Share

Somebody Out There Who Will
Somebody Out There Who Will
Author: JuannaMayo

CHAPTER 1: REVENGE

*****RAIN*****

LOVE CAN mean a lot of things in the world, but if it's music then it must be romantic that everyone who listens to it must enjoy every beat and lyric. But as to what Rain's seeing right now, the beat of romance is no longer around their house. It was replaced by the cacophony of deafening bangs, thuds; and even the disgusting screeches of their parent's endless quarrel of vague things.

"Wind! Tara na sa kuwarto mo." Inisang-hakbang niya ang distansiya nila ng nakababatang kapatid na noo'y tulala lang sa harap ng pinto ng silid ng kanilang mga magulang. Their nonsense fights have been happening for quite some time now, and it's getting traumatic. But Rain can still endure things, pero kapag nakikita niya ang lungkot at takot sa mga mata ni Wind ay para bang natutupok din ang kalooban niya. "Malalim na ang gabi."

"Ate, let's do something to stop them..."

Wind is a bright kid; his understanding of things is beyond his age of seven and certainly, he's aware of the screams and thunderous sounds echoing from the room. Well, it used to happen every night. Who wouldn't be?

But every time Rain gets to find him standing across their parents' door, watching like a cursed statue filled with mixed emotions inside his eyes was the point where the truth was slapping her that her younger brother is still a kid— there are a lot of things that he can't digest alone and this is part of that.

"Ate Rain, please..." Tears started to pool in his eyes again. "Do something."

Wind might not be aware of her past activities, but she'd reached far in fixing this mess in their family. Wala rin talaga siyang ideya kung bakit bigla-bigla nalang nagbabago ang ugali ng kanilang ina? Kung bakit mas madalas itong nasa labas? Ultimo day off nito ay nasa trabaho siya, kung uuwi man ay late na at kapag nasa bahay naman ay madalas pang wala sa mood at ina-away ang kanilang ama.

Isa itong malaking pala-isipan kung kaya't kinuntsaba ni Rain ang malapit niyang pinsang si Jannaleen para maging mata niya kapag nasa trabaho ang ina. Kapwa kasi sa Sevilla's building nagtatrabaho ang dalawa, mas mataas lang ang posisyon ng kaniyang ina dahil secretary ito ni Mr. Sevilla, pero mas kilala sa opisina bilang "sexytary" because her job does not end on what the company requires her to do.

Reina is more than a pretty face, but also a wise and skilled woman. For Rain, her mama is everything. Her role doesn't end with preparing their meals, cleaning the house, or doing the laundry. For Rain, she's the best! The epitome of perfection that she's been looking up to since she was a kid... So, to hear these accusations and issues shattered not just her heart, but also her soul into millions of pieces.

Hindi iyon magagawa ng kaniyang ina!

Bukod sa paghanga niya dahil sa katauhan nito'y saludo rin siya sa pagmamahal nito sa kaniyang papa, their love is something that really can move mountain and would last until death. Rain trusted their love and loyalty to each other.

Ilang beses niya ring ipinagsawalang-bahala ang mga naririnig niya sa kaniyang pinsan, subalit heto na ngayon ang proweba. Nasa harapan na niya ang isa sa mga patunay na hindi na mahal ng kaniyang mama ang papa niya. It feels painful, scary, and traumatizing at the same time. But beyond that is the anger that she wants to contain because after all, Reina is still her mother and she should respect her.

"Ate, please..."

Nang mag-umpisang manubig ang mata niya'y yumukod na lang siya para mahigpit na yakapin ang kapatid niyang nag-uumpisa nang magwala sa kaniyang tabi. Mapanakit ang bawat suntok nito sa kaniyang braso, pero hindi roon nasasaktan si Rain o nadudurog.

Nonetheless, she stayed embracing Wind with her warm arms while planting deep kisses on his head. That used to be her way to calm him down every time he was throwing tantrums because of their parent's fights. Alam ni Rain na makakatulong iyon kay Wind, dahil iyon din ang hiling niya sa tuwing nasasaktan siya at nalulungkot. Subalit dahi walang gagawa no'n para sa kaniya ay si Wind nalang ang aaluin niya sa gano'ng paraan.

"Magiging okay rin sila, Wind," she whispered like it's a lullaby. "Matatapos din iyan, matulog na tayo."

"Pero, Ate Rain."

"It's okay..." Marahas niyang pinahiran ang mga luha sa kaniyang mata, ngumiti siya kapagkuwan. "Trust, ate. Magiging okay rin ang lahat. I will do everything."

This family would never break, that's what she promised since the day her cousin confirmed her mother's affair to her boss. Nadudurog siya nang malala sa tuwing naririnig niya ang mga kuwento ni Jan, kung gaano kasaya ang kaniyang ina sa piling ni Mr. Sevilla habang impyerno ang tingin nito sa tabi ng kaniyang papa. Kung ano ang kayang ibigay ng boss nito na hindi mapapantayan ng kaniyang ama... this is unfair!

