Olivia
"Hindi ko mahanap 'yung dahilan kung bakit hindi mo sinabi sa akin 'yong totoo, Olivia! I thought we're best friends. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa na kahit anong mangyari, kahit gaano pa kabigat ang sitwasyon, hindi tayo maglilihim sa isat-isa?" ani ni Matthew habang malayo ang tingin at seryoso ang mukha.
Tanging buntong hininga ang naging tugon ko dahil sa sinabi niyang iyon. Kahit ako, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin. Pero kahit ano namang gawin ko, hindi ko naman na maibabalik ang kahapon, hindi ba? Nangyari na 'yon at wala na akong magagawa pa.
"Ano ba kasing pumasok sa isip mo, ha? Bakit bigla kang nagpakasal? Madalas naman tayong magkasama pero ni minsan, hindi mo na-i-kwento sa akin na may boyfriend ka." Dagdag pa niya at pagkatapos ay ibinaling sa akin ang kaniyang tingin.
"Wala naman kasi akong ikukwento sayo!" matipid na sagot ko. Nakuha ko ang atensiyon niya dahil sa sinabi kong iyon. Tinignan niya ako nang may pagtataka habang magkasalubong ang dalawa niyang kilay.
"Am I dreaming? Sampalin mo nga ako!" sambit niya sabay kuha sa kamay ko at isinampal sa kanyang mukha. "Hindi naman ako nananagip. Totoong nangyayari 'to."
Kinuha ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Seryoso ba talaga? O, prank lang 'to, 'no? Teka nga, tatawagin ko si Papa. Ang galing niyong dalawa, eh!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya at pahakbang na papasok sa loob ng bahay para gawin ang sinabi niya ngunit kaagad kong hinawakan ang braso niya upang pigilan siya.
"This is not a joke, Matthew! You're not dreaming. Totoong kinasal kami nang Kuya mo at lahat ng mga images and videos na kinuhanan kahapon ay dadating sa isang linggo." Ani ko at pagkatapos ay nagbuntong hininga.
Tila hindi pa rin siya naniniwala dahil pumapalag pa rin siya mula sa pagkakahawak ko.
"Hindi totoo 'yan, Olivia! H'wag ka nang magsinungaling sa akin. Hindi ako naniniwala sayo!"
Tuluyan ko nang binitawan ang braso niya. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Ilang segundo rin siyang natigilan bago muling ituon ang tingin sa akin. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko. The ring on my finger slapped him.
"Paano nangyari 'to? Anong dahilan, Olivia? Bakit bigla kang nagpakasal?" tanong niya sabay buntong hininga nang napagka-lalim.
"It's because of my Dad! Ayokong makulong siya kaya mas gugustuhin ko nang ganito kaysa sa makita siyang nagsa-suffer sa loob ng kulungan."
"Hindi kita maintindihan. Bakit makukulong si Tito Oliver? May ginawa ba siyang kasalanan?" magkasalubong ang dalawang kilay na tanong niya.
"Malaki ang utang niya kay Tito Richard. Kahit ako, nagtaka rin, eh. Nagtaka rin ako kung bakit niya ipapakulong si Daddy kahit na magkaibigan sila. Pero sabi ng Papa mo, adiksiyon na raw ang ginagawa ni Daddy at ang ipakulong siya ang tanging solusyon."
Pagkatapos kong sumagot ay nagbuntong hininga ako nang napagka-lalim. Napapalunok ako habang nakabaling na ang tingin sa malayo.
"Pero anong koneksiyon no'n sayo? Utang 'yon, hindi ba? Bakit pinakasalan mo si Kuya?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.
"Ako 'yung pinambayad utang ni Daddy! Ang saklap, hindi ba?" sambit ko, sabay ngisi. "Wala na akong nagawa dahil 'yon lang ang tanging magagawa ko para hindi makulong si Daddy. Alam mo naman siguro kung gaano ko siya kamahal, 'di ba? Alam mo rin na ayokong nahihirapan siya kaya eto ako, tinanggap ang kapalaran ko."
"Gusto mong kausapin ko si Papa? Pakiusapan natin siya na gumawa ng paraan para mapa-walang bisa ang kasal niyo. Tutulungan kita. Gagawa tayo ng paraan!"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ang kamay ko pero inilayo ko iyon at iniwas.
"H'wag na. Hindi na kailangan!"
"Pero bakit? Ayaw mo bang makabalik sa dating buhay mo? Tutulungan kitang maghanap ng trabaho para makapag-ipon ka ng pambayad. Hindi 'yung ganito. Hindi 'yung kailangan mo pang maging bayad-utang sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala."
