OliviaPasado alas otso na ng gabi no’ng magpasiya kaming umahon sa pool. Malamig na rin kasi ang tubig kaya’t minabuti naming magbanlaw na at magpahinga. Busog na rin naman ako kaya’t niyaya ko na si Daddy na umakyat na sa kwarto upang magpahinga.Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan na malapit kay Daddy habang siya naman ay nakahiga na sa kama. Hinihintay ko lang siyang makatulog para makabalik na ako sa kwarto ko ngunit ang papikit nang si Daddy ay muling ibinukas ang mata at tsaka nagsalita.“Nak, salamat, ha?”biglang sambit niya.Bahagya akong napatulala habang napasalubong ang dalawang kilay dahil do’n.“Bakit po kayo nagpapasalamat?” magkasalubong ang dalawang kilay na tanong ko habang diretso ang tingin sa kaniya. Kinuha niya ang aking kamay na nakapatong sa kama gamit ang kanang kamay niya. At tsaka dahan-dahang niyakap ito sa ibabaw ng kaniyang dibdib.“Salamat kasi, kung hindi dahil sa sakripisyo mo, baka hindi ko naranasan ang nangyari ngayong araw na ‘to. Baka hindi sana k
OliviaKasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng pool habang ang mga paa ko ay nakalublob sa tubig. Nakatingin ako sa repleksiyon kong unti-unting nawawala sa tuwing nakikita kong pumapatak ang luha ko dito.Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit iniiyakan ko na naman ito samantalang mag-iisang buwan na rin buhat ng magpakasal kami ni Lloyd.Sa kalagitnaan ng pag-eemote ko nakaramdam ako na para bang may naupo sa tabi ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko at tsaka dahan-dahang lumingon sag awing kanan ko. Pagtingin ko’y bumungad sa akin si Matthew na bahagyang nakatungo sa tubig.“A-anong g-ginagawa m-mo dito?” garalgal ang boses na tanong ko at pagkatapos ay nagbuntong hininga ng napagkalalim.“Obvious ba? Para samahang kang mag-emote.” Mahinang sagot niya.“Samahan? O, para ipaintindi sa akin kung gaano ako ka-walang kwentang anak.” “Dahil ba ‘to sa pagsigaw mo kay Tito Oliver kanina?”Nilingon ko siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Napapalunok ako habang nakatingin sa kaniya. It
OliviaPasado alas singko ng madaling araw no’ng magising ako. Napaka-aga pa pala kaya’t pinili kong manatili na lang muna sa pagkakahiga upang palipasin ang oras. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi lamang ng kama upang makapag-libang dito.Ilang minuto lamang ang itinagal ko sa pagce-cellphone dahil hindi naman ako ‘yong tipo ng tao na hindi mabubuhay kapag walang cellphone. Kaya’t nagpasiya na akong bumangon at maghilamos. Pagpasok ko sa CR ay kaagad binuksan ang gripo.Nakapikit akong dinadampian ng tubig ang aking mukha nang biglang pumasok sa isip ko si Lloyd. Bakit parang hindi siya umuwi ngayon? Kadalasan naman, kapag hindi siya umuuwi ng gabi ay umuuwi siya kapag umaga para lamang maligo at magpalit ng damit.Habang naghihilamos ako ay hindi ko maiwasang isipin ‘yong nakita ko kahapon. Hindi kaya may nangyari talaga kaya hindi siya umuwi ngayon? Baka naman nag-away talaga sila kaya pinili ni Lloyd na huwag munang umuwi para magpalamig.Nang matapos ako
LloydHalos mag-iisang araw na rin akong nandito kina Alex. Buti na lang talaga at pumayag sila na dito muna ako mag-stay pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng matutuluyan. Pabor rin naman ito sa kanila dahil sanay na sila sa akin.Kasalukuyan akong nakaupo sa upuang gawa sa kawayan nang alukin ako ng Nanay ni Alex ng kape. Hindi ko naman ito tinanggihan sa kadahilang nakatimpla na ito bago pa ialok sa akin.“O, Hijo. Magkape at tinapay ka na muna. Pasensiya ka na dito, ha? Hindi pa kasi ako nakakapamili kaya wala pa akong maihain sa’yo.” Sambit nang Mama ni Alex at tsaka inilabag sa lamesang gawa rin sa kawayan ang kape’t tinapay na hawak niya.“Nako, huwag niyo na pong alalahanin ‘yon. Ayos na po ako dito sa kape at tinapay.” Sagot ko sabay ngiti.“Nakakahiya pa rin kasi iba ang buhay namin sa buhay na nakasanayan mo, ha? Alam mo naman na hindi kami katulad mo. Wala kaming pera na kagaya ninyo.”“H’wag niyo pong alalahanin iyon. Ayos lang naman po ako dito kaya hindi niyo
