Share

KABANATA 4: Disastrous Night Out

I’ve been tossing around the bed, but I can’t seem to fall asleep at all.

Napaupo ako sa kama saka napabuntong hininga.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng drawer at tiningnan ang messages. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong nadismaya.

Bakit pa nga ba ako umaasang ite-text niya ako para i-update sa buhay niya?

Eleven p.m. na subalit hindi parin umuuwi si Ezekiel. Alam kong five pa lang ay out na niya, kung overtime man, dapat kaninang nine o ten pa siya nakauwi.

If he’s not going home, then fine! Kaya nga’t ayaw kong masanay na katabi siyang matulog, kasi ako itong nagsusuffer kapag bigla-bigla siyang nawawala.

Gumaganti ba siya sa’kin o baka naman may ibang pinagkakaabalahan? Not to mention, Marian?

“Shit, I shouldn’t feel like this.” napahilamos ako ng mukha sa pagkadismaya sa sarili.

Subalit sa kalagitnaan ng panlulumo ay malakas na tumunog ang cellphone kong hawak.

Taranta kong tiningnan ng screen sa pag-aakalang tumawag na siya sa wakas. Subalit agad ding natigilan nang makita ang pangalan ni Brantley doon imbes na sa kaniya.

Malalim akong nagpakawala ng hininga bago iyon sinagot.

“Ley? Why are you calling late at night?”

“Serena, nasa’n ka na? I’ve been waiting for you to come here." Maingay ang background sa kabilang linya kung kaya’t sumisigaw siya.

“Huh? Bakit? Anong meron?”

“What do you mean, ‘anong meron’? Hindi mo ba na-receive ang message ko kaninang umaga?”

“Um?” Inalis ko ang aking cellphone sa aking tainga para halungkatin ang messages, subalit walang bagong text na natanggap. “No, Ley. Wala akong natanggap na message, Anong meron?”

“That’s weird! Ikaw pa nga ang unang minessage ko. No wonder I didn’t get a reply,” aniya. “Anyway, I told you na ‘wag kalimutan ang birthday celebration ni Direk Sam, but I know it’s you, so you’ll still forget! Nandito na lahat ng staff, so come here! We’ve been planning this since last month.”

“Oh!” Napatalon ako paalis sa kama. “Oh my gosh, bakit nakalimutan ko na birthday ni Direk Sam! Argh! Wala akong gift or anything! Wala rin akong naprepare na masusuot.”

“No need! Puwede mo naman hinahabol ang gift sa susunod. But now it’s important for you to show up, or else magtatampo si Direk! We’re only wearing casual clothes; you don’t have to overdress.”

Nagmamadali akong tumakbo sa closet ko para maghanap ng maisusuot. “Anything will do?”

“Yes, dear.”

“Nagsisimula na kayo? Text me the location now, and I’ll get ready!”

“Kakasimula pa lang. Na-send ko na ang location, but ‘wag magmadali sa byahe, be careful.”

“Yes! Thank you. Bye now!”

“See you!”

Binaba ko na ang tawag at nagsimulang pumili ng black jeans, white top, at black jacket. Tutal ay casual lang naman at gabi na, light makeup lang din ang nilagay ko.

Hindi ko parin matanggap na nakalimutan ko ang night out na ‘to. Masyado akong namomroblema sa personal kong buhay at nakakalimutan ko nang magsaya.

Dahil tulog na halos lahat ng mga maids, maging si Faye, hindi ko na siya inabala pang gisingin at tahimik na umalis ng mansyon. Ganoon din si kuya Pier, kung kaya’t kinuha ko ang sarili kong sasakyan para magmaneho sa sarili ko.

Wala pang thirty minutes ay nakarating na agad ako sa nakareserved na bar. Pagpasok ko sa loob ay nabingi ako sa lakas ng music at nawili sa mga nagsasayawan na mga staff ng “The Wife’s Illicit Affair’.”

“Serena!!” Nagmamadaling lumapit sa akin si Brantley nang may malaking ngiti sa labi.

“Ley!” Bahagya naming niyakap ang isa’t-isa at agad ding humiwalay. “Nasaan si Direk Sam?”

“Inside, let’s go!” Hinila niya ako sa loob.