"H'wag na nga, 'di ba? Nandito na ako! Huwag ka nang mag-abala pa dahil buo na ang desisyon ko."
"Hindi ko maintindihan! Tutulungan na nga kitang umalis dito, hindi ba? Hindi mo alam ang buhay na pinasok mo. Hindi mo alam kung gaano ka-sama ang ugali ni Kuya!"
"Hindi nga pwede dahil nakapirma na ako ng kontrata!" pasigaw ang tono ng boses ko habang sinasabi ko iyon.
"Kontrata?" magkasalubong ang dalawang kilay na tanong niya. Nagbuntong hininga ako ng malalim bago magsalita at sumagot.
"Oo,"
"Anong kontrata?"
"Katibayan na pumapayag akong mapangasawa ang Kuya mo. The contract will be invalid after two years."
"Bakit kailangan pang may contract, ha? Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari! Naguguluhan pa rin ako."
"Kahit ako, naguguluhan rin. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako makaka-survive dito. Unang araw pa lang naming mag-asawa, sama ng loob at pananakit na pisikal at berbal na kaagad ang binigay niya sa akin."
"Sinaktan ka niya?" tila nag-iba ang ihip ng hangin matapos niyang marinig ang sinabi ko.
Nakita kong muntik niya nang makita ang braso ko kaya't tinakpan ko ito pero huli na! Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa aking braso at tumambad sa kaniya ang malaking pasa na kagagawan ng kaniyang Kuya. Madiin kasi ang pagkakahawak niya sa akin kanina kaya't ang braso ko na mariin niyang hinawakan ay nag-iwan ng malaking pasa.
Kahit ako, hindi ko rin naman namalayan na may pasa pala ang braso ko. Nakita ko na lang no'ng sandaling tignan ko dahil naramdaman kong medyo masakit sa parteng iyon.
"Halika! Pupuntahan natin siya at kakausapin. Hindi pwede 'yang ganyan. Hindi pwedeng saktan-saktan ka lang niya dahil gusto niya."
Hinintay niya akong tumayo. Iniabot niya ang kaniyang kamay sa akin. Tinignan ko lang iyon at tsaka nagbuntong hininga. Tila napa-isip naman siya kung bakit nanatili ako sa kinauupuan ko.
"Ano pang hinihintay mo? Tara na,"
"H'wag na, Matthew! Ayoko nang gulo kaya kung pwede, hayaan na lang natin siya sa mga gusto niyang gawin!"
"Hayaan?" malalim na buntong hininga ang naging kasunod ng sinabi niyang iyon bago muling ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi. "Nahihibang ka na ba talaga, ha? Hahayaan mo lang na saktan ka lang nang g*gong 'yon, Olivia?" pasigaw ang tono ng pananalita niya habang sinasabi iyon.
Nagbuntong hininga naman ako at tinignan siya bago magsalita.
"Bakit? Kapag ba sumugod ka do'n, ano ba sa tingin mo ang mangyayari, ha? Mawawala ba 'tong pasa na 'to? Hindi ba't hindi? Away lang 'yan, eh! Kung gusto mong puntahan siya, hindi kita pipigilan but don't expect me to come with you dahil ayoko nang dagdag 'yung sama ng loob ko dahil lang sa mayabang na Kuya mo!"
I rolled my eyes after I said it. Kahit si Matthew ay wala na ring nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga habang nakatingin sa akin. Napapalunok siya habang hindi makapagsalita. Alam niya kasi ang ugali ko. Alam niyang ayoko ng gulo kaya wala siyang magagawa kung hindi ang intindihin 'yon.
