Share

CHAPTER 2: ANTAGONIST

*****RAIN*****

SHE IS NOT vindictive to do that!

Ang gusto lang ni Rain ay ang makausap si Mr. Sevilla para tapusin kung anuman ang mayroon sa kanila ng mama niya. Hindi rin naman nakikinig sa kaniya ang ina at madalas itong wala sa sarili, kaya naman ang boss na lang nito ang kakausapin ni Rain. But the thing is that she just can't talk to him like that. Their building is heavily guarded, hindi sila nagpapa-pasok ng hindi empleyado o kaya ay kung walang appointment.

And Jack suggested a change of plan... Dahan-dahang tumalon ang mga mata ni Rain sa isang partikular na mesang inu-ukopa ng limang tao na sa unang tingin pa lang ay masasabi mo ng parte ng alta sociedad. Hindi lang dahil sa pananamit, maging sa kanilang mga kilos at pananalita. Subalit nasa iisang tao lang naka-tuon ang mga mata ni Rain.

Only for Arthur James Sevilla also known as Doc. Art, the only son of Alexis Sevilla. The guy is truly a center of attraction; he's a sight to behold and she won't deny that. But watching him having fun with his friends makes her blood boil hotter. So contrary of what other girls feel for him. Kung hindi siguro ito anak ni Mr. Sevilla ay tiyak na titili lang din si Rain sa ka-guwapuhan nito.

But he's connected to his asshole of a father and therefore, he's gonna be part of her new plan... Well, it's actually Jack's plan which she doesn't feel comfortable about. Kaya nga hindi siya sumunod nang utusan siya nitong mag-serve ng kape sa grupo para magpapansin sa binata. Right! Jackie's plan aims to catch that drop-dead gorgeous man's attention as the first step of the bigger plan she has in her cobwebbed mind.

Pero syempre hindi iyon ginawa ni Rain dahil bukod sa hindi pa siya sang-ayon sa plano nito ay hindi niya rin kayang lapitan ang binatang mukhang suplado at masama ang ugali. Yes, he got a set of magnificent green eyes mixed with a burst of sparkling gold which no one can ignore. But also, they held a storm that screams danger for her.

Paano kung sigawan siya nito o murahin?

Well, she's not scared, to begin with... only a little. Pero and magpapansin sa binata para maagaw ang atensyon nito ay para bang hindi niya kakayanin. Hindi siya pinalaki ng mga magulang niya sa gano'ng paraan at isa pa'y hindi rin naman siya sigurado kung kakagat si Doc. Art sa kanilang plano.

"What now?" Jackie elbowed her, dragging her back to her reverie. "Kailan ka gagalaw, Rain? The time is ticking."

"Pero wala naman sa isip ko ang maghiganti, Jack. Hindi naman iyon kailanga—" Her breathing halted when his dark stares were directed in her direction once again. "I mean, biktima lang din si Doc. Art at nasasaktan din ito."

Suplado ba talaga ang binatang iyon o kay Rain lang dahil may alam din ito gaya niya?

"Susmaryosep, Rain." Jackie clicked her tongue. "I though you will overstep your boundaries for your family? Kung sa prinsipyo mo pa lang tungkol sa love ay bibigay kana, paano na ang pamilya ninyo? At si Wind?"

Darn that card, she's using it again!

But she's right, hindi ito ang oras para maging mahina at walang kuwenta. Nangako siya kay Wind na gagawin niya ang lahat para ayusin ang kanilang pamilya at tutuparin niya iyon dahil hindi na niya kaya pang makitang maligalig ang kapatid, natatakot at nasasaktan. Enough is enough!

"Galaw-galaw rin, ate girl!"

"Galaw-galaw?" A voice from somewhere intruded, making them gasp in awe. "Puyat na naman si Rain?"

Parang cellphone na na-recharge si Rain nang malingunan niya ang maamong mukha ni Nate na kaka-pasok lang sa cafe. Mabilis na pinawi ng matamis nitong ngiti ang kaniyang iritasyon at mga pagdaramdam, wala pa itong ginawa maliban sa tingnan siya nang may pag-aalala, subalit bumibigay na naman ang puso niyang marupok.

And who wouldn't be if it's Nate?

