Share

Chapter Fourty-Two

Olivia

Halos isang oras lang yata ang inabot namin sa pamimili ng mga sangkap na gagamitin para sa lulutuin ni Yaya Tessy mamaya. Hindi na rin naman kami nagtagal dahil baka kulangin sa oras ng paghahanda si Yaya.

“Olivia, catch!” sigaw ni Matthew sabay bato sa akin ng isang mansanas na pulang-pula.

Wala na tuloy akong nagawa kung hindi sambutin iyon dahil kung hindi ko gagawin, saying ‘yong prutas.

“Para saan ba ‘to, Matthew? Siraulo ka talaga. Tara na. Ibalik mo na ‘to do’n.” Sigaw ko sabay abot sa kaniya ng mansanas na hawak ko.

Akma niyang inaabot ang kaniyang kamay sa akin nang bigla niyang iiwas ang kaniyang kamay kaya’t bigla akong napasalubong ng kilay. Ilang sandali pa’y dumukot siya sa kaniyang bulsa at kinuha ang kaniyang wallet na may design pang spongebob.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa tanda niyang iyon ay spongebob ang design ng wallet niya, o matutuwa dahil hanggang ngayon ay gamit niya pa rin iyon. Binili niya kasi iyon four years ago, noong mga freshmen
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status