Nagpatuloy si Lloyd sa panliligaw niya kay Olivia, kasabay ang unti-unti niyang pagbuo sa kanilang pamilya. Alam ni Lloyd na hindi madaling ibalik ang tiwala ng dati niyang asawa pero handa siyang gawin ang lahat para lamang bumalik ito sa kaniya. Bawat araw, pinaparamdam ni Lloyd kung gaano niya kagustong mabuo sila. Lahat ng alam niyang paraan ay ginagawa niya. Halos araw-araw niyang binibigyan ng bulaklak si Olivia. Araw-araw niya itong niyayayang lumabas at higit sa lahat, bumabawi siya sa kanilang anak. Mas marami nang pasanin si Lloyd. Malaki na ang responsibilidad na pasan pasan niya sa kaniyang balikat. May sarili na siyang pamilya at hawak pa niya ang kanilang kompanya.Pero kaya ito ni Lloyd. Kakayanin niya dahil pinatatag si Lloyd ng mga pagsubok na pinagdaan niya kaya alam niya na kakayanin niya ang lahat. Ngayon pa na bumalik na ang taong hinihintay niya. Ngayon pa na nagkaayos na sila't nagkalapit na ng kapatid niya. Marami na ring nangyari sa pagdaan ng panahon. Noo
LloydMakalipas ang tatlong taon...Matapos kong malaman na hindi pala ako ang ama ng dinadala ni Francheska, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag.Ginusto kong muling bumalik kay Olivia. Ginusto kong suyuin siya ulit ngunit napag-alaman ko na umalis na pala siya kina Matthew. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Para akong nalulunod sa patong-patong na problema. Hindi ko matanggap na nagawa ni daddy na makipagsabwatan kay Francheska para sirain kami ni Olivia. Hindi ko alam na kinaya niyang lunukin lahat ng sinabi niya laban sa ex-girlfriend ko para lamang sirain kami ng babaeng ipinakasal niya sa akin.Ginusto kong sumuko. Ginusto kong bumitaw na lang at isuko na ang lahat dahil wala na rin namang saysay. Wala na si Olivia. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko pero 'yong mga panahong sukong-suko na ako at gusto ko nang bumitaw, pinatatag ako ng pagmamahal ni Matthew para sa akin bilang
Olivia"I-I'm sorry, Francheska... p-pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang lokohin ang best friend ko. Ang sarili ko. Ang lahat. Kaya magsasalita na ako." Tumikhim si Alex at nakita ko na may pumatak na luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan."Alex—Alex, please... tell them na si Lloyd nga ang ama ng dinadala ko. Please, Alex, I'm begging you.""No! Tama na ang pagpapanggap. Napapagod na rin ako. Hindi ko na kaya 'tong dalhin pa kaya magsasabi na ako ng totoo. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman.""Ano pang hinihintay mo, Alex? Sabihin mo na ang nais naming marinig." Ani Matthew. Tiningnan siya ng masama ni Francheska."Manahimik ka, Matthew. Bakit mo ba pinagpipilitan?""Bakit hindi, Francheska? Niloloko mo ang kapatid ko. Pinagmumukha mo siyang tanga. Alam mo, ang kapal ng mukha mong ipa-ako sa kaniya ang batang hindi naman sa kaniya.""Wala kang alam kaya manahimik ka na lang. For sure naman, sinasabi mo lang 'yan para mapunta sa akin ang sisi. Pali
OliviaKanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob. "Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!" Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit
Chapter 116LloydSa resort kami nagpalipas ng tatlong araw. Sa tatlong araw na iyon, walang oras na hindi ginugulo ni Olivia ang utak ko.Habang abala ako sa paggagawa ng report patungkol sa napag-usapan noong meeting, ramdam kong may pumasok sa pinto ng opisina ko. Paglingon ko, bumungad sa akin si daddy."Kanina ko pa hinahanap si Francheska pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?""Bakit sa akin mo siya hinahanap, dad? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang sekretarya?""Pilosopo ka, ha?! Nasaan na iyong summarize report ng napag-meeting-an sa resort? Inabot ba sa iyo ni Francheska?""Inabot? Hindi naman siya gumawa. Ni hindi nga siya dumadalo sa meetings namin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi bantayan ako.""Oh, eh nasaan na iyong report?""Tinatapos ko pa, dad. Ilalagay ko na lang sa table mo pagkatapos.""Bilis-bilisan mo ng kaunti ang paggawa niyan dahil kahapon ko pa iyan hinihintay."Hindi na ako sumagot pa kaya tumalikod na si daddy. Ngunit makalipas lamang ang i
Olivia"What is going on here?" tanong ko matapos makitang tila nagtatalo si Matthew at si Francheska sa hindi kalayuan.Sabay na lumingon si Matthew at si Francheska at bakas sa kanilang mukha ang labis na gulat."Gabi na, ah?! Bakit nasa labas ka pa rin, Francheska? Hindi mo ba alam na delikado sa buntis ang lumabas kapag gabi? Mag-ingat ka. Baka mapahamak ang baby mo.""H-hindi ko kailangan ng opinyon mo, Olivia. Alam ko ang ginagawa ko kaya pwede ba, manahimik ka na lang?" Inikot niya ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Saka siya naglakad paalis at binangga pa ako gamit ang kaniyang balikat. Samantala, pagkaalis na pagkaalis ni Francheska ay nilapitan kaagad ako ni Matthew."Ayos ka lang ba? Bakit ba sumunod ka pa dito sa labas? Tinarayan ka pa tuloy ng babaeng 'yon!""Wala akong pakialam sa kaniya. All I care is her baby. Iniisip ko lang naman iyong bata sa sinapupunan niya." Dahil sa sinabi ko, ngumiti ng pagkalaki-laki si Matthew. "Grabe talaga 'yong ugali mo, ano