But Rain knows that she just can't whine all day and all night in the corner like a five-year-old kid, she can't let their family crush down in her face if she knows that she can overstep her bounds just to make things right. Hindi siya papayag na masira lang sila nang ganito, kung ano man ang dahilan ng kaniyang ina sa pagsama-sama nito kay Mr. Sevilla ay tiyak na wala iyong kinalaman sa pagibig. It's just the money alone! Pangit man sa pandinig, it doesn't even sound like her mama because she's never been the materialistic type. But Rain will rather believe it that way than buy the other reasons.

Buong magdamag na umupo si Rain sa gilid ng kama ng kaniyang kapatid habang hinahaplos niya ang buhok nito, tulala ang kaniyang pagod na mga mata sa kawalan. Pigil na pigil siyang huwag humikbi, but her tears went really inevitable. They were as stubborn as her and as annoying as her mama.

Minsan ay napapa-isip na siyang sugurin ito para ipaalam ang kanilang mga hinaing. Their often dispute is not healthy anymore, no matter how Rain tries to understand them. Kung sana ay siya lang ang maapektuhan ay kaya niyang palampasin, subalit nadadamay na si Wind. Ang musmos niyang kapatid na dahan-dahang binabago ng takot na ibinibigay ng kanilang bangayan at ingay.

Rain is working half-day in a cafe every day, and the tasks they have usually drain her energy. Madalas ay maaga siyang natutulog dala ng pagod, ngunit nagbago iyon simula nang mag-iba nalang bigla ang ugali ng kanilang mama. Hindi na siya naging panatag sa tuwing magkasama ang kaniyang mga magulang, hindi na siya naging komportable pa sa tuwing buo sila. Their house doesn't feel like home anymore.

At gabing iyon nga ay isa lang sa napakaraming gabing hindi siya makakatulog ni makaka-pagpahinga dahil bukod sa kagustuhan niyang bantayan ang kaniyang kapatid ay ang katotohanang hindi rin siya bibigyang laya ng kaniyang isip para sa sandaling kapayapaan. Thoughts after thoughts will surely run inside her head which will keep her awake the whole night and make her cry eventually.

Ilang oras ang ipinatak ng orasan sa kaniyang cellphone, nang mawala ang ingay sa kabilang silid ay dahan-dahang umahon si Rain para silipin ang kanilang mga magulang. Kasabay nga ng pagpinid niya sa pinto ni Wind ay ang pagpinid din ng kaniyang mama sa pinto ng silid nila. Hindi lang siya nagulat sa presensiya nito, kun'di pati na rin sa bihis na bihis nitong itsura.

"Ma..." Hindi siya nag-atubiling sundan ito. "Mama..."

The first thing she noticed was her swollen and bloodshot eyes when she once tried to risk a glance at her, but that was quite fast because she's descending the stairs to escape. Dumiretso ito sa pinto, subalit hindi niya iyon kaagad binuksan.

"Ma, aalis ka? Gabing-gabi na."

"Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo, anak. Babalik din ako kapag nakapag-isipisip."

Babalik...

That has been a big word for Rain. Sa tuwing lumalabas kasi ng pinto ang mama niya, malaking katanungan sa kaniyang isip kung babalik paba ito. Everything in their family is uncertain now, it's scary and vulnerable. But she's praying hard, really really hard.

"Saan ka po pupunta? Delikado na sa labas, ma. Hindi ba iyan puweding ipagpa-bukas na lang?"

Her father wasn't around anymore, probably he's at work now. Isa itong supervisor sa isang BPO industry at graveyard shift ito kaya naman madalas na wala ito sa kanilang bahay. Ang lihis na schedule ng kaniyang mga magulang ang tinitingnan ni Rain na sanhi ng pagbabago ng kaniyang ina, maybe she's longing for his warmth at nights like this? Someone, to cuddle or talk with?

But on the other side, hindi rin. Dahil kung matibay ang pagmamahal nito, hindi iyon bibigay sa mga ganitong bagay lang. Maski naman ang papa ni Rain ay nangungulila sa kaniyang ina, but did he commit the same bullshit?

Never a chance.

Kahit kailan ay hindi ito nagalit, gumanti, o nagbuhat ng kamay sa kaniyang ina dahil sa mga ginagawa nito. He's too loose when it comes to her mama. He's too forgiving. He's too weak.

"Sa hotel, o sa bahay ng tita mo. Kahit saan na makakapag-isip ako nang maayos. Basta hindi dito sa bahay."

O baka sa bahay ni Mr. Sevilla?

Matalim siyang umirap ngunit sa distansiya nila at sa dilim ng kinatatayuan nito'y paniguradong hindi 'yon nakita ng kaniyang mama.

"Sinong kasama mo kung gano'n?" Her manners slipped like that, and her tone went a bit rougher. "Sino ang magmamaneho para sa'yo papunta sa hotel o sa bahay nila Tita Tin?"

Si Mr. Sevilla ba?

Nais niya itong diretsahin ngunit may parte sa kaniyang natatakot na marinig ang kompirmasyon sa bibig mismo ng kaniyang mama. Para bang lalo lang siyang mawawasak kapag ang mama kahit pa kumpirmado na rin naman ang tungkol doon, hindi niya kaya!

