Share

Chapter Five

Author: ChubbyChickk
last update Last Updated: 2022-02-24 13:51:16

Olivia

Pareho kaming nakahiga sa iisang kama pero magkalayo at nakapwesto sa magkabilang gilid. Nakaharap ako sa kanan at siya naman sa kaliwang gilid ng higaan kaya't sandaling natahimik ang paligid.

Nakapikit na ako nang gumalaw siya. Dahil na rin sa sobrang lambot ng kama ay hindi talaga mapigilang umuga ang kutson sa tuwing may kumikilos sa ibabaw nito. Hindi ko iyon inintindi noong una. Ayoko rin kasing makipagtalo pa dahil masyado na akong pagod ngunit tila nang-iinis talaga siya dahil pabalik-balik siya sa pag-upo sa kama.

Bumalikwas na ako. Nakaupo pa rin ako sa pwestong hinigaan ko ngunit ang tingin ko ay nasa kanya. Nagbuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Pwede bang h'wag kang masyadong malikot? Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" mahinahon pa ang boses ko noong sinabi ko iyon.

"Inuutusan mo ba ako?" nanlalaki ang mga matang sambit niya.

"Hindi," tumigil akong sandali bago ipagpatuloy ang aking sinasabi. "Nakikiusap ako sayo! Masyado nang maraming nangyari sa araw na 'to. Pwede bang hayaan mo na akong magpahinga?"

Inikot niya ang kaniyang mata sa akin bago siya lumayo sa kama. Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay ang sasabihin niya. Hanggang ilang sandali pa'y nagsalita na siya.

"Ayokong katabi kang matulog." Ani nito na siyang naging dahilan nang pagsalubong ng  dalawang kilay ko.

"Saan ako matutulog?" tanong ko. Imbis na sumagot ay tinignan niya lang ako. "H'wag mong sabihing sa labas mo ako papatulugin?"

Nagbuntong hininga siya't muling inikot ang mata bago magsalita at tumugon sa aking sinabi.

"Alam mo, kung pwede lang, eh! Hindi lang sana iyon ang ginawa ko. Baka pinaalis pa kita sa bahay na 'to. Kaso hindi, eh. Nakatali ako sayo! Nakatali ako sa isang babaeng hindi ko naman gusto." Iba na ang tono ng pananalita niya habang sinasabi niya iyon. Medyo malakas.

"Sa tingin mo ba ginusto kong magpakasal sayo, ha?"

"Bakit hindi ba? Hindi ba't nandito ka para sa pera? Hindi ba't kaya ka pumayag na magpakasal ay dahil sa pera? So stop acting na hindi okay sayo ang ganitong set-up! Baka nga ikaw pa mismo ang nag-plano nang lahat ng ito, eh."

Hindi na ako nakapagpigil pa. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nang sandaling nakatayo na ako sa kanyang harapan, inihanda ko na ang aking sarili. Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal na naging dahilan ng halos pagtabingi ng kaniyang mukha.

"How dare you!" sigaw niya habang hawak ang pisngi at nakaharap sa akin.

"Hindi porket pumayag akong magpakasal sayo, eh ibig sabihin na kaagad na mukha akong pera. Ginawa ko 'yon dahil may dahilan ako. Ginawa ko 'yon para sa ikabubuti ng Daddy ko. Isinakripisyo ko ang sarili kong buhay para sa taong mahal ko. Eh, ikaw? Ano bang kaya mong gawin para sa pamilya mo, ha? Kaya mo bang gawin ang ginawa ko?"

Nagbuntong hininga ako nang napagka-lalim bago muling ipagpatuloy ang aking sinasabi.

"Hindi mo ako kilala pero kung makapanghusga ka, akala mo kung sino ka. Hinahayaan ko 'yung mga pananakit mo at masasakit na salitang binabato mo sa akin pero hindi ibig sabihin no'n na may karapatan ka na! Isa pang hamakin mo ulit ang pagkatao ko! Baka hindi lang isang sampal ang abutin mo!" I rolled my eyes at him, pagkatapos kong sabihin iyon.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Buti na lang at may CR ang kwarto niya kaya't dali-dali akong naglakad papasok doon. Gawa sa salamin ang CR pero hindi rin naman transparent kaya't ikinulong ko na lang ang aking sarili sa loob ng apat na sulok ng CR na iyon.

Nakatayo akong humarap sa salamin at pagkatapos ay nagbuntong hininga ng malalim. Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, naaawa ako sa sarili ko. Para bang gustong-gusto nang sumabog ng mga luha ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko ngayon.