Maraming tao ang nilusutan namin, ang iba pa’y nakita agad ako at binati. Mabilis ko lamang silang tinutugan at patuloy na sumusunod kay Ley.

Nang makarating sa VIP room ay doon ko lamang nakita si Direk Sam, kasama ang mga tao sa likod ng aming umeereng teleserye.

“Direk Sam! Happy Birthday!” masigla akong lumapit sa kaniya.

"Finally, my dearest, you made it!”

Nakakahiya man na wala akong dalang kahit ano kundi ang sarili ko ay para namang wala lang iyon sa kaniya. Agad nila akong inabutan ng baso ng alcohol at nagkwento tungkol sa mga feedbacks ng aming teleserye.

Hindi mapagkakaila ang pagkatuwa ni Direk Sam sa aming palabas lalo pa’t hindi iyon nawawala sa trending. Iyon halos ang bukang-bibig niya, kahit pa ngayon ay kaarawan niya.

Hindi nagtagal ay nahawa ako sa katuwaan nila at agad na nakipagsabayan. Subalit sa kalagitnaan ng kasiyahan ay tumunog ang cellphone ko.

Nang tingnan ko ang screen ay nakita kong may dalawang mensahe si Raquel.

‘I can’t believe my eyes! Nakita kong kumakain sa restaurant si kuya kasama si Marian by accident.’

Kasabay niyon ang litrato ni Ezekiel, kasama ang isang pamilyar na babae na labis kong kahawig.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Pareho silang mukhang masayang kumakain habang magkatapad. Nakakatindig balahibo kung gaano ko kamukha si Marian sa anggulo na ‘to!

Mabilis na bumigat ang paghinga ko dahil sa pagdagundong ng aking puso. Tumalim ang mga mata ko sa larawan at ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko.

May kung anong maalat ang nalalasahan ko sa aking dila at walang anu-ano kong tinungga ang isang baso ng alak upang mabura iyon sa aking panlasa.

Nang hindi makuntento ay muli akong naglagay ng panibagong alak sa aking baso at sunod-sunod iyong tinungga.

“Serena? Are you okay?” Pinukaw ako ni Brantley sa aking tabi.

Natauhan ako sa ginagawa at napatingin kina Direk Sam na masaya paring nagkukwentuhan.

“I-I’m fine. Ley. Labas muna ako sandali.” Paalam ko sa kaniya dala-dala ang bote nga alak.

“Ha? Huy!”

Ayaw kong makagulo sa katuwaan nila dahil sa nasira kong mood, kaya naman nagmamadali akong pumunta sa isang bar table para mapag-isa.

I don’t fucking get it! If Ezekiel is still in love with Marian, why didn’t he wait to marry her instead of hurrying it up with me?!

Ayon kay Raquel, ilang taon nang magkasama sina Ezekiel at Marian, at sigurado na ang pamilya nila na silang dalawa ang magkakatuluyan.

Hindi man niya sinabi sa akin ang rason ng paghihiwalay nila, basta na lamang nagpunta si Marian sa U.S. at doon nanirahan ng maraming taon, habang naging abala naman si Ezekiel sa pagpapalago ng kayamanan ng pamilya niya at sarili niyang negosyo, kung kaya’t matagal na panahon din silang nagkawalay.

But out of nowhere, Ezekiel announced that he was going to marry me all of a sudden. Syempre ayaw ng parents siya sa cheap na artista gaya ko, lalo na ang mother-in-law ko!

But when his family saw how Marian and I looked so much alike, they dropped the topic and let him do what he wanted.

“Huh! Aren’t I a perfect substitute?”

Pinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang pangingilid ng aking luha. What did I do to deserve a loveless, unhappy marriage?

Lahat naman binigay ko kay mama simula pagkabata. I gave up my education para makapag-focus sa pag-aartista at matustusan ang pangangailangan niya.

Sumunod ako sa kahilingan niyang magpaksal sa lalaking ‘yon para sa pera at mabayaran lahat ng utang niya. Now, I’m carrying the burden of being Ezekiel De Silva’s wife!

“If you can’t love me, why not annul me, marry her, and be done with it!” Nagpakasasa ako sa alak habang pinapanood ang mga staff na sumasayaw sa dance floor.

“I wish I could be that happy and free."

