Share

Sold To The Abandoned Husband
Sold To The Abandoned Husband
Penulis: P.P. Jing

PROLOGO

Penulis: P.P. Jing
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-20 18:48:00

“‘Beteranang actress na si Serena Laurel, nagpakasal sa isang full time businessman at billionaire na si Ezekiel De Silva!’” 

Habang nakatulala sa lumang headline ng dyaryo at sa litrato namin ni Ezekiel noong kami’y bagong kasal ay hindi maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. 

Tatlong taon na ang nakaraan magmula nang iwan ko siya magmula nang masaksihan ko ang pagtataksil niya sa’kin.

Sa loob ng halos tatlong taon din naming buhay mag-asawa, wala akong naramdaman kundi sakit at sama ng loob sa kaniya dahil lang sa minahal ko siya. 

Subalit ang buhay ko kasama siya ay ‘di hamak na mas maganda kaysa sa buhay ko kasama si Brantley. Lalo pa ngayong walang puso niya akong binenta sa black market upang pagpiyestahan ng mga mayayamang tao na nanggaling pa sa iba’t-ibang bansa. 

“P*****a! Naka-ilang retouch na ako sa makeup mo! Bakit ba iyak ka parin ng iyak, bruha ka?! Gusto mo ba talagang walang bumili sa’yo?!”

“S-Sorry po!”

Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko sa nakakatindig-balahibong pagalit sa akin ni Madam Ging. Tinapon ko ang newspaper saka umayos ng upo. 

Mula sa likuran ay nakapamaywang niya akong hinarap. “Sinasabi ko sa’yo, hindi mo gugustuhing walang bumili sa’yo ng buo, Jia. Sa oras na magsimula ang auction at walang foreigner ang maging interesado sa itsura mo—kakatayin ka na ng human trafficker para isa-isahing ibenta ‘yang lamang-loob mo!”

Nangilabot ako sa sinabi niya at pilit na binura ang mga luha sa mga mata ko. Hinanap ko ang maliit at basag na salamin para ayusin ang makeup ko. 

Hindi ako puwedeng mamatay! Mas gugustuhin kong may bumili sa akin at saka na lang ako hahanap ng paraan para makatakas! 

“Ako na, ako na! Mas sinisira mo lang ang ganda ng itsura mo, Xiao Jia!” Galit at marahas man ay sinimulan niya akong ayusan muli.

Kilala nila ako rito sa bansang China bilang Jia. Sa loob ng tatlong taon ay palihim kaming naninirahan dito ni Brantley bilang mga ibang tao. Subalit hindi naging maganda ang kinalabasan niyon at nahulog ako sa ganitong klase ng lugar.

Nakakasalamuha ko ang mga kaawa-awang taong nakakulong sa slavery at mga human trafficker. Ang ibang mga tao na walang binatbat ang itsura o walang maayos na hubog ng katawan ay kaagad na dinadala sa kabilang lugar upang gawin ang kahayupan. 

Habang ang mga kagaya ko na sa tingin nila ay bebenta bilang babaeng alipin ay inaayusan ngayon para mamaya’y isasalang sa entablado. 

“Kung ako lang ang papipiliin, dapat nilagay ka na lang nila sa prostitution,” suminghal siya na kinanginig ko pa. “Pero dahil sa ganda mong ‘yan, tiyak na mas malaki ang pera na kikitain sa bidding pa lang! Mukha kang artista e!”

Sunod-sunod akong napalunok. Hindi hamak na gugustuhin ko na lang mabenta sa isang tao kaysa pagpasa-pasahan ng iba’t-ibang mga lalaki bilang prostitute! Alam kong imposibleng makatakas sa oras na mapunta ako sa ganoong klase ng lugar. Subalit may tiyansa pa akong makatakas bago ako tuluyang maiuwi ng kung sinuman ang bumili sa akin!

Ganoon na lang din ang kagalakan ko nang wala ni-isa sa kanila ang nakakakilala sa akin bilang sikat na artista na si Serena Laurel. Kahit na alam ni Madam Ging na magkababayan kami ay wala siyang pakialam, marahil ay sanay na siyang makakita ng katulad ko. Wala siyang awa!