Parang gusto ko na tuloy pagsisihan ang naging desisyon ko. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nasa imp*yerno dahil sa sama ng ugali ng taong pinakasalan ko. Hanggang kailan ko kaya kakayaning tiisin lahat ng mga binabato niyang masasakit na salita sa akin? Hanggang kailan ko kaya kakayaning makasama siya sa iisang bubong?

Gusto ko sanang sisihin si Daddy sa nangyayari sa akin pero hindi yata magandang idea iyon dahil ako naman ang nag-desisyon nito. Ang labis na pagmamahal ko kay Daddy ang nagtulak sa akin na gawin ang isang bagay labis palang makapagpapahirap sa akin.

Hanggang kailan ko kakayaning makisama sa isang taong wala nang ibang inisip kung hindi ang sarili niya? Nakakainis! Bakit ang unfair ng mundo. Bakit hinayaan niyang mangyari 'to sa akin? Saan ba ako dadalhin ng mga planong nakalatag sa daraanan ko? Gano'n ba ako ka-sama sa past life ko kaya ganito ang naging buhay ko ngayon?

Well, kung ano man ang sagot sa lahat ng mga tanong na pilit gumugulo dito sa isip ko, wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ito. Kakayanin ko ito para kay Daddy. Ayokong makulong siya kaya't gagawin ko ang lahat para lang hindi mangyri 'yon.

Dalawang taon lang naman ang kontrata. Kaya ko pa namang magtiis. Kaya ko pa namang pakisamahan ang antip*tikong asawa ko. Oo, tama! Kaya ko pa at kakayanin ko. I have to be stronger. Hindi lang para sa sarili ko, kung hindi para na rin kay Daddy at sa pangarap ko.

Muli akong nagbuntong hininga bago sulyapang sandali ang sarili sa salamin. Taas noo kong nilunok ang namumuong laway sa aking lalamunan habang nakatitig sa imahe ko na nasa salamin. Ilang sandali ko rin iyong tinitigan bago ko buksan ang gripo at tsaka dahan-dahang naghilamos.

Matapos ang ilang minutong paghihilamos ay kinuha ko na ang tuwalyang nakasabit sa loob ng CR. Pagkatapos kong magpunas ay lumabas na rin ako. Buti na lang at sa pagkakataon na 'to ay nagparaya si Lloyd. Siya ang nahiga sa sofa habang iniwan niya namang bakante ang kama.

Gusto ko sanang matuwa pero alam kong katakot-takot na masasakit na salita na naman ang matatanggap ko mula sa kaniya kaya 'di bale na lang. Dahan-dahan akong nahiga sa kama. Nagbuntong hininga ako at pagkatapos ay dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata. Upang makatulog ay pinilit ko na lang na ikalma ang sarili para nang sa gano'n ay makatulog na ako dahil mahabang araw na naman ang haharapin ko kinabukasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nana Monreal
Nice story
goodnovel comment avatar
Danna Rose Fuentes Granada
...️...️ nice story ......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One Hundred Twenty: Last Chapter

    Nagpatuloy si Lloyd sa panliligaw niya kay Olivia, kasabay ang unti-unti niyang pagbuo sa kanilang pamilya. Alam ni Lloyd na hindi madaling ibalik ang tiwala ng dati niyang asawa pero handa siyang gawin ang lahat para lamang bumalik ito sa kaniya. Bawat araw, pinaparamdam ni Lloyd kung gaano niya kagustong mabuo sila. Lahat ng alam niyang paraan ay ginagawa niya. Halos araw-araw niyang binibigyan ng bulaklak si Olivia. Araw-araw niya itong niyayayang lumabas at higit sa lahat, bumabawi siya sa kanilang anak. Mas marami nang pasanin si Lloyd. Malaki na ang responsibilidad na pasan pasan niya sa kaniyang balikat. May sarili na siyang pamilya at hawak pa niya ang kanilang kompanya.Pero kaya ito ni Lloyd. Kakayanin niya dahil pinatatag si Lloyd ng mga pagsubok na pinagdaan niya kaya alam niya na kakayanin niya ang lahat. Ngayon pa na bumalik na ang taong hinihintay niya. Ngayon pa na nagkaayos na sila't nagkalapit na ng kapatid niya. Marami na ring nangyari sa pagdaan ng panahon. Noo