Her own version of Jack Dawson from head to toe, down to his smile and the way he takes care of Rain. Hindi naman Rose ang pangalan niya, pero kung i-trato siya ng binata ay para bang sila ang mga bida sa sikat na palabas na iyon.

"Malayo pa lang ako ay tanaw kona kaagad iyang mahaba mong nguso." Halos panawan siyang muli ng hininga nang umuklo ito para titigan siya nang mabuti, his stares can melt an iceberg. "Hindi kana naman naka-tulog?"

"Ano pa nga ba?" singit ni Jack sa gilid. "Nang magpa-ulan ng problema ang mundo ay sinalo ni Rain ang pinaka-komplikado, ayan tuloy!"

Umirap siya sa sinabi ng kaibigan, umirap din ito pabalik dala ng pagkakainis dahil nawawala na naman siya sa kaniyang sarili dahil sa presensiya ni Nate. Well, Jack knows everything about her. Wala pa siyang sinasabi ay alam na nito, kaya nga't ito rin ang unang naka-huli sa kaniya nang magka-crush siya kay Nate. Suportado naman siya nito, maliban lang sa kabaliwan niya sa tuwing nasa paligid ang binata.

"Tsaka may event 'yung kapatid sa Lunes at walang makakasama dahil parehong wala sina tito at tita." Kumindat naman ito ngayon. "Start na ng leave mo 'yun, hindi ba?"

Nang ma-realize ni Rain ang pahiwatig ng baliw niyang kaibigan ay mabilis niya itong pinanlakihan ng mata para balaan. Malaki na ang nagiging abala nila ni Wind sa binata, malapit kasi ang dalawa kaya naman sa tuwing may kailangan si Wind at kaya nitong gawan ng paraan ay si Nate ang kumikilos. He's their savior, her knight without shining armour. But that doesn't mean they have to take advantage of that.

"Baka puwede kang sumaglit?" dagdag pa ni Jack. "Ilang oras lang naman iyon."

"Pero importante rin ang lakad ni Nate. Gagawan ko na lang siguro ng paraan."

"Paano?" Nagtaas ng kilay si Jack. "Wala si Nate, at dahil a-absent din si Donald sa parehong araw ay hindi ka puweding umalis nang maaga."

Sandaling napa-isip si Nate sa kaniyang puwesto, nang may customer na lumapit ay mabilis nitong ginawa ang kape nito. Pinipihit nito ang mga button sa coffee maker nang magsalitang muli.

"Two o'clock pa naman 'yung kasal sa Lunes, at hindi rin naman ako kasama sa entourage kaya hindi big deal kung male-late ako."

Humilig si Jackie sa countertop. "And that means?"

"Sige, ako na ang bahala kay bunso." He smiled so brightly. "I will be there."

"Okay lang ba talaga, Nate?"

"Oo naman... Basta para sa'yo," anitong nagmitsa ng pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. "There your smile now, lalo kang gumaganda kapag naka-ngiti."

At hindi na naman mapigilan ang pagko-concert ng puso ni Rain sa loob ng hawla nito dahil sa simpleng sinabi ng binata. Kung may microphone lang siguro ang puso niya'y baka dinig na ni Nate kung gaano siya nito pinagsisigawan and that would be the most embarrassing moment of her life.

"Salamat, Nate," aniya rito. Naka-talikod si Nate dahil abala ito sa paggawa ng kape, kaya naman malakas ang loob ni Rain na titigan ito. Maski ang matitipuno nitong mga balikat ay hindi nakaka-sawang tingnan, lalo pa siyang napapa-ngiti. "I really owe you so much. Sana makabawi rin ako sa'yo isang araw."

"No need, ano kaba!" Isinilid nito ang mga orders ng shake at cake bago siya harapin. "But if I will collect payment one day, hindi iyon pera."

"Really" Sandaling nag-loading ang kaniyang isip. "Ano pala?"

Ngumiti nang nakakaloko si Nate at kumindat. "That's a secret for now. Malalaman mo kapag tinanong na kita, but for now..." Itinulak nito ang tray patungo sa kaniya. "... kindly serve this order on that table."

Sabay nilang nilingon ang mesa nina Doc. Art, medyo nabahaw ang ngiti niya dahil sa muling pagsipa ng kaba sa kaniyang dibdib. Pero hindi gaya kanina, hindi na niya puweding tanggihan si Nate. Abala na rin si Jackie sa paglilinis ng tables kaya naman siya lang ang puweding maghatid nito.

