… pagod na pagod na ‘ko! K-Kahit na pilitin ko ‘yung sarili ko maging masaya, palagi na lang mabigat sa dibdib! H-Hindi ko na kayang magpanggap… h-hindi ko na talaga kayang ipeke lahat! Para na akong malulunod, Ley…”

Hindi ko napigilan ang pagsabog ng damdamin ko at naibuhos sa kaniya ang naipon kong mga luha. 

“I only dreamt of a happy and peaceful family… but everything was already messed up from the moment my father left us to marrying that man for money!” 

Mariin akong napapikit at dinama ang pinipiga kong puso. “Whenever I love someone, it only causes me tons of pain. Pero sa tuwing tinitigasan ko ang puso ko, ako pa ‘tong lumalabas lagi na masama. T-Tell me what else should I do, Ley? H-Hindi ko na talaga alam…”

“Then stop being too selfless, Serena.” hinagod niya ang likuran ko, animo’y pinapatahan. “Be selfish for once and save yourself from the pit of fire. Nobody can save you but yourself, but I’m also here to be the way for that to happen.”

Ilang minuto akong hindi nakatugon. Tinahan ko muna ang paghikbi ko at pinakalma ang aking pagsinok bago tumugon. Bahagya akong humiwalay ng yakap sa kaniya para tingalain siya. 

“Anong ibig mong sabihin?”

Marahan niyang hinaplos ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang luha ko roon. Maigi niya akong tinitigan, ang mga mata ay puno ng sinseridad. 

“Ang totoo niyan… I’m not a good actor, Serena. I could never fake a spark whenever I’m looking at you. It’s all… No, all the so-called ‘acting’ of being in love with you is true. Bago pa magsimula ang SereLey, matagal na akong may gusto sa’yo, and I even fell harder when we get to worked together.”

“B-But Ley… I-I’m… kasal na ‘ko.” dumagundong ang puso ko sa kaba. “I-I can’t be with you—”

“But he’s treating you badly. The way he talks to you, yells at you and even holds you? You don’t deserve someone like him! ‘Wag mo ‘kong asahan na tatayo lang sa isang tabi, pipigilan ang nararamdaman ko habang sinasaktan ka niya. Because I’m selfish, Serena. Aagawin kita hanggang sa makakaya ko kahit kasal pa kayo.”

Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. I always saw him as a soft and gentle person, but now he looked determined and fierce which is unfamiliar. 

Ganoon na lang kalakas ang pagtibok ng puso ko sa confession niya. Matagal akong hindi nakatugon at sa halip ay napaatras. 

“But that’s cheating… I-I’m already married and l-love my husband.” Ani ko na para bang naduwag at natauhan mula sa pagbreak-down ngayon-ngayon lang. “Besides… may kontrata ako kay Ezekiel. I cannot terminate it unless I pay all my mother’s debts.”

“How much is that?” kuryoso niyang tanong. 

Nakagat ko ang ibaba kong labi at binulong sa kaniya ang nakakahiya sa laki na utang ni mama mula sa iba’t-ibang tao kasama kay Ezekiel na siyang nagbayad sa mga ito kapalit ng pagkakasal naming dalawa.

Inaasahan kong malulula siya sa presyong sinambit ko o magkakaroon ng side comment. Subalit hindi man lang siya kumurap.

“What if I paid all the money? Would you be willing to annul him and be with me?”

“ANO?!” Napatakip ako ng bibig. “Are you crazy? Why would you go to such length just for me? Do you even have that kind of money? That’s not a good joke, Ley!”

Malalim siyang napabuntong-hininga. “I’m very serious right now, Serena. You don’t know anything about me or my wealth. I love you, and if this is the only way I could get you away from him, I would not hesitate to do it.”

Madiin kong nasarado ang bibig ko. Kahit saang anggulo ko tingnan ay napakaseryoso niya. Ngayon ko lang din siya nakitang ganito kaseryoso sa tagal naming magkasama. 

Nanlamig ako sa kinatatayuan nang lumapit ang mukha niya sa akin at dampihan ng halik ang aking noo. 

“If you decide to be selfish one day, run to me and we’ll both disappear from their lives. I promise I’ll treat you so much better than you deserve. Give you everything in this world, and we’ll be a family you dreamt of, Serena. If I break that promise, I’ll give you the right to kill me.”

Mas lalo akong nanigas dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Wala akong ibang marinig kundi ang lakas ng pagtibok ng aking puso. 

I never heard a confession and promises like this before. Many men tried their best to pursue me, pero iba ang dating ng kay Brantley. 

He’s like the snake, tempting me to eat the apple.

How I wish… I shouldn’t have taken a bite.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Omar Gregorio
nice chapter.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status