Kahit maraming tao sa paligid ay walang ibang marinig si Etel kung hindi ang malakas na tibok nang kanyang puso. Para itong tinatambol na s’yang dahilan kung bakit pakiramdam n’ya ay nahihirapan s’yang huminga.“S-sir Z-zack . . . ” bulong ni Etel na hindi mapigilang manginig. Tila ay na vi-visualize na niya ang maitim na awrang nakapalibot sa buong katawan ni Zackary. Nakasuot ng cap at eyeglasses si Zack upang hindi makilala ng mga fans at mga tao baka pagkaguluhan siya bigla. Gayon pa man, kilala ni Etel ang tindig at tayo ng lalaki. Nang hubarin ni Zack ang suot na eyeglasses ay kitang-kitang ni Etel ang mga titig nitong tila naghihintay ng konkretong explenasyon sa kanya nasaksihan habang salubong ang makakapal nitong mga kilay. ‘Bakit ba naman kasi maypahalik-halik pa sa kamay ko itong si Sir, Phoenix e!” himutok ng dalaga. Maging siya man ay nabigla sa ginawa ng lalaki.“Do you know him, honey?” Mas lalong namutla si Etel ng tawagin na naman siyang honey ni Phoenix. Kung kanina
Makailang beses na tiningnan ni Trevor ang anak na walang imik. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito sa mga nangyari. He didn't raise his son to be like this. He was sure that Zackary is a loving and caring man. Because he is, with his mother and employees. Then why not with his soon to be wife, even if it's just for convenience wedding.Pabagsak na lamang na umupo si Trevor sa sofa na kanina ay inupuan ni Etel. Napahilamos siya ng kanyang mga kamay habang nakatitig pa rin sa anak na mukhang wala sa sarili. Bakas sa mukha ni Trevor ang matinding pagkadismaya sa anak. He was thinking that Zackary is so much better than this. Kaya ay naisip na niya na posibleng may problema ito. “Lo-look I'm sorry, Dad.” Panay ang sabunot ng Anak sa buhok habang nagsasalita. Halatang mayroon itong iniisip na mabigat.“Tell me what happened, Son," malumanay niyang sabi sa nag-iisang anak na lalaki. Simula nang mawala sa tamang pag-iisip ang asawa ay itinaguyod na niya ng kanyang pagmamahal si Zack. T
Mabigat ang pakiramdam ni Etel ng s’ya ay magising. Marahil dahil iyon sa nangyari kahapon. Hindi n’ya ninais na ma-disappoint sa kanya ang lalaking minamahal. Matapos maligo at magbihis ay dumeritso na s’ya sa rose garden ng kanyang future mother-in-law. Dito ginugugol ni Etel ang oras kapag walang nais ipagawa sa kanya ang mag-ama.Kumakalam man ang sikmura ay ipinagsa walang bahala n’ya na lang iyon. Hindi pa s’yang handang harapin si Zack at ipaalala n’ya rito ang kahihiyan na idudulot ng ginawa n’ya. Si Zack ay kilalang tao, maging ang pamilya nito na isa sa pinakamayaman na mga angkan sa kanilang lugar. Kaya ay magiging isang eskandalo kung pag-iisipan s’ya ng masama ng mga taong nakakita sa mga nangyari sa mall. Maaaring madungisan ng kanyang katangahan ang pangalan ng lalaking pilit niyang inaabot. Hindi mapigilan ni Etel ang magpakawala ng sunod-sunod na buntonghininga. ’Liban sa gutom ay mabigat sa kanyang puso na galit sa kanya si Zack.“Ba’t ba kasi ang tanga mo Etel . .
Mariing nakapikit ang mga mata ni Etel, subalit pabaling-baling ang kanyang higa at tila hindi mapakali. “Uhm . . . ”Basam-basa ang kanyang damit na tila ay galing siyang naligo pagkatapos ay dumiritso ng higa. Tanging ungol na maykalakip na impit at iyak ang tanging maririnig mula sa dalaga. “Uhmm . . . ”“Mo-mommy . . . I'm your princess . . .Help . . . Mommy . . ."“No!”“Ahhh!” Napabalikwas nang bangon si Etel nang magising mula sa kanyang panaginip. Tumayo s’ya at nagtatakang napatingin sa kanyang paligid. Makikita ang takot at pagkalito sa kanyang mukha. Animo’y iniisip niyang totoo ang kanyang napanaginipan. Wala siyang magawa habang unti-unting pumapasok sa kanyang isipan kung ano talaga ang nangyayari.“Sinong mommy?” Bakas sa boses ni Etel ang matinding pagtataka. Sapagkat ni minsan ay hindi pa niya tinawag na Mommy ang kanyang Nanay Katrina. Mas lalong wala siyang alam na mommy, maliban sa nanay niya.“Sino ang babaeng nasa panaginip ko?” Sapo ni Etel ang kanyang dibdib.