"And take note! Sa floor maglakad at hindi sa ulap," paalala nitong nagpa-init sa kaniyang pisngi. "Careful, Rain. Ayokong manuntok ng sahig kapag sinaktan kana naman niyan."

That sounds so sweet of him, but Rain walks away silently. Hindi niya alam kung paano magre-react sa biro ng binata. Kasalanan itong lahat ni Jackie! Palagi kasi siyang inaasar ng kaibigan sa tuwing nasa paligid si Nate kaya naman maski ito ay nahahawa na... But what she likes about it is that he gets to have a slight grasp of her feelings toward him. That's a clue.

Pero ang tanong ay napapansin nga ba iyon ni Nate?

Hindi naman bulag si Nate, medyo manhid. Pero sa ikinikilos ng binata nitong mga nakaraang linggo ay para bang may alam na ito, ngunit tila wala lang iyon sa kaniya dahil imbes ay ginagawa lang biro ni Nate ang tungkol doon. Maybe Billy is right? She is just a younger sister to him whom he wants to take care of. Nothing more. Hindi gaya ng mga pahiwatig ng malisyosang si Jackie.

Well, gano'n naman talaga. We cannot expect the people we love, to love us back. Karamihan ng paghanga at atraksyon ngayon ay hindi nasusuklian.

Unrequited ba?

*****ART*****

"Miss, dito 'yan!"

Nag-umpisang lumakad pabalik ang kabado at tila wala sa sariling dalaga nang lampasan nito ang kanilang mesa. Matipid itong ngumiti at humingi ng paumanhin, si Shane na isa sa mga kaibigan ni Art ang nag-entertain dito habang ang iba sa kanilang mesa ay nag-umpisang pag-usapan ang anak ng babaeng kasalukuyang na-uugnay sa kaniyang ama.

"That girl is so pathetic," Jane started it out. "I thought 'sexytary' is just a piece of joke, hango lang sa malilikot na utak ng mga writers sa libro o palabas. Can't believe someone's really playing that role, such a slut!"

"Jane," awat dito ni Art.

But she just took it lightly, like there was nothing wrong with her language.

"I was just telling truth here, Art. That b*tch is a homewrecker, she's causing your family an issue and I feel bad for Tita Janella. She doesn't deserve this." Umirap pa ito kay Rain nang magtama ang kanilang mga mata. "So annoying, right?"

Bumaling ito kay Art para humingi ng suporta, ngunit abala na ang kaniyang mga mata sa paninitig kay Rain na nag-uumpisa nang mawalan ng kulay at ngiti sa mukha. This is a bad idea!

But his friends weren't done yet, dahil sinalo pa ni Josh ang pahayag ng ni Jane na lalong nagpa-init ng ere sa paligid.

"You're very right, Jane. I heard that the secretary is an intelligent woman, pero nasaan ang utak nito nang patulan niya ang kaniyang boss? And I would bet it wasn't Tito Alexis who initiated this insanity because Tita Janella is almost perfect that he won't ask for anything anymore."

"I think so too," si Shane naman na kakatapos lang tikman ang kaniyang mocha cake. "But let's not be one-sided here. I mean, we don't know the whole story yet."

"Even so!" si Jane na mukhang nada-dala ng kaniyang emosyon. Well, she's close to Art's mom and that explains her loyalty. "Stop it with your psychology and let's be realistic here, Shane. Tita Janella has everything a man could ask for, pero madalas ay daig ng malalandi ang mga magaganda. Kaya kung bakit ito nangyayari ay paniguradong magaling ang sekretaryang iyon. I've seen her once, she's nowhere near tita but could pass for a f*ck buddy."

Nagkaniya-kaniya pa ng komento ang kaharap ni Art sa mesa, subalit hindi na siya naka-sunod dahil naging abala na siya sa panonood sa anak ng kabit ng kaniyang ama na noo'y nagmamadaling umalis sa kanilang mesa. Halata ang pagiging balisa ng mga kilos nito, but she's trying hard to stay sane and smile at other customers.

Meanwhile, Art was left unmoving for a bit while. His fist was clenching hard under the table. Hindi niya alam kung saan siya maiinis, sa sarili ba niya? Sa kaniyang daddy? Kay Reina? O sa mga kaibigang dinala niya sa cafe na iyon para iparinig kay Rain kung gaano kasama ang tingin nila sa ina nito?

