Share

Chapter Four

Olivia

Kahit ayokong sumabay sa kanila sa pagkain, napilitan akong gawin iyon dahil nag-request sa akin si Uncle Richard. Kahit raw regalo ko na lang para sa darating na kaarawan niya sa isang linggo. Wala na rin aking nagawa kung hindi ang pumayag na lang.

Nakasanayan na raw nilang sabay-sabay na kumain ng hapunan kahit na animo'y mga hindi magkakakilala dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Kung sa bagay! Sa amin kasi noong nando'n pa ako, hindi rin ako kumakain ng hapunan hangga't hindi pa dumarating si Daddy. Palagi ko siyang hinihintay dahil alam ko na kapag hindi ko ginawa iyon, lalo siyang malulungkot. Lalo niyang iisipin na mag-isa siya kahit na ang totoo ay kasama niya pa naman ako.

Napa-isip tuloy akong bigla kung ano na ba ang ginagawa niya ngayon. Kumain na kaya siya? Ayoko namang tawagan siya dahil gusto kong maintindihan niya ang pinanggagalingan ng malaking tampo ko sa kaniya.

Bahagyang nakatungo ang ulo ko habang kumakain kami nang sabay-sabay. Nahihiya rin kasi ako, sabayan pa ng kawalang gana ko sa pagkain kaya't wala akong gana na makipag-kwentuhan sa kanila.

Nang patapos na akong kumain, huling subo na ng kanin nang magsalita si Uncle Richard kaya't tinapunan ko siya ng tingin.

"Kumain ka pa, Olivia! H'wag ka nang mahiya. Ipinahanda ko talagang lahat iyan para sayo!" sambit niya na may ngiti sa kaniyang labi.

Nginitian ko siyang pabalik bago ilang segundong nag-ipon nang lakas ng loob upang magsalita sa harap ng lahat. Nagbuntong hininga pa ako bago magsalita.

"Salamat po, Uncle pero busog na po kasi ako!" matipid na sambit ko na siya namang naging dahilan nang pag-ngisi niya.

Nilapag niyang sandali ang kutsilyong pinanghihiwa niya sa steak na kaniyang kinakain sa lamesa, pati na rin ang tinidor. Pinaghawak niya ang magkabila niyang palad  bago magsalita.

"May I request, Olivia?" Ani nito. Seryoso ang kaniyang mukha kaya't bahagyang napasalubong ang kilay ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Ano po 'yon, Uncle?"

"Since, kasal na naman kayo ng anak ko, pwede bang h'wag mo na akong tawaging Uncle Richard? Medyo formal kasi, eh. Dapat siguro, sanayin mo na Ang sarili mo na tawagin akong Daddy dahil simula ngayon, anak na rin Kita!"

Matapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya nang malaki sa akin sabay hawai muli sa kutsilyo at kutsara sa magkabila niyang kamay at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Ngiti na lang ang nagsilbing tugon ko sa kaniya na siya namang ibinalik niya sa akin. Naririnig kong bumubulong si Lloyd dahil sa tabi ko lang naman siya nakaupo. Nang tignan ko siya ay tinaasan niya ako ng kilay and then he rolled his eyes at me. Kung pwede lang, baka kanina ko pa siya sinampal para kahit papaano'y maalog ang utak niya.

Kasi hindi pwede, eh! Kailangan ko pang habaan ang pasensiya ko. Kailangang kayanin kong pakisamahan siya kahit hanggang matapos lang ang dalawang taong kontrata na pinirmahan ko sa Daddy niya.

Pagkatapos ng ilang minuto'y tapos na kaming kumain. Nang tumayo ako'y nag-boluntaryo akong tumulong sa kanilang maid sa pag-aayos ngunit tinanggihan lamang ako nito. Maging si Matthew ay sinabihan din ako na hindi ko kailangang gawin 'yon dahil kahit papaano'y asawa ko pa rin ang isa sa kanilang amo.

Tanging buntong hininga na lang ang nagawa ko. Nagpaalam sa akin sandali si Matthew na aakyat muna siya sa kaniyang kwarto upang mag-ayos dahil may mangilan-ngilan din siyang naiwang gamit na nakakalat pa doon at siya namang sinang-ayunan ko na lang.

Kanina, habang nililibot ko nang aking mga mata ang buong bahay, pumukaw sa aking atensiyon ang balcony na matatagpuan sa second floor. Tumingin muna ako sa paligid bago ako magpasiyang umakyat na at dumiretso doon.

Ipinatong ko ang aking mga siko sa handle ng balcony at pinaghawak ang magkabila kong kamay, sabay buntong hininga ng malalim. Tumingin ako sa langit. Tanging buwan lang ang aking natanaw doon. Marahil siguro'y uulan kaya't wala akong mahanap na bituin pero 'di bale na!