“Oh, siya! Magsisimula na ang palabas, sumama ka na sa’kin.”

***

“Next to be auctioned is—the bride!” Masigabong anunsyo ng host. “The bidding starts at fifty thousand dollars!" 

Ang kurtina na siyang humaharang sa paningin ko ay biglaang hinila pataas na labis na kina-pintig ng puso ko dala ng kaba at takot. 

Nakakasilaw na mga ilaw ang tumapat sa akin at hindi ko naiwasang mapapikit nang mariin. Pinanlalambutan man ng mga binti ay pinanatili ko ang sarili na tumayo ng tuwid sa pinaka-sentro ng entablado.

Kailangan kong mabenta kahit anong mangyari! 

Nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak-hawak ang maliit na bouquet na bulaklak pangkasal. Habang ang suot ko naman na puting gown ay nagkikinangan sa ganda na wari’y isang ganap na bride. Iyon ay dahil ito ang napiling ‘theme’ para sa akin, at upang malaking halaga na mabenta. 

“Nonsense! It's worth one hundred thousand dollars! Just look at how gorgeous it is!" Boses ng isang matandang lalaki ang siyang umecho sa paligid. 

Nang sa wakas ay makapag-adjust na ang paningin ko sa mga ilaw ay nakita ko na ang mga tao na nakatingala sa akin.

Halos lahat ng naroon ay mga lalaki, samantalang ang mga babae naman ay may kaniya-kaniyang nilalandi na mga lalaki, isa na roon ang matanda na animoy nagnanasang aso kung makatitig sa akin.

It’s funny how he regarded me not as a lowly person but as an object of immense value.

“One hundred thousand dollars; surely there’s someone who wishes to go higher than that!” 

“Two hundred thousand dollars.”

“Three hundred thou-"

“Five hundred thousand dollars!”

Different voices of men, different accents, all from different nationalities, all gather tonight in the black market to blatantly showcase their money.

Unti-unti ay nabura ang emosyon ko. Ano bang nagawa ko para mangyari sa’kin ang bagay na ‘to? 

Buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod sa mga utos ng mama ko—kagustuhan niya na mag-artista ako, ma-expose sa camera sa murang edad, hindi makatapos ng pag-aaral at pagpapakasal ng maaga para lang sa pera, lahat ‘yon sinunod ko!

Isang beses lang ako sumuway para pagpahingahin ang puso ko, pero ganito lamang ang kinahahantungan ko ngayon. 

Kakatawa na para bang may galit sa’kin ang mundo para danasin ko’ng lahat ‘to. 

Pero kahit na gano’n, hindi ko hahayaan ang sarili na tuluyang masira ng husto!

Kailangan kong makaalis sa lugar na ‘to at makatakas!

“One million dollars!” A man in a blue suit yelled. My gaze landed on him because of the amount of money he bid.

Meron siyang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. His eyes are flickering while he looks at me with utmost desire. Pinaglalandas niya ang kaniyang mga daliri sa maliliit niyang bigote sa mukha habang komportable siyang nakasandal sa itim at malambot na upuan, kung saan din siya pinapaligiran ng mga babae.

He looks attractive with his fair olive skin and thick black hair. But then again, a person who goes to the black market to buy people is equivalent to the devil.

Marami na akong naririnig na mga kuwento tungkol sa mga taong binenta sa iba’t-ibang mga ‘amo’. Ang iba’y nagiging sex slaves, pinapagawa ng mga maduduming gawain, o hindi naman kaya’y walang awang pinapahirapan at pinapatay.

None of the stories I heard before ever had a happy ending. But I wouldn’t let that happen to me as well.

“One million dollars! Going once? Going twice?” The host became more excited as he was about to hit the hammer against the flat wood.

Tahimik kong pinikit ang mga mata ko, iniisip na ang lalaking iyon ay siya nang magiging ‘amo’ ko magmula ngayon. I swallowed my saliva and waited for them to finally close the bid.

“Ten fucking million dollars.” 

Nanginig ako sa nakakakilabot at malalim na boses na iyon. 

