Share

Chapter Fifty-Two

Olivia

Dahil sa labis na sama ng loob ay nagpasiya na akong umuwi na. Nag-aaksaya lamang ako ng oras sa walang kwentang lalaking ‘yon. Magkasalubong ang dalawang kilay ko habang nakatanaw sa bintana ng kotse habang papauwi kami.

“Ma’am Olivia, huwag niyo na pong isipin ‘yon. Ang mahalaga po ay napuntahan na natin si Sir Lloyd at naiparating niyo nap o sa kanya ang gusto ninyong sabihin.” Usal ni Zander habang kalmado ang kaniyang tinig.

Hindi ko siya nilingon. Bagkus ay nagsalita ako at sumagot habang magkasalubong pa rin ang aking mga kilay.

“Tama naman siya, ‘eh. Wala nga akong karapatan na pakealaman siya. Nakakapagsisi lang, ano? Ako na nga ‘yong nagmamalasakit, ako pa ‘tong nabastos.” Pagrereklamo ko sabay malalim na nagbuntong hininga.

“Ewan ko po ba kung bakit gano’n ang ugali ni Sir Lloyd samantalang ibang-iba po siya sa kaniyang ama at kapatid. Kaya po nagtataka ako kung bakit niyo siya pinakasalan.”

“Bakit? Hindi mo ba alam ang dahilan kung bakit ko siya pinakasalan?”

Matapo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status