Masaya ang mga mata ng dalaga at nagniningning na ngumingiti. Pinilit niyang tingnan ang wall clock sa kanyang kuwarto. Doon niya nakumperma na twelve one am na. At iisa lang ang ibig sabihin no’n. Kaarawan na niya. Hindi maitago ni Etel ang saya na walang mapagsidlan. Ang pangyayaring ito ay isa sa pinakamagandang natanggap niya sa kanyang kaarawan. Habang masayang nag-iisip ng kanyang mga pantasya na kasama si Zack ay nakaramdam ang dalaga ng pananakit ng tiyan. Kaya ay agad siyang kumilos upang makapag bihis na. Sinubukan niyang gumalaw ng mas may puwersa, Ibinuhos ni Etel ang natitirang lakas upang makaalis sa pagkakadagan sa kanya ni Zack. Napakunot-noo ang dalaga at napapaisip kung tulog ba talaga si Zackary o gusto lang siya nitong tsansingan dahil sa tindi nang pagkakayakap nito. Iyong tipong nilagyan ng pandikit at dinaig pa si Samson sa lakas niyang kumapit. Napapagod na ang dalaga sa kanyang ginagawa. Nais niyang umiyak sapagkat ang gusto lang naman talaga niya ay magbihis
Masaya ang naging bungad ng dalaga sa restaurant na pinuntahan kasama ang lalaking pangarap lamang ng ibang mga kababaihan. Subalit agad ding nawala ang excitement at kasiyahan ng dalaga nang mapagtanto niya ang kanyang suot. Sapagkat kung alam lang ni Etel na isang bantog na restaurant ang pupuntahan nila ay malamang nakapagsuot siya ng maganda at maayos na damit. Kagaya na lang ng isang cocktail dress. Maraming ganoong klase ng damit sa bahay ang dalaga dahil pinabilihan siya ng kanyang Daddy Trevor sa sekretarya nito ng mga girly stuffs. Tila mas lalong nainis si Etel ng maalala ang mukhang pokpok na sekretarya ng kanyang soon to be father-in-law. Alam na alam ni Etel na inaakit nito si Trevor, at ’yun ang hinding hindi niya pahihintulutan mangyari. Ipinangako na niya sa sarili na siya ang magsisilbing mata ng kanyang mother-in-law na si Elecia kahit na ano mang mangyari. “Manang, I said hurry!”“Ay! O-o, nand’yan na po, S-sir!” Patakbong sumunod si Etel kay Zack. Iiling-iling siy
I didn't mean to stalk her, to them. It's just . . . I missed her, so much! Para na akong hibang sa kanya. That is the right name to call me, hibang! Sumusunod ako sa kanila ngayon mula pa doon sa restaurant kong saan alam ko ay ikinasal sila. Asking why I know about it? I also have eyes and ears roaming around, shame! Nagiging obsessed na ako kay Etel.Nakasunod pa rin ako sa kanila nang napansin ko ang maraming reporters sa unahan, shit! Ano ba’ng klaseng pag-iisip meron ang Zack na ’yon? Baka ma-harassed nila si Etel. Isali mo pa ang mga babaeng may dala-dalang plaka na kung maka pag-rally akala mo ay tungkol sa inflation rate ng bansang Pilipinas ang concern. Tila mas baliw pa ang mga fans ng walang hiyang ’yon. Biglang tumigil ang kanilang sasakyan sa tapat mismo ng mga reporters. Walang hiya talaga itong lalaking ’to! Balak ba niyang pagpira pirasuhin si Etel ng mga pesteng fans niya? Gago talaga, hindi nag-iisip, ang sarap ipa-salvage.People know me as a good guy! But they hav
Phoenix GreyI have really wanted to kiss her ever since we met. And so I did. Right now and right here in this not so busy street with the sound of the howling wind and the breeze of the heavy rain pouring in us. Nawala na ang payong na kanina ay ginamit ko upang hindi kami mabasa ng ulan. ‘Sana walang na-disgrasya na sasakyan dahil naliparan ng aking payong.’Masaya akong ninanamnam ang tamis ng kanyang mga labi. Isa ito sa mga pangyayari sa aking buhay na ayaw kong matapos. Pero . . . Parang gusto kong bugbugin ang bumosina ng pagka lakas-lakas na siyang dahilan upang humiwalay nang bigla sa paghahalikan namin si Etel. Hindi ko alam kong ano ang nangyari basta umalingawngaw ang nakakabingi na busina ng sasakyan. Kaya ay napatingala na lang ako sa kalangitan sabay kuyom ng aking kamao upang magpigil ng inis.“Ha-hala, si-sir! May na disgrasya,” sabi niya sabay turo sa isang motorcycle rider. Ngayon ay tinatayo na nitong muli ang ang sasakyan galing sa pagkakatumba sa kalsadang madul