“Why not?” Nagulat ako nang tumabi sa akin si Brantley. May pag-aalala sa itsura niya. “Serena? What’s wrong? Bakit ka malungkot? Dahil na naman ba sa mama mo?”

Napanguso ako. “Ley, please don’t mind me and have fun with them. I don’t want to share my bad mood with you and ruin your fun night.”

“Come one!” Bahagya niya akong siniko. “You know, I could never enjoy myself while seeing you like that.”

“You shouldn’t sympathize with me too much. It will only make you feel tired.”

Malungkot siyang napangiti at ginulo ang buhok ko. “Don’t think that way, please? How can I ever be tired of you? I’m so willing to lend my ears when it comes to you. Magkasama na tayo ng ilang taon, ano pa bang hindi ko alam sa’yo?”

Na-guilty akong nag-iwas ng paningin. "Marami... marami kang hindi alam tungkol sa’kin.” Gaya na lang ng pag-aasawa ko para sa pera.

“Well, I don’t want to force you to tell me everything. But I also don’t want to see you bottle up things you could have let go of instead.”

Pakiramdam ko ay para akong maiiyak sa comfort niya at lambing ng kaniyang boses. I really do need someone to talk to right now, but I’m afraid my secrets will be revealed.

“Can I... Puwede bang pasandal na lang ako sandali?” naluluha kong paalam sa kaniya.

A look of pity flashed in his eyes. Mas lalo pa siyang dumikit sa tabi ko. “Sure, anytime you want.”

“Thank you.” Pinahinga ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at ilang beses na suminghap ng hangin.

Wala mang lumabas na luha sa mga mata ko dahil sa labis kong pagkontrol dito ay para namang umiiyak ang puso ko. Ang bigat-bigat sa loob na hindi ko magawang ipaliwanag.

“Ley, naniniwala ka ba na, the more mong pinipigilan ang nararamdaman mo, the more lang ‘tong lalala?”

“I think so too. Why?"

“Because that’s what I’ve been feeling for a year now. No matter how I suppressed it, no matter how I faked it and played pretend, na kahit sarili ko ay niloloko ko na nang paulit-ulit, it’s just not working.”

I fell in love with Ezekiel the moment I saw him at the altar. That’s the truth I don’t want to face.

With his looks, demeanor, and wealth? Sinong hindi iibig sa kaniya? Manhid lang ang hindi makakaramdam ng ganito sa kaniya.

Especially the first time we had sex together. It’s like I’m playing with fire, and I was so fascinated that I let myself burn.

“So you’re in love," Brantley whispered. Narinig ko ang paglunok niya at paggaspang ng kaniyang boses. “Do I know him?”

"Maybe," I mean, who doesn’t know a billionaire surnamed De Silva?

“Is he the one hurting you now? Is that why you’re feeling bad?”

“Yes.”

“Then forget about him.”

“I wish I could.”

“Why not?” napaintag ako nang kunin niya ang magkabila kong pisngi at masugid akong pinaharap sa mukha niya. “If you want it hard enough, you can!”

Malungkot akong napatawa. “It’s complicated, Ley. Everything is complicated between us.”

Una, hindi ko mapipigilan ang puso kong tumibok para sa kaniya, at pangalawa, wala akong karapatang makipaghiwalay sa kaniya para kalimutan siya gayong siya ang may hawak sa kasal namin.

Mas nilapit niya ang mukha ko sa kaniya at determinado ng pinakatitigan ang mga mata ko. “I’ll help you. I’ll help you with every means I can so as not to see you like this!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sa lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. "W-Why... Why would you do that for me?

“I-Isn’t it obvious… how much I cared about you?”

“What, what?”

“Serena, why aren’t you taking hints? I like you—”

“What do you think you’re doing?!" Isang malaki at pamilyar na boses ang nangibabaw sa lugar.

Kaagad akong nanigas sa pagkagulat. Gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko at kinakabahan napalingon sa aking likuran.

Hindi nga ako nilinlang ng aking pagdinig. Nakikita ko si Ezekiel na nakatayo sa kalapitan. Suot-suot ang kaniyang suit kaninang umaga at ganun din ang itsura niya gaya sa nakita ko sa larawan.

Napatayo ako sa gulat. “What are you doing here?!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status