Ilang minuto rin siguro akong nanatili sa ganoong posisyon bago ko maramdaman na may humawak sa likod ko. Nang lingonin ko iyon ay bumungad sa akin si Matthew na nakasandal sa pinaka-gilid ng balcony at diretso ang tingin sa akin.

Ang isang kamay niya'y nakapatong sa handle ng balcony at ang isa nama'y nakapasok sa kaniyang bulsa.

"Ayos ka lang?" tanong niya habang seryoso ang mukha. Tumango lang ako bilang tugon, at saka muling ibinalik ang tingin sa langit.

"This is your first night with my brother! Alam ko na hindi ka sanay na matulog nang may katabi. Gusto mo bang samahan muna kita? 'Coz I' m not sure if you are safe with Kuya!" dagdag pa niya.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. At saka ipinihit ang katawan sabay sandal sa kabilang gilid ng balcony at tumapat kay Matthew. Nagbuntong hininga ako bago magtanong sa kaniya.

"Bakit pala hindi mo sinabi sa akin na may kapatid ka? I thought you're the only child." Sambit ko.

"Bakit ko iko-consider as my brother 'yung taong ni minsan, hindi naman ako tinuring na kapatid?"

Nakakainis naman itong si Matthew. Imbis na sagutin ang tanong ko, tinanong din ako. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to, eh! I rolled my eyes at him bago ako muling magsalita.

"Hindi ko alam sayo! Ano ba kasing kwento mo? Bakit parang sobrang bad ng image niya sayo? Magkapatid kayo! Dapat nga kayong dalawa ang magkasundo dahil parehas kayong lalaki."

"Gano'n naman kami no'ng una. Tanggap niya ako bilang kapatid, kahit na anak lang ako sa labas. Not until, his mother died, at ako ang sinisi niya. Hindi ko naman kasalanan 'yon, eh! Wala naman akong ginagawang masama pero ayaw niyang maniwala. Kahit anong gawin ko, kahit ilang ulit pa akong magpaliwanag, ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkamatay nang Mommy niya."

Nag-iba na ang mood ni Matthew matapos niyang sabihin ang tungkol do'n. Ni minsan, hindi ko pa nakita si Matthew na ganito ka-seryoso. Madalas kasi, nakangiti siya kaya ni minsan, hindi ko naisip na may mabigat pala siyang dinadala.

"Alam mo, Olivia? Hindi ko naman pinangarap ang ganitong buhay, eh. Hindi ko pinangarap maging mayaman. Pero alam mo kung ano 'yung palagi kong pinag-papasalamat simula no'ng dumating ako sa bahay na 'to?" habang tinatanong niya iyon ay diretso siyang nakatingin sa akin.

Tinignan ko siya habang napapalunok at nag-iisip ng kung ano ang sasabihin niya.

"Iyon ay -"

Naputol ang sasabihin niya nang makarinig kami ng boses mula sa pintuan ng balcony. Sabay naming nilingon iyon ni Matthew at tumambad sa amin si Lloyd na nakatayo sa may pinto habang ang mga kamay ay magka-cross at nasa ilalim ng kaniyang kili-kili.

"Olivia, right? Did you know what time is it? O, gusto mong sabihin ko pa sa 'yo kung anong oras na."

Tumahimik siyang sandali bago muling ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi.

"It's already nine on the evening. Kapag humiga ako sa kama at nagpahinga, sa tingin mo ba kapag pumasok ka sa kwarto at nahiga ka, hindi ka makaka-istorbo, ha? Hindi porket tinuturing kang prinsesa ni Daddy ay dapat na rin kitang ituring na gano'n. That will never happen, Olivia! Mangarap ka na lang."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya sa amin. Napansin ko namang gusto na siyang lapitan ni Matthew ngunit hinawakan ko ang braso niya upang pigilan siya.

"Hayaan mo na lang siya para wala nang gulo!" mahinang sambit ko.

Hindi ko naman napansin na huminto pala si Lloyd at tsaka nagsalitang muli.

"One more thing, Olivia! H'wag kang dikit nang dikit diyan sa lalaking 'yan! Hindi 'yan mapagkakatiwalaan."

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sobrang inis. Nilingon ko si Matthew na kasalukuyan palang nakatingin lang din sa akin. Nagpaalam na ako sa kaniya na papasok na ako ng kwarto dahil baka kung ano pang masasakit na salita ang bitawan na naman ni Lloyd. Tumatagos pa naman iyon kaya siguro gano'n na lang ka-sama ang tingin sa kaniya ng kaniyang kapatid.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status