Naramdaman ko rin ang panlalamig ng paligid at nakakabinging katahimikan ng mga tao sa loob. Animoy may dumaang anghel sa katahimikang iyon bago muli magsimula ang ingay.

Napamulagat ako ng mga mata. Ang kaninang walang imik kong puso ay ngayo’y parang inaararo sa sobrang bilis ng pagdagundong. Nanlamig ang mga kamay ko gayundin ang ang mga paa ko. Kamuntikan pa akong mawalan ng balanse sa suot kong high heels habang nanginginig naman ang hawak kong bulaklak.

A familiar voice…

His familiar voice…

It can’t be that…

Muli kong pinikit ang mga mata ko ng sobrang diin dala ng matinding takot. Sa loob ng tatlong taon kaming nagsama… ang boses na iyon ay hindi madaling kalimutan ng basta-basta. 

Pero hindi pwede! Hindi pwedeng… nandito siya.

“Fifteen million!” I heard the man in a blue suit’s voice again. For an unknown reason, I am rooting for him!

Please, close the bid!

Ang mga lalaki sa loob ay mas lalong nagsipag-ingayan, tawanan dahil sa pamamangha, at hinayaan ang dalawang boses na mangibabaw sa bidding. Pakiramdam ko’y mas lalo silang nagkagulo simula nang magsalita ang boses na iyon.

Nanginginig man ang bawat paghinga ko ay tinatagan ko parin ang loob ko at dahan-dahang nagmulat ng mga mata upang hanapin ang lalaking ‘yon. 

Napako ang atensyon ko sa lalaking nasa pinaka-sentro ng likod ng bahagi ng lugar. Mas mataas pa sa stage na kinatatayuan ko ang posisyon niya.

Mayroong nag-iisang upuan doon na alam kong walang tao kanina. Subalit ngayon ay nakaupo na siya roon, animo’y pinakamataas kaysa sa lahat ng mga taong narito ngayon.

“F-Fifteen million it is—” The host, who was immersed in the amount of money, was cut when that man stood up abruptly.

“Fifty fucking million.” Madiing anas niya pa at mabagal na bumaba sa maikling hagdanan.

Bumigat nang bumigat ang paghinga ko habang pinapanood siyang tapatan ng liwanag upang maipakita ang kaniyang sarili.

Lahat ng mga mata ay nakatitig sa kaniya ngayon, subalit gaya ng pagkakakilala ko sa kaniya, tila ba’y wala siyang pakialam sa mga ‘yon, para bang ang tangi niya lang nakikita ay ako.

Ilang beses akong napakurap kasabay nang pangingilid ng mga luha ko. Wala nang kasing-lambot pa ang tuhod ko na batid kong bibigay anumang oras.

Nabitawan ko ang bulaklak na hawak saka napaatras ng tatlong beses.

Ang mga malalamig at bayolenteng paraan niya ng pagtitig sa akin tatlong taong nakakaraan ay muli ko na namang nakikita ngayon. 

Ang lalaking tinakasan ko noon dahil sa sakit na nadama ko sa kaniya… ngayon ay nasa harapan ko na.

“Close the bidding.” His voice sounded so authoritative, and his sharp gaze never left my face. “No one wants her more than me.”

“Y-Yes, yes!” The host finally hit the hammer against the flat wood in full admiration.

Masigabong palakpakan ang agad na sumakop sa lugar. Tuluyan akong nabingi at wala nang ibang makita kundi ang iniwan kong asawa. 

“E-Ezekiel…” I weakly whispered his name.

There's no denying that his appearance is outstanding. But because he has that look on his face, he screams danger, which makes people want to run away from him as fast as they can.

He walked so much closer to me that I had to take a few steps back to escape, but his big hand caught my wrist forcefully!

Hinihingal ako sa halo-halong emosyon habang may nanlalaking mga matang nakatingala sa kaniya. 

Subalit walang bahid ng anumang emosyon ang mga mata niya. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya at puno ng kakakilabot na pagkahumaling akong tinitigan.

“A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly.”

“W-What?”

