Share

KABANATA 89: Marry me!

Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.

Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.

Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko ‘to.

“Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?” may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. “I remember dito kayo nag-shoot no'n.”

“Ha?” natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. “Dito ba ‘yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena.” hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. “Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa ‘kin noon para pati ‘to malaman mo?”

Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status