Share

Chapter Two

Olivia

"Ang ganda talaga ng mga bulaklak, ano? Lalo na kapag naaalagaan!" ani nito habang nakatanaw sa isang halerang mga rosas na nakatanim sa kanilang bakuran.

Ngumiti naman ako dahil sa sinabi niyang iyon at ibinaling na rin ang tingin sa nag-gagandahang mga bulaklak. Ang pula-pula no'n. Buti na lang at mayroong ganito dito sa bahay nila. Maaari ko itong paglibangan habang nandito ako.

"Pero kahit anong ganda ng mga rosas na iyan, maaari ka pa rin nilang saktan." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.

"Po?" ani ko habang nakatingin sa kaniya.

"Wala," sambit niya sabay ngisi sa akin.

This is the first time na nakausap ko si Uncle Richard na kaming dalawa lang. Nasanay kasi ako na binabati lang siya sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Daddy. Bukod kasi sa magkaibigan sila, they are business partners. Nakakalungkot lang dahil bumagsak ang kompanyang pagmamay-ari namin.

Nagbuntong hininga ako at nakuha ko ang atensiyon ni Uncle dahil do'n. Tinitigan niya akong sandali bago siya magsalitang muli habang nakatingin nang diretso sa akin.

"Alam mo, Olivia? Sobrang nahihiya talaga ako sayo." Mahinahon at malumanay ang boses niya habang sinasabi niya iyon.

Napabuntong hininga naman akong muli habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kaniya.

"Bakit naman po?" pagtatakang tanong ko.

"Dahil dito,"

Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay siyang sabihin kung ano man 'yon. Hindi naman gano'n ka-init ang paligid pero kita ko sa kaniyang mukha ang pawis na namumuo malapit sa kanyang sintido.

"Sobrang hiyang-hiya ako sayo dahil sa ugaling pinapakita ng panganay ko. Hindi ko tuloy alam ngayon kung tama ba talaga ang ginawa kong ipakasal ka sa kanya. Napaka-bait mo! H'wag naman sanang dumating sa punto na pagsisihan ko ang lahat ng 'to!"

Malalim na buntong hininga lang ang nagsilbing tugon ko sa kaniya at pagkatapos ay ibinaling na lang ang tingin sa mga rosas na nasa paligid namin.

Tahimik na ang paligid. Tanging ang ihip ng hangin at ang mainit na tensiyon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Rinig ko rin pala ang pag-kalansing ng tasa dahil kasalukuyang humihigop si Uncle ng kapeng barako na iniinom niya. Parehas sila ng paboritong kape ni Daddy.

Tumungo akong sandali upang ayusin ang tali ng sandals na suot-suot ko nang bigla akong maka-rinig ng isang pamilyar na boses. Hindi ko pa iyon pinansin noong una. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng tali sa sandals ko.

"Mano po, Papa!" ani ng isang pamilyar na boses.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay kaagad akong tumunghay. Halos nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking nakita.

"Olivia? Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ni Matthew habang nakatingin sa akin na magkasalubong pa ang dalawang kilay.

Tatanungin ko na rin sana siya kung ano rin ba ang ginagawa niya dito kaso biglang nag-sink in sa utak ko 'yong narinig ko kanina habang nag-aayos ako ng sandals ko. Bago pa kami magsalita ay tinignan kaming dalawa ni Uncle bago magtanong.

"Mag-kakilala kayo?" sambit niya sabay turo sa aming dalawa gamit ang daliri niya.

"Opo, Papa! Kaibigan ko po siya." Mabilis na sagot ni Matthew habang nakatingin sa Ama. Pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito, Olivia?"

Imbis na ako ang sumagot ay si Uncle ang sumagot para sa akin. Bigla tuloy akong nahiya dahil do'n.

"Hindi mo ba alam? Asawa na siya ng Kuya mo! So, you should respect her, huh?!"

"Asawa?" nanlalaki ang mga matang sigaw ni Matthew habang nakatingin sa akin. Magkasalubong ang dalawang kilay niyang sinabi iyon. Halata ko rin sa kaniyang mukha ang pagtataka.

"Oo, Anak! Oo nga pala. Tinatawagan kita kahapon pero hindi kasi kita ma-contact. Unattended ka, eh. Kahapon sila ikinasal. Pero ngayon lang siya nag-move in dito. Inasikaso pa kasi naman ang lahat."

Habang kalmadong nakikipag-usap si Uncle kay Matthew ay ako naman itong nahihiya para sa sarili ko. Pakiramdam ko tuloy ay tinatapakan na naman ang pagkatao ko dahil dito sa natuklasan ko. Pinili ko kasing ilihim sa kanya na ikinasal ako dahil alam kong hindi siya matutuwa do'n.

Pero mukhang wala na akong magagawa pa dahil sariling Ama na niya ang nag-siwalat ng balitang dapat sana'y sikreto na lang. Pagkakataon nga naman, ano? Kahit pinitin mong itago ang isang bagay na ika-sisira ng pagkatao mo, gagawa't-gagawa talaga siya ng paraan para i-bulgar ito.

Wala na! Sirang-sira na ako sa paningin ng best friend ko. Sa paningin ng kaisa-isang taong naging kaibigan ko, magmula nang mamulat ako sa reyalidad. Tanging buntong hininga na lang talaga ang nagawa ko. Parang gusto ko na lang lumubog sa kina-uupuan ko.

"Naka-shutdown ang phone ko at hindi ko pa 'yon nahahawakan ulit. Dalawang araw lang naman akong nawala pero bakit ang dami na agad na nangyari?" seryosong sambit ni Matthew habang nakatingin lang sa akin. Hindi ako makatingin sa kaniya. Sobrang hiyang-hiya na ako.

"Sobrang dami naming inasikaso kaya hindi na kita na-i-message pa. But I have sent you the invitation, two days ago. Have you checked your email?"

"Hindi po,"

"Kaya naman pala, eh! Right after we planned for their wedding, nag-send na rin kami ng invitations kaagad, through email. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ka man lang umuwi kahit na saglit lang, eh. But forget it, ang mahalaga ay nandito ka na."

Buntong hininga na lang tanging naging sagot ni Matthew sa sinabi ng Ama. Mukhang aminado rin naman kasi siya na may pagkakamali din siya. Pero hindi ko mababago ang nangyayari ngayon. Nakakahiya.

Matapos ang ilang sandali ay tumayo na si Uncle Richard habang hawak-hawak ang tasang pinag-inoman niya ng kape. Bago siya umalis ay nagpaalam siya sa amin.

"Ikaw na munang bahala kay Olivia, ha? May nakalimutan pa pala akong asikasuhin sa opisina. Ihatid mo siya sa kwarto ng Kuya mo. Mauna na ako." Sambit niya bago tuluyang umalis.

Nang tuluyang umalis si Uncle ay napabuntong hininga ako nang napagkalalim sabay takip sa aking mukha gamit ang mga palad ko. Pero hindi nagtagal iyon dahil tinanggal niya rin kaagad ang takip sa aking mukha. Napapalunok ako habang nakatingin sa kaniya.

Napakalakas nang tibok ng puso ko. I don't think if it's palpitation, o sadyang kinakabahan lang ako sa sasabihin ni Matthew sa akin. Tumayo siya't nagpaalam sandali upang ipasok ang gamit niya. Nagsabi siya sa akin na maghintay ako sa labas dahil may pag-uusapan kami.

Kinakabahan man, wala na akong magawa kung hindi ang magbuntong hininga at tanggapin ang kung ano mang sasabihin ni Matthew tungkol sa nalaman niyang sikreto ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
wow .. best friends.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status