"Ako na ang bahala sa sarili ko, anak. Pagkaalis ko, i-lock mo agad ang mga pinto at bantayan mo ang kapa—"

"Bakit ba kasi kailangan pang umalis, ma?!"

Oh! And now she's back at being the good mother real quick? That urges her anger to cut her off and raise her voice higher than normal... She's trying to respect her mother, but is she doing the same for them?

Not anymore!

And that thought bruised her heart more triggering back the tears she dried earlier. Pero sa distansiya nila'y hindi rin naman iyon kita ng kaniyang ina, maski siguro malapit ay pipikit lang ito at paninindigang wala siyang nakikita.

"Maghapon kana ngang wala rito sa bahay, Ma! Maski weekend na sana off mo ay kinukuha pa ng Mr. Sevilla na 'yan! Pati ba naman sa gabi na dapat ay kasama ka naming magpapahinga? Suicide job po ba ang pinasok mo?"

That render her of the capability to speak or move, slowly her head hung low like a scolded kid. Para bang may iniisip ito o wala ng maisip na excuse... Subalit imbes na ma-guilty ay napa-ngisi lang si Rain, that's it!

"In time. . .mauunawaan mo rin ako, Rain," anito sa puno ng emosyong tinig at walang-lingon na nagbukas ng pinto para lumabas.

Hindi agad rumehistro sa utak ni Rain ang sinabi ng kaniyang mama.

Mauunawaan ang alin?

That she fell out of love with her papa that's why she's acting this way? Is that even enough reason to hurt them and dispose of like this?

Huli na nang maka-balik si Rain sa sarili, sumarado na ang pinto nila sa sala at wala na rin ang kaniyang mama na naka-tayo roon. Once again, she's left there all alone in the dark, confused and hurt...

Mabigat ang mga mata ni Rain habang naka-halumbaba siya sa counter ng cafe at nanonood sa isang pamilyang nagkakape, ilang dipa ang layo mula sa kaniya. If her guess was right, they came from a jogging and decided to relax for a bit in their cafe. It's been a long time since they've done that kind of bonding with her family, buwan na rin siguro ang bibilangin.

Simula kasi nang ma-promote ang kaniyang ama ay mas naging abala pa ang schedule nito, gano'n din ang kaniyang mama na maski weekends ay kasama ng boss nito. Inuunawa nilang magkapatid na kailangang kumayod nang mabuti ng kanilang mga magulang para sa kanilang kinabukasan, kaya nga't nagtitiis silang magkapatid at ni-minsan ay walang naging reklamo sa dalawa.

It's not that she's lifting a stool, but her parents raised them very well and that's why they'd never encounter heavy problems along the way. Kung tutuusin ay una pa lang sa listahan ang pagloloko ng kanilang ina, at kung magbibiro naman ang tadhana ay ito rin ang pinaka-mabigat na halos sumisira na sa kanila... But no! She won't let that happen.

"But what if she really fell out of love, Rain?" anang matalik niyang kaibigang si Jackie. Kakabalik lang nito galing sa pag-serve ng orders sa isang table. "I mean, it's not the money all this time. Pero hindi siya makaalis kasi nariyan kayo ni Wind, you're tying her up in a place she suddenly felt not belong."

"So, kasalanan pa namin?"

"Not really, pero parang ganoon na nga. Mahal niya kayo ni Wind, pero nahihirapan siya dahil naka-tali siya sa inyo." Ngumuso si Jackie. "But that's just my own opinion, puwede mong tanggapin o kalimutan."

That's bullshit but makes a bit of sense, anyway. Hindi na nito gusto sa kanilang piling kaya't mas pinipili nito ang trabaho kaysa ang makasama sila. And speaking of work, her fist clenched tightly when an annoying memory grazed her head like a bullet and it penetrates her heart. It's when she woke up this morning and prepare everything, yet her mother was still nowhere to be found. Imbes na ito ang maghahanda ng pagkain at ng susuutin ni Wind sa eskwela ay hindi, ang puyat pa nilang papa ang gumawa ng mga bagay na 'yun

Rain can barely remember the last time her mother did the household chores. Sa tagal kasi ay hindi na niya maalala pa at lalo lang siyang nagngangalit sa tuwing naliligaw siya sa kaisipang iyon.

"If they didn't let their libidos urge them to make love, sana wala silang problema ngayon!"

Umirap pa siyang muli sa kawalan, hindi na napigilang ngusuan ang customer na parating. Bigla tuloy siyang natauhan sa pagka-irita niya. Darn it! She has to control herself or else she will attract trouble.

"And she fell out of love while papa is very head over heels for her? Masyadong unfair ang tadhana!"

Her father doesn't deserve this kind of treatment! He doesn't deserve this kind of fate and above all, he doesn't deserve to have someone like. . .her mama!

"Nakakainis..."

"All the more na sana ikaw ang nag-serve noong orders kanina," makahulugang ani Jack habang naka-tayo ito sa kaniyang tabi at naka-titig sa kung saan. "You want some revenge, right?"

Revenge?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status