OliviaMaagang umalis si Daddy Richard papunta sa office kaya hindi namin siya nakasabay sa breakfast habang si Matthew naman ay wala rin dito sa bahay kaya’t kami lang dalawa ni Daddy ang narito ngayon.Habang kaharap ang kaniyang laptop, pinili ni Daddy na ipagpatuloy na ang kaniyang mga naiwang trabaho dahil sa hindi inasahang nangyari sa kaniya. Kasalukuyan kong tinitingnan si Daddy nang may biglang pumasok sa isip ko.Hanggang dito na lang ba talaga ako? May pinag-aralan naman ako. Sa katunayan nga’y graduate ako nang Business management pero tingnan mo naman kung nasaan ako ngayon. Nasa bahay at hindi ko man lang magamit ang lahat ng natutunan ko noong nag-aaral pa ako.Buti pa si Matthew. Malawak ang mundong ginagalawan niya. Hawak nga niya ang oras niya at hindi lang ‘yon. He’s making his own money para sa personal niyang gamit. Samantalang ako, nasa bahay lang at walang ginagawa.Habang malalim ang iniisip ko, hindi ko kaagad napansing nakatingin pala sa akin si Daddy. Nakaup
OliviaHindi ko na namalayan ang oras. Pagtingin ko sa relo ay mahigit isang oras na rin pala ang inabot nang pag-aayos ko sa aking sarili. Kabilin-bilinan kasi ni Daddy Richard ay mag-ayos ako ng aking sarili sa tuwing pupunta sa office.Pagbaba ko ng kuwarto ay kaagad kong hinanap si Zander. Natagpuan ko siyang umiinom ng kape habang kakuwentuhan si Yaya Tessy.I cleared my throat bago ako dahan-dahang maglakad palapit sa kanila, tsaka ako nagsalita."Excuses," sambit ko.Kaagad naman akong narinig ni Zander kaya kaagad siyang tumayo at ibinaba ang mug na hawak niya."May kailangan po ba kayo, Ma'am Olivia?" tanong ni Zander sa akin habang pinupusan niya ang kaniyang kamay gamit ang bimpo na hawak niya."Puwede mo ba akong samahan sa office ni Daddy Richard? Alam ko kasi na bawal akong umalis without you so, I have no choice but to ask you na samahan ako.""Iyon lang naman po pala, Ma'am. Sige po! Ihahanda ko na po ang sasakyan."Pagkatapos no'n ay tumango siya sa akin at saka siya
OliviaHabang nasa biyahe kami ni Zander ay walang imik akong nakadungaw sa salamin ng kotseng minamaneho ni niya. Hindi naman ganoon ka-tinted ang sasakyan kaya’t kitang-kita ko ang dinadaanan namin.Nagbuntong hininga ako ng malalim habang patuloy na nakatanaw sa labas. Hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ‘to. Sandali kong nilingon si Zander na kasalukuyang diretso ang tingin sa kalsada.“Are you really sure na alam mo kung saan matatagpuan ang amo mong si Lloyd?” mahinang tanong ko habang ang tingin ay nakasulyap nang muli sa bintana.“Sigurado po ako, Ma’am Olivia. May isang kaibigan po kasi si Sir Lloyd na madalas niyang puntahan kaya posible po na doon siya tumutuloy ngayon.” Kalmadong sagot ni Zander sa akin.“Mukhang kilalang-kilala mo nga talaga siya, ‘no? Matagal ka na bang nagtatrabaho sa kanila?”“Sa pamilya Montero po ba, o kay Sir Lloyd lang po?”“Sa kanilang lahat,”“Ah, pagka-graduate na pagka-graduate ko pa lang po nang college ay nagtatrabaho na ako sa kanila.”“S
LloydI am starting to kiss Francheska torridly when I heard something kaya natigilan kami pareho.“What’s that sound?” I asked while looking at her, straight in her eyes.“I don’t know! Baka may tao,”Matapos niyang sabihin iyon ay dali-dali akong tumayo. Buti na lang at hindi pa ako nakahubad dahil kung nagkataon at may tao, lalo na kung si Tita Mama ‘yon ay tiyak na sermon ang aabutin ko.Paglabas ko ng pintuan nang kuwarto ay kaagad kong hinanap ang pinanggalingan ng tunog na narinig namin kanina. At umagaw sa aking pansin ang lamesang naglalaman ng mga collectibles na figurine ni Alex. Nagalaw nga ang mga ito, indikasyon na meron talagang ibang tao.“Tita Mama?” paulit-ulit kong sambit.Hindi kaya nakita niya kami? Nako, nakakahiya naman! Hindi pa man din namin naisarado ng maayos ang pintuan. Muntik nang makita ang labanan sa pagitan namin ni Francheska.Habang hinahanap ko ang Mama ni Alex ay hindi ko inasahan ang aking nakita.“What are you doing here, Zander? Pinapunta ka ba