But that's the plan all along, that's what he wanted to happen when he visited the cafe since day one. Madalas na laman ng isip niya ang pagtatalo ng kaniyang mga magulang na siya niyang inabutan sa kaniyang pagbabalik mula sa ilang taong pag-aaral sa ibang bansa, not a good sight to see and Art felt livid since that time. It wasn't the first time they fought like that because of his father's habit of womanizing, but this one is a special case and he has to do something to prevent the fire from igniting more.

If he has to be an antagonist, he will...

"My God, Alex! Ang tanda na natin pero bakit hindi ka man lang magbago? Wala kang pinagka-tandaan."

Iyon ang nabungaran ni Art sa kaniyang pagdalaw sa kanilang mansion matapos ang ilang oras niyang duty sa hospital at pag-sign ng mga papeles mula sa Sevilla's building. Lalo lang sumakit ang ulo niya sa sigawan ng dalawa, but the gasps after his mother's words are a sign that they were in the middle of their argument now.

"Iyon na nga, Ja! Ang tanda na natin pero hindi ka pa rin masanay-sanay sa akin," his dad in his annoying deep voice.

This is the ultimate reason why he chose to move out of their house and find a place that feels homey than their huge mansion. Their deafening brawls actually bestowed him the power to picture the scene without looking at them, like his mother's blazing eyes burning his father while complaining of things that his father never heed any attention to. In fact, he's not doing anything but escape whenever he has a chance to or sometimes head to the kitchen for a glass of wine while listening to the music of her nags.

"If it was just your habit of womanizing, I'm used to that, Alex! Matagal ko nang tinanggap na hindi na mawawala 'yun sa katawan mo. Pero ang magpabalik-balik ka sa kaniya..." Natatawang huminto ang ginang sa pagsasalita, and her laughter was laced with sarcasm and pain. "My God, Alex!"

"And I'm used to your nags, Ja." His father barked in laughter as well. "Walang araw na dumaan na hindi mo'ko pinaulanan ng paninisi sa nangyayari sa relasyon natin at sa pamilya natin. I'm used to you! You closing your door! You closing your mind! Janella, matalino kang tao. But why the hell can't you understand that I'm just doing this for the sake of our friends—"

"Only because that reason is a big bullshit!" his mom fired like the dragoness she used to be. "You and your goddamn reasons are both bullshits, Alex!"

"At kailan ba naging matino para sa'yo ang mga dahilan ko? Simula pa noon, ikaw na palagi ang tama. Ikaw na palagi ang nasusunod. Ikaw na lang palagi, Ja! Kailan ba'ko nagkaroon ng tamang ginawa sa mga mata mo?" he chided not with anger but with pain.

"You're really unbelievable, Alex!" she said in defeat.

Eventually, their drama ended and the last noise that reached his ear was the door slamming like deafening thunder.

Oh, what a scene it has been!

Nang tuluyan nang tumahimik ay tsaka pa lang umakyat si Art sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kaniyang ama. Dumaan lang talaga siya para ihatid ang signatory documents mula sa kanilang kompaniya, hindi na kasi nakakapag-focus ang daddy niya sa trabaho dahil sa mga pinaggagawa nito sa lumipas na mga araw. So, most works was left to him to do.

But it seem that his father wasn't in a good shape to sign the documents. Those are not rushed, anyway. So, Art decided to just leave those for a while. But his father didn't let him go easy, it shock his core when tears stream down his closed eyes.

Kita niyang langong-lango sa alak ang kaniyang daddy, subalit hindi naman ito umiiyak nang ganito noon. May ideya na siya kung bakit at iyon nga ang hiniling nito habang nagmamakaka-awa sa kaniyang tulungan ang kaibigan nito sa kaniyang sakit. It's a stage 4 brain cancer, the malignant type, and was diagnosed to live for maybe a couple of months or so.

There's a bullet of tears forming at the sides of his closed eyes, his lips were swollen and his nose is red. Nag-aagaw na ang pagod at antok sa kaniyang mukha, subalit patuloy lang ito sa pagkapit sa kaniyang coat at pagmamakaawa.

"Art, my son... please, tulungan mo siya!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status