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One Hundred Nineteen

    LloydMakalipas ang tatlong taon...Matapos kong malaman na hindi pala ako ang ama ng dinadala ni Francheska, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag.Ginusto kong muling bumalik kay Olivia. Ginusto kong suyuin siya ulit ngunit napag-alaman ko na umalis na pala siya kina Matthew. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Para akong nalulunod sa patong-patong na problema. Hindi ko matanggap na nagawa ni daddy na makipagsabwatan kay Francheska para sirain kami ni Olivia. Hindi ko alam na kinaya niyang lunukin lahat ng sinabi niya laban sa ex-girlfriend ko para lamang sirain kami ng babaeng ipinakasal niya sa akin.Ginusto kong sumuko. Ginusto kong bumitaw na lang at isuko na ang lahat dahil wala na rin namang saysay. Wala na si Olivia. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko pero 'yong mga panahong sukong-suko na ako at gusto ko nang bumitaw, pinatatag ako ng pagmamahal ni Matthew para sa akin bilang

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One Hundred Eighteen

    Olivia"I-I'm sorry, Francheska... p-pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang lokohin ang best friend ko. Ang sarili ko. Ang lahat. Kaya magsasalita na ako." Tumikhim si Alex at nakita ko na may pumatak na luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan."Alex—Alex, please... tell them na si Lloyd nga ang ama ng dinadala ko. Please, Alex, I'm begging you.""No! Tama na ang pagpapanggap. Napapagod na rin ako. Hindi ko na kaya 'tong dalhin pa kaya magsasabi na ako ng totoo. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman.""Ano pang hinihintay mo, Alex? Sabihin mo na ang nais naming marinig." Ani Matthew. Tiningnan siya ng masama ni Francheska."Manahimik ka, Matthew. Bakit mo ba pinagpipilitan?""Bakit hindi, Francheska? Niloloko mo ang kapatid ko. Pinagmumukha mo siyang tanga. Alam mo, ang kapal ng mukha mong ipa-ako sa kaniya ang batang hindi naman sa kaniya.""Wala kang alam kaya manahimik ka na lang. For sure naman, sinasabi mo lang 'yan para mapunta sa akin ang sisi. Pali

  • Sold for a Billionaire's Son   CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTEEN

    OliviaKanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob. "Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!" Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One-Hundred-Sixtine

    Chapter 116LloydSa resort kami nagpalipas ng tatlong araw. Sa tatlong araw na iyon, walang oras na hindi ginugulo ni Olivia ang utak ko.Habang abala ako sa paggagawa ng report patungkol sa napag-usapan noong meeting, ramdam kong may pumasok sa pinto ng opisina ko. Paglingon ko, bumungad sa akin si daddy."Kanina ko pa hinahanap si Francheska pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?""Bakit sa akin mo siya hinahanap, dad? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang sekretarya?""Pilosopo ka, ha?! Nasaan na iyong summarize report ng napag-meeting-an sa resort? Inabot ba sa iyo ni Francheska?""Inabot? Hindi naman siya gumawa. Ni hindi nga siya dumadalo sa meetings namin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi bantayan ako.""Oh, eh nasaan na iyong report?""Tinatapos ko pa, dad. Ilalagay ko na lang sa table mo pagkatapos.""Bilis-bilisan mo ng kaunti ang paggawa niyan dahil kahapon ko pa iyan hinihintay."Hindi na ako sumagot pa kaya tumalikod na si daddy. Ngunit makalipas lamang ang i

  • Sold for a Billionaire's Son   Chapter One Hundred Fifteen

    Olivia"What is going on here?" tanong ko matapos makitang tila nagtatalo si Matthew at si Francheska sa hindi kalayuan.Sabay na lumingon si Matthew at si Francheska at bakas sa kanilang mukha ang labis na gulat."Gabi na, ah?! Bakit nasa labas ka pa rin, Francheska? Hindi mo ba alam na delikado sa buntis ang lumabas kapag gabi? Mag-ingat ka. Baka mapahamak ang baby mo.""H-hindi ko kailangan ng opinyon mo, Olivia. Alam ko ang ginagawa ko kaya pwede ba, manahimik ka na lang?" Inikot niya ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Saka siya naglakad paalis at binangga pa ako gamit ang kaniyang balikat. Samantala, pagkaalis na pagkaalis ni Francheska ay nilapitan kaagad ako ni Matthew."Ayos ka lang ba? Bakit ba sumunod ka pa dito sa labas? Tinarayan ka pa tuloy ng babaeng 'yon!""Wala akong pakialam sa kaniya. All I care is her baby. Iniisip ko lang naman iyong bata sa sinapupunan niya." Dahil sa sinabi ko, ngumiti ng pagkalaki-laki si Matthew. "Grabe talaga 'yong ugali mo, ano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status