My husband, the man I escaped from three years ago when I caught him in bed with someone else…

Why does he want me back just to experience the same thing I experienced with our marriage, or even worse?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Missy F
buti na lng asawa mo nakabili sau
goodnovel comment avatar
Franchesca Johana
umpisa pa lang maganda na
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Sold To The Abandoned Husband   Author Here!

    Binabati ko po ang lahat na umabot sa puntong ito! Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi ko po ito maipagpapatuloy at matatapos kung hindi dahil sa inyong mambabasa! Thank you ng marami 🫶🫶🫶 Kung isa po kayo sa naaliw at napasaya ng kwento nila Ezekiel at Serena, sana po ay huwag kayong mag-atubiling magbigay ng rate and comment nang maipabatid po sa akin ang naisin niyong sabihin, hihi. Good or bad reviews man, tatanggapin ko po as I am willing to learn more! ^o^ Hanggang sa muli. Kita po tayo sa susunod na kwento, paalam! Ezekiel and Serena are now signing off...

  • Sold To The Abandoned Husband   Dagdag na Kabanata: Welcome to the Family De Silva

    “Kumusta na si Ezekiel matapos himatayin?” nag-aalala ngunit natatawang tanong ni Serena pagkatapos niyang manganak.“Ayun, nagkaroon ng bukol sa noo.” napapailing pang tugon ni Panying. “Humihingi na ng yelo doon sa nurse. Hahaha!”Napahagalpak siya ng tawa. “Panying, hindi ko alam na hindi niya pala kakayanin sa loob, pero pinilit niyang maging emotional support. Siya pala dapat ang suportahan sa panganganak ko! Hahahaha!”“Sa totoo lang! Kung anong kinatapang pagdating sa ibang tao, siya namang kinahihina sa'yo. Nahimatay ‘yon dahil sa stress at takot nang makita kang nahihirapan sa pag-ire. Wala pang tulog dahil nenenerbyos sa pag-inda mo ng sakit. Kawawa rin naman.”Hindi nawala ang pagtawa ni Serena sa kabila ng pagod at panghihina dahil sa eksena ni Ezekiel. “Kawawa naman ang mahal ko.”“I'm fine!” bulalas ni Ezekiel pagkapasok sa silid ng hospital. Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit kay Serena sa kama upang suriin ang lagay niya. “My wife, are you feeling okay?”“Pfft!”

  • Sold To The Abandoned Husband   EPILOGO

    Ang unang babaeng minahal ni Ezekiel ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.He treated his mother with respect and honor. Napakabuti ni Eliza bilang isang ina sa kaniya at lahat ng alaala nilang magkasama ay talaga namang masasayang yugto ng pagkabata niya.Ito ang ilaw ng kanilang tahanan, kung kaya't nang mamatay ito ay siyang kinadilim ng kaniyang mundo.He sat there in the corner of his room, full of darkness, with no one to comfort him. No one was there but his own shadow.Nagluluksa siyang mag-isa, nagpapakalunod sa sariling mga luha, walang paglalagyan ang bigat ng kaniyang dibdib.At dahil siya ay lalaki, inaasahan ng kaniyang ama na hindi siya magpapakita ng kahit anong emosyon sa harapan ng mga tao. Doon niya nagsimulang itago at ikimkim ang tunay na mga nararamdaman sa likod ng malamig niyang mukha.Hindi rin nakatulong ang mga insultong naririnig niya patungkol kay Eliza mula sa sariling kamag-anakan, at ang napapabalitang bagong papalit niyang ina na si Elizabeth.He

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 90: The Second Wedding

    “Ta-da! Napakaganda!”Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.“This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!”HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 89: Marry me!

    Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko ‘to.“Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?” may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. “I remember dito kayo nag-shoot no'n.”“Ha?” natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. “Dito ba ‘yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena.” hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. “Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa ‘kin noon para pati ‘to malaman mo?”Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 88: Blissful Life

    “Be careful where you step, my wife!” Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko.”“Still!” hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. “W-We need to be extra careful, of course.”"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?” paglilinaw ko pa sa kaniya.Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. “I should buy everything a woman needs during pregnancy!”“Mahal,” pinisil ko ang pisngi niya. “Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis.”Natigilan siya. "Then I should stop working—